Brea's POV
"Breaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! bukas na yo'ng sa fireworks ah, kasama daw si Leon ah? so bali siya ang body system mo," sabi ni Abby.
"Akala ko ba sa 30 pa?" pagtatanong ko.
"Baluga ka? 29 na ngayon hayop ka!" sabi ni Abby.
"Ay weh? tignan ko ngaaaa," sabi ko.
Binuksan ko ang likod ng notebook ko kasi may calendar doon.
"Ay oo ngaaa!" sabi ko.
"Oh, mga 5:00 pm tayo magkita-kita sa 7/11 pero kasabay naman kita eh, doon tayo iintayin ni bebe ko at ni Leon," sabi ni Abby.
"Ahh oh sige, teka, wala pa pala ako susuotin. Tsaka ano bang gagawin natin doon?" pagtatanong ko.
"Balak kasi namin ni bebe ko na mag perya, magrides at kumain. Kayo ba?" pagtatanong ni Abby.
"Hindi ko alam e, tsaka hindi ko sure kung may pera ako huhu," sabi ko.
"Ililibre ka for sure ni Leon te, don't worry," sabi ni Abby.
"Ayoko nga na iasa ang budget ko sa kaniya tsaka hindi naman ako part ng budget ng wallet niya and 'yong pera niya from his parents iyon," sabi ko.
"Napakaarte mo talaga, syempre minsan ka na lang ilibre, huwag ka na tumanggi," sabi ni Abby.
Nagbuntong hininga na lang ako.
"Anong oras ba uwi natin?" pagtatanong ko.
"Gago ka? 12:00 midnight ang fireworks, mga 1 tayo uuwi," sabi ni Abby.
"Tangina, ipaalam mo ako para payagan ako tsaka huwag mo sabihin na may kasama tayong lalaki tsaka sabihin mo sobrang marami tayong magkakaklase ah?" sabi ko kay Abby.
Alam ko kasi na hindi ako papayagan ni Mama at Papa e.
"Oh sige, malakas ka sa akin e," sabi ni Abby.
"Eh, alam na ba ni Leon na ganoon ang uwi?" pagtatanong ko.
"Oo," sabi ni Abby.
"Pinayagan ba siya?"
"Tanong mo," sabi ni Abby.
"Eh, paano kung hindi siya pinayagan?" patatanong ko.
"Huwag kag nega," sabi ni Abby.
Umalis na ako sa kinauupuan kong bench at umakyat na sa room.
Nadatnan ko si Leon na nakaupo sa kaniyang upuan at napalingon sa akin.
"Leon," tawag ko.
"Boss, bakit?" sagot nito.
Umupo ako sa tabi niya.
"Alam mo na daw bukas na may fireworks at 1 ang uwi ng madaling araw, pinayagan ka?" pagtatanong ko.
"Oo, pinayagan ako basta't mag-iingat lang daw ako," sabi ni Leon.
"Ahh," sabi ko.
"Eh ikaw? pinayagan ka?" pagtatanong ni Leon.
"Magpapaalam pa lang ako mamaya pero for sure papayagan ako," sabi ko.
"Sige, sa 7/11 daw kitaan ah,"
"Oo, sa 7/11, see you," sabi ko sabay tayo sa upuan pabalik na sana ako na'ng upuan ko na'ng biglang nagsalita si Leon.
"Brea, sabay tayo uwi mamaya," sabi nito.
Napatigil ako sa paghakbang ko.
Nanlaki mata ko.
Bumilis ang t***k ng puso ko.
Totoo ba ito?
Lumunok ako at humarap na sa kaniya habang nakangiti.
"Sige lang," sabi ko.
Saka bumalik na ako sa pwesto ko.
"Tangina mo, sino kasabay ko mamaya?" pagtatanong ni Joy.
"Shhh, oh ito magtricyle ka," sabi ko sabay abot ng bente.
"Yowwn, " sabi nito habang todo ang ngiti at umalis na sa upuan sa tabi ko.
Bakit hindi ko mapigilang ngumiti?
Naglelesson na si sir.
Grabe, namamawis pa rin ang kamay ko sa kilig at kaba.
Hindi ko namamalayan, recess na pala.
"Brea!" tawag sa akin ni Leon.
Tangina, before, normal lang pagtawag mo sa akinsa pangalan ko pero bakit ngayon may halong kaba at excitement?
"Po?" pagtatanong ko.
"Mayroon akong niluto para sa iyo,"
NAPATIGIL ANG MUNDO KO SA SINABI NIYA
TAMA BA ANG NARIRINIG KOOOO???
"Ha?? Halaaa, bakit?" pagtatanong ko.
Lumapit siya sa akin at dala niya ang baunan na stainless na tatlong tupperware.
Binuksan niya ito.
Dalawang rice tsaka isang ulam.
"Chicken Curry? Ikaw nagluto?" pagtatanong ko.
"Oo, gumising ako na'ng alas tres para magluto. Hindi ako marunong pero nagpaturo ako kay mama hahaha, sana magustuhan mo. Sabi mo kasi kahapon, gusto mo na'ng chicken curry," sabi ni Leon.
Nakangiti lang ako na nakatingin sa kaniya.
"Salamat sa effort mo, Leon. Naaapreciate ko ito," sabi ko.
"Wala iyon, oh, kutsara at tinidor, tikman mo," sabi ni Leon.
"Sige,"
Sumandok ako at tinikman iyon..
Hindi na masama para sa baguhan at mukhang marunong naman siya kahit papaano magluto.
"Masarap," sabi ko.
"Weh? nagustuhan mo?" pagtatanong nito.
"Oo, sakto, gutom na ako, salamat!" sabi ko.
"Sige kumain ka na diyan," sabi niya at tumayo siya dala ang isang tupperware ng kanin na siguro para sa kaniya.
"Saan ka pupunta?" pagtatanong ko.
"Babalik sa upuan ko at kakain na rin," sabi niya.
"Tara, dito ka na sa tabi ko, share tayo tsaka mas masaya kumain kapag may katabi halika na dito," sabi ko.
"Sige boss," nakangiti siyang tumabi sa akin at sabay naming pinagsaluhan ang niluto niyang chicken curry.
"EHEEEM PUTANGINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA SANA ALLLLLLLLL!" sigaw ng bakla kong kaklase.
"HAHAHAHAHAHAHAH," tawa namin ni Leon.
"TANGINA KAYO NA?" pagtatanong ni Xheel.
"Hindi," sabi ko.
"HINDI PA, Nililigawan ko pa lang," sabi ni Leon.
Hindi ko alam kung mabibilaukan ako dahil sa narinig ko eh.
"PASAKSAK PLEASEE!" sigaw ni Tanya.
"GUSTO KO NA'NG BEBEEEEEEEEEEE!" sigaw ni Jo.
"TANGINANG IYAN LEON, AKO NA LANG!" sigaw ni Josh.
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH," sigawan nila.
"Huwag mo na sila pansinin, kumain na lang tayo, hahaha," sabi ko.
"Sige boss," sabi ni Leon.
"Oh, sige na sayo na iyang natirang manok oh," sabi ko no'ng napansin kong isa na lang ang manok.
"Sayo na, busog na rin naman na ako tsaka isang kutsara na lang itong kanin ko," sabi ni Leon.
"Sure ka?" pagtatanong ko.
"Oo, sige na tsaka save the last for the best girl," banat ni Leon.
"Ang lakas mo talagang bumanat! HAHHAAH, salamat Leon," sabi ko.
"Wala iyon, para sa iyo Uranus," sabi ni Leon.
Matapos kumain ay ililigpit ko na sana ang baunan pero.
"Ako na Brea," sabi ni Leon.
"Nakakahiya, ako na," sabi ko.
"Sige na please? Ako na," sabi niya.
"Sige, pero hindi kita tinitake advantage or inaalila ah?" sabi ko.
"Hindi naman talaga eh, tsaka kusa ko itong ginagawa para sa iyo, Uranus," sabi ni Leon.
"Salamat ng marami Leon, labis mo akong napasaya ngayon," sabi ko.
"Sana palagi pa kitang mapapasaya, Uranus," sabi niya.
Lunok lang ang nagawa ko at ngumiti.
Pinagmasdan ko lang siyang inayos ang baunan at bumalik na sa kaniyang upuan.
Napangiti na lang ako noong makita ko siyang tumingin sa akin.
Dapat ba akong maniwala sa pinapakita niya?
Buong klase akong nagdiday dream. Ang tataas ng scores ko sa exam at sobrang pala recite ako kasi gusto ko magpaimpress sa kaniya.
Sobrang nagagalak ang puso ko at naeexcite na ako mag uwian.
Kasi bukas, ang pinakamasayang sabado ng buhay ko sa ngayon.
Ano kaya susuotin ko? Puro ako kajejehan, ayoko naman magdress kasi wala akong dress.
"BREAAA!" sigaw ni Joy.
"Anooo?" iritableng sabi ko.
"Pahingi papel," sabi nito sabay kuha na'ng papel sa bag ko.
Ang galing.
Ringgggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggg
"Uwian naaaaaaa!" sigaw ng mga kaklase ko.
"Pre, sa may gilid tayo ng mercury, tambay tayo," sabi ni Paul kay James.
"Ge, may bola ka? basketball tayo doon," sabi ni James.
"Wala pero may kakilala ako na mayroon, kakalabanin natin sila mamaya sabi ni Paul,"
"Gege," sabi ni James.
"Te, pahingi polbo," sabi ni Zheel.
"Oh, saan tayo gora mamaya?" pagtatanong ni Lyssa.
"Mall tayo," sabi ni Zheel.
"Pahiram liptint para makaawra ako," sabay ni Zel.
"Oh," bigay ni Zheel.
"Hoy, laro tayo sa Mineski, pustahan daw," sigaw ni Baron.
"LoL? Gege, ilan tayo?" pagtatanong ni Sanchez.
"Apat tapos kalaban natin sila Franz ng kabilang section," sabi ni Baron.
"Geh lang," sabi ni Sanchez.
"Te, sabay na tayo umuwi," sabi ni April kay Tin.
"Wait, nagsusuklay pa ako," sabi ni Tin.
"POTANGINA NIYO CLEANERS NAGTATAKASAN NA NAMAN KAYO AT ISA LANG NAIWAN! SUSUMBONG KO LAHAT NG FRIDAY CLEANERS MALIBAN KAY MEG!" sigaw ni President.
"LUH? Nagusog ako na'ng upuan!" reklamo ni Jane.
"Ako na magtatapon ng basura," presinta ni Wendell.
"Luh, ako nga kumuha na'ng dustpan at walis sa imbakan e," reklamo ni Rody.
"HAHAHAHAHAHAH," tawanan namin.
"GAGO KAYO, AYUSIN NIYO 'YONG ROOM BAGO UMALIS KUNG HINDI MAYAYARI KAYO KAY MA'AM SA LUNES!" sigaw ni President.
"Gege," sabi ni Rody.
Ganiyan ang usual set-up tuwing Friday.
Ako? Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit ko.
Nakita ko na si Leon na nag-aantay sa akin sa pintuan ng room.
"Te alis na ako, enjoy sa date niyo! HHAHAHHAAH," sabi ni Joy.
"Hayop anong date?" sabi ko.
Tumawa lang siya at umalis na.
"Tara na?" sabi ni Leo.
"Tara," nakangiting sabi ko.
"PUTCHAAAAAAA SANA ALLLL!" sigaw ni bakla Josh no'ng nakita niya kami ni Leon palabas ng gate.
Medyo yumuko lang ako.
"Tara, daan tayo sa ibang way para hindi natin sila makasabay," sabi ni Leon.
"Sige," sabi ko.
Dumaan kami sa ibang daanan.
Masaya at medyo tahimik lang kami na naglalakad. Paminsan-minsan ay nagkukwento si Leon at nakikinig lang ako. Minsan kapag ,ay maidadaldal ako ay ikinukwento ko.
"Oyy, tara gusto mo na'ng chocolate cake diba?" sabi ni Leon sabay turo sa bakery.
"HA? ahh, hindi wala rin kasi akong pera," sabi ko.
"Ililibre nga kita," sabi nito sabay hila sa akin.
"Ayawwww," sabi ko.
Parang tanga kaming naghihilaan.
"Sige na, please?" sabi ni Leon.
Napahinto lang ako at pumayag na rin.
"Ang dami nito, salamat Leon," sabi ko.
"Okay lang iyan, masaya maglakad kung may food trip hindi ba? Tsaka mainit kasi ngayon," sabi nito.
"Oo nga e," sabi ko.
"Alam mo ba Brea, sobrang masaya ako kapag kasama kita," sabi ni Leon.
"Natutuwa din ako na kasama ka, pero syempre nandito yo'ng takot ko na baka umpisa lang ganito," sabi ko.
"Hindi kasi natin alam ang kapalaran na tatahakin natin pagkatapos nito at kapag tumuntong na tayo sa kolehiyo," sabi ni Leon.
"Oo nga eh," sabi ko.
"Pero, isa lang matitiyak ko," sabi nito.
"Ano?" pagtatanong ko.
"Habang hinahayaan pa na'ng mundo at ng Diyos na nasa tabi kita, na kasama pa kita at sabay pa tayo sa tahakin na ito ay gagawin ko ang lahat para mapasaya kita, para maging balikat mo sa bawat pagod, lungkot, hinanakit mo sa mundo. Bubusugin kita na'ng love, pagkain, appreciation, efforts at iba pa kasi deserve mo iyon," sabi nito.
"Talaga bang deserve ko? Hindi ako maganda, hindi maayos ang aking mukha, hindi ako 'yong babaeng lilingunin ng kahit sino, hindi ako basta," sabi ko.
"Pero lahat ng iyan ay ikaw sa paningin ko at iyon ang mahalaga kaya sana hayaan mo ako sa pagkakagusto ko sa iyo," sabi ni Leon.
"Okay, hahayaan kita na gawin akong crush and tignan natin ewan ko," sabi ko.
"Bukas ah? Aasahan kita," sabi ni Leon.
"Aasahan ko rin na magiging masaya tayo bukas," sabi ko.
"Uranus, salamat," sabi nito.
"Para saan?" pagtatanong ko.
"Kasi binigyan mo ulit ng tapang at kulay ang mundo ko," sabi nito.
"Wala iyon," sabi ko.
"Sige na ihahatid na kita doon sa pinakamalapit na kanto sa inyo. Ayokong dito tayo magkahiwalay, medyo malayo pa lalakarin mo," sabi ni Leon.
"Sure ka? Medyo mapapalayo ka," sabi ko.
"Oo naman, isipin mo na ginagawa ko ito para protektahan ka simula ngayon at samahan ka," sabi ni Leon.
"Salamat, naaapreciate kita," sabi ko.
Naglakad na kami malapit sa amin.
"Sige na Salamat ullit," sabi ko.
"Wala iyon, " sabi ni Leon.
"Bye, ingat ka," paalam ko.
"Sila mag-iingat sa akin AHAHAHAHAH, sige pasok an babye," sabi ni Leon.
Ngumisi lang ako at pumasok na na'ng tuluyan sa bahay.
Salamat Leon.