Chapter 70

1198 Words

Napabuntong-hininga si Lucas. "Hindi ko intensiyon 'yun, Thea… na makita niya. Personal na gamit ko ang phone at laptop na 'yun." "Kahit pa, Lucas. Alam mo bang sobrang sama ng loob ni Liam kahapon?" wika ni Thea, bakas ang bigat sa kaniyang boses. "At nasasaktan akong makita siyang ganoon." Hindi kumikibo si Lucas. Nanatili siyang nakatungo habang ang kaniyang hawak na clipboard ay dahan-dahang ibinaba sa kaniyang tabi. Ang ingay ng hiyawan mula sa pageant sa loob ng gym ay tila naglaho, at ang tanging narinig na lang niya ay ang mariing katotohanan mula sa mga salita ni Thea. "Hindi ko gustong saktan si Liam," mahinang sagot ni Lucas matapos ang ilang sandali ng katahimikan. Sa wakas ay nag-angat siya ng tingin at doon nakita ni Thea ang halo ng pagsisisi at pagod sa mga mata ng Stude

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD