"Kaya bawal tamarin," wika ni Liam habang may determinadong ngiti sa mga labi, sabay abot ng helmet kay Thea nang makarating sila sa kaniyang motor. Natawa nang bahagya si Thea habang tinatanggap ang helmet. "Hindi naman pagiging tamad kung paminsan-minsan ay tutugtog ka, Liam. Siyempre, kailangan mo rin ng outlet para mag-relax. Alam kong stress-reliever mo ang musika." Isinuot ni Liam ang kaniyang sariling helmet bago sumakay sa motor at lumingon sa kasintahan. "Alam ko naman, baby. Pero iba na kasi kapag nasa banda. Nangangailangan ng oras ang rehearsal, gig, at puyatan. Sa ngayon, mas gusto kong ibigay ang natitirang libreng oras ko sa iyo kaysa sa mga praktis ng kanta." Sumakay na si Thea sa likod atipinilitt ang kaniyang mga bisig sa baywang ni Liam. "Salamat, Liam. Pero seryoso a

