CHAPTER 21

1847 Words
BREA'S POV TANGINAAAAAAAAAAAAAAAA! Sabi ko magpapalate ako pero hindi naman super late. Takte, 5:45 na ako nagising. Dali-dali akong kumilos at naligo. "OHHH ANONG ORAS NA NAMAN, ANG SABI KO SA INYO HUWAG KAYONG MAGPUPUYAT, ANO LATE KA NA NAMAN, MABUTI NGA KAHIT NAGPUYAT ANG KAPATID MO MAAGA NAKAALIS EH IKAW? KUNG ANO ANO KASI ANG INAATUPAG!" ayan na po ang ratatat sa akin na'ng Mama. Kasalanan ko naman kasi, pero hindi naman ako totally nagpuyat. "Ma, alis na po ako, sorry po!" sambit ko sabay takbo sa gate. Ay shet. Naalala ko yo'ng regalo ko kay Leon. Dali-dali akong tumakbo papasok ng bahay at kinuha ito sa kwarto. "Ano iyon? Bakit ka bumalik?" pagtatanong ni Mama habang nakapamewang pa. "Ahh, naiwan ko po yo'ng project ko," sabi ko sabay takbo papalabas. Agad akong tumakbo at pumara na'ng tricycle. Special na para larga kaagad. Nagsusuklay ako habang nakatingin sa orasan. Takte, pagkastop ng tricycle tatakbo ako na'ng super bilis. 1 2 3 "LET'S GOOOOOOOOOOOOOOO! HAHAHAHAHHA!" sabi ko. "HOY IHA BAYAD MO!" sigaw ni Manong. Ay putangina. "Sorry nalimutan, late na po kasi, ito po oh, sorry," sabi ko. "WAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!RATYATATATAA!" pabulong na pasigaw basta ganoon ang ginagawa ko. Napalingon ako sa fourth floor. Shocks, kailangan matakbo ko siya within 1 minute. Ready, set, go! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH! Shet wala na tao sa mga corridors. Inayos ko saglit ang buhok ko. Nadatnan ko sa harapan si Ma'am Kath na nagsasalita. "Good morning Ma'am, I'm sorry, I'm late," sambit ko habang hingal pa. "What a morning Brea, come in," sabi ni Ma'am Kath. Nakangiti siya at hindi ko alam kung sarcastic siya. Agad-agad kong pumunta sa upuan ko. Nandidilim paningin ko sa pagod. Hindi ko maaninag masyado ang mga tao. Agad akong umupo. Huminga, humarao sa likod pero napansin kong namumutla si Leon. "Okay ka lang?" pagtatanong ko. Nagpaalam siya para magcomfort room. Masakit daw tiyan. Ako naman iniisip paano titimingan kung paano ko ibibigay ito. Maya-maya ay nagsalita si Ma'am at kinausap si Leon kung okay lang siya. Masakit talaga siguro tiyan niya. Naglalakad siya papuntang harapan. Nangilid ang mga mata ko at napaisip. Bakit papunta sa akin si Leon? Lagpas na upuan niya ah. Tinabingi ko ang aking ulo habang nag-iisip. Maya-maya'y humarap sa akin si Leon. Nakaupo ako, nakatapat siya sa akin, nakatayo. Gago. Uututan niya kaya ako? May binubulong siya, hindi ko maintindihan. Maya-maya'y nagtilian na ang mga kaklase ko. "Ang nadarama, na'ng aking puso, Ang damdamin ko'y para lang sa iyo, Kahit kailan ma'y hindi magbabago," Tinignan ko siya na parang nagtatanong ng WHAT'SHAPPENINGLEON???? Napalingon ako sa mukha ni Ma'am na kinikilig, yo'ng iba ay nagvivideo na. Ay potah. Bakit ang slow ko? Nakangiti ako na'ng plastik kasi iniintay ko pa ang brain ko na magprocess. Hinaharana niya nga ako. Takte kasi si Leon eh, kumakanta bigla na'ng hindi nag-aabiso. Wala na akong maintindihan. Kinakantahan niya ako, nakatingin lang ako sa mga mata niya. Maganda kaya ako ngayon? Maganda ba itong clip sa buhok ko? Baka kasi ijudge ako na'ng ibang section na nanonood kasi syempre pang magagandang babae lang ang hinaharana. Deserve ko ba ito? Hindi ba ako mukhang nambarang? Nakatingin si Lyssa na ex niya, baka nanghihinayang na siya kay Leon. Paano kung ?? Ay wala, mahal ko si Leon. Putangina, magfocus na lang ako sa kanta ni Leon kaysa mag overthink. Natapos na pala ang kanta. Saka pumasok ang mga tropa niya dala ang gitara, bulaklak, tsokolate, box at stuff toy. Gusto kong maiyak Deserve ko ba ito? Hindi naman ako maganda, hindi ako makinis, hindi ako sobrang matalino, hindi ko amoy mayaman, hindi pantay ang talukap ng mata ko, hindi ako sexy, pangit ang paa ko. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko kasi nakakahiya tsaka baka naman isipin nila oa ako. Pangarap ko lang ito. Nagkatotoo na, maraming fairytales na ang nangyari sa amin ni Leon. Paano kung totoo ang sinasabi nila, na the more it becames fairytale, the more na hindi kayo magkakatuluyan? "Simple lang ang pangarap ko, mahalin ang katulad mo, sana ay mapansin mo," Nakatingin lang ako sa mga mata niya, tinakpan ko na'ng panyo ang aking mukha dahil ayokong mahalata nila na namumula ako. Anong ginawa ko sa mundo para madeserve ko ang ganitong pagmamahal? Lord, salamat. Ikaw ang bahala sa amin. Binigay ni Leon ang tatlong tangkay ng rosas na nakalagay sa pabouquet na lalagyan, isang malaking stuff toy, box, tsokolate. Binuksan niya ang box, tumambad ang paris eiffel tower. Natigil ang mundo ko. "Hindi pa kita madala ngayon doon eh, pero pangako, paglayuin man tayo na'ng tadhana, hahanapin kita sa tamang panahon, ikakasal tayo at dadalhin kita doon, isasayaw kita," sabi niya. Naghiyawan ang mga kaklase ko pati si Ma'am. Naiiyak lang ako kasi kita ko sa mga mata niya ang sinsiridad. Ang ikli na'ng panahon na kasama ko siya pero pakiramdam ko dekada na ang nilagak ko para makilala siya at maranasan ang pag-ibig na sa pelikula at aklat ko lang natagpuan. "Oh, Leon anong masasabi mo? Final speech," sabi ni Ma'am kay Leon. "Sige po Ma'am," agad siyang pumunta sa pinakagitna at nagsalita. Humarap siya sa akin. "Ang daming pagkakataon ang binigay sa atin upang magsama, nagpapasalamat ako sa Diyos at sa magulang ko, maging sa mga kaibigan ko dahil tinulungan nila ako at sinusuportahan, hindi ko magagawa lahat ng ito kung hindi dahil sa kanila. Bagama't nagtatanong ka sa sarili mo gaya na'ng lagi mong tanong sa akin kung deserve mo ba na mahalin, paulit-ulit kong sasabihin sa iyo na, oo, deserve mo alagaan at mahalin. Ako man o hindi ang taong itatakda sa iyo na'ng Diyos na umalaga at magmahal sa iyo. Walang kasiguraduhan, for sure, mag-iiba ang landas natin, pero pinapangako ko, habang pinagkakaloob ka pa sa akin ng Diyos ay gagawin ko ang best ko para alagaan at mahalin ka, sa mga susunod na araw, at sana sa susunod na henerasyon," sabi ni Leon. Naiiyak lang ako. "May sasabihin ka ba Brea?" pagtatanong ni Ma'am. "Salamat Leon," iyon lang ang nasabi ko. "Habaan mo naman, maraming sinabi si Leon eh,: pang-aasar ni Ma'am. Naiiyak lang talaga ako kaya umiling na ako at yumuko. Paano iyan? Hindi ako deserve ni Leon, sobrang effort niya, hindi ko naman alam na haharanahin niya ako ngayon eh, nakakahiya ito lang maibibigay ko. Mamaya yayakapin ko siya. ________________________________________________________________________________________________ Buong klase ay masayang-masaya ako, inaasar pa ako na'ng mga teachers dahil nakikita nila ang stuff toy sa gilid ko at flowers. Masaya ang puso ko. Hindi ko magawang maibigay kay Leon ito. "Recess na ganda, sasabay ka ba sa amin o mananaginip ka na'ng gising?" pangaasar ni Joy. "HA? Ahm hindi na mamaya na ako, una na kayo," sabi ko. "Ohhh sige," sabi ni Joy. "Brea, boss, " nagulat ako dahil si Leon papunta sa tabi ko. Kinakabahan na naman ako sa kaniya. "Tara, pinagluto kita, tikman mo oh, kain tayo," sabi ni Leon. "Sobra na ito Leon," sabi ko. "Walang sobra sa taong mahal mo," sabi nito. Binigay niya sa akin ang kutsara at tinidor. "Leon," "Boss?" "Salamat, mahal ko," sabi ko. Namula siya at agad na kumain. Kumain na lang kami habang nagtitinginan. "NAKAKABWESIT AHAHHAHHAHA ;LALLANGGAMIN NA KAMIIIII!" sigaw ni Zel. "HAHAHAHHHAHAH," tawanan nila. ______________________________________________________________________________ Uwian na. '"Brea, tulungan na kita," sabi ni Leon. "Sige pero mamaya na may ibibigay pa ako sa iyo, paalisin muna natin lahat ng mga kaklase natin," sabi ko. "Ahh sige sige boss," sabi nito habang nakangiti na nakaupo sa harapan ng mesa ko. Kinakabahan ako. Ayan na wala na tao. "Leon, " Lumapit ako sa upuan niya at tinitigan siya sa mata. "Hindi ko alam kung deserve ko ito pero salamat, sobrang naapreciate kita, ito may ginawa ako kagabi, ipaprank lang sana kita na hindi ako papasok pero hindi ko inexpect na late talaga ako makakapasok tsaka may paharana ka pa, ito sana ireregalo ko, sorry kung iyan lang," sabi ko sabay bigay sa kaniya ang regalo. "Halaaa ang cuteeee, okay lang iyon boss, tsaka hindi naman kita sinisingil or what, salamat myy," sabi niya. "Myy?" pagtatanong ko. "Myy as in Mommy ng magiging anak ko in the future," sabi nito. "HAHAHAHHA, saan mo natutuhan ang kakornihan na iyan?" pagtatanong ko. "Korny ba? HAHAHAHAH," pagtatanong niya. "Sakto lang," sabi ko. Tinitignan niya ang laman at binabasa ang letters. "Dyy, mahal kita palagi," FUCKKK BIGLA KONG NASABI IYON SA KANIYA AND PUTANGINA BAKIT SINABI KO IYONNNN!!! "Haaa?" ramdam kong nagimbal ang mundo niya. "Wala," agad kong binuhat ang lahat ng gamit ko at regalo niya at kumaripas ng takbo sa pintuan. "MYYYYYY! AHHAHAHAHAH Wait," sabi niya at hinabol niya ako at kunuha niya mga gamit ko. Nakakahiya. Awkward. Mahal ko naman na siya noon pa, ngayon lang ata ako nagkalakas ng loob para magsabi non. Para sa akin kasi dati, korni magsabi ng i love you or mahal kita. "Myyyy, gusto mo kwek-kwek" pagtatanong nito. "Huwag muna dyy, marami tayong dala," sabi ko. "Edi mamaya, ididate kita, sunduin kita 3 pm sharp," sabi nito. "Sige sige," sabi ko. Nagdaldalan lang kami habang papauwi. Hindi alintana ang init ng tanghali basta't kadaldalan mo ang taong mahal mo. Nakakagago ang pag-ibig noh? HAHAHAHHAA. Kinukwento niya rin ang kalokohan at paghihirap nila na gawin ang surpresa. Nasa bahay na pala niya ako hinahatid kasi okay na kay Mama at Papa. "Sige na, mamaya ulit," sabi ko. "Sige myy, babye," sabi nito. "Babye dyy, " Humakbang ako papalapit sa tenga niya at bumulong. "I love you," agad akong tumakbo papasok sa bahay HAHAHAHAHAHHAAHHAH. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH POTANGINA IN LOVE AKO! _________________________________________________________________________________________ LEON'S POV "i love you," "Mahal kita, Dyy," Potangina. Paulit-ulit siya sa utak ko. Parang ringtone. Gagiiii "MAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! TAPOSSS! SUCCESS!," sabi ko kay Mama. "Congrats Kuya, oh ano na, magdidate ba kayo?" pagtatanong ni Mama. "Opo, mamaya, " sabi ko. "Ayusin mo damit mo, may nahanap akong puting damit mo diyan maganda iyon," sabi ni Mama. "Sige po," sabi ko. "Saan mo naman siya dadalhin?" pagtatanong ni Mama. "UP Diliman po, kasi maganda mag jogging doon ng bandang dapit-hapon eh," sabi ko. "Eh 'di yo'ng jogging pants mo na lang na bago suotin mo para bagay, sabihan mo si Brea baka mamaya magdress 'yon," sabi ni Mama. "Ayy oo nga po sige po," Chinat ko na si Brea. (Leon Bryle Tolentino: Myy, jogging date tayo mamaya ah? Kahit ano suotin mo na comfortable ka.) 12:57 pm (Brea Villafuente: Sige Dyy, pwede daw sumama sila Abby at Mark? Double Date daw.) 1:00 pm. (Leon Bryle Tolentino: Sige Myy, mas madami, mas maganda at mas masaya, lakad na lang pauwi, daan ghost village.) 1:01 pm. (Brea Villafuente: Sige Dyy, see you!) 1:01 pm. (Brea Villafuente: Anong oras pala uuwi?) 1:01 pm. (Leon Bryle Tolentino: Kayo?) 1:01 pm. (Brea Villafuente: Sabi nila Abby maganda daw sa oval tumingin ng stars tuwing gabi.) 1:01 pm. (Leon Bryle Tolentino:Sige mga 10:00 pm, paalam muna na'ng maigi sa magulang at huwag magsisinungaling.) 1:02 pm. (Brea Villafuente: Copy Dyy!) 1:02 pm. "Ma, hanggang 10 pm kami na'ng gabi, magstar gazing tsaka may mga kasama kami sila Abby," sabi ko. "Oh basta mag-iingat lang ah? Delikado," sabi ni Mama. "Opo," sabi ko. _______________________________________________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD