LEON'S POV
Nakalipas ang mabilis na panahon at isang buwan na lang at gagraduate na kami. Sobrang nahihirapan ako isipin na kakailanganin ko na ring sabihin kay Brea ang pinagkasunduan namin ni Mama.
Iniisip ko nga kung sasabihin ko pa ba sa kaniya o hindi na.
Ayoko na rin na umasa siya at mag-antay sa akin. Paano kung along the way. may magpakilala sa kaniya at mas higit sa akin?
Masaya kami ni Brea nitong mga nakaraang buwan, ni hindi kami nag-aaway.
Palagi kaming nagtutulungan sa mga gawain sa school, nagtuturuan sa mga lessons na mahihirap at lagi kaming nagbobonding.
Mabuti at hindi mahigpit si Mama sa akin dahil alam niya na may pinagkasunduan kami.
Balak ko pala haranahin si Brea bukas sa school.
Kasalukuyan akong nagugupit ng mga colored papers at syempre nasa kwarto kami kasama ko ang buong tropa ko na sobrang supportive.
"Leon, umalis ka diyan, kami na bahala diyan, humanap ka na sa youtube ng aawitin mo," sabi ni Dee.
"Oo nga, tabi," sabi ni Arvs.
"Ano bang kakantahin ko?" pagtatanong ko sa kanila.
"Kung anong nilalaman ng puso mo yieeeeeeeeee," pang-aasar ni Franky.
"Halaaa HAHAHAH," parang mga bakla kami na nagkakantyawan.
"Seryoso iyon boss, pikit ka, kung anong lyrics ang tumugtog sa isipan mo tuwing makakausap or makikita mo siya iyon ang awitin mo," sabi ni Franky.
"Galingan mo boss," sabi ni Miggy.
"Sintunado nga ako e," sabi ko.
"Hindi iyan, ang mahalaga nag-effort ka," sabi ni Franky.
"Simpleng tulad mo tsaka uulit-ulitin ko sayo lang alam kong chords," sabi ni Dee.
"HAHHAHAHHAHAH putangina! Anong uulit-ulitin ko sayo?" pagtatanong ko.
"Sa aking puso kasi title noon," sabi ni Franky.
"Ay oo, HAHHAHAH, sorry na, tao lang," sabi ni Dee.
"Ohh, okay na iyan, alam ko rin naman ang kanta eh," sabi ko.
"Oh, boys, meryenda muna kayo," sabi ni Mama.
"Ako na po," agad kong kinuha ang juice at pagkain na dala ni Mama kong supportive.
"Salamat tita, hulog ka talaga na'ng langit," pambobola ni Arvs.
"Nambola ka pa, sige na kumain na lang kayo diyan, mga lover boys," sabi ni Mama.
"Salamat po Tita," sabi nila
"Salamat mama," sabi ko.
Sobrang pinageffortan namin itong araw na ito.
Buong araw ata kaming naghanap ng Eiffel Tower na katamtaman lang dahil pangarap nga namin ni Brea na makapunta sa Paris at doon pangalawang beses kaming ikakasal.
Cute, pambatang kwento at pag-ibig pero ang sarap sa pakiramdam.
Ganito pala ang pag-ibig ano?
Susulitin ko muna habang hindi pa kami tunay na pumapasok sa realidad at seryosong buhay na kung saan kailangan muna namin mag-hirap para sa aming kinabukasan at kaniya-kaniyang pangarap.
"POTANGINAAAAAAAA! LEON, ITOOOOO NAKITA KO NA, WHOOOHHH MAYROON PALA NIYAN DITO!" sigaw ni Arvs dahil sa sobrang pagod.
Nakarating pa kaming bayan kakahanap nitong Eiffel Tower.
"Magkano po?" pagtatanong ko.
"150, bagsak presyo," sabi no'ng ale.
"Hala ang mahal," sabi ko.
"Pwede po 50 na lang, maawa na po kayo, babayaran po namin kayo sa tamang panahon, talagang kailangan lang po ng kaibigan ko iyan para sa babaeng sobrang minamahal niya po," sabi ni Dee.
"Opo, oras po ang humahadlang sa kanila at ang tunay na daan lamang ay ang paggawa ng magagandang memorya habang sila pa'y magkasama, maawa na po kayo," ginatungan na pagdadrama ni Kevin.
Umarte na lang din ako na paawa.
Sayang akting ng mga tropa ko.
"Oh siya, 60 na lang, basta mapasagot mo lang iyang binibining sinisinta mo tsaka huwag mo kong kakalimutan bayaran sa takdang panahon kung kayo ma'y magkakatuluyan ah?" sabi ni Ale.
"Yieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee," kantyawan ng mga tropa kong sira ulo.
"Opo, maraming salamat po talaga," sabi ko.
"Wala iyon," sabi ni Ale.
Ngumiti at nagpasalamat kami ulit sabay umalis na.
Nakahanap na kami ng Eiffel tower so bale stuff toy at bulaklak na lang.
"Ayoooon oh, rosas, tatlo, kasi I love you," sabay-sabay naming sabi.
"HAHAHAHHAAHHAHAH,"
"HAHAHHAHHAHAHA,"
"HAHAHHAHAHAHAHAHA,"
"HAHAHAHAHHAHAHHA,"
Sabay-sabay naming tawa.
"Totoo siguro na pare-parehas mag-isip ang mga lalaki," sabi ni Dee.
"HAHAHAHHAHAH, baka nga," sabi ni Miggy.
"Siguro sa ibang bagay," sabi ko.
"HAHAHAHHAHHA," tumawa sila.
"Putangina niyo, huwag niyong demonyohin ang sinabi ko," sabi ko.
"HAHAHHAHA, wala kaming sinasabi," sabi ni Franky.
"Oh, tara na, bilhin na natin," sabi ko.
"Magkano po?" pagtatanong ni Arvs.
"180 na lang para sa inyo mga pogi," sabi no'ng bakla.
"Pwede po ba si Arvs na lang pambayad?" sabi ni Franky.
Naghalakhakan kaming lahat.
"Hala, HAHAHHAHAH," sabi ko sabay abot na na'ng bayad bago pa malugi ang nagtitinda kakapabilog nitong mga tropa ko.
"Stuff toy, puti na bear kasi sobrang puti ni Brea," suggestion ni Miggy.
"Bobo nito, ano iyon? Puting manika kasing puti mo? Korni na'ng banat amputa," sabi ni Franky.
"Puting teddy bear, singputi ng puso ko na nagpapakita na'ng mabuting intensyon sa iyo," sabi ko.
"POTANGINAAA HAHAHAHAHAHAH KORNI MO LEON HAHAHHAHA," sabi ni Kevin.
At mga gago na naman kaming nagtatawanan sa daan.
Binili ko na para matapos at makapagpahinga na kami dahil maaga pa kami papasok. Pangako ko sa kanila na after nitong harana, pagka-uwian ay ililibre ko sila na'ng malamig na alak HAHAHAHAHAHH.
"Salamat mga boss sa pagsama at pag-tulong sa akin kahit gabi na," sabi ko.
"Wala iyon boss, basta ikaw yieeee," pang-aasar ni Miggy.
"Goodluck," sabi ni Franky.
"Matulog ka baka hindi ka na magising sa sobrang pagkaexcited," sabi ni Arvs.
"Huwag kang iihi sa short kapag kinabahan ka bukas," sabi ni Kevin.
"Huwag ka magpupuyat para gwapo at hindi eye-bags na sinapak ni pakman bukas," sabi ni Dee.
"Salamat mga boss," sabi ko.
At kaniya-kaniya na kaming lakad pauwi.
Nakarating na ako sa bahay. Dumiretso na ako sa kwarto ko at chinat si Mam.
(Leon Bryle Tolentino: Good day ma'am, pwede po ba akong manghingi na'ng permiso?) 7:30 pm.
(Kath Santos 21: Anong permiso iyan boss Tolents?) 7:39 pm.
(Leon Bryle Tolentino: Hindi po ba home room bukas ng morning? Makikihingi po sana ako na'ng kaunting time at partisipasyon upang maisagawa ang aking plano, nais ko po sanang haranahin si Brea.) 7:39 pm.
(Kath Santos 21: AYOKO.) 7:39 pm.
(Kath Santos 21: Charotttt, ano iyan magpapakasalan na kayo Tolents?) 7:39 pm.
(Leon Bryle Tolentino: Hindi pa po Ma'am, sa tamang panahon pa po.) 7:39 pm.
(Kath Santos 21: Yieee, oh siya, ano ba plano?) 7:39 pm.
(Leon Bryle Tolentino: Kunwari po Ma'am masakit po tyan ko tapos mapapansin niyo po ako basta ganoon po lalabas po kami para kuhanin 'yong mga gamit tapos pagpasok ko po didiretso po ako sa kaniya na'ng ako lang.) 7:40 pm.
(Kath Santos 21: Oh, siya sige ako bahala, matulog na at good luck bukas. Rooting for the both of you, love birds.) 7:41 pm.
(Leon Bryle Tolentino: Salamat po Ma'am.) 7:40 pm.