Pagkapasok ni Thea sa kanilang bahay, tahimik na ang sala at patay na ang karamihan sa mga ilaw. Dahan-dahan siyang umakyat patungo sa kaniyang silid upang hindi magising ang kaniyang Mommy. Nang maikabit niya ang lock ng kaniyang pintuan, mabilis siyang nagpalit ng pambahay at nahiga sa kaniyang kama. Inilagay niya ang kaniyang kamay sa ibabaw ng kaniyang dibdib. Nararamdaman pa rin ang mabilis na t***k ng kaniyang puso habang inaalala ang bawat segundo na kasama si Liam sa nakalipas na tatlong araw. Bahagyang umilaw ang screen ng kaniyang telepono. Isang bagong mensahe mula kay Liam. "Nakarating na ako sa bahay, baby. Dumating na rin si Tita galing sa seminar. Nakahiga na ako ngayon sa kama ko… pero sa kwarto mo pa rin lumilipad ang isip ko." Napangiti si Thea at mabilis na nag-type

