Sumapit ang ikatlong araw ng Engineering Week at mas lalong naging makulay at maingay ang paligid ng unibersidad. Ito ang araw ng Mr. and Ms. Engineering, kaya naman pinalubog ng mga naggagandahang props, makikinang na kasuotan, at kanya-kanyang hiyawan ng mga batch ang buong gymnasium. Sa kabila ng ingay ng coronation pageant na nagaganap sa kabilang dulo, nananatili si Thea sa kaniyang puwesto sa Wellness Booth. Mas marami silang hinarap na pasyente ngayon—mga kandidatong nahihilo dahil sa sikip ng costume, mga coordinator na sumasakit ang ulo sa schedule, at mga estudyanteng pagod sa kaka-cheer. Ngunit sa buong umaga, may isang bagay na kapansin-pansin sa booth: walang Liam sa tabi niya. Hindi tulad noong nakaraang dalawang araw na nakabantay at pilyong nagpaparinig ang binata, bakan

