CHAPTER 28

1012 Words
LEON'S POV "Nandito lang ako mahal ko, palagi okay? Kahit paglayuin man tayo ng kapalaran, mananatili akong nagmamahal sa iyo," sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya, dahilan para tumingin ako sa mga mata niya. "Talaga?" pagtatanong ko. "Oo, pangako," sabi niya. Kitang-kita ko ang senseridad ng kaniyang mga sinasabi sa mata pa lang niya na nangungusap. Ang sakit sa akin na mawala itong babaeng ito. Natatakot akong isang araw, hindi na ang perpektong mga mata niya ang masisilayan ko, hindi na perpektong mga ngiti niya ang masisilayan ko, hindi ko na madarama ang kaniyang presensya. Pabagalin niyo muna ang sandaling tititigan namin ang isa't isa, gusto ko munang sulitin ito. Matitigan ng malapitan ang babaeng hindi ko ienexpect na mamahalin ko na'ng ganito. Upside Down by 6cyclemind is playing inside my head. "Brea, ang ganda mo talaga," sambit ko. _______________________________________________________________________________________________ BREA'S POV Staring challenge kaya ito? Ano na kaya iniisip niya sa akin? Siguro mananaginip siya tapos marerealized niya na ang pangit ko talaga. Siguro binibilang niya mga pores ko? "Brea, ang ganda mo talaga," biglang sambit niya dahilan apra mapatigil ako kakaoverthink. Napatingin ako na'ng maigi sa mga mata niya na nangungusap. Napaibaba ang tingin ko sa mga labi niya. Sheeett, tama na. Ang landi mo talaga, gago ka girl. Iniwas ko ang tingin ko. "HAHAHAHAH, nababaliw ka lang kaya nasasabi mong maganda ako," sabi ko. "Hindi ah," sabi niya. "Sige nga kiss mo nga ako sa cheeks kung totoo," paglalambing este panghaharot ko. *he kissed me on my cheeks. Enebeeeee.. "Yieeee is---," Paharap pa lang ako sa kaniya na'ng biglang hahalik pa pala siya kaso sa labi dumampi. Putangina! Nanigas ako doon. First Kiss ko iyon. Nagulat din siya. "Hala myy sorry, dadamihan ko sana kiss mo sa cheeks para maniwala ka," pag-eexplain niya. Nanahimik lang ako. Grabe, ganoon pala ang kiss ng pag-ibig. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Sobrang ackkkkk. ____________________________________________________________________________________________ LEON'S POV Hindi ko sinasadya na mahalikan siya sa labi. Pero smack lang iyon. Ngayon hindi niya na ako pinansin. Anong gagawin ko? Malaki respeto ko at hindi ako nagfifirst move unless hihilingin katulad ng kanina, sabi niya ikiss ko siya sa cheeks eh. "Sorry Myy, sorry mahal ko," sabi ko. _______________________________________________________________________________________________ BREA'S POV Grabe. Sorrrrrryy skies and heaven and earth. Nagsorry siya sa akin. Tumingin ako sa kaniya. "Okay lang iyon, nagulat lang ako," sabi ko. "Sorry talagaaaa, hindi na mauulit," sabi niya. "First kiss mo ba iyon?" pagtatanong ko sa kaniya. :Lumalakas bigla ang loob ko. "Oo," mahina niyang sabi. "Eh 'di dagdagan natin," sabi ko sabay hila sa kaniya at hinalikan siya sa paraan na nakikita ko sa korean drama at paraan kung paano dinidescribe sa w*****d. Nagulat ko kasi gumanti naman siya na'ng halik. We kissed each other with full of love, passion and gentleness. Nauubusan na ako na'ng hininga kaya tumigil ako. Napatingin lang ako sa kaniya. Nakatingin lang din siya sa akin. ___________________________________________________________________________ Lumayo na muna ako, sobra akong nagugulat sa kalandian ko eh. Pero hindi iyon tawag ng kaharutan or kalandian ah? Accckkkk. Tangina kalma Brea. So ang sitwasyon ko ay lumapit ako sa may bag ko at kunwaring may hinahanap. "Sorry, Brea, sorry," sabi ni Leon. "Ahh, wala iyon, ahm uuwi na ako," sabi ko. "Sige, ihahatid na kita," sabi ni Leon. "Ahm, huwag na," sabi ko. Ilang na ilang ako sa kaniya. Hindi ko siya magawang tignan. Ewan ko, ako naman nagfirst move pero ako pa nailang. Pota! "Huwag ka na magalit sa akin sorry na, ano bang gusto mong gawin ko para hindi ka na mailang or magalit?" pagtatanong ni Leon. "Lumayas ka muna sa paningin ko, sa mundo ko," bigla kong sabi dahilan para mapatigil ako. Pakshet bakit ko naman sinabi iyon???? "Ganoon ba? Sige," sabi ni Leon. Tangina anong gagawin ko? Susuyuin ko ba? Sasabihin ko bang joke lang yo'n? Ay bahala na, ayokong manuyo HAHAHAHAHAHAHHA. "Alis na ko," pagpapaalam ko sa kaniya. Hindi ako tumingin sa kaniya, nakatingin lang ako sa sahig. Hindi siya sumagot. Nakatalikod pa rin siya. Potaaa?? Tinignan ko na siya at nakita kong tumingin siya sa akin sabay alis ng tingin at senyas ng okay. Umalis na ako. Nag-paalam na ako kay Tita. Naawkwardan kasi ako. Ewan, bahala na matutulog na ko. ________________________________________________________________________________________ LEON'S POV "Kuya Leon, nandito na po sila Franky," sigaw ng kapatid ko. Ngayon pala kami mag-iinuman. "Ge, paakyatin mo," malamig kong sabi. "Akyat na daw kayo SABI NA'NG KUYA KONG BROKEN!" sigaw ng kapatid ko. Mainit lang talaga ulo ko ngayon kaya hindi ko na pinansin ang pang-aasar ng kapatid ko kasi baka mamaya kung ano pang maiact ko. "Boss, kamusta? Kanina ka pa ganiyan sa room ah?" pagtatanong ni Franky. "Sabay kayo umuwi kanina ni Brea diba? Nakita ko kayo eh," sabi ni Miggy. "Nag-away ba kayo? Huwag kayong susuko gagi, iinom natin iyan," sabi ni Kevs. Lumingon ako sa kanila gamit ang nanlilisik kong mata. Sobrang kumukulo talaga dugo ko ngayon. "Leon?" naputol ang sasabihin ni Dee. "Wala na'ng puro tanong," madiin kong sabi. "Leon?" Napalingon kaming lahat kay Arvs. "WAIT LANG HINDI AKO MAGTATANONG, HIHINGIIN KO LANG WIFI PASSWORD NIYO, PACONNECT," sabi ni Arvs. "Gago ka HAHAHAHAHH," napatigil sa pagtawa si Kevs no'ng tinignan ko siya na'ng masama. "Akin na," sabi ko sabay lagay ng password. Magtitimpla sila na'ng gin pero pinigil ko bigla. "Huwag niyo na haluan, puro na," sabi ko. "YES!" "HA?" "LUH? "EH?" "Sure?" "Sabay-sabay talaga? Oo sure ako, tara walwal, walang pasok naman bukas eh," sabi ko. Uminom na kami habang nagpapamusic. Chill lang. Hindi ko na ,una hinawakan ang phone ko at hinayaan kong magselfie si Arvs don. Maganda daw kasi quality ng phone ko kaya puro selfie pang-send sa mga jowa nila. Minsan ang iba sa aming mga boys parang mga babae, kung makapagphoto shoot wagas. Tinatagay ko lang ang purong gin. Mahirap naman ako malasing, I mean it takes 5-6 bottles bago ako malasing. "Ikaw na lamang katabi, ngayong gabi," sabay-sabay nilang kanta. Nakadekwatro lang ako habang nakasandal ang kaliwanag kamay sa katabing upuan at ang kanang kamay ko'y may hawak na shot glass.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD