CHAPTER 25

1013 Words
LEON'S POV Sobrang lutang ako ngayong araw, dahil sa panaginip na iyon, buong araw ko naapektuhan, sinundo ko si Brea kanina pero deep inside lutang ako, hindi ako mapakali. Lagi ko lang siyang niyayakap noong papunta pa lang kami sa school. Nagtatanong nga siya kung okay lang ako pero syempre sinabi ko na okay lang. Ayoko na muna alalahanin niya. Malapit na pala birthday namin. Oo parehas kami na'ng birthday and same hospital kami kung saan sinilang kaso ang pinagkaiba eh mas nauna siya na'ng isang taon ipanganak kaysa sa akin. Pero ang galing noh? Ang dami naming pagkakaparehas, ang dami naming mga unexpected na pagkakatulad. Nasa room na pala kami. Nakikipagdaldalan lang si Brea sa mga kaibigan niya at ako pinili ko lang manahimik sandali. Ayoko muna mag-isip, ayoko maapektuhan siya, ayoko maapektuhan kami at ang mga natitirang buwan na kasama ko siya. Ayoko. "Leon, akala ko ba ililibre mo kami? Ano na?" biglang hirit ni Franky. "Ay oo nga noh? Sorry nalimutan ko, sige sabihan mo sila mamaya sa bahay tayo inuman," sabi ko. Sa sobrang daming nangyari, nakalimutan ko na may utang pa pala akong libre sa mga naghirap at supportive kong mga tropa. "HAHAHAHAH AYAAAAANN ANG GUSTO KO SA IYO BOSS TOLENTS! TUMUTUPAD KA SA USAPAN, SIGE SIGE, SABIHAN KO NA SILA," sabi ni Franky at tuluyan na siyang umalis at pinakalat ang balita sa buong tropa. ____________________________________________________________________________________ BREA'S POV Nakikipagdaldalan ako kay Joy pero ang utak ko at puso nakafocus kay Leon na tahimik lang sa isang gilid. Hindi ko alam anong nangyayari sa kaniya, kanina pa siya tahimi, sa pagpasok namin niyayakap niya ako na'ng mahigpit tapos lutang pa siya. "Hoy, hindi ka naman nakikinig eh," sabi ni Joy. "Nakikinig ako," sabi ko. "Hindi kaya, kanina ka pa nakafocus kay Leon. Ano bang problema? LQ kayo? Kabago-bago niyo pa lang mukhang maghihiwalay na kayo ah?" pagtatanong ni Joy. "Hindi ah, wala naman akong ginawang mali, siya rin naman tsaka puro masasayang moments ang nangyari this past few weeks," sabi ko. "Nako, baka pinagsisisihan niya na jinowa ka na niya HAHAHAHAAH!" pang-aasar ni Joy. "Gago huwag mo akong asarin baka maniwala ako sa mga sinasabi mo," sabi ko kay Joy. "HHAHAHAHAH, kidding aside, wala ka bang clue or idea kung anong iniisip niya or pinoproblema?" pagtatanong ni Joy. "Wala naman, tsaka tinatanong ko na talaga siya. Lagi niya lang sabi na okay lang daw siya," sabi ko. "Ahaaa! Alam ko na, birthday niyo na next month hindi ba? For sure, nag-iisip na iyan ng pakulo or mga bibilhin sa iyo," sabi ni Joy. Nakokonsensya na ako, puro gastos si Leon. Pera pa ata ng parents niya nagagastos niya or baon niya. Pagsasabihan ko talaga siya mamaya. "Ayt, kung iyon man ang rason, pagsasabihan ko siya," sabi ko kay Joy. Nanahimik kami saglit. "Ay te, alam mo ba nagmonthsarry kami kahapon ng bebe Kurt ko," sabi ni Joy. "Tangina? Kailan pa naging kayo no'ng kainternet love mo?" pagtatanong ko. Nakakagulat lang kasi, nagmonthsarry na agad, akala ko hindi niya papatulan iyon. Mukha kasing poser pero ayoko basagin trip at pagmamahal niya. For sure hindi rin siya maniniwala sa akin. "Oo, four months na nga kami eh," sabi ni Joy. "POTANGINA????? 4 MONTHS NA KAYO? BAKIT NGAYON MO LANG SINABI SA AKIN?" pagtatanong ko. "Malamang, hindi na kita nakakasabay sa pag-uwi kasi may bebe ka na tapos minsan na lang ako makaupo sa tabi mo kasi laging tumatabi sayo si Leon, potangina mo!" banat ni Joy. "Ayyy, sorry na bebe ko," paglalambing ko. "De wala, okay lang," sabi ni Joy. "So ano, nagmeet na ba kayo in-person?" pagtatanong ko. "Hindi pa," sabi ni Joy. "Bakittt?" pagtatanong ko. "Busy siya sa work and sa school tapos taga Manila pa ito, syempre hindi ako papayagan ni Mama na pumuntang Manila," sabi ni Joy. Feeling ko talaga poser eh. "Eh video call?" pagtatanong ko. "Wala akong load or madalas hindi tugma ang oras namin tsaka nakakahiya makipag video call baka maturn off sa akin HAHAHAH," sabi ni Joy. "Anong matuturn off? Eh ang ganda-ganda mo kaya Tangina ka ba?" sabi ko. "Eh, basta, sabi nga ni Lola Nidora, sa tamang panahon na," sabi ni Joy. "Ayyy nako, ako tigil-tigilan mo sa kagaganyan mo," sabi ko. Ngumisi lang ang gaga. "Ay speaking of Tamang Panahon, mamaya na ba ipapalabas yo'ng episode na magpeperform si yaya dub at Alden sa stage?" pagtatanong ko. Mga fans ng Aldub . "Ay oo, sana nga magkita na sila eh," sabi ni Joy. "Paano iyan, hapon pa uwi natin," sabi ko. "Tanga tabi ka sa akin mamaya, dala ko cellphone ko na may TV, nood tayo," sabi ni Joy. "SHOCCKKKSSS! LIFE SAVER KA TALAGA, SIGE SIGE," sabi ko. Nagstart na ulit ang klase. __________________________________________________________________________________________________ Hindi na talaga ako makapagfocus sa klase kasi nag-aalala ako kay Leon. Hinihintay ko lang na tumabi siya sa akin at magsabi. Hindi na ako nakatiis, lumingon ako sa kaniya at tinitigan siya sa mata. I give him a okay ka lang ba look. Tumango siya at ngumiti. Alam kong pilit iyon. Ayoko na talaga, ako na nag-effort na lumapit at magtanong. Tinabihan ko na siya. "Dyy, ano, okay ka lang ba?" pagtatanong ko. "Opo, huwag ka mag-alala, baka antok lang ito or kabag HAHAHAHAH," pagbibiro pa niya. "Dyy naman eh," sabi ko. "Okay lang po, Myy, recess ka muna alone, ayokong maapektuhan ka mamaya dahil sa lungkot ko or emotions ko kasi papangit lasa ng food," sabi ni Leon. "Paano ka?" pagtatanong ko. "Try ko bumili or sumama sa friends ko para malibang," sabi ni Leon. Awww, hindi ako ang need niya. I understand. "Awww, sige sige, manonood na lang kami na'ng aldub mamaya ni Joy sa likod," sabi ko. "Sige Myy, I love you, sorry, babawi ako," sabi ni Leon. "It's okay Dyy, I love you too," sabi ko. Luminga ako sa paligid at saka hinalikan sa noo si Leon sabay ngiti. "Walang nakakita HAHAHAHAH, sige na balik na ako sa upuan ko. Just tell me whatever you want," sabi ko. Nakangiti lang siya. At tuluyan na akong bumalik sa upuan ko. ______________________________________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD