CHAPTER 20

2033 Words
LEON'S POV SHEEETTT, Anong oras na at hindi pa rin ako mapakali, kinakabahan ako. Alas-dyes na na'ng gabi, nakita ko pang online si Brea. Kamustahin ko kaya? typing.. (Leon Bryle Tolentino: Boss, bakit gising ka pa? May pasok tayo bukas ah?) 10:30 pm. (Brea Villafuente: Wala bigla akong kinakabahan tsaka baka hindi rin ako pumasok bukas eh.) 10:30 pm. (Leon Bryle Tolentino: Huh? Bakit hindi ka papasok?) 10:30 pm. (Leon Bryle Tolentino: I mean, may sakit ka ba? or may pupuntahan kayo?) 10:30 pm. Shett, baka mahalata niya ako. Chill lang Leon. (Brea Villafuente: Medyo may sakit ako pero tignan ko na lang kung makakapasok ako.) 10:31 pm. (Leon Bryle Tolentino: Sige boss, oh siya, magpahinga ka na para gumaling ka.) 10:31 pm. (Brea Villafuente: Oo sige, salamattt ah? Tsaka balitaan mo na lang ako sa mangyayari if ever man hindi ako makakapasok.) 10:31 pm. (Leon Bryle Tolentino: Ahh, oo sige boss, ako bahala. Good night!) 10:31 pm. (Brea Villafuente: Good night!) 10:31 pm. Gagggiiiii. Sheeettt paano kung hindi siya pumasok bukas? Chat nga ako sa gc naming mga boys. (Leon Bryle Tolentino: Mga boss, baka hindi tuloy bukas, kasi baka hindi siya pumasok dahil masama pakiramdam niya.) 10:32 pm. (Arvs_Pogi23: Tangeks, ituloy natin tsaka what if pumasok siya? Sayang pagkakataon.) 10:33 pm. (Kevs Santos: Tsaka pre, kailangan mong magtiwala sa destiny niyo.) 10:33 pm. (Miggy_II: Oh gago lutang ka na naman anong pinagsasabi mo?) 10:33 pm. (Kevs Santos: Ituloy natin, mag pray ka ngayong gabi, kapag pumasok siya bukas, it means siya ang tamang tao para sayo, kapag hindi eh 'di alam mo na.) 10:34 pm. (DeeeeeeLangSakalam: Owwshiieeee, ang talino mong gago ka! HAHAHAHAHAHAH) 10:34 pm. (Kevs Santos: Ako pa? Panis.) 10:34 pm. (Leon Bryle Tolentino: Salamat sa payo mga boss, sige kita-kits bukas G night) 10:34 pm. Pagpasensyahan niyo na ang mga jejemon nilang nicknames sa Group chat namin HAHAHAHAHAHAHAH. Nagdasal na talaga ako. Kung makakapasok man siya bukas, it means tama 'tong way ko na tinatahak which is mahalin siya kasi siya ang tamang tao para sa akin. Amen.. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH LALAKI AKO! Sige na matutulog na lang ako. __________________________________________________________________________________________________ BREA'S POV Kinakabahan ako kanina pa. Hindi ko maipaliwanag. Tinitignan ko talaga mama at papa ko pati mga kapatid ko kung okay lang sila. Actually, kanina dapat aalis si Papa pero pinagbawalan ko muna kasi baka mapahamak dahil hindi ko alam bakit ako kinakabahan. Pasensya na kung sobra akong praning HAHAHAHAHHA Trust your instict nga daw kasi. Ayoon sila Mama nasa kusina, si Papa nandoon sa tindahan namin. Medyo hindi kami nagpapansinan kasi nga ganoon kaming magkakapamilya sa bahay. Bale pag may sa mood saka lang maguusap-usap. Nagscroll-scroll lang ako sa f*******: ngayon. Natuwa ako sa nakita kong post, boyfriend gift ideas. Mumurahin lang pero cutieee and nakakakilig, Bago ko iexplain ang gagawin, bumili muna ako na'ng mga materials na kakailanganin ko. Chichirya like Nova, Colored Papers for letters and other candies. Matamis lahat at maalat HAHAHAHHAHA ewan ko lang kung hindi pa siya magkasakit sa ginagawa ko. Napakasimple nito tsaka corny pero bakit ba, 'di ba nga kapag nagmamahal ka lalong komokorni ang ginagawa mo pero para sa taong nakakaappreciate sa iyo, hindi iyon kakornihan. "Para saan iyan ate?" pagtatanong ng chismosa kong kapatid. "Wala, project ito," sabi ko na lang sabay takkbo sa kwarto. Agad kong kinuha ang glue, gunting at tape. Gumawa ako na'ng DIY na gift bag, gawa iyon sa colored paper. Pagkatapos kong sundan ang tinuturo sa youtube ay nakagawa na ako ng gift bag, agad kong isinunod ang nova. Nilagyan ko nang ganito para cute HAHAHHAHAHH pero cringe talagaaaaa, sorry. "I want, NOVAdy, nobody but you," HAHAHAHHHAHAHAHAHHAHAH CRINGE KO POTAAAA! Tapos naglove letter na muna ako, inilagay ko na rin ang mga sweets sa iisang lalagyanan tapos nilagyan ko na'ng letter sa itaas "Sweets, pampatamis ng buhay mo, ang pait ko na kasi HAHAHAHAHHA," Gago HAHAHHAHAHHH hindi talaga ako marunong maging sweet potek. Mag-ii-love you ba ako? Nakakahiya kasi wala pa naman kaming label tsaka nililigawan niya pa lang ako. Ayoko naman pahabain ang ligawan kasi para sa akin, mas mahalagang pahabain ang relasyon. Basta isesecret ko muna sa parents ko na sasagutin ko na siya HAHHAHAHAHAH. Dito ko ba sa letter ilalagay? Ay, huwag na. Gagawa na lang ako na'ng ibang way para naman romantic hindi yo'ng parang sapilitang effort. Natapos ako na'ng bandang alas dies ng gabi. Ipaprank ko Leon na kunwari hindi ako papasok para malungkot siya tapos masurpresa ko siya sa ginawa kong maliit at simpleng gift as appreciation sa kaniya. Pagkaopen ko pa lang agad namang nagchat siya. Niceeee, instant HAHAHHAHAAHHA. Inantay niya ba ako mag-online? (Leon Bryle Tolentino: Boss, bakit gising ka pa? May pasok tayo bukas ah?) 10:30 pm. (Brea Villafuente: Wala bigla akong kinakabahan tsaka baka hindi rin ako pumasok bukas eh.) 10:30 pm. (Leon Bryle Tolentino: Huh? Bakit hindi ka papasok?) 10:30 pm. (Leon Bryle Tolentino: I mean, may sakit ka ba? or may pupuntahan kayo?) 10:30 pm. Nuks, nag-aalala talaga siya sa akin. (Brea Villafuente: Medyo may sakit ako pero tignan ko na lang kung makakapasok ako.) 10:31 pm. (Leon Bryle Tolentino: Sige boss, oh siya, magpahinga ka na para gumaling ka.) 10:31 pm. (Brea Villafuente: Oo sige, salamattt ah? Tsaka balitaan mo na lang ako sa mangyayari if ever man hindi ako makakapasok.) 10:31 pm. (Leon Bryle Tolentino: Ahh, oo sige boss, ako bahala. Good night!) 10:31 pm. (Brea Villafuente: Good night!) 10:31 pm. HAHAHAHHAHAHAHA sorry Leon, it's a prank. Good luck sa akin bukas, home room naman eh so pwede malate, late akong papasok bukas bleeeeehh. ________________________________________________________________________________________________________ LEON'S POV Maaga ako nagising para ipagluto si Brea para sa lunch namin mamaya. Nagluluto ako na'ng special Chicken Curry na pinaturo ko pa sa Mama ko. Hindi ako marunong din nito, mabuti at supportive Mama ko sa akin. "Ma, okay na po ba ito? Luto na ata eh kasi malambot na, tikman mo nga Ma kung sakto na ang lasa," pagtatanong ko. Agad na tinikman ni Mama. "Ano ba iyan Leon, walang lasa, lagyan mo asin," sabi ni Mama. "Gaano po karami?" pagtatanong ko. "Katamtaman lang," sabi ni Mama. Nilagyan ko na'ng asin. "Okay na po---shhetttt, MAAAAAAAAAAAA! Ang alat!" sigaw ko. "AHHAHAHAHAHAHH," tumawa lang si Mama. "Anong gagawin ko Ma?" pagtatanong ko. "Lagyan mo tubig, tabi, ako na baka lalo ka pang magkamali, maligo ka na doon na'ng makaalis ka na ng maaga," sabi ni Mama. "Sige po, salamat po Ma," sabi ko. Naligo na lang ako at nagbihis. ______________________________________________________________________ "Ma, alis na po ako," sabi ko. "Osya sige, ingat ka, nakalagay na sa bag mo lahat ng kailangan mong dalhin?" pagtatanong ni Mama. "Opo Ma, salamat po," sabi ko. "Sige na, sumakay ka na," sabi ni Mama at sumakay na ako. Anong oras na ba? "Boss, anong oras na?" pagtatanong ko sa estudyante sa tabi ko. "5:35 am po," sabi nito. "Sige sige, salamat," Umandar na ang tricycle, kasabay nito ang kaba na nararamdaman ko. Sumasabay pa ang malamig na hangin sa umaga sa lamig ng buong katawan ko dahil sa kaba. Kaya ko ito, sana pumasok siya. ______________________________________________________________________________________________ "Boss, akin na, ilalagay namin doon sa may bodega muna," sabi sa akin nila Arvs. Inabangan nila ako sa gate para matulungan sa mga dala ko. "Baka masira or marumihan at baka may kumuha," sabi ko. "Hindi, nanghiram kami kay Ma'am Kath ng susi, siya nagsuggest kanina na doon muna itago, nasa faculty pa siya ngayon e," sabi ni Dee. "Ahh ganoon ba, sige oh," sabi ko sabay bigay na'ng mga dala ko. "Yieeeeeee excited ka na ba boss?" pagtatanong ni Franky. "Kinakabahan, sana nga pumasok siya eh," sabi ko habang naglalakad kami papuntang bodega. "Papasok iyan, tiwala lang," sabi ni Miggy. Pumasok kami sa bodega at inilagay ng maayos ang mga gamit, regalo at gitara. "Ganito, una magpapanggap akong masakit tiyan, lalabas ako magpapaalam kay Ma'am tapos susunod kayo sa akin, dala-dala niyo na ang gamit tapos pupunta akong harapan at kakanta, unang kanta ako muna, pangalawang kanta, sunod na kayo kasama ang gitara at regalo okay?" instruction ko sa kanila. "Copy boss," "Copy," "Ye," "Okie," "Gege," "Yaa," Sabay-sabay nilang sabi. Pumunta na akong room. Nakita kong mag 6:00 na. Sheett baka hindi talaga siya pumasok. Nilapitan ko na si Ma'am. "Ano boss Tolents, ready na lahat?" pagtatanong ni Ma'am. "Ay opo Ma'am," sabi ko. "Bakit parang malungkot ka?" pagtatanong ni Ma'am. "Baka po kasi hindi siya pumasok," sabi ko. "Alam mo naman na madalas late si Villafuente kaya chill ka lang, destiny na talaga kung pumasok siya," sabi ni Ma'am. Tumango at ngumiti lang ako. Agad ko na inexplain kay Ma'am ang mangyayari para aware siya sa gagawin niya. Nalulungkot na kinakabahan at hindi ako mapakali sa upuan ko. 6:10 na, 10 minutes late na siya. Hindi na ata siya papasok, tumingin sa akin si Ma'am. Malungkot na tingin lang ang binalik ko kay Ma'am. Kapag 6:20 wala pa, hindi ko na ito itutuloy. Nagkukwento na si Ma'am ng mga issues sa classroom habang ako, lutang na nakatingin sa orasan. 6:20 na. Wala na hindi na tuloy. Nakatingin na ako kay Ma'am at tumango habang malungkot ang mukha at saka tumingin ako sa mga tropa ko sa likod at nagpahiwatig na olats, next time na lang. Nagulat ako sa mga mukha na'ng mga gago na tuwang-tuwa at nakatingin sa harapan. "Good morning Ma'am, I'm sorry, I'm late," agad akong napalingon noong namukhaan ko kung kaninong boses iyon. "What a morning Brea, come in," sabi ni Ma'am. Kinabahan ako at nakitang nakatingin at ngiting-ngiti si Ma'am sa akin. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan umakyat at lalo akong nag-init sa kaba. Tumango na ako kay Ma'am para simulan ang arte. Lumingon sa akin si Brea. Shet huwag mo akong titignan, kinakabahan ako. "Okay ka lang," pagtatanong nito. Hala, napansin niya siguro ang pamumula at kaba ko. "Oo," sabi ko. Nagtaas na ako na'ng kamay. "Ma'am may I go out, sobrang sakit na po kasi na'ng tiyan ko hindi ko na po kaya," pagaarte ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nag-aalala si Brea. "Sige Tolentino," sabi ni Ma'am habang nakangiti. Tumakbo ako at sumunod ang boys. "LET'S GO!" sigawan nila. "SHHHH AHAHHAAHAH, BAKA MAGALIT IBANG TEACHERS ANG IINGAY NATIN!" sigaw ko. "LET'S GOOO!" Kaya ko ito. Kinuha ko na ang mga gamit at nakatingin ang ibang sections na madadaanan namin sa amin. Alam na agad na manghaharana ako. "YIEEEEEEEEEE SANA ALL," sigaw ng mga tropa ko sa ibang section. Kaya ko ito. ________________________________________________________________________________________________________ "Ano Leon, okay ka na?" pagtatanong ni Ma'am noong pumasok ako at todo arte pa rin. Naglalakad na ako papunta sa harapan kung nasaan si Brea. "Masakit pa rin po eh," Nawiweirduhan na mga kaklase namin sa amin ni Ma'am. Pumunta na ako sa harapan. Sa tapat ni Brea. Nagtataka pa rin siya. Let's Go! "Uulit-ulitin ko sa iyo, Ang nadarama, na'ng aking puso," "HALAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA??!!" nagsisigawan na ang mga kaklase namin. "Ang damdamin ko'y para lamang sa iyo, Kahit kailan pa ma'y hindi magbabago," "Hala? Leon, seryoso ba ito?" pagtatanong ni Brea. Nakangiti lamang ako. "Ikaw ang laging hanap-hanap sa gabi't araw, Ikaw ang nais ko sa tuwina ay nadarama," Nagtitilian na sila at nagvivideo. "Katahimikan at makinig," panunuway habang kinikilig ang aming adviser. "Ikaw ang buhay at pag-ibig, wala na ngang iba, Sa aking puso, tunay ka't nag-iisa," Pumasok na ang mga tropa ko. Lalong lumakas ang sigawan. Mga nagvivideo na. Yo'ng ibang sections nanonood na sa bintana. "Alam mo ba na may gusto akong sabihin sa iyo, Magmula noong makita ka'y naakit ako, Simple lang na tulad mo ang pinapangarap ko, Ang pangarap ko, Kaya't sana'y maibigan mo, ang awit ko para sa iyo," "Dahil, simple lang ang pangarap ko, mahalin ang katulad mo," Sumasabay na kumanta ang buong tropa at lahat ng mga kaklase namin. "Sana nama'y mapansin mo, Dahil, simple lang ang pangarap ko, Maging ikaw at ako ang tanging ligaya ko, simpleng tulad mo," "YIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!" sigawan nila. "Para sa iyo, Brea," sabi ko sabay bigay ng Stuff Toy, Flower, Chocolate at Box na inopen ko sa harapan niya para makita niya ang Eiffel Tower, nasa ilalim ang mga love letters. Naiiyak siya sa tuwa at nakatakip lang mukha niya sa hiya. ____________________________________________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD