CHAPTER 14

3310 Words
Brea's POV "Gagu men, paano kaya ako makakapag-isip ng tama ngayon?" pagtatanong ko sa sarili ko. Nilapag ko ang bag ko sa sahig at nakatulala pa rin. "Hindi ako prepared sa mga ganito kasi alam kong kapag kinikilig ka, masasaktan at masasaktan ka lang pota!" sabi ko sa sarili ko. Bahala na. Parang tanga ako dito eh si Leon lang naman iyon. Ano pala susuotin ko bukas? Itong crop top na may hoddie na lang kaya? Puti ito, maganda na kasi maputi ako tapos highwaist na ripped jeans. Kaya na ito noh? "At bakit ka nagsusukat?" pagtatanong ng malisyosa kong kapatid. "May gala ako bukas bakit ba?" masungit kong sabi sa kaniya. "Wehhh? Makikipagdate ka eh, alam ko na iyan. Naka-ilang beses na akong nakakita ng love letters sa bag mo, HASHTAG BINIBINI HAHHAAHAH,"  Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi na'ng kapatid ko. "POTAA!!!!!!!!!!! BAKIT KA NAKIALAMMMMMMMMMMMMMMM!!!" sigaw ko. "Hindi ko pinakapakialaman, kusang lumalabas e HAHAHAHAHAHA," pang-aasar pa nito. Sa sobrang bwesit ko at kahihiyan ay inabot ko ang unan at binato ito sa kapatid ko. "MAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" bwesit kong tawag kay mama dahil pikon na pikon na ako sa mapang-asar na mukha na'ng kapatid ko. "Binibini, mukha kang tai HAHAHAAHAHAHA," pang-aasar pa na'ng kapatid ko. "LABAAAAAAAAAAAAASSSSSS!" sigaw ko. "BLEEEEEEEEEEEEEEEEEEHHH"  ______________________________________________________________________________________________ Putanginaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa. Alas dose na hindi pa rin ako tulog. Sobrang kinakabahan ako. Actually iniready ko na sa tabi ko ang bag, gamit, damit at sapatos ko dahil sa sobrang pagkaexcite ko. "Tanginang iyan, kailangan ko matulog, bawal pangit bukas," sabi ko sa sarili ko. ______________________________________________________________________________________________ "Ateeeeeeeee! Alas 3 na hindi ka pa rin gising!" sigaw ng kapatid ko. "Huh? Anong alas tres? Wala akong pasok, sabado ngayon," sabi ko habang nakapikit. Madaling araw ba naman ako gisingin. "GAGO KA ALAS TRES NG HAPON!" sigaw ng kapatid ko "HA???????????????????" SIGAW KO SABAY BANGON. "OOOHHH TIGNAN MO," sabi na'ng kapatid ko sabay pakita na'ng clock. "PATAAAAAAAAAAAAAY!" alas 5 ata kami magkikita-kita e.  Hindi ko na muna inopen ang phone ko at dire-diretso akong tumalon sa higaan at kumaripas patungong comfort room. Naligo ako na'ng maigi para mabango  naman ako. Nagsuot na ako na'ng damit ko. Fuck, cute ba ako dito? Astig ba ito?  Ampangit ko. Hays hayaan na. Pangit na kung pangit. Inopen ko muna f*******: ko baka nagwawala na mga kasama ko. Sabi na e. (Abby_Cruz 24 messages) (Leon Bryle Tolentino 10 messages) Nag-palit na'ng ign si Abby? (Abby_Cruz: Te? ano na?) 1:30 pm (Abby_Cruz: Te? ano na?) 1:30 pm (Abby_Cruz: Te? ano na?) 1:30 pm (Abby_Cruz: Te? ano na?) 1:31 pm (Abby_Cruz: Te? ano na?) 1:35 pm (Abby_Cruz: Te? ano na?) 1:40 pm (Abby_Cruz: Te? ano na?) 2:30 pm (Abby_Cruz: Te? ano na?) 2:30 pm (Abby_Cruz: Te? ano na?) 3:21 pm (Abby_Cruz: Te? ano na?) 3:21 pm (Abby_Cruz: Te? ano na?) 3: 21 pm Gagung yan, flood copy messages. (Leon Bryle Tolentino: Hello, good morning!) 7:00 am (Leon Bryle Tolentino: Kumain ka na? Ingat mamaya ah?) 7:00 am (Leon Bryle Tolentino: See you) 7:00 am (Leon Bryle Tolentino: Huwag ka sana magagalit sa akin after ng araw na ito) 10:30 am (Leon Bryle Tolentino: Mag-enjoy lang tayo Uranus) 10:30 am (Leon Bryle Tolentino: Wala akong mahanapan ng paborito mong polvoron pero hahanapan talalga kita) 12:14 pm (Leon Bryle Tolentino: Tulog ka pa noh? HAHAHHHAHAHA okay lang iyan boss) 1:20 pm (Leon Bryle Tolentino: Boss?) 3:24 pm (Leon Bryle Tolentino: Nagpiipiem na sa akin si Abby kung buhay ka pa daw? ) 3:30 pm (Leon Bryle Tolentino: Ano sasabihin ko) 3:30 pm (Brea Tolentino: Slr, ito na palayas na. Sorry late nagising.) 4:30 pm "Maaaaa! alis na po ako!" pagpaaalam ko. "Anong oras ka uuwi?" pagtatanong ni Mama. "Alas dos ng madaling araw po!" sagot ko. "Bwesit kang bata ka! Ke-bata bata mo pa madaling araw ka na uuwi!" sigaw ni Mama. "Opo, part po ito na'ng teenager life, thank mama, labyuuuu pasabi na lang kay papa para di ako makutusan mwuaaa," sabi ko. "Bwesit ka sige ako na bahala ingat ka!" sigaw ni Mama. "Opo," sabi ko. Excited akong pumunta kila Abby. Yieeeeeeeeeeeeeeee. Charot. Naka hooddie white na pa- crop top ako tapos skinny ripped jeans tapos white shoes.  "Abbby," tawag ko kay Abby. "Hoy te, akala ko hindi ka na tutuloy kanina pa kita chinachat," sabi nito habang nagsusuklay. "Sorry, late na ako nagising," sabi ko. "Bakit? Excited ka yiee," sabi ni Abby. "Huh? hindi ah," pagdedeny ko. "Nandoon na daw si Leon and ready na si Mark my bebe loves kaya tara na," sabi ni Abby. "f**k? Susunduin natin bebe mo?" pagtatanong ko. "Baliw hindi, dadaanan natin since katapat lang ng bahay nila yo'ng seven eleven," sabi ni Abby. "Sige,"  So ayun naglalakad na kami and hindi kami nakapagkwentuhan ni Abby dahil busy siya katawagan sa bebe niya eh akala mo naman hindi magkikita mayghad. Yo'ng suot pala ni Abby is denim jacket, tube tapos pants na white and nakalugay siya. Morena siya. Maganda and ako, ito lang HHHAHAHAHA tamang pangit sa gedli. Napuntahan na namin ang bebe ni Abby. "Hi," sabi ko doon sa bebe ni Abby. "Hello," sagot nito. "Anong name ng bebe mo ulit Abby?" pagtatanong ko. "Mark," sagot ni Abby. "Hello Mark alagaan mo si Abby kung hindi patay ka sa akin," sabi ko. "Oo naman, love ko itong si YATO ko e," sabi ni Mark. "YATO?" pagtatanong ko. "You are the one, YATO, call sign namin," sabi ni Mark. Natatawa ako sa isip ko pero kailangan kong pigilan. "Sweeettt, naol," sabi ko na lang. "Oy, Leon!" sigaw ni Abby. Napalingon ako sa gawing tinitignan ni Abby. Nakita ko si Leon at parehas kaming nakawhite. "YIEEEEEEEEEEEEE, pinag-usapan niyo iyan?" pagtatanong ni Abby. "Hindi ah," sabi ko. "Hindi nga e," sagot ni Leon. "Ehem, anyway, tara na," sabi ni Abby. So bali nasa harapan si Abby at Mark at sa likod kami ni Leon. "Ahm, kamusta?" pagtatanong ko.  Awkward kasi na parehas kaming tahimik. "Ah, okay lang, ikaw? Kumain ka ba? Late ka na nagising e," pagtatanong ni Leon. "Ahh, oo, mabilisan nga lang e, doon na lang siguro ako kakain," sabi ko. "Brea, huwag ka sana magagalit sa akin ah?" sabi ni Leon. "Bakit?" pagtatanong ko. "Ahm, Kasi ano, humingi ako na'ng tulong kay Joy no'ng nakaraan," sabi nito. "About?" pagtatanong ko. "Sa gusto mo," sabi ni Leon. LEON'S POV (Flashback) "Joy! Patulong ako, balak ko kasi ligawan si Brea, baka may alam kang mga gusto niya," sabi ko kay Joy. "Aha! Mayroon kaso may bayad!" sambit nito. "Bayad?" pagtatanong ko. "Oo HAHAHAHAHA, libre mo lang ako na'ng softdrinks," sabi nito sa akin. "Sige, kailan?" pagtatanong ko. "Ngayon na, para mabigay ko na sa iyo mamaya ang kailangan mo," sabi nito. "Maibigay?" parang tangang tanong ko. "Basta, tiyak, pasado ka na kapag nakuha mo iyon," sabi ni Joy. "Sige," so ayon, pumunta na kaming canteen at nilibre siya. "Ate, pabili nga po softdrinks, isa," sabi ko. "Para kanino yan Tolentino? Kay miss na nasa tabi mo? Jowa mo?," malisyosong sabi ni Ate Sandra. Kilala ko si Ate Sandra kasi kapitbahay namin siya at dito sa nagwowork as canteen helper sa school. "YUCK HINDI AH, TSAKA KAIBIGAN KO PO GUSTO NIYAN," mabilis na sabi ni Joy. Tumawa lang ako. "Nako, pakilala mo sa akin iyan Tolentino," sabi ni Ate Sandra sabay abot ng nakaplastic na softdrinks. Tumawa lang ulit ako. "Sige na po, salamat po," sabi ko. Noong nakalakad na kami na'ng malayo-layo ay kinausap ko na si Joy. "Oh, ano ba iyon?" pagtatanong ko. "Kasi may notebook si Brea na simula elementary siya ay kaniya na," sabi ni Joy. "NOTEBOOK LANG PALA E AWIT SAYO," sabi ko sabay kamot ng ulo. "Gago, teka lang, excited ka. So ganito nga, may notebook siya, tapos nakasulat doon yo'ng list ng gusto niya maranasan sa magiging future jowa niya or ideal jowa niya," sabi ni Joy. "Weh? Oh, anong gagawin natin?" pagtatanong ko. "Ako bahala, chill ka lang. Pagkaakyat natin, kapag nakuha ko na, sesenyasan lang kita," sabi nito. "Dala niya kaya iyon?" pagtatanong ko. "Gago, oo, kasi ayaw niya mabasa na'ng kapatid niya na mahilig makealam ng gamit niya, ang mga kalokohan niya or kakornihan sa buhay," sabi ni Joy. "Eh, paano mo nalaman ang tungkol doon?" pagtatanong ko. "Kasi kinuwento sa akin ni Brea," sagot ni Joy. "Ahh, sige sige," Pumasok na kami sa room.  Plano namin, I mean ni Joy na tawagin ko si Brea or lapitan man lang para madistract sa bag niya kaso wala, kapalaran na ang kusang gumalaw, umalis si Brea at sinamahan si Abby palabas.  Nakangiti na'ng wagas si Joy. Nagkakalkal na parang magnanakaw si Joy sa bag ni Brea. Una niyang nilabas ang pulbos nito. Sinenyasan ko siya. "Bakit pulbos?" pabulong ko. Sumenyas siya na'ng wait lang. Maya-maya ay tumakbo na siya sa labas at sumunod ako pero naglakad kalmado lang ako. Noong nasa may puno na siya ay sinenyasan niya ako na bilis daw. "Oh, bakit pulbos kinuha mo kanina?" pagtatanong nito. "Props lang iyon, oh, ito, basahin mo yo'ng nasa dulo, enjoy," sabi ni Joy sabay alis na. Pagnanakaw sa personal property to ah, sorry talaga Brea. Mabilis na lumipas ang masasayang oras hanggang sa pag-uwi namin ni Brea. No'ng maihatid ko na siya ay bigla kong naalala ang notebook niya kaya dali-dali akong umuwi para mabasa ito. Diretso kwarto muna ako at nilapag ang damit, nagbihis at agad itong binasa. "M GA GUSTO KO MARANASAN SA TAONG PARA SA AKIN  (10 WISH LIST) 1. Gawan ako na'ng sariling compose na'ng kanta tapos kantahin niya sa akin iyon. 2. Bulaklak, gusto ko no'n. 3. Ipagluto ako. 4. Ituturing akong karespe-respetong babae. 5. Love letters huhu, gusto ko no'n kasi ang sarap sa pakiramdam na amkatanggap ng love letters. 6. Igalang at magpakilala sa aking magulang. 7. Bituin 8. May takot sa Diyos dapat kami parehas. 9. SECRET PA 10. SECRET PA  Ahhh. ganito pala, sige sige.  Kaya mo ito Leon. (END OF FLASHBACK) BREA's POV Matapos ikwento ni Leon ang kalokohan nila ni Joy at ang pagkuha nila sa notebook ko ay nataranta ako lalo na no'ng nakita kong hawak niya na ito. Agad ko itong kinuha. "Galit ka ba?"  pagtatanong nito. "Hindi ah, kinabahan lang, " sabi ko. "Huwag kang mag-alala, hindi ko naman sinira iyan,"  sabi nito. "Nako okay lang, tara na nga, sakay na tayo," sabi ko sabay sakay na na'ng jeep. Sobrang traffic.  Antukin pa naman ako. One time, nakaupo ako doon sa likod ng driver, tapos dahil sa sobrang antok ko hindi ko namamalayan na nakayakap na pala ako sa upuan nito habang naglalaway. Shock nakakahiya. Eh, maganda ang damit ko ngayon kaya ayokong magmukhang ano. "Ehem, ngayon ko lang napansin, nag-usap pala kayo na puti ang susuotin niyo?" pagtatanong ni Abby. Napalingon kami sa damit ng isa't isa. "Hala, oo nga," sabi ko. "Hala, astig, meant to be. Hindi kami nag-usap sa kulay ng damit ah," sabi ni Leon. "Sana all, hindi ba YATO?" sabi ni Abby sa bebe niya. Natatawang nagkatinginan kami ni Leon. Ang tagal shet. Anong oras na, sobrang traffic amp. "Magrirides kayo?" pagtatanong ko sa kanila. "Oo naman, syempre pero depende kasi itong si YATO ko ay mahihiluhin," sabi ni Abby. Ngumisi lang ito. "Ikaw? G ka?" pagtatanong ko kay Leon. "Oo naman," sabi nito. _____________________________________________________________________________________________ Nakarating na kami sa pupuntahan namin. Ang daming tao, napag-isipan namin na magjeep papuntang riverbanks tapos maglakad mamaya pauwi para masaya. Grabe, sa sobrang traffic, alas 6 na agasd. "Tara, kain muna tayo, nagugutom na kami," sabi ni Abby. Sinenyasan ko lang si Leon ng tara. Kumakain kami sa damuhan ng pizza, kwek-kwek at chips. May softddrinks din kami. Habang naghaharutan sila ay abala ako sa pagkain at pagtingin sa paligid. Napansin ko na tahimik si Leon at hindi mapakali. "Okay ka lang?" pagtatanong ko. "Oo, Uranus, okay lang ako," sabi nito. "Pinagmamasdan ko ang paligid, sobrang saya na'ng mga tao noh, gusto ko lagi lang masaya, na parang wala na'ng bukas," sabi ko kay Leon. "Sana nga ganoon na lang lagi, lagi na lang masaya kaso hindi Uranus e, hindi ganoon ang buhay. Puro ito pain, sadness and fear. Kaya need talaga na kumapit ka sa Diyos kasi kahit maranasan mo ito, sa dulo na'ng araw ay matatagpuan pa rin ang kaligayahan kahit na ikaw ay nahihirapan tsaka sa mga sad, pain or fear moments na iyan, doon tayo lumalago, doon tayo lumalakas, doon tayo nagiging magaling at matapang," sabi ni Leon. "Naranasan mo na ba yo'ng sobrang saya tapos biglang binawi na'ng labis na lungkot?" pagtatanong ko. "Naranasan na at alam kong mararanasan ko ulit," sabi nito sa akin. "Hindi ka ba naphobia, nainis or what?"  pagtatanong ko ulit. "Nagalit, natakot pero wala akong magagawa, ganoon ang buhay. Kaya ang ginagawa ko, kapag may available happiness, ginagrab ko, sinusulit ko, ginagawan ko na'ng paraan para maging memorable para sa time na bawiin na ito na'ng lungkot, atleast, mas memories ako na baon na pwede kong alalahanin," sagot nito. "Gaya na'ng ano?" pagtatanong ko. "Hoyyyyyyy, tara na rides na tayo," sabi ni Abby. Lumingon ako at tumayo na. Napalingon ako ulit kay Leon. "Maraming bagay," sabi nito. Naglakad na kami patungong bump cars.  Nagkahiwa-hiwalay na kami kasi sila Abby, gusto mga pabebeng laro kami naman ni Leon, diretso sa barilan. HAHAHHAHAHA. "Fire in the hole!" sigaw ko. "Bang- bang- bang-" sambit ni Leon. "Tabiiiiii, bogssssssssssh, ratatatatatatatattatatt," sabi ko. Tawa lang kami na'ng tawa sa kalokohan namin. "Tara, basketball?" pagtatanong ko. "Game,"  So paramihan kami na'ng shoot sa limang bola. "HAHAAHAHAHASHAHAHAHAHAHAHAHA,"  "HAHAHAHAHAHAAHAHHAHAHAHAHA," grabe ang tawa namin no'ng lumipad sa kabilang bakod yo'ng bola na ishoshoot ko sana. "HAHAHAHAHAAHAHAHAHAH, GO BOSS," sabi nito. "HAHAHAHAHHAHHAHA, nakakahiya," sabi ko. Nagpatuloy kami hanggang sa siya ang nanalo, naka tatlong shoot siya, ako isa lang. "Nasaan na ba sila Abby?" pagtatanong ko. "Ayooooon" sabi ni Leon sabay nguso sa likod ko. "Hoyyyyyyy VIKINGS TAYOOOOOOO!" sigaw ni Abby. "HA? hehe," sabi ko. "TARA NAAAA bumili na kami tickets natin," sabi ni Abby. "G," sabi ni Leon. Tumango lang ako. "Okay ka lang?" pagtatanong ni Leon. "Oo, kinakabahan lang," sabi ko. "Walang duwag sa atin, enjoyin lang and lakasan ang loob, kapit ka lang sa akin, hindi kita pababayaan," sabi nito. Napangiti lang ako sandali at bumalik na sa emosyon ko na kaba. PUTANGINA! pinili pa nila ang pinakadulong pwesto na'ng barko. "HAHAHAHAHHAHAHA LET'S GOOOOOOOOOOOOO!" sigaw ni Abby. "WALA PA HAHAHHHHA," sigaw ng bebe niya. "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" sigaw ko. "ARAAAAAAAAAAAAAAAYY SAKIT SA TENGA NA'NG BOSES MO !" sigaw ni Abby. "Kaya natin ito boss," sabi ni Leon. "5," "4," "3," "2," "1," "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!" taena nagsimula na ang barko. "MAMAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA," sigawan nila. "KUYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA TAMA NAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA," "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!" "WHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOH" "TANGINAAAAAAAAAAAAAAAA MOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO" Nakapikit lang mga mata ko. "YATTTTTTTTTTTTTTTTTTTTOOOOO BABYYYYYY!"  potanginang magjowa to. panira "Brea, enjoy, open your eyes dali," sabi ni Leon. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at kumapit sa hawakan pero ang taas taena. Kumapit na ako sa kamay ni Leon. "WWWWWWWWWWWWWWWWWWWWOOOOOOOOOOOOOOOOOHHHHHHH!" sigaw nito. "Sigaw ka Brea," sabi ni Leon. Matapang kong binuksan ang aking mga mata at sumigaw. Pataas pa lang kasi ang barko. "AYOKO NA MAMA UUWI NA AKO MAMAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" sigaw ko no'ng pababa na putcha ang taas. Umaangat na ako sa kinauupuan ko. "Ama namin,  Sumasalangit ka" pabulong ko "HAHAHAHAHAHAH," tawa ni Leon. Natapos na rin. Medyo hindi ako makatayo or makabalance. Hinawakan lang ni Leon ang kamay ko at inalalayan ako pababa. Nakayakap lang si Abby kay Mark na parang bata. "Freak," pabulong kong sabi. "Ano  sunod?" pagtatanong ni Abby. "Wait lang kakalma pa ako," sabi ko. "Horror Train para chill, kami na ni Mark bibili na'ng ticket," sabi ni Leon. "CHILL? HA HA HA GE GE," pagdadrama ko. "HAAHAHAHAHAHHA," tumawa lang sila at umalis na. Bumili na sila samantalang naiwan kami ni Abby sa pila. "Oh, kamusta kayo ni Leon? Sweet niyo ah, kayo na ba?" pagtatanong ni Abby. "Hala hindi ah, kayo nga sweet, nilalanggam kami doon sa vikings," sabi ko. "Syempre, kami na e," sabi ni Abby. "HA? akala ko ba ligaw pa lang? Kailan naging kayo?" pagtatanong ko. "Kanina," natatawa ako sa utak ko pero masaya ako for Abby. "CONGRAAAAAAAAAAAAAAAAAAAATS," sabi ko kay Abby. "Thank you teh," sabi nito. Ayan na, dumating na ang mga boys at may mga dalang inumin.  "Ack, thank you YATO," sabi ni Abby sabay kuha at inom nung juice. Isa lang kasi dala ni Leon na juice, hindi ako mageexpect na para sa akin iyon kaya medyo nilihis ko ang tingin ko. "Brea, oh, inom ka muna," parang pumalakpak tenga ko. Para sa akin ba talaga iyon? "Ah, nakakahiya, iyo iyan e, ahm bibili na lang ako mamaya hihi," tanginang pabebe na sabi ko. "Hindi, tapos na ako, bili ko talaga ito para sayo," sabi nito. Napalingon lang ako sa kaniya at ngumisi na. "Salamat," sabi ko sabay abot at inom. "Let's go guys!" sigaw ni Abby. "Ticket po," sabi no'ng kuya. "Here," bigay ko. "Sa unahan tayo," sabi ko. "Tangeks, walang thrill, dulo tayo HAHAHAHAAHHAH," sabi ni Abby sabay takbo nila sa likod. "Gagi, bakit doon?" pagtatanong ko sa sarili ko.  Nag-aalinlangan pa ako humakbang. "Tara na, matapang ka hindi ba?" pagtatanong ni Leon. "Oo, kaya iyan," sabi ko. So potek. ganito ang setup namin. Likuran kami pero by pair.  Nakakatakot na kasi kailangan dalawa-dalawa lang. Gusto ko pa naman gitna ako. "Pakapit ah?" sabi ko kay Leon. "Sige lang," sabi nito. Ayan na putanginang tawa iyan. Nakakatakot.  Ayan naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa. "TAAAAAAAAAAAAAAANGINAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" sigaw ko habang dahan-dahan na umaandar ang train papasok. "WALAAAA PAA!" sigaw ni Abby. "AHAHAHHAHAHAHAHA," tawanan namin. Taenang mga sound effects ito. "MAMAAAAAAAAA!"  "BWWAHAHAHAHAHA!"  Takte hindi ko alam kung pipikit ba ako or hindi e. So far, sa unang ikot ng train na ito, walang lumabas. Nakampante ako kasi medyo mabilis lang kasi umandar tapos parang tanga lang yo'ng mga sound effects. Sa pangalawang ikot, medyo bumagal na at potangina hindi ko na nais pa ang magstay pa dito kaya dali-dali akong humiga sa sahig. "Uyyyy, anong ginagawa mo diyan sa sahig?" pagtatanong ni Leon. "Basta,"  So tinakpan ko tenga ko. "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH!"  Mga sigawan ng mga punyeta. So akala ko tapos na kaya inangat ko ang ulo ko at pag-lingon ko sa likod----- "MAMAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! " sigaw ko sabay hampas sa nakamascot na chuckie sa likod ko. "HAHAHAHAHAHAHAHAH," tawanan nila. Natapos na ang putanginang horror house.  Ano naaaaaaaaa "Kaya pa?" pagtatanong ni Leon. "Oo naman, tara, doon tayo,"  So ayun, ang dami naming sinakyan at halos maubos na ang pera AHAHHAHAHAAH. "Anong oras na?"  "Mga 10:30 pa lang, may fireworks mamaya pero yung pinakabongga, mga 12:00 pa daw," sabi ni Leon. "Bakit dalawa?" pagtatanong ko. "Ewan ko rin. "Ahh," sabi ko lang. Sumakay na kami sa ferris wheel, by pairs. "Una ka na Brea," napakagentleman naman ni Leon. pagkaupo ko ay umalog ang ferris wheel. Ganoon na ba ako kataba? "HAHHAHAHAHAHAHA," tawa ni Leon. So dahan-dahan na umaakyat ang ferris wheel. I mean umiikot. Tapos paakyat kami. No'ng nasa pinakatuktok na kami, huminto sandali ang ferris wheel dahil may pinapasakay. Nagsalita si Leon. "Brea, gagamitin ko itong opportunidad na ito upang aminin sayo, saksi ang mga tala at buwan, sa ibabaw ng lahat ng tao na nakikita mo, sa pagtaas ng hanging sumasabay sa lamig ng aking puso, aaminin ko sayo," Huminga siya na'ng sandali. "Mahal kita, gusto kita higit pa sa inaakala mo,"  Natunaw ang puso ko sa sinabi niya. Nakatingin lang siya na'ng seryoso sa akin. Nagulat ako dahil ilang segundo ang nakakalipas, biglang nagkafireworks. Saktong-sakto na nasa itaas kami, kitang kita namin ang fireworks at sobrang saya na'ng puso ko habang pinagmamasdan ito samantalang siya, pinagmamasdan niya ako. Bakit pinapaibig mo ako na'ng husto Leon? Una, kaya ko pang ideny na gusto na rin kita. Kaso, mas lalong hindi ko kayang itago. Binihag mo ang puso ko Leon. At nagsimula na umandar ang ferris wheel. Hindi ko ramdam ang takot, ramdam ko lang ang saya, ang kaba at ang kilig. Ngumiti lang siya sa akin. Ngumiti lang din ako sa kaniya.   _________________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD