Matapos ang sunod-sunod na mahihirap na play at ang huling pito ng referee, natapos din ang tryouts. Pawis na pawis si Liam at hingal na hingal habang naglalakad patungo sa gilid ng court. Nang makita ang kalagayan ng kasintahan, hindi na nag-atubili si Thea. Agad siyang lumapit bitbit ang isang malinis na bimpo at bote ng tubig. Lumapit siya kay Liam at dahan-dahang pinunasan ang mga butil ng pawis sa mukha nito. Sa laki ni Liam, nakakatawang tingnan na hinahayaan lang niya si Thea na asikasuhin siya—mukha talaga siyang isang dambuhalang bata na sinusuyo ng kanyang ina. "Nakita mo 'yun, baby?" bungad ni Liam, hingal pa rin pero may kasamang malawak na ngiti. "Ang galing ko, 'di ba?" Natawa nang mahina si Thea habang maingat pa ring pinupunasan ang noo ng kasintahan. "Oo naman, ang gali

