Chapter 87

1139 Words

Matapos ang halos dalawang oras na puspusang scrimmage, pumito na ang coach para sa pagtatapos ng practice. Basang-basa sa pawis at hingal na hingal na naupo ang magkapatid sa bench, kaniya-kaniyang salo ng binitawang energy drinks at bimpo. "Ganda ng pasang 'yun sa ilalim, Kuya. Akala ko hindi mo na makukuha," wika ni Liam habang nagpupunas ng mukha. "Kahit nakapikit ako, alam ko kung nasaan ka sa court, Liam," sagot ni Lucas. Seryoso ang kaniyang mukha pero bakas ang pride sa boses. "Pero kailangan mo pang bilisan ang lateral movement mo sa depensa. Kung mabilis ang guwardiya ng kabilang department sa actual game, maiiwanan ka." "Opo, Bossing. Sabi ko nga, magpapakondisyon pa," natatawang sagot ng bunso. Habang nagpapahinga, napansin ni Liam ang ilang mga teammate na nag-uusap sa dul

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD