CHAPTER 23

1850 Words
BREA'S POV Nakahiga kaming apat sa blanket sa may damuhan sa gitna na'ng oval. Nakatingin sa mga bituin at sa buwan. By pairs, hahahaahaha. Pinangarap ko ito noong bata ako, na makanood ng stars sa gabi, makalanghap ng hangin sa ganitong field, makasama ang taong magugustuhan ko. Ang cute lang, kasi sa mga pelikula lang ito usually nangyayari. Nagkukulitan ang dalawa doon at pinagmasdan ko si Leon na nakatingin sa akin. "Bakit?" pagtatanong ko. "Wala, parang pakiramdam ko nasa dulo na tayo na'ng walang hanggan. Korny man pero ang sarap pala sa pakiramdam na nakatingin ka sa mga bituin at sa buwan kasama ang taong mahal na mahal mo, parang hindi alintana ang araw at oras sa inyo, parang walang kahit sinong magpipigil sa pagmamahalan niyo," sabi ni Leon. Napangiti lang ako na'ng bahagya. "Pakorni ka na na'ng pakorni Dyy," pang-aasar ko. "Oo nga eh, pasensya na," sabi nito at lumingon na lang pabalik sa itaas. Nanaig ang katahimikan. Naglakas loob na ako na gawin ang plano ko. Hoy hindi ito kabalastugan, sweet ito. Cringe lang kapag ako ang gumawa. Hinawakan ko ang kamay ni Leon habang nananatiling nakatingin siya sa kalawakan. Nagulat siya at tumingin sa akin. Nakangiti lang ako dahilan para ngumiti rin siya sa akin. Nakatitig lang siya sa akin pero nangungusap ang kaniyang mata na parang may inaalala siyang bagay. "Okay ka lang?" pagtatanong ko. "Oo, sobrang masaya lang talaga ako kasi hindi ko inakala na makakatagpo ako na'ng gaya mo. Akala ko nga tapos na ang lahat simula noong nawala si Lyssa sa akin eh. Pakiramdam ko, ang pangit ko, ang daming kulang sa akin, ang daming kailangan ko parang gawin pero noong nakilala kita, sobrang napuno mo ako. Niyakap mo ako, pati ang mga pagkukulang, imperfections at ang buong pagkatao ko. Kaya nga hindi ako mag-aalangan noon na ikwento sa iyo ang mga sekreto ko dahil sa mga mata mo, sa tabi mo, pakiramdam ko, ligtas din ako, tanggap ako," sabi niya sa akin saka siya tumagilid para totally na nakaharap sa akin. "Lahat naman kasi tayo may imperfections, lahat tayo may kakulangan, may hindi katanggap-tanggap na side kasi nga tao tayo, hindi tayo sinilang na perfect sa mundo. Nasaktuhan lang siguro na binigay na agad ako sa iyo ni Lord. Ayaw mo no'n, mas matagal tayong magsasama? Hanggang college, hanggang pagwowork, hanggang pagtanda," sabi ko. Mas hinigpitan niya anag hawak sa mga kamay ko at parang nangbabasa ang kaniyang mga mata. Nafefeel kong may gusto siyang sabihin. "Unless, ako pa rin ang pipiliin mong mahalin," dagdag ko. "Ikaw talaga ang pipiliin ko, kung may sapat na lakas lang ako, sapat na kapangyarihan para pagtagpuin ang ating landas gagawin ko," sabi nito. "Okay ka lang ba Leon?" pagtatanong ko. "Okay lang ako bakit?" pagtatanong din niya. "Wala," Nag-ooverthink lang siguro ako sa mga nararamdaman ko at sa mga reaction niya. "Brea, mahal na mahal kita, hindi sapat ang taon or buwan para ipaliwanag kung bakit ganoon kita kamahal," sabi nito. "Mahal din kita, Leon. At hindi sapat ang taon o buwan para mapatunayan ko na hindi dahil sa binibigay mo o sa pag-ibig na binibigay mo ang naging rason kung bakit kita minamahal tsaka matagal pa tayong magsasama hindi ba?" pagtatanong ko. Nakatitig lang siya sa akin. "Oo mahal ko," sabi nito. Nakatitig lang ako sa kaniya at nakangiti. "May nailimbag pala akong tula habang naglalakad tayo, naisip ko lang bigla, gusto mo pakinggan myy?" pagtatanong ni Leon. Diyan ko siya labis na hinahangaan, sa taglay niyang galing sa paggawa na'ng tula. "Ang iyong ngiting napakaganda, Parang nasa paraiso na ako sinta, Mata mong nakakabighani, Lalo kitang tinatangi. Sumasayaw tayo na parang tayo na lang ang tao sa mundo, Kay sarap sigurong mabuhay kapag ikaw ang kasama ko, Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan, Ngunit dinadaig ito na'ng nagliliyab nating nararamdaman Isang hakbang, gusto kitang makasama, Pangalawang hakbang, sana ikaw ang aking dulo sinta, Pangatlong hakbang, gagawin ko lahat para ika'y protektahan, Pang-apat na hakbang, pipilitin ko hangganan ng oras na inilaan. Maraming ilaw sa paligid ngunit ikaw ang pinakamaliwanag, Luha sa mga mata ko'y nangingilid, ako'y nababagabag, Paano kung isang araw hindi ka na makita sa alinmang daan, Paano kung wala na akong magawang paraan? Huwag mo muna isipin lahat ng ito, Gusto ko lang sulitin ang pagkakataong ito, Na iingatan kita hangga't ipinagkakaloob ka pa sa akin, Mamahalin kita hanggang sa susunod na buhay natin," Napapaisip ako sa mga sinasabi ni Leon. "Leon, anong problema?" pagtatanong ko ulit. "Wala naman po Myy, bakit po?" pagtatanong niya din. "Parang namamaalam ka sa tula mo, kanina ka pa," sabi ko. "Hindi siyempre, hindi natin sure ang susunod na bukas, malay mo wala na tayo, wala na'ng tao sa mundo. Sabi nga sa maga kasabihan eh, everyday is a blessing kaya dapat lagi nating icherish and mabuhay na parang wala na'ng bukas," sabi ni Leon. Naconvince niya ako doon. "Leon, salamat," sabi ko at tumagilid na rin ako para totally magkaharapan na kami. Kinagulat niya ang pagtagilid ko. "Ah-ahh wala i-iyo-on, ako-oo dapat ang magpasalamat, kasi binuo mo ulit ako," sabi ni Leon. Nakatingin lang ako sa kaniya. Napatitig ako sa manipis niyang labi na almost perfect shape. Dahan-dahan kong inangat sa mga mata niya ang tingin ko. At bigla ko siyang hinalikan sa labi. _____________________________________________________________________________________________________ LEON'S POV Nakatingin lang ako kay Brea na nagsasalita habang nakatingin sa langit. Masyado na ata akong napapraning na nalalapit na ang oras na kailangan na naming sundin ang sinasabi sa akin ng parents ko. Nag-ooverthink din kaming mga lalaki. Hindi ko na alam anong lumalabas sa bibig ko. Basta, ang alam ko lang, gusto kong manatili sa tabi niya. "Leon, salamat," Nagulat ako dahil humarap siya sa akin. Tumagilid siya para magkaharapan na kami at medyo malapit ang aming mga mukha. Iniiwasan kong tumingin sa kaniyang mga mata kaya tingin-tingin lang ako sa likod niya. Nag-iinit ako, siguro kung maputi ako kitang-kita na namumula na ako. Lord, help. Sorry nababakla na ako. Lalaki naman ako, makisig, maangas pero pag sa kaniya? Men, tiklop. Ganito ba ang pag-ibig? Kalma, lalaki tayo. Makipagtitigan na rin ako. 1. 2 FUCCCCCCCCKKKKKKKKKKKKKKK.. (a second of death and silence) Hinalikan ako sa labi ni Brea. Smack lang iyon pero ang lakas ng impact sa puso ko. Natulala na talaga ako. Pinagmamasdan ko siya na tumayo at inayos na ang gamit na parang wala lang sa kaniya ang ginawa niya. Nagsasalita na sila Abby at nag-aayos na kami pero wala akong marinig. Naninigas ang kaluluwa ko. Men, a kiss from the girl that you love the most is potaaaahh! ______________________________________________________________________________________________________ BREA'S POV Hinalikan ko siya sa labi. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagmamahal, emosyon o kalandian bakit ko ginawa iyon. It was my first kiss. Tumayo ako agad at nag-ligpit-ligpit na. "Ano uuwi na tayo?" pagtatanong ni Abby. "Oo, labas na tayo baka kasi delikado na dito kapag pinaabot pa natin ng midnight eh," sabi ko. Pero deep inside, gusto ko lang magbusy-busyhan para hindi awkward at taena naiilang ako. Nagliligpit kami. Pero ito ang nasa isip ko, POTANGINA MO BREA! NAPAKALANDI MO KAINIS BAKIT IKAW NAGFIRST MOVE? GAGO KA BA? BABAE KA, NALIMUTAN MO NA NAMAN PERO MASARAP? JOKE LANG TANGINA PAANO KO KAKAUSAPIN OR TITIGNAN SI LEON SHOCKS PATAY AKO SA MAMA KO HINDI NAMAN LAPLAP IYON SO OKAY LANG PERO NAKAKAHIYA PA RIN ACT NORMAL ACT LIKE NOTHING HAPPENED SMILEEEE GAGO HUWAG GANIYANG SMILE NA PARANG NATATAE. WHOOHH! "Tara na," sabi ni Abby. Tumango lang ako at inayos ang damit ko at susunod na pero... Hinawakan ni Leon ang kamay ko at sabay na kaming naglakad. Tangina! Ganito ba pakiramdam ng pag-ibig? Gago for sure, kapag iniwan ako nito bugbog ako sa pain. Parang ang daming butterflies sa tiyan ko. Grabe ang hawak niya sa mga kamay ko, parang bata ako HHAHHAHAHHAH. Hindi ko magawang lumingon. Hindi ko magawang magkwento, Hindi ko magawang magpabida. Putangina! Leon, nakakabaliw ka! Arff! Love you! __________________________________________________________________________________________________________ LEON'S POV Kinalma ko ang sarili ko at nagpakalalaki muna, matapos ko ligpitin ang blanket namin ay agad kaming tinawag nila Abby para maglakad na. Nilakasan ko na ang loob ko at hinawakan ang kamay ni Brea at sabay kaming naglalakad. Ang saya, buong lakad nakangiti ako. Mabuti at walang tao, kung hindi baka napagkamalan akong may saltik. Tinignan ko si Brea na walang emosyon at nakatitig ng malala at diretso sa daan. Straight na straigh ang tingin. Ang soft ng skin ni Brea, parang baby. Mahirap talagang gasgasan or sugatan ito HHAHAHAHAHAH. Ang pangit kasi gusto ko siyang akbayan kaso mahirap kasi medyo maliit ako. Kainis pero okay lang mahal naman niya ako. "Myy, tara dito, picturan kita, maganda backround dali," sabi ko. "Ahm, huwag na, hindi ako maganda eh," sabi niya habang nakatingin pa rin ng diretso sa harap. "Dali na, maganda ka kaya, halika dito, diyan ka," hinila ko siya at nagposing naman siya HAHAHHAHAHAHHA. " 1 2 3, smile, isa pa, 1, 2, 3," Ayan ang dami kong kinuha na litrato sa kaniya. Nagsuggest naman siya na ako naman picturan. Ang daming pinagawa sa aking pose. HAHAHHAHAHAHAHHA. "Picture tayo, Abby, papicturan kami please," sabi ni Brea. "Sure besty," So nagpicture kami. Ang cute kasi medyo nagbend siya para pantay kami ng height at para makaakbay ako sa kaniya. "Selfie tayo Leon," sabi ni Brea. So nagselfie kami, sa last shot I kiss her sa cheeks and nakunan ang priceless niyang reaction HAHAHAHHAHAH. Cute. ___________________________________________________________________________________________________ BREA'S POV Maraming nangyari, tuluyan na po akong tumiklop ng gumanti siya na'ng halik sa akin sa pisnge. Holding hands pa kami habang naglalakad sa kalye. Tahimik, nakaearphones kami gamit ang music niya. Sumasayaw kami kapag pang-party g yung music. Kumakanta kapag parehas naming alam yo'ng kanta. Ang cute namin. Nagpicture pa kami na'ng aming sillohouette na magkaholding hands at nagsusungay-sungay pa. HAHAHAHAAHHAHAH. Ang dami naming pinagkwentuhan. May sariling mundo din naman si Abby so okay na iyon. Hanggang sa nakauwi na kami. Napagkasunduan na namin na sabay na kami ni Abby at hindi na kami ihahatid ng boys para kaniya-kaniyang safety. Hirap pa akong pilitin si Leon na huwag na ako ihatid, mabuti at napapayag ko. Nasa gate na ako. Hindi ko mahanap susi sa bag ko. Mga five minutes pa ako nagflashback kaiisip nasaan ang susi. Doon ko naalala na nasa white pouch pala iyon sa may mirror table ko. Naiwan pota. Anong gagawin ko? Isinuot ko na'ng maayos ang aking bag at saka nagstretching. YES, AAKYAT PO AKO NA'NG GATE NAMIN. Umakyat na ako at ang hirap bumaba potangina. Mukha akong akyat bahay gang. Landi pa more, ayan, nalilimutan ang susi. So ready, get set go Tumalon ako and nakapasok na ako sa gate. Mabuti at hindi nila nilock ang bintana sa kwarto ko so panibagong akyatan na naman potangina. "Lord, gabayan niyo ako, kung malalaglag man po ako dahil sa kalandian ko, sana huwag mauna ang mukha, Amen," Lets go! Argggg. Kaya ko ito Malapit na Ayan na Whoooahhh. Shet Baka mahulog ako tanginaaaaaaaaaaaaa Goods. Hays nakapasok din. AKO SA KWARTO! BAKA IBA INIISIP NIYO AH? HAHAHHAHAH POTAH! Diretso higa na ako at tulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD