CHAPTER 27

1427 Words
BREA'S POV Natapos na ang lahat ng ginagawa nila at natapos na time ni Ma'am. "Guys magsorry tayo tapos pakitaan niyo na'ng nakakaawa look si Ma'am kapag lumabas," senyas ni Hannah. "Gege," sabi namin. Lumabas na si Ma'am. Hindi man lang kami tinignan. "Attitude???" sabat ni Josh. "HAHAHAAHAHAHAH," tawanan namin. Pumasok na kami sa room. "We're back! HAHAHAHAHH" sigaw ni Hannah. "EYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!" reply ng mga buang naming kaklase. "AHHAHAAHAHAHAHAHA," nagtawanan na lang kami at kaniya-kaniyang balik sa upuan. Hindi ko na muna pinansin si Leon at lumipat na naman ako na'ng upuan at pumunta kami ni Joy kay Abby na naglalatag ng manila paper sa sahig. "Matutulog ka?" pagtatanong ko. "Oo, wala daw si Sir Quinto eh, eh 'di matutulog na lang ako," sagot ni Abby. "Mayroon ka pa ba diyang manila paper? Pahingi, matutulog din ako," sabi ni Joy. "Doon oh, sa bag kunin mo," sabi ni Abby. So pumunta si Joy at kumuha na'ng manila paper. "Ako din," sabi ko. So naglatag na kam. Nagtanggal kami na'ng sapatos at pumwesto katabi ni Abby sa likod. Binuksan namin ang payong namin para hindi kami masilipan or makita since nakapalda nga kami at kaniya kaniya kaming tulog. Habang nakahiga ako, nakikita ko ang mga kaklase kong babae na nagbibraid ng buhok, yo'ng iba nakigaya na rin at natulog din. Yo'ng mga boys naglalaro, nagigitara, nagkukwentuhan. Pumikit na ako para matulog. "Gagoooo, tayo na nandiyan na si Ma'am," sabi ni Rose. Mabilis akong dumilat at bumangon. Tulog pa rin si Joy. Si Abby naman nakayuko. Sinipa ko si Joy. "Te, gising, nandiyan si Ma'am, mukhang maguguidance na naman tayo," sabi ko. Agad siyang namulat at yumuko. Nakita kaya kami? "What are you doing girls at the back?" pagtatanong ni Ma'am. Agad kong hinablot ang book ng kaklase ko sa English na nakalapag sa ilalim ng upuan niya. Nag-act ako na kunwari nagbabasa ako at tumayo ako bumalik sa upuan ko. Mukhang naconvince ko sa act ko si Ma'am. Si Joy naman AHAHAHAAHAHAHAHAH May dalang walis, si Abby nagliligpit ng umbrella at may dalang dust pan. HAHAAHAHAHAHAH Panis, kaniya-kaniyang lusot. Natatawa na siguro ang mga ito sa isipan nila. "So start na tayo sa klase," Ayan na, nagsimula na si Ma'am magklase. ___________________________________________________________________________________________ BREA'S POV "Dyy, kukunin namin Id namin sa guidance ah? Wait lang," pagpaalam ko. Tumango lang siya. Ano ba kasing problema no'n? May nagawa ba ako? Hindi pa naman ako marunong manuyo. Simula no'ng sinagot ko siya kahapon naging ganito na. What if hindi ko na lang siya sinagot? "Te, ang tahimik pa rin ni Leon ah, LQ pa rin kayo?" pagtatanong ni Joy. "Hindi ko alam doon, wala naman kaming pinag-awayan tsaka kapag tinatanong siya wala naman siyang sinasabi," sabi ko. "Baka nagseselos," sabi ni Abby. "Anong selos eh wala naman akong nilalapitan na boys," sabi ko. "Eh 'di tanungin mo," sabi ni Abby. "Ang kulit, hindi nga nagsasabi eh," sabi ko. Nasa may guidance na kami. "Ma'am, yo'ng Id po namin," sabi ni Abby. "Next time hindi na ibabalik itong mga Id niyo ah, tsaka itong cellphone saka lang ito makukuha kapag parents na ang nandito, understood?" sabi ni Ma'am Ignacio. Guidance Councelor namin. "Opo," sabi naming lahat. Lumabas na kami. Ramdam kong kumukulo ang dugo ni Joy dahil hindi niya nakuha ang phone niya. "Potangina na 'yan, hindi tuloy kami makakapag-usap ng bebe ko mamaya," reklamo ni Joy. "Okay lang iyan, bukas papuntahin mo parents mo makukuha mo na iyan, sesermunan ka nga lang. Konting tiis," sabi ko. "Ang galing mo eh noh? Sarap saktan," sabi ni Joy. So nagkahiwa-hiwalay na kami, si Abby pumunta sa left side, si Joy sumakay na at ako tumatakbo papuntang Manggo Tree kung nasaan nakaupo at nakatulala si Leon. "Dyy," sabi ko. "Tara na," sabi niya. "Okay ka lang ba talaga?" pagtatanong ko. "Oo," sabi niya. "Huwag ka magsinungaling," sabi ko. "Hindi ah, okay lang ako,." sabi niya. "Tara tambay tayo sa inyo muna, pag-usapan natin iyan," sabi ko sabay hila sa kaniya. Maaga-aga pa naman eh so okay lang iyon. Pumunta na kami kila :Leon. Lutang pa rin siya. "Hello po, magandang umaga po Tita," sabi ko. "Magandang Umaga din," sabi na'ng mama niya. "Ma, may gagawin lang po kaming school activities," matamlay na sabi ni Leon. "Oh sige," tumingin sa akin ang mama ni Leon na parang nagtatanong kung anong nangyari. Nauna na si Leon. "Tita, nagkaproblem po ba kayo dito sa bahay niyo? Kanina pa po siya ganiyan, sobrang lutang sa room, parang matindi ang pinoproblema tsaka sobrang cold po. Tinanong ko siya kung okay lang siya, sabi niya oo daw po. Eh wala naman po kaming problema or pinag-awayan kaya wala akong maisip na rason if ako nga yo'ng problem," sabi ko. "Wala naman, hindi ko rin alam, pagising niyan kaninang umaga matamlay na iyan eh. Ako na bahala be, sabihan ko na lang siya mamaya," sabi na'ng mama niya. "Sige po, ahm Tita, akyat na po ako ah, gagawin pa po namin ang ibang activities eh," sabi ko. "Sige be, sabihan niyo ko kapag nagugutom na kayo," sabi ni Tita. "Hala, salamat po pero okay lang po, thank you po," sabi ko sabay yuko at umakyat na. Mahilig talaga ako magbow kapag nagpapasalamat. Pag-akyat ko sa room ni Leon, nakapagbhis na siya. "Oh T-shirt ko, diyan sa comfort room magbihis ka muna, balik mo na lang mamaya ang uniform mo," sabi ni Leon. "Sige Dyy," So nagbihis na ako. Jersey niya ang pinasuot niya sa akin pero pa-t-shirt na jersey niya ito. Ang laki potek HAHAHAHAHAH. Nakapagbihis na ako at sinampay muna ang uniform ko sa sampayan para hindi magusot. Tinabihan ko si Leon na nagkakalkal sa bag. "Tara, tulungan na lang kita sa Physics," sabi niya. "Mamaya, mag-usap muna tayo, ano bang nangyayari sa iyo? May nagawa ba akong mali or ikinalungkot mo? May selosan ba na nangyayari? Ano?" pagtatanong ko. "Wala ah, okay lang ako," sabi niya. "Ano ba Leon? Hindi tayo maaayos kung ganiyan ka," iritableng sabi ko. "Okay nga lang, siguro antok lang talaga ako," sabi niya. "Oh, eh 'di umidlip ka na diyan, ako na bahala umintindi kung paano mo sinagutan ito, kapag may tanong ako itatanong ko na lang sa iyo kung gising ka na," at tumayo ako binitbit ko ang notebooks namin. "Brea," sabi niya. "Uhm," sabi ko habang nakatingin sa sahig dahil uupo nga ako para doon na siya sa bed niya matulog. "Paano kung magfail ako? Mamahalin mo pa rin ba ako sa future?" pagtatanong niya. "Anong klaseng tanong iyan?" pagtatanong ko. "Paano nga?" pagtatanong niya. Pagkaupo ko at inilapag ko ang gamit at huminga na'ng malalim at humarap sa kaniya. "Bakit? May nagawa ka ba? Nambabae ka ba? Nagsasawa ka na ba sa akin? May iba ka na bang gustong mahalin?" pagtatanong ko. "Wala, natatakot lang ako na magkamali or malayo sa iyo," sabi niya. "Ano bang pinagsasabi mo? Direct to the point nga," sabi ko. "Natatakot akong mawala ka, maging ala-ala na lang ako sa iyo, natatakot akong hindi na ako ang poprotekta sa iyo, natatakot akong alalahanin ang bawat araw na lumilipas at wala akong kasiguraduhan kung nandiyan ka pa rin," sabi niya. Nag-ooverthink na naman ata ito. Tumayo ako at lumapit sa tabi niya. Hinipos ko siya sa noo at pinasandal sa shoulder ko. "Dyy. hindi mangyayaring mawawala ako sa tabi mo, once kasi nagmahal ako na'ng totoo, ginagawa ko lahat tsaka alam mo, walang perpektong relasyon, magkakamali at magkakamali ka pero desisyon niyo na iyon kung pipiliin niyo pa rin magpatawad at magmahalan," sabi ko. Naramdaman kong umiiyak na siya. "Dyy, ano ngang issue huyy," sabi ko at iniharap ko ang kaniyang mukha sa mukha ko pero nananatili siyang nakayuko. "Mahal na mahal kita lagi mong tatandaan iyan, lagi ka lang sa tabi ko at lalakas ako, tatapang ako. Sorry kung sad boy ah?" sabi niya. Natawa ako sa sad boy. "Nandito lang ako mahal ko, palagi okay? Kahit paglayuin man tayo ng kapalaran, mananatili akong nagmamahal sa iyo," sabi ko. "Talaga?" pagtatanong niya at saka tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Oo, pangako," sabi ko. Potangina wait lang medyo nacoconcious na ako kasi magkalapit ang aming mukha. May pimples kaya ako, kita niya ba pores ko? Ang pangit ko na ba? Napapansin niya bang hindi pantay mata ko? Mabango ba ako? Oo for sure iyan. Aalisin ko na ba tingin ko? Pero infairness ah, ang ganda ng singkit niyang mata. Napakatangos din tala ng ilong niya. Perfect na manipis ang kaniyang labi, TANGINAAAA anong sinasabi ko? Bakit naman nakarating sa labi ang mga tingin ko???? ______________________________________________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD