CHAPTER 24

1465 Words
LEON'S POV "Hindi kayo nababagay, akala mo kung sino ka? Nako, makakahanap din siya na'ng para sa kaniya," sabi na'ng lolo ko. "Po? Alam ko pong hindi kami nababagay pero ginagawa ko naman po lahat ah para manatili siya sa akin," sabi ko. "Mananatili man siya, aalis ka naman, isang kahindik-hindik na betrayal iyan," sabi ni Lolo. "Pero wala po akong magagawa, ito ang kagustuhan ng aking magulang at hindi ko po dapat ito suwayin," sabi ko. Biglang nawala sa paningin ko si Lolo. Biglang napunta ako sa isang field na puro d**o at rinig na rinig ko ang simoy ng hangin. "Leon, sinungaling ka!" naiiyak na sabi na'ng boses ni Brea. "Brea? Nasaan ka?" pagtatanong ko. Hindi ko na marinig ang tinig ni Brea. Nakita ko ang magandang araw, parang alas-tres na ata na'ng hapon. Nananaginip ba ako? Nakita ko si Brea sa bandang-dulo, nakangiti at handang tumakbo papalapit sa akin. Tatakbuhin ko sana siya na'ng biglang may dumaan na sasakyan at bigla siyang nawala. Nasa ibang lugar na naman ako. Sa isang madilim na lugar na tanging isang spotlight mula sa itaas ang nagsisilbing liwanag nito. Nakita ko si Brea, may kasayaw siyang lalaki. Napalingon siya sa akin at kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mata. "Sinungaling ka!" sigaw niya. At bigla akong nahulog sa aking higaan dahilan para ako'y magising. Ramdam ko pa rin ang sakit at takot na aking nadama sa panaginip. Baka totoo ang sinasabi na'ng aking lolo na hindi kami para sa isa't-isa? __________________________________________________________________________________________________________ BREA'S POV Dumaan ang mga araw na sobrang saya na'ng aking puso. Napakaconsistent ni Leon. Kami na pala, HAHAHHAHHHAHAHAH. Oh see, hindi ako makapigil eh. Mahal ko kasi. Paano ko ba sinagot? Simple lang. (FLASHBACK) "Brea!" Napalingon ako sa aking likuran kung sino iyon. "Oy, Mark, bakit?" pagtatanong ko. Umupo siya sa harapan ko. Nasa table kami na'ng canteen at kasalukuyan kong inaantay si Leon na bumibili na'ng pagkain namin. Oy nag-ambag ako ah? This time hindi ko na siya pinapayagan na ilibre niya ako na'ng ilibre. "Patulong ako, si Abby isusurprise ko mamaya," sabi ni Mark. "Uwuuuu, wehh? Anong suprise ba iyan?" pagtatanong ko. "Wala, bibigyan ko lang ng bulaklak, sweet kasi iyon tsaka gusto niya iyon. Ayoko naman na ibigay lang sa kaniya iyon ng basta-basta," sabi ni Mark. "Oh, I see, eh nasaan ang bulaklak mo?" pagtatanong ko. "Bibili pa lang ako mamaya doon sa may gilid ng simbahan," sabi ni Mark. "Ano bang balak mo?" pagtatanong ko. "Mark, ano mayroon?" sabat ni Leon na may dalang food at pumwesto sa tabi ko habang nilalapag ang food. "Pre, papatulong sana ako sa inyo na isurpresa mamaya si Abby eh," sabi nito. "After class? G lang, ano ba balak?" pagtatanong ni Leon. "So ganito, pipilitin niyo lang pumunta si Abby sa simbahan sa may pinakaunahan tapos ako na bahala mag-bibigay ng bulaklak sa kaniya," sabi ni Mark. "Awwwww, so sweeeet, sige ba," sabi ko. "Salamat," sabi ni Mark. Umalis na siya at kumain na kami ni Leon. "Ang sweet talaga no'n, for sure magugustuhan ni Abby iyon," sabi ko kay Leon. "Oo naman, sobrang romantic no'n," sabi ni Leon. _______________________________________________________________________________________________________ "Te, bakit nakasimangot ka?" pagtatanong ko no'ng makitang nakasimangot si Abby. Uwian na pala namin. "Kasi si Mark, monthsarry namin tapos may gagawin daw siya importante kaya hindi daw muna kami sabay umuwi. Syempre nakakalungkot na nakakainis kasi monthsarry namin eh," sabi ni Abby. Ahhh iyan pala nirason niya AHHAHAAHAHAH. "Ahhh, ganoon ba, eh 'di samahan mo na lang kami ni Leon pag-uwi," sabi ko. "Ha? Ayoko, uuwi na lang ako," sabi ni Abby. Patay tayo niyan pag hindi ko napapayag si Abby. "Tanga samahan mo na kami pleaseee, sa simbahan, importante lang," sabi ko. Nadulas ba ako? Nahahalata na ba ako? Tanga naman itong kaibigan ko so hindi niya halata iyan, "Ano bang gagawin niyo do'n te? tsaka nakakatamad," sabi ni Abby. "Basta," sabi ko. Sabay hila na sa kaniya papalabas ng room. Sa kaliwang kamay hawak ko si Abby, sa kanang kamay holding hands kami ni Leon. "Takte te, kung magdidate lang kayo ni Leon sa simbahan eh 'di sana hindi mo na lang ako sinama, lalo lang akong maiinggit," sabi ni Abby. "Boang, kailangan ka, kasi paano kami magdadasal kung yo'ng santo nakauwi na sa bahay? HAHAHAHHAHA," pang-aasar ko. "HAHAHHAHHAHAHAH VIVA," pang-aasar din ni Leon. "ANG SAMA NIYO MGA GAGU KAYO AH!" sabi ni Abby. "HAHAHHAHHA, dalian mo, anong oras na gusto ko na umuwi agad," sabi ko kay Abby kaya nagmadali na rin siyang maglakad. Nakarating na kami sa simbahan. Wala pa sa unahan si Mark. So dahan-dahan kaming naglakad paloob. "Dyy, text mo na kung nasaan," bulong ko kay Leon. "Wala daw mahanapan bulaklak," sabi ni Leon. "Sa may gilid sa may pink na pwestuhan, sa may mamihan, marami doon," pabulong kong sabi. "Wait, vm ko na lang," sabi ni Leon. "Dito na tayo te," sabi ni Abby at pumwesto sa pinakadulo na'ng upuan at hanay ng simbahan. "Sige," so hinayaan ko na dito kami pumwesto para may space pa si Mark sa may bandang unahan na pumwesto na'ng hindi siya nakikita ni Abby. Nakaluhod kami na nagdadasal. Siniko ko na'ng bahagya si Leon. Nagsenyas siya na'ng no response. Nagdadasal na ako sa Diyos na sana damihan ni Abby lahat ng dadasalin niya bago kami tumayo at umalis. Wala pa rin si Mark. Natapos na magdasal si Abby. Nakayuko pa rin ako at nakaluhod. Kunwari marami pa akong dinadasal, Shet, nasaan na ba kasi si Mark? "Ano ba? magdadasal lang pala tayo HAHHAHHAHA," sabi ni Abby. "Ahh oo, syempre kailangan natin ng basbas sa Diyos tsaka plano na namin magsimba pero dahil malungkot ka daw, sinama ka na ni Brea para naman makadate mo ngayon kahit sa dasal lang si Lord," sabi ni Leon. Thank you Leon, sobrang life saver mo dyy. I love you! Ang sakit na talaga na'ng tuhod ko. Hindi ko na kayang tiisin. Tatayo na talaga ako, ang tagal ni Mark. 1 2 3 "Ang tagal mong nagdasal ah?" sabi ni Abby no'ng umupo na ako. "Madasalin kasi akong tao," sabi ko. Lord, sorry po. Amen. "Ano na tara na? uwing-uwi na ako," sabi ni Abby. "Wait, ano kasi masakit pa tuhod ko, pahinga muna," sabi ko. "HAHAHAHAHAH okay," sabi ni Abby. Tinignan ko si Leon. Nag-act lang siya na'ng hindi ko alam. Nandidilim na ang paningin ko sa gigil kay Mark. "Tara na," sabi ni Abby. Fudge, kapag kinontra ko siya mahahalata niya kami. Tumayo na siya at tumayo na kami. Dahan-dahan akong humakbang na'ng biglang nakita ko si Mark na tumatakbo sa harapan. May bitbit siyang bulaklak. Pumwesto na siya doon sa pinakaunahan at yumuko para siguro hindi siya mahalata. Nakaupo siya pero nakayuko ang ulo. "AYYYY ano," sabi ko. Napalingon si Abby. "Yo'ng pari, nandoon sa unahan, tara pabless tayo para swertehin at ibless sa ating exams," sabi ko. Natatawa si Leon sa palusot ko. Sumunod na sa amin si Abby. Naglakad talaga kami sa gitna na'ng simbahan HAHAHHAHAHAH. "Hindi niya siguro namumukhaan si Mark. Noong nasa may aisle na kami na'ng hanay kung nasaan si Mark ay hinarap ko si Abby. "Sorry be, enjoy," sabi ko sabay push sa kaniya sa hanay na upuan kung nasaan si Mark. Nakangiti lang ako. Nagulat siya na'ng makita si Mark. Tumakbo kami sa may bandang likod ni Leon para hindi sila maistorbo pero kitang-kita namin mula sa pwesto namin sila. "Awwww," sabi ko. "Arf," sabi ni Leon. "HHAHAHAHAH sira, Dyy, alam mo ang gandang place nito noh, nandito parang kaharap na natin ang Diyos, tapos katabi mo pa ang taong mahal mo," sabi ko. "Oo nga myy eh, kaya nga ngayong hawak ko ang iyong kamay, ipagpapasalamat ko kay Lord na binigay ka niya sa akin," sabi ni Leon. So nagdasal kami nakaluhod habang hawak ang kamay ng isa't isa. "Dyy, Leon," bulong ko. "Po, Myy?" pagtatanong niya. "Gaano mo ko kamahal?" pagtatanong ko. "Hindi ko masukat kung gaano kita kamahal kasi wala namang dapat na sukat iyon, basta ang alam ko lang, kung kaya ko gagawin ko lahat para sa iyo mahal ko," sabi niya. "Mahal din kita, kaya sinasagot na kita," sabi ko sabay ngisi. Napatigil siya at bumitaw sa kamay ko. Napalingon siya sa akin pero ako'y nananatiling nakayuko. Nakaluhod pa rin kami parehas. "A-a-anon-gg saa-abi mo?" pagtatanong ni Leon. Lumingon ako sa kaniya at nakipagtitigan sa mga mata niya. "Sa harap ng altar, sinasagot ko na ang taong pinakamamahal ko, sa harap ng altar na ito, ipinapangako ko na mamahalin kita sa paraang kaya ko at sabay nating tutuparin ang pangarap natin sa isa't isa," sabi ko. Naiiyak siya gosh. "Myy, I love you! Mahal na mahal kita!" Niyakap niya ako. "Mahal na mahal din kita," sabi ko. At natapos ang araw na iyon ng masaya. (END OF FLASHBACK)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD