CHAPTER 12

1829 Words
Brea's POV Gago? Legit ba na umamin sa akin kanina si Leon?  Tanga baka pinagtitripan ka lang. Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Ano namang nakita no'n sa akin? Tangina, walang kilay dahil manipis, Pangit suot, Cute lang ako kasi medyo singkit mga mata ko, Jologs na parang matutulog ang suotan, (FLASHBACK) "Bakit ako? Bakit hindi sila April? Sila Tin? Si Abby? Si Joy? Mas magaganda sila at maayos manamit?" pagtatanong ko. "Kasi ang pagiging kakaiba mo ang nagpapaganda sayo,"  (END OF FLASHBACK) Napangiti ako. Nahiga ako sa kama dahil sa pagdiday dream at sobrang nakangiti ako. Maya-maya, narealized ko yo'ng sinabi niya. "PAGIGING KAKAIBA?" So kakaiba ako?  SO AKO NGA PINAKAPANGIT?  SUGAR COATING PALA IYON? Nabwesit ako at tumayo agad sa higaan ko. "Putanginang iyan, nilalait pala ako gago," sabi ko sa sarili ko. Naiinis ako. Biglang napatingin ako sa salamin, "Sabagay, totoo naman e. Bakit ba ako magagalit? Atleast may nakakaappreciate sa akin kahit kakaiba ako," sabi ko sa sarili ko. Tumunog phone ko at mag nagmessage sa messenger. Kinuha ko ang phone ko. LEON BRYLE TOLENTINO SENT A MESSAGE OMOOOOOOOOOOOOOOOOHH! (Leon Bryle Tolentino: Salamat sa araw na ito, sabay sana tayo pumasok bukas, sunduin kita, Brea.) 7:36 pm Nanlaki mata ko sa nabasa ko. NILILIGAWAN NIYA NA BA AKO? PUTANGINAAA?? LIKE  Deserve ko ba ligawan???????  Lagi na lang kasing -- WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH Tumatalon ako sa higaan ko sa sobrang kilig at saya. "Tangina, huwag pala akong kikiligin masyado dahil alam ko na heartbreaks at lungkot ang kapalit ng bawat saya na natatamasa ko," sabi ko sa sarili ko. Tumigil ako sa kalulundag at umupo ako na'ng maayos. "Lord, pinaparanas niyo sa akin ito, alam ko po na may sakit or lungkot after this pero pwede ko po ba munang enjoyin? Gabayan niyo po ako ah? I love you Lord!" dasal ko. Tapos tumalon talon na ulit. Gagi nagring ulit yo'ng phone ko. (Leon Bryle Tolentino: Salamat sa araw na ito, sabay sana tayo pumasok bukas, sunduin kita, Brea.) 7:36 pm (Leon Bryle Tolentino: Pero kung ayaw mo, irerespeto ko.) 7:38 pm. (Leon Bryle Tolentino: Brea?) 7:40 pm ASHEEEEEETTTTTTTTT! (Brea Villafuente: Ay shet, sorry hindi nasend mga messages ko, mabagal data e. Sure lang, sabay tayo pumasok bukas :) ) 7:41 pm. (Leon Bryle Tolentino: Sige sige boss, good night!) 7:41 pm. (Brea Villafuente: Good night!) 7:41 pm. OMAYGHADDDDDDDDDDDDDDD! TOTOOOOO NA ITOOOOO. Nagplay ako na'ng music. (Simula pa nung una by Patch Quiwa) Sumasayaw lang ako na parang timang sa harap ng salamin. Ang sarap umibig grrrrrrrrrrr. "Gago ka ba? Anong ginagawa mo ate?" nagulat ako sa sabi na'ng aking kapatid na si Lei. "Hoy! Bakit hindi ka kumatok?" pagtatanong ko. "Eh bukas naman e," sabi nito. "Ewan ko sayo tsupiii, nagpapractice ako para sa Physical Education Dance namin labas!" sabi ko. Tumawa siya saglit. "PE na parang pang baliw na romantic dance ang pinapractice, bago yo'n ah?" pang-aasar niya. "Labas!" sigaw ko. "HAHHAHAHAHAHHAHA, okay, okay," sabi nito. Nabadtrip tuloy ako kaya pinatay ko na lang ang music at nagtalukbong na ako na'ng kumot habang nakahiga. Yieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee Pang-aasar ko sa sarili ko. Sana makatulog ako. (ringggggggggggggggggggggggggggggg) "Accccccccccccccccccccckkkkkkkkk!" busangot kong sabi. Parang saglit lang ako natulog ah tapos nag-alarm na ka agad.  Nakakainis! "Breaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Punyeta kang bata ka, gumising ka na! Huwag mo kong sisihin kung malalate ka ah?" sigaw ni Mama. "OPOOOOOO ITO NA POOOOOOOOOOOOO!" sabi ko. Takte, ang lamig pa na'ng tubig.  1 2 3 "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH!" sigaw ko dahil sa sobrang lamig na'ng tubig. "ANO NA NAMAN ANG PINAGGAGAGAWA MO DIYAN SA CR BREA!!!!!" sigaw ng nanay ko. "MALAMIG PO YO'NG TUBIG!" sigaw ko. "BILISAN MO NA!" sabi ni Mama. Syempre, hindi ko talaga kaya kaya ito, punyeta diba? Binagalan ko pa. Nakipagtitigan pa ako ulit sa salamin habang basa ang bahagi ng aking buhok . "BREAAAAAAAAAAAAAAAAAA! ALAS SAIS NA!" sigaw ulit ni mama. "Gagi, opooooooooooooooooooooooooo!" nagmadali na ako sa paliligo at tumakbo sa kwarto upang makapagbihis. "KUMAIN KA AH? HUWAG KANG LALABAS NG BAHAY NA HINDI KUMAKAIN AH!" sigaw ni Mama. "Opo!"  So habang nagbibihis ako dahil nakasando naman na ako ay kumakain ako. Nag-aayos ako na'ng buhok at gamit habang sumusubo. Takte malalate ata ako kapag binagalan ko paaaa. 5:30 na kasi. "Ma, alis na po ako," paalam ko sabay diretso sa gate. Gulat na gulat ako na'ng makita na nag-aantay pala sa gate si Leon. "LEONNN???! KANINA KA PA?" pagtatanong ko. "Oo pero okay lang, tara na," sabi nito. "Shocckkks, sorry akala ko kasi hindi tayo tuloy tsaka hindi ka naman kasi nagchat na susunduin mo ko or nandiyan ka na sa labas, sorry," sabi ko. "Okay lang iyon, akin na bag mo bubuhatin ko," sabi ni Leon. "Ay hindi, ayoko and okay lang. Hindi naman ako katulad ng iba diyan na magpapabuhat pa tsaka malakas ako," sabi ko. "Talaga? Okay lang naman e," sabi ni Leon. "Ehhh," sabi ko. "Oh sige, libre na lang kita pamasahe tapos bukas lakad tayo pero dapat maaga tayo ah?" sabi ni Leon. Biglang nanlaki ang aking mata at nabingi ang aking tenga dahil sa salitang "Libre"  "Sige baaaa," makapal na mukhang sabi ko. "Sige sige, anyway, nag-almusal ka ba?" pagtatanong ni Leon. "Oo, ayaw kasi ako palabasin ng bahay ni Mama hangga't hindi nag-aalmusal e," sabi ko habang nagsusuklay ng buhok. "Tama lang iyon para naman hindi ka magutom pagkapasok mo. Ano pala paborito mong ulam?" pagtatanong nito. "Ahmm, adobong manok at chicken curry," mabilis kong sabi. "Ahh, " sabi nito. Naglalakad kami sa may gilid ng gater ng bigla siyang lumipat ng pwesto sa left side ko. Gentleman ah. "Oh, isa na lang sakay na," sabi no'ng mamang driver. "Oh, sige na sakay ka na Leon," sabi ko. "Sa kabilang tricycle na lang yo'ng isa para makausad na kami," sabi no'ng paladesisyon na mamang driver. "Tsaka para hindi din malate, ayon oh, may mga paparating pang students na sasakay, almost magkasabay lang iyan," sabi ko. "Hindi po," sabi ni Leon. Tumingin siya sa akin at dahan-dahan akong hinila palapit sa kabilang tricycle. "Special po," sabi ni Leon sa mamang driver. "Mahal ang special gagsti," sabi ko. "Special ka, deserve mo ito, tara na at baka malate tayo, Uranus," sabi niya. Natigil ang mundo ko at hindi ako maka-imik. "Ang mga kabataan talaga, nako toy, mag-aral ng mabuti ah?" sabi no'ng mamang driver. "Ah, opo, tsaka habang nag-aaral hindi naman po masamang mag-alaga na'ng minamahal basta tuparin niyo ang pangarap at pangako niyo sa magulang niyo po," sabi ni Leon. Parang namumula ako sa mga sinasabi niya at nilingon ko siya. Seryoso siyang nakatingin mula sa malayo. "Mabuti iyan toy, may mga ganiyang kabataan pa pala, nako mag-aral kayo mabuti at sana maging kayo sa dulo dahil mahirap magpanatili na'ng relasyon na nagsimula sa kabataan, tsaka huwag makakalimot manalangin," sabi ni mamang driver. "Opo, salamat po," sabi ni Leon. Ewan ko, feeling ko ang daming kiti-kiti sa tiyan ko. Nakarating na rin kami sa school. "Salamat po," sabi ni Leon. "Salamat," sabi ni manong. "Mabuti at hindi pa tayo late," sabi ni Leon. "Sorry talaga ah?" sabi ko. "Okay lang iyon," sabi niya. "Bakit pala Uranus ang tawag mo sa akin?" pagtatanong ko habang naglalakad kami. "Kas---"  Naputol ang sasabihin niya dahil may mga kaklase kaming umakbay sa akin. "HOYYYYYYY AYIEEEEEEEEEEEEEEEE LIGAWAN NA BA IYAN? IKAW TOLENTINO AH" pang-aasar ni Paul. "Halaaaa," sabi ko. Hindi na ako nakinig at dire-diretso na ako sa aking upuan. Tumakbo sa tabi ko si Joy. "Bakla!!!!!" sigaw nito. "Gago ang ingay mo, anooo??" pagtatanong ko. "Kayo na?" pagtatanong nito. "Nililigawan ata ako e," sabi ko. "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH GUYS NILILIGAWAN NI TOLENTINO SI BREA!" sigaw nito. POTANGINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! "Ano baaa?" iritableng sabi ko, "Ayieeeeeeeeeeeeeeeee," pang-aasar nila. Napapikit ako dahil sa frustrations. "hayssssss sabi ko na e, patay ka talaga sa akin Joy!" pagbabanta ko. "In your dreams HAHHAHHA,"  potaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.. "Sorry Brea, naaasar pa tuloy tayo kaya nafufrustrate ka," sabi ni Leon. "Ahh, wala iyon, hindi ko na lang sila papansinin," sabi ko. So buong araw na lang akong nabubwesit sa klase namin. Hindi ko alam kung bakit.  "Hoy! bakit bwesit ka na naman?" pagtatanong ni Abby. "Ewan ko!" iritableng sabi ko. "Oh my god, buntis ka?" sabat ni Joy. "Sira! anong buntis e ni jowa nga wala ako e, alangan namang buntisin ko sarili ko?" pamimilosopo ko. "Baka magkakameenstruation ka," sabi ni Abby. "Baka nga," sabi ko. Pumito si Joy at sumenyas sa gawi nila Leon. "Gagi, anong sinesenyas sensya mo diyan?" panunuway ko. "WALA HAHAHAH," pagkukunwari ni Joy. "Alam mo, tigil -tigilan mo ako ah," pagbabanta ko. "Bakit na naman?" sabi ni Joy. "Ibato ko sa iyo ito e," sabi ko. Dumakma na lang ang aking mukha sa desk at pinipilit kontrolin ang inis dahil sa hindi paipaliwanag na dahilan. Maya-maya, biglang nausog ang upuan sa tabi ko at may kung anu-anong mga bubuyog na ang naririnig ko. "Brea," Nanlaki mata ko sa narinig ko. Si Leon katabi ko pero bakit naman ako kakabahan???? Normal na ano lang dapat. "uhm," sagot ko habang nakadakma pa rin ang ulo sa desk. "Okay ka lang ba?" pagtatanong nito. "Hindi, naiinis ako e. Gusto ko manapak at kumain ng ube," sabi ko. "Oh balikat ko sapakin mo," sabi niya. Nakakapikon ito. "Ayoko," sabi ko. "DALIAN MO!" sabi niya para mas lalo pa akong mainis.  Grrrrr. Sinapak ko siya sa balikat. "NAKAKAINIS KA!" sabi ko. "Okay ka na?" pagtatanong nito. Tumingin lang ako sa harapan.  "Oh, Ube, pampakalma," sabi nito sabay abot sa akin ng isang ube. "Halaaa?" sabi ko. "Sige na, kunin mo na pambayad sa pananapak mo sa akin tsaka para gumaan ang mood mo," sabi ni Leon. "Salamat," nakangiting sabi ko. Potcha, para akong bata na binigyan ng lollipop. Siga-siga ako pero ginagawa akong bata or tuta ni Leon. "Bakit ka ba naiinis?" pagtatanong nito. "Hindi ko rin alam," sabi ko habang kinakain ang ube. "Next time, kung gusto mo manapak, sapakin mo yung guard sa gate HAHHAHAHAH," pabiro nitong sabi. "AHHAHAHAAHAH, eh 'di napaguidance ako niyan?" sabi ko. "Joke lang, basta, simula ngayon, ready na ang braso ko para sayo," sabi ni Leon. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at tinignan siya sa mata. "Bakit?" pagtatanong nito. "Napapaisip ako, bakit seryoso ka sa akin, bakit hindi na lang ulit kay Lyssa eh hindi ba wala na iyang jowa?" pagtatanong ko. "Alam mo, childhood crush ko si Lyssa, sabi niya intayin ko siya matapos ng college and no'ng nalaman ko na naging sila ni Alex, nasaktan ako. Pero ngayon? Natatawa na lang ako. Wala naman na akong balak mag-iibig pa eh kaso dumating ka. No'ng nakilala kita at nagustuhan sa lahat ng mga pinakita mo, napaisip ako na hindi mo ako magugustuhan. Sino ba naman ako? Maliit, matangkad ka, moreno ako, maputi ka, oh hindi ba pangit ang combination," pagkukwento nito. "Tangeks, huwag mo nga sabihan ang sarili mo niyan, " sabi ko. "Pero Brea, sana bigyan mo ako na'ng pagkakataon na lumapit at ipaalam ka sa magulang mo na ligawan ka at mahalin ka," sabi ni Leon. Shocksssss. Everything seems. POTEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEKKKKKKKKKKKKK
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD