Chapter 82

1227 Words

Kinabukasan, araw ng Sabado, eksaktong alas-tres ng hapon. Medyo may kalamigan ang simoy ng hangin at saktong-sakto ang sikat ng araw sa tapat ng bahay nina Thea. Biglang huminto ang pamilyar na tunog ng motor sa tapat ng gate. Nandoon si Liam. Ngayong araw, nakasuot lang siya ng simpleng puting T-shirt, maong na pantalon, at rubber shoes—malinis, mabango, at halatang pinaghandaan ang pagpunta. Sa kaniyang kanang kamay, hawak niya ang isang simpleng bouquet ng mga paboritong bulaklak ni Thea. Sa kabilang kamay naman, may bitbit siyang isang supot ng premium dog treats na may nakasulat na “For Suri”. Bago pa man siya makakatok sa gate, narinig na agad ni Suri ang kaniyang motor. "Arf! Arf! Arf!" Patakbong lumapit ang aso sa gate, Kumakaway ang buong puwitan sa tuwa. Sa pagkakataong ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD