Isang taon ang mabilis na lumipas matapos ang gabing iyon sa paliparan. Sa loob ng unibersidad, marami na ang nagbago. Si Liam na ngayon ang tumatayong kapitan ng koponan, bitbit sa kaniyang braso ang lumang wristband na iniwan ni Lucas. Wala na ang mainiting ulo at ang pagiging basagulero; napalitan ito ng disiplina at kalmaddong pag-iisip na natutunan niya mula sa kaniyang kuya at sa paggabay ni Thea. Isang hapon, matapos ang isang matinding laro kung saan muling nasungkit ng kanilang koponan ang panalo, naupo si Liam sa pamilyar na bench sa gilid ng court. Hinihingal siya ngunit may malawak na ngiti sa mga labi. "O, uminom ka muna," nakangiting wika ni Thea sabay abot ng isang bote ng malamig na tubig. "Salamat, baby," sagot ni Liam. Binuksan niya ang bote at uminom bago hinawakan n

