BREA'S POV
Ano kayang gagawin ko dito sa mga dala ko?
For sure yo'ng mga kapitbahay namin ready na magmarites.
Putangina kasi, kapag may jowa or may manliligaw iisipin agad nila mabubuntis.
Letche!
Mabilisang lakad.
Basta wala sa may bandang gate or sa tapat sila ate Baby, ate Sanilyn, ate Lhen at ate Taba.
Sheeeeett.
Yown, pumasok na sa may bahay sila.
Tumakbo ka Brea.
1
2
3
RUNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNN
Agad kong binuksan ang gate at pumasok sa bahay.
Nadatnan ko si Mama.
"Kay Leon galing lahat ng iyan?" pagtatanong ni Mama.
"Opo, hinarana niya po ako kanina sa room," sabi ko kay Mama.
"Ayieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee, ang haba naman ng buhok mo ate," pang-aasar ng kapatid ko.
Ngumiti lang si Mama.
"Ilagay ko lang po ito sa kwarto ko ma," sabi ko.
Sumenyas lang si Mama.
Wala pala sa bahay si Papa,
Nasa work siya.
Pagkalapag ko ay nagbihis na ako.
nagnotif yo'ng messenger ko.
(AbbyGanda: Te, may date ba kayo ni Leon mamaya?? Sama kami ni Mark para double date tsaka para masaya.) 12:58 pm.
Hala? HAHAHAHAH paladesisyon si Abby AHAHAHAHAHA.
(Brea Villafuente: Sige. HAHAHAHHA tsaka pinalitan mo na naman nickname mo AHHAHAHA kraZZy.) 12:57 pm.
(AbbyGanda: Syempre. Anyway, update mo ako ah kung saan tayo hahahha, thank you bestie!) 12:57 pm.
(Brea Villafuente: Okie Dokie!) 12:57 pm.
Chat ko nga si Leon.
Ay sakto, una siyang nagmesssage.
(Leon Bryle Tolentino: Myy, jogging date tayo mamaya ah? Kahit ano suotin mo na comfortable ka.) 12:57 pm
(Brea Villafuente: Sige Dyy, pwede daw sumama sila Abby at Mark? Double Date daw.) 1:00 pm.
(Leon Bryle Tolentino: Sige Myy, mas madami, mas maganda at mas masaya, lakad na lang pauwi, daan ghost village.) 1:01 pm.
(Brea Villafuente: Sige Dyy, see you!) 1:01 pm.
(Brea Villafuente: Anong oras pala uuwi?) 1:01 pm.
(Leon Bryle Tolentino: Kayo?) 1:01 pm.
Chat ko si Abby..
(Brea Villafuente: Oval tayo sa UP mamaya, anong oras gusto niyo umuwi?) 1:01 pm.
(AbbyGanda: Wow! Jogging? gusto ko iyan para lalo akong sumeksi. Mga madaling araw na tayo umuwi kasi maganda tumingin ng stars tuwing gabi doon.) 1:01 pm.
(Brea Villafuente: Pwede ba ikaw? Paano ako baka hindi ako payagan niyan?) 1:01 pm.
(AbbyGanda: Eh 'di ipapaalam kita.) 1:01 pm.
(Brea Villafuente: Agahan mo pumunta dito para makapagkilos pa ako before 3 pumunta ka na.) 1:02 pm.
(AbbyGanda: Okie!) 1:02 pm.
Back to Leon.
(Brea Villafuente: Sabi nila Abby maganda daw sa oval tumingin ng stars tuwing gabi.) 1:03 pm.
(Leon Bryle Tolentino:Sige mga 10:00 pm, paalam muna na'ng maigi sa magulang at huwag magsisinungaling.) 1:03 pm.
(Brea Villafuente: Copy Dyy!) 1:03 pm.
Naglinis-linis ako na'ng bahay saglit bago dumating si Abby para payagan ako.
"Ako na maghuhugas ng plato, tabi," sabi ko sa kapatid ko.
"Ganiyan ba ang epekto na'ng pag-ibig? Kung oo, ayaw ko umibig," sabi na'ng bunso kong kapatid.
"Hindi tungaks, it's either magpapaalam iyan mamaya or nagpapractice maging wife material si Ate," pang-aasar ng pangalawa kong kapatid.
"HOY! Supalpalin kita diyan, gusto ko lang maghugas, pake mo ba?" sabi ko.
"Oh, paghugasin mo bunso, hayaan natin siya magpakasipag, mwuaaa," pang-aasar ng kapatid ko.
Masarap talaga ibalibag ang kapatid kong pangalawa.
Swear.
Pero may point naman siya eh, ginagawa ko ito para magpaalam mamaya HAHAHAHAHAHHA.
Wife material na ako so no need to practice charot.
Nakatitig ako sa orasan habang naglilinis at naghuhugas.
Bakit ang bagal ng orasan?
Nagpupunas ako na'ng table na'ng biglang tumugtog sa utak ko ang kinanta ni Leon kanina no'ng hinaharana niya ako.
Todo ngiti ako.
Pinipigilan ko ngumiti pero napapangiti ako.
"Ay gago, ngumingiti ka na mag-isa, delikado ka na ate," sabi no'ng bunso.
"Hoy, pumasok ka nga sa kwarto, kung ano-ano ang nakikita mo," sabi ko.
Pumasok na rin ako sa kwarto at namili na ako na'ng susuotin ko sa jogging.
Kahit ano na basta ang mahalaga mabango ako.
Napalingon ako sa teddy bear.
Agad akong tumalon sa kama at niyakap, inamoy ang teddy bear.
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAH," sigaw ko habang nakatabon ang unan sa mukha ko para hindi gaanong rinig ang boses ko.
Tumatalon ako sa kama.
Tumingin ako sa salamin.
"Ano bang itsura na'ng reaction ko kanina? Ayt hindi ko maalala, sige, papractisin ko na lang kung paano ako magtithank you ulit mamaya habang nasa ilalim kami na'ng mga bituin, ehem ehem, Leon,"
Shocks ampangit ng mukha ko. Kailangan mukhang bubbly mata ko para cute.
Take two,
"Leon,"
Ay hindi romantic kung Leon, dapat Dyy.
Isa pa,
"Dyy, ahmm, salamat sa lahat ng ito ah? ahmm--- aypotangina wala na akong masabi,"
Kainis.
Basta bahala na ang puso ko na mangusap sa kaniya mamaya saksi ang mga tala at ang buwan.
Ay potangina, nahawa ako sa pagiging makata.
Tinignan ko yo'ng eiffel tower.
Gusto ko siyang makasama makita ang eiffel tower sa Paris, someday.
May love letter.
Dear Mahal, Myy, Brea,
Hindi sapat ang lahat na ito para ipakita at iparamdam ko sa iyo ang pagmamahal ko. Maraming mga rason para ipagpasalamat sa Diyos dahil hinayaan niya ako na makilala kita. Ilang beses na pinagtagpo tayo na'ng tadhana, maraming pakakaparehas at iba pa, sana sa mga susunod na taon, makasama ka man o hindi, nawa'y manatili ako sa puso mo. Hindi kita kakalimutan, tuparin natin ang ating pangarap, magkalayo man tayo o hindi, magkaiba man o parehas. Itong maikling panahon na nakasama kita, maaari na tayo makalimbag ng aklat na nagaman ng love story natin na nasa aklat lang o pelikula natatagpuan pero ang pag-ibig nati'y sa sinaunang panahon at sa reyalidad matatagpuan. Hahahahaha, magulo na ba? Hindi ko kasi maipaliwanag na'ng maayos. Mahal kita Brea, walang edad, henerasyon at depenisyon ang basehan sa pagmamahal ko sa iyo. Sana, balang-araw, mabaon mo ang mga ala-alang ito. Nandito lang ako bilang sundalong poprotekta sa iyo.
Nagmamahal,
Leon.
Iiyak na ba ako?
Parang kasal naman ito.
Lord, kapag humiling akong patagalin mo kami habangbuhay, ipagkakaloob mo ba?
Lord, kung maniniwala ba ako na totoo ito at karapatan kong sumaya, magtatagal ba ito?
Kung hindi, sana huwag akong pamahalin sa kaniya na'ng todo.
Ayokong masaktan.
________________________________________________________________________________________________
"BREAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" sigaw ni Mama.
"Po?" pagtatanong ko,
"Nandito si Abby," sabi ni Mama.
"Hello Tita, nandito po ako para ipaalam si Brea, madaling-araw na po kasi kami sana uuwi mamaya, pupunta po kaming UP Diliman,"
Rinig na rinig ko ang pagpapaalam ni Abby.
Nasa likod ako ng pintuan ng kwarto ko.
Nagdadasal na sana payagan.
"Oh, bakit madaling-araw na? Anong gagawin niyo doon? Babae pa naman kayo, sino-sino ang kasama niyo doon?" pagtatanong ni Mama.
Tono pa lang ni Mama parang hindi na ako papayagan ah.
"Kami po nila Leon, ipagpapatuloy po namin ang Thesis po namin about sa Ghost eh marami daw pong Ghost sa UP, dapat nga po sa Balete Drive po kami kaso mas malayo po iyon tsaka gabi po mostly nadedetect ng mga radar ang Ghost spirits," sabi ni Abby.
Napapikit ako sa sinabi ni Brea.
Gagu ka, wala pa nga tayong thesis eh, sa fourth quarter pa
Lord, patawarin niyo po si Abby sa kasinungalingan niya.
"Brea," tawag sa akin ni Mama.
"Totoo ba na magthethesis kayo?" tanong ni Mama.
"Opo," agad kong sabi.
Lord, pati pala ako patawarin niyo huhuhuhu. Amen.
"Bilisan mo na Brea at kumilos ka na para makaalis na kayo, ako na bahala magpaalam sa papa mo," sabi ni Mama.
"Opo," sabi ko.
Tuluyan na akong lumabas ng kwarto.
"Thank you tita, mag-iingat naman po kami, don't worry," sabi ni Abby.
"Ohh sige, dali na, umalis ka na," sabi sa akin ni Mama.
Nakabihis na ako at paalis na kami ni Abby.
"Ma, alis na po ako," paalam ko.
"Alis na po kami Tita, thank you po," paalam ni Abby.
"Ohh sige, ingat kayo," sabi ni Mama.
_______________________________________________________________________________________________________
"Shuta ka! Anong kasinungalingan iyon Abby?" pagtatanong ko kay Abby.
"Gago, kita ko na agad sa mata na'ng mama mo na hindi ka papayagan kaya iyon lang naisip kong reason para same tayo. Iyon din reason ko sa Mama ko eh HAHAAHAHAHAHAAHH para pagnakidnap tayo, same tayo na'ng reason HAHAHAHHA," sabi ni Abby.
"Pota ka! Damay pa ako, paano iyan? Kapag pinagpicture ako ni Mama na'ng ginagawa natin, wala akong masesend," pagrereklamo ko.
"Tanga, may old thesis si Kuya ko, dala ko, kunwari iyon na yo'ng ginagawa natin tsaka hindi naman nila babasahin iyon," sabi ni Abby.
"Shet ka," sabi ko.
"AHHAHAAHAHAHHAHA, anyways, si Mark muna ba or si Leon pupuntahan natin?" pagtatanong ni Abby.
"Si Leon, mas malapit eh," sabi ko.
"Okie,"
Naglakad na kami papunta kila Leon.
________________________________________________________________________________________________________
"Leonnnn!" sigaw ni Abby.
"Oyy, wait," sabi nito.
"Ma, alis na po kami," paalam ni Leon. Lumabas na siya at kasabay niya ang mama niya.
Shet bakit naawkwardan ako makita ang mama niya.
Nacoconcious ako.
Kasi ang daming girls ang dinala ni Leon dito na kaklase niya tapos sa akin pa na pangit ang napili niya at ineeeffortan niya.
Nakakahiya.
"Hello po, " sabi ko.
"Helllooooo Tita," hirit ni Abby.
"Oh ingat kayo ah? Brea, ingat din," sabi ni Mama niya.
Nagulat ako.
"O-oopo, oopo," sabi oko.
"Babyye Titaaaa!"
"Sige po, babye po,"
"Bye Ma,"
_________________________________________________________________________________________________
Mabilis lang kami naglakad papunta sa bahay ni Mark at doon na nagsimula ang by pairs sa paglalakad.
Nagholding hands sa tapat namin sila Abby at Mark.
Nagpatay malisya na lang ako, kunwari hindi ko nakita.
Nagkukwento lang si Leon.
Nakikinig lang ako.
Pinaplano ko na kasi sasabihin ko mamaya.
And kung ihoholding hands ko ba siya.
______________________________________________________________________________________________________
LEON'S POV
Nakasakay na kami na'ng jeep papuntang UP.
Antukin talaga si Brea.
Nakatulog.
Ay gagi.
Muntik na siya mahulog.
Hirap siya sa pagtulog niya.
"Brea, dito ka humiga sa balikat ko," sabi ko.
Agad siyang sumandal sa akin at inilapat ang kaniyang ulo sa balikat ko.
Ang tangkad niya kasi, nahihiya ako kasi medyo maliit ako.
Sana hindi siya hirap sa pagtulog.
Ang lakas ng t***k ng puso ko.
"Yieeeeeeeeeeeeeee," pang-aasar ni Abby.
Nakangiti lang ako.
Ang bango ng buhok niya, shampoo nito dove.
Guessing game HAHAHAHAHAHA.
Kinuha ko ang phone ko at pinicturan ko siya.
A day to remember,
Ang aking minamahal,
Sa aking balikat, siya;y sumandal,
Pakiramdam ko ang lakas ko,
Pakiramdam ko kaya ko lahat ng ito,
Siya ang lakas ko,
Ako ang poprotekta sa kaniya sa mundong ito,
Napaisip agad ako sa mga sinabi ko.
Naalala ko pala kasunduan namin ni Mama.
Sige Lord, poprotektahan ko siya sa paraan at oras na inilaan mo lang, ngunit kung oras na para ako'y lumisan, ikaw na sana ang mag-ingat sa kaniya.
Hindi ko namamalayan na nandito na pala kami.
"Myyy, gising na, nandito na po tayo,"
Nagising siya.
Ang cute na'ng mata niya.
Agad siyang bumaba.
Sinundan ni Abby at sumunod na kami.
Nagjojogging ang dalawa , nauna sila na'ng bahagya.
Naiwan kami na'ng bahagya ni Mark.
"Gaano mo kamahal?" out of nowhere na tanong ni Mark.
"Si Brea? Sobra, na kahit ang palayain siya ay gagawin ko kung ikabubuti naman iyon ng kinabukasan namin, niya. Ang random mo naman, ikaw ba pre, gaano mo kamahal si Abby?" pagtatanong ko.
"Sobra pre, kahit na walang-wala ako, nandiyan siya at tanggap niya ako. Naiinggit siya kasi may mga regalo at karanasan siyang gustong maranasan pero hindi ko magawa kasi wala akong pera. Atleast nandiyan siya, kapag nagkaroon ako na'ng opportunity, bibilhan ko siya na'ng mga bagay na deserve niya," sabi nito.
"Hinihingi niya ba sa iyo iyon?" pagtatanong ko.
"Oo pre, very vocal siya doon, syempre masakit kasi sana naibibigay ko ang mga gusto niya. Ganoon naman lahat ng mga babae hindi ba?"pagtatanong nito.
"Ewan ko pre, pero kasi si Brea, hindi ganoon eh, ayaw niya nga na ginagastusan siya, ako lang talaga nagpupumilit at minsan supresa para hindi na siya makatanggi. Lagi kasi siya manlilibre, siya kikilos. Swerte ako sa part na may mga pagkukulang ako pero siya ang pumupuno. Maraming imperfections sa akin pero parang sa mga mata niya sobrang perfect ko kaya itong mga ginagawa ko, give back na lang dahil pinakita niya sa akin ang worth ko," sabi ko.
"Swerte mo naman pala kay Brea, I mean swerte kayo together," sabi ni Mark.
"Swerte ka din naman," sabi ko.
"Oo pre, swerte tayo," sabi ni Mark.
"Sige pre, puntahan ko muna si Abby ah?" sabi ni Mark.
Tumango lang ako.
Tumakbo si Mark kay Abby at papunta sila doon sa left side.
Noong narealized ni Brea na wala na si Abby ay lumingon siya sa akin at tumakbo papunta sa akin habang nakangiti.
Ang ganda moooooooooooooo.
Ang cute moooooooooooo.
Isang anghel na pinadala na'ng langit sa akin.
Nakangiti siya, kasabay ng naniningkit niyang mga mata.
"Ohh, huwag ka na gaanong tumakbo," sabi ko.
"Opoo dyy," sabi niya.
Sabay hawak sa braso ko.
Nanigas ako pre.
Parang binuhusan ako na'ng yelo, punong-puno na'ng electricity ang buong katawan ko, lumutang tiyan ko.
Nababakla na ata ako.
First time na kumapit siya sa mga braso ko.
"Dyyy, tignan mo ohhh, may mga ilaw sa daan, parang aisle sa kasal," sabi ni Brea.
"Tara Myy, doon ka sa dulo, practice tayo, kunwari kasal na natin," sabi koi.
"Sigggeee Dyy, gusto ko My Valentine yo'ng kakantahin natin ah?" sabi ni Brea.
"Sige,"
Tumakbo siya sa pinakadulo na'ng ilaw,
Parang hallway siya sa hardin tapos may ilaw sa gilid. Basta ganoon ang itsura.
Inayos niya ang tindig niya at nakangiti na nakatingin sa akin.
Inimagine ko na may suot siyang wedding gown habang nakatingin ako sa kaniya.
Lord, gusto ko magquestion kung bakit kailangan ko makilala siya pero hindi naman pala kami pwede ngayon? Sana sa future ko na lang siya nakilala.
Pero masamang iquestion ka.
Pero ngayon Lord, habang pinagkakaloob mo siya sa akin, iingatan ko siya, mamahalin ko siya. Ibibigay ko ang deserve niya.
Kumakanta na si Brea.
Tama, sabi sa lyrics niya,
Kung wala na'ng salita, hindi na makapagsalita,
Maririnig pa rin kita,
Kung wala na'ng luha, wala na'ng paraan para maiparamdam sa iyo,
Pipilitin kong maramdaman ka,
Kahit na hindi na magningning ang mga bituin,
Kahit na wala na'ng oras ang pag-iibigan
Kahit na wala na'ng tugma ang magagawa kong tula,
Ikaw at ikaw pa rin ang iibigin ko, ikaw pa rin ang nasa puso ko, hanggang dulo.
Ikaw ang kailangan ko, mahal ko.
"Ang ganda naman ng mapapangasawa ko," sabi ko no'ng nasa harapan ko na siya.
"At ang gwapo na'ng mapapangasawa ko," sabi niya.
"Myy, papatugtugin ko ang Perfect by Ed Sheeran, sasayaw tayo ah," sabi ko.
"Sige,"
Inilapag ko sa bulsa ko ang cellphone ko,
Nakaloud speaker
Nasa gitna kami na'ng pabilog na pwesto kung saan nakapabilog ang mga ilaw sa sahig.
"I found a love, for me,"
Nagsimula na ang tugtog.
Nagbow muna kami sa isa't-isa.
Kinuha ko ang kaniyang kaliwang kamay,
Inilagay ito sa aking balikat.
Ang kaniyang kabilang kamay at hawak ng aking kanang kamay.
Sabay naming ninanamnam ang lamig ng gabi sa saliw ng magandang musika habang nangungusap ang aming mga matang hindi matigil sa pagtitig sa bawat isa.
Dahan-dahan kong inikot siya at sumayaw ulit kami.
"Kung pang-habang-buhay lang itong sandaling ito, pipiliin kong manatili at isayaw ka bago lumubog ang buwan, dyy," sabi ni Brea.
Nakatingin lang siya sa mga mata ko.
Naiiyak ako.
Naiisip ko pa lang na kailangan ko siyang iwan sa takdang panahon, ang bigat-bigat na.
"Kung maari ko lang pabagalin ang takbo na'ng araw, gagawin ko lahat para manatili sa piling ng isang magandang anghel na kagaya mo," sabi ko.
"Maganda ba ako? Manipis lang kilay ko, may mga acne marks ako, may tigyawat pa ako, hindi ako sexy, medyo malaki hita ko," sabi niya.
"Isa kang napakagandang dilag, maganda ka sa paraan kung paano at sino ka. Laging akong humahanga sa iyo," sabi ko.
Binitawan niya ang kamay ko at inilagay ang kaniyang dalawang kamay sa leeg ko habang sumasayaw kami.
Kinagulat ko iyon.
Malapit na ang mga mukha namin sa isa't isa.
Pinipilit kong tumingin ng diretso sa mga mata niya.
Hinalikan niya ako sa pisngi.
"Tara na dyy, baka nawala na yo'ng dalawa, HAHAHHAHAHA," sabi ni Brea.
Hinila niya ang aking kamay at sabay kaming tumakbo.
Pakiramdam ko naiwan ang kaluluwa ko sa pwesto kung nasaan kami sumasayaw kanina.
Hinalikan niya ako.
Pulang-pula na ba ako?
Ay hindi siguro mahahalata, moreno ako eh.
Pero pakiramdam ko lutang na ako.
_______________________________________________________________________________________
"Hoy, nasaan ba kayo nagsusuot?" pagtatanong ni Abby.
"Hinahanap namin kayo, akala namin nawala na kayo," sabi ni Brea.
"Naghahanapan pala tayo eh, tara na ayan na ang oval ohh, let's goooo!" sigaw ni Abby.
"Tumakbo na ang mga bata," sabi ni Mark sabay ngisi.
Sumunod lang kami sa kanila papunta sa pinaka gitna na'ng oval.
Lutang pa rin ako ata.
Lord, ingatan niyo kami dito. Amen.
Prayers lang, baka kasi mapahamak kami diyan since gabi na at madilim. Tanging liwanag sa buwan ang nag-iilaw sa amin. Hindi na abot ang mga ilaw sa street lights kasi sobrang lawak ng oval at nasa gitna kami.
Napalingon ako sa bituin, ang dami at ang ganda tignan.
Parang abot na namin ang universe.
"Tara na, oh dalawang kumot lang dala ko, share share," sabi ni Abby.
"HAHAHHAHAH, hindi ka prepared niyan ah?" pagtatanong ni Brea.
"Hindi Te HAHAHHAAHHA, oh sa inyo," sabi ni Abby.
Agad kong kinuha at inilatag ang kumot.
Umupo lang kami ni Brea.
Nakahiga na ang dalawa doon sa bandang gedli.
"Ang ganda noh? pangarap ko kaya manood ng stars pero ang saya kasi kasama ko yo'ng taong mahal ko ngayon," sabi ni Brea.
"Ako rin, ang saya na kasama kita ngayon," sabi ko.
Humiga si Brea.
"Humiga ka na rin, hindi naman marumi to'ng kumot tsaka kasya tayo, tabi ka sa akin," sabi ni Brea.
"Sige,"
Tumabi ako sa kaniya at humiga.
Mas better kasi kitang kita ang mga bituin at ang buwan.
Nasa gilid ko ang kamay ko na'ng biglang hinawakan iyon ni Brea.
Nababakla ako sa lakas ng loob ni Brea.
Nafofrozen na naman ako.
"Sana, ako pa rin mahal mo kahit na lumaon na ang panahon noh? Sana sa pagtanda, hawak ko pa rin kamay mo," sabi ni Brea.
Nakatingin lang ako sa kaniya.
Ako rin Brea, iyan ang panalangin ko.
Sana nga, ako pa rin mahal mo sa susunod na habangbuhay kahit na paglayuin tayo at hindi ko sabihin sa iyo ang rason.
Patawarin mo ko.