CHAPTER 15

1942 Words
Brea's POV Naglalakad kami ngayon sa gilid ng ilog, magkahawak kamay sila Abby at bebe niya, magkatabi lang kami sa likod ni Leon. Maraming mga kabataan ang nagkukwentuhan habang naglalakad, ang ilan naman ay nagbibike.  "Nagagalit ka ba Brea?" pagtatanong ni Leon. "Huh? Saan at bakit?" pagtatanong ko. "Kasi umamin ako, kasi gusto kita," sabi ni Leon. "Wala iyon, tsaka may gusto rin ako aminin sayo e, pero sorry, gusto ko gamitin ang awitin para masabi ko sa iyo,"   sabi ko. Putragis. Kinakabahan ako. "Huh? Ano iyon," sabi ni Leon. "Simula pa no'ng una, hindi na, maintindihan nararamdaman, naging magkaibigan, ngunit, hindi umabot ng magkaibigan, tanggap ko yo'n noon, kampante na ganun na lang, sapat na nakasama kita, kahit hanggang doon na alng, hindi na lang ako lalapit, hindi na lang titingin, para hindi na rin mahulog pa, sa iyong mga mata, siguro nga napamahal na ako sa iyo, hindi naman inaasahan, hindi naman sinasadya, pero alam ko rin naman, na---" "Hindi pwedeng hanggang dito na lang, liligawan kita na'ng pormal, Brea," sabi ni Leon. Umupo muna kami sa tabi ng ilog, actually, medyo madamo doon, marami kaming katabi, nakamasid kami sa ilalim ng maraming tala at maliwanag na buwan. "Brea, naaalala mo naman wishlist mo ano?" pagtatanong ni Leon. "Oo, bakit?" pagtatanong ko. "Ahm, ito, unang nasa wishlist na natatandaan ko, ipagluto ka. Napagluto na kita, medyo mahirap magluto kasi hindi talaga ako marunong, nagluto ako na'ng adobo, medyo malamig na ata ito," sabi niya sabay abot na'ng baunan. Halaaaa??? "Sorry, medyo malamig na eh," sabi nito. "Ohhh, okay lang, kakainin ko na, hati tayo, sobrang naaapreaciate kita Leon, Thank you," sabi ko. "Sige, ikaw muna kumain, habang kumakain ka, makinig ka lang sa mga sasabihin ko ah," sabi ni Leon. "Sure ka? Thank you Leon," sabi ko. Sobrang natutuwa ang puso ko sa ginagawa niya. I want to ask the heavens above if deserve ko ba na'ng ganito. I was just a ugly normal person. "Ito, ginawaan kita na'ng tula, sana magustuhan mo," sabi ni Leon. Napatigil ako sa pagkain ko at tinignan ang kaniyang wangis. Abala siya sa pagtingin sa papel kung saan nakasulat ang kaniyang tula. "Binibini sa ilalim ng mga tala, bow HAHAHHAHA, de joke, ito na. Binibini, sa iyong wangis na sobrang perpekto,  Natutunaw ang aking puso, Madalas mong sabihin na walang espesyal sa iyo at normal ka lang na tao ngunit sa paningin ko, Ikaw ang nag-iisang makinang na bituin sa gabing ito, Hindi man ikaw ang aking unang inibig, Saksi ang kalawakan kung paano ako sa iyo tumitig, Napakasimple mo, sa bawat ngiti at tingin mo, Pakiramdam ko, nasa alapaap na ako. Sana, sa bawat sandaling ipagkaloob ng Panginoon upang makapiling ka, Maiparamdam ko sa iyo na kakaiba ka, mahalaga ka, espesyal ka, Maganda ka, mabuti ka, karapat-dapat ka at MAHAL KITA. Hindi basehan ang salita upang maipakita, Hayaan mo na lang ang tadhana na gumuhit sa daanang sa ati'y nakatakda, Basta, sulitin muna natin ang mga araw na ito, Binibini, mahal ko, hawakan mo ang kamay ko," Lorddddddddddddddddddddddddd! Do I have to believe in this?  "Brea, nakita mo, sakto ang fireworks sa pag-amin ko sa iyo, pinanalangin ko sa Diyos na sana tulungan niya ako na maging special tong araw na ito. Mabuti na lang, dininig niya ang dalangin ko," sabi ni Leon. Naiiyak ako. "Wishlist mo rin ang awitan ka, hindi maganda ang aking tinig pero makinig ka,"  And then he sangs, My Valentine and Beautiful in White. Naiiyak ako. I don't know but I feel that angels were singing with him right now. My heart is dancing. I can't explain. Do I deserve this kind of love?  "Ito, may ginawa akong puzzle ng nickname na binigay ko sa iyo, sobrang hirap gawin, manu-mano pero worth it, it symbolizes that even the great storm will crush you into pieces, don't forget your identity, don't forget who you are and keep oon fixing yourself, I will help you if God permits me to stay with you along the journey," sabi ni Leon. Sobrang pinaghirapan niya itong puzzle and halatang mano-manu. Nakatingin lang ako dito tapos nagulat ako dahil may bulaklak na at tsokolate siyang hawak.  "Ito ang pang-huli, roses because you are too lovely and beautiful, chocolates because you're the sweetest thing I had," sabi ni Leon habang nakangiti. Napayakap ako sa kaniya. Gusto kong umiyak kaso hindi ko nais na umiyak in public kaya pinigilan ko ito at bumulong sa kaniya. "Salamat, hindi ko alam kung anong ginawa ko para madeserve ko ito, tandaan mo, yo'ng pag-amin ko sa iyo kanina, hindi iyon ginusto dahil sa nagagawa mo para sa akin, ginusto kita kasi ikaw iyan, dahil sa pagkatao mo, naging dahilan lang ang mga ginagawa mo para makita ko na deserve ko din maging babae kahit minsan, salamat Leon," sabi ko sa kaniya.  "Wala iyon, basta ikaw," sabay dikit ng kaniyang kamay sa likod ko habang nakayakap ako. Gentleman as always. Nahihirapan siya sa pwesto niya. "Gusto mo higa ka dito sa lap ko para hindi ka mahirapan?" pagtatanong ko. "Hala, hindi, okay lang," sabi nito. "Sige na, okay lang," sabi ko. Humiga lang siya sa lap ko. Pimikit siya at agad kong pinagmasdan ang kaniyang mukha. Matangos ang kaniyang mga ilong. Singkit ang kaniyang mga mata. Napakalambot ng kaniyang pisngi. Habang pinagmamasdan ko siya, doon ko narealized, bakit ngayon ko lang napapansin na gwapo ka pala. Ano ba ito? Kulam?  Pero huminga muna ako sandali at pumikit sabay tingin ulit sa kaniya. This time, nagkatitigan na kami dahil pinagmamasdan niya na pala ako. Nastuck ang mga mata ko sa mga mata niya na nangungusap sa akin. Napangiti lang siya. "Sobrang ganda mo, nakikita ko lang sa paningin ko ang kalawakan at ang maamo mong mukha na sinisinagan ng bilog na buwan. Ang sarap siguro sa pakiramdam na tumanda kasama mo noh?" pagtatanong nito. "Ha?" iyon na lang ang nasabi ko at namumula na ata ako. "Sana, bigyan pa tayo na'ng pagkakataon ng maykapal na maging magkasama na'ng sobrang habang panahon ano?" sabi nito. Hindi ba siya sure sa akin?  Bakit may sana?  Advance thinking?  Hindi na ako kumibo at tinuon na lang ang aking paningin sa kalangitan. Nagsimula ulit siyang kumanta. My Valentine ata theme song niya sa akin. Kinikilig ako bakit ba. Ang bilis ng oras. Parang kanina, kasama ko lang siya tapos lumilipad na sa kalawakan ang aking puso. Ngayon, madaling araw na, naglalakad kami pauwi sa aking bahay ng magkahawak ang kamay. I love late night walks. Swerte ko naman sa parents ko na hindi sobrang higpit sa mga ganitong gala ko. "Kapag bibigyan ka na'ng pagkakataon para bumalik sa nakaraan, anong babalikan mo?" pagtatanong ni Leon. Nag-isip ako sandali. "Wala e, ayoko na bumalik, wala naman akong nirerergrets e," sabi ko. "Ahhh, ako, kung pagbibigyan ako, siguro irereserve ko muna HAHAHAHAHA, tapos kung dumating ang panahon na nasa magkaibang tinatahak na tayo, pipiliin ko balikan ang oras at sandali na ito na hawak ko ang mga kamay mo habang pinagmamasdan ang mga magagandang tala at ang nag-iisang buwan sa langit habang ang puso nati'y umaawit," sabi nito. Napalingon lang ako sa kaniya habang ngumingiti. "Tara pota, jolibee, gutom na ako, 24/7 naman bukas iyon e," sabi ni Abby. "Tara," sabi ni Leon. "Kami na mag-oorder ni Mark, stay lang kayo diyan," sabi ni Leon. "Yieeeeee," sabi ni Abby. "Sige, sige, salamat," sabi ko. Tuluyan na umalis at pumunta sa counter ang boys. "Gaga ka, ang haba na'ng hair mo, sobrang nakakainggit kayo ni Leon kanina, pinanonood namin kayoooo," sabi ni Abby. "Halaaa, hindi ko nga inexpect na magiging sobrang special itong araw na ito e, akala ko wala lang, sama lang para hindi ako third wheel," sabi ko. "Ehhh sabi ko naman sa iyo e, seryoso kasi sa iyo si Leon. oh, kayo na ba?" pagtatanong ni Abby. "Hindi pa, tsaka nanliligaw pa siya, tapos saka ko na formally ipapaalam sa parents ko kapag kaya ko na," sabi ko. "Yiiieeeeeeeeeeeeeee, sana all, rawr," sabi ni Abby. "Ayan na sila," sabi ko no'ng makitang papalapit na ang boys sa amin. "Dadalhin na lang dito na'ng crew," sabi ni Mark. "Yep," sabi ni Leon. "Nananahimik ka diyan bigla Brea?" pagtatanong ni Abby na alam kong may halong pangp-aasar. Pwesto ba naman namin, katapat ko si Abby katabi niya si Mark, katabi ko si Leon. Like akala ko tabi girls girls, and boys boys. Nahihiya ako kay Leon. "Bakit? Anong nangyari boss?" pagtatanong nito. "Wala wala, baliw alng iyang si Abby," sabi ko. "Yieeeeeeeeeeeeeeee, ninang ako ah?" sabi ni Abby. "GAGO!" sigaw ko. Nagtawanan lang sila. "Oh, ayan na ang pagkain, kain na tayo," sabi ni Leon. At nagsimula na po kaming kumain. Binigay niya sa akin ang balat ng manok niya. POTAAAAAAAAAAAAAAAAA  MAAAAAAHH HAARTTTTTTTTTTTTTT "Yieeeeeeeeeeee!" panunukso ni Abby. At tahimik na kaming kumakain. Maya-maya'y tahimik na kaming naglakad at sumakay pauwi. "Huwag mo na ako ihatid, ayoko rin na super duper malalate ka pauwi sa inyo, please ngayon lang, do me a favor na makinig sa akin," sabi ko kay Leon. Nagdalawang isip pa siya. "Sige basta pangako mo sa akin boss na mag-iingat ka at magchachat ka kapag nakauwi ka na," sabi nito. "Opo, sige babyeee," sabi ko. "Babye, ingat," sabi niya. Tumalikod na siya pero tinawag ko siya ulit. "Leon, "  Humarap siya sa akin. "Leon, salamat sa gabing ito na hindi ko malilimutan, salamat at napakasaya na'ng puso ko, gusto rin kita, inulit ko lang since may lakas na ako na'ng loob," sabi ko sabay ngiti at hug sa kaniya sabay takbo paalis. ANG BILIS KO TUMAKBO AHAHHAHAHHAHA SOBRANG KINAKABAHAN AKO SA GINAWA KO AT NAHIHIYA AHAHAHAHHAHAHAHA TAEEE BAHALA NAAAAAAAAAAAAAAAAAAA _______________________________________________________________________________ Leon's POV Ackkkk, lalaki ako pero bakit ganito. Sobrang tuliro ang aking isipan habang naglalakad pauwi. Kinikilig ako. Totoo din bang gusto niya rin ako?  Kahit  hindi ako ganoon kagwapo? Pumasok na ako sa bahay. Nadatnan ko si Mama na nagkakape sa sala. "Ma, gising ka pa po," sabi ko sabay tanggal ng aking sapatos. "Halika dito Leon, umupo ka saglit at kakausapin kita," sabi ni Mama. "Tungkol saan po ba ma?" pagtatanong ko sabay upo sa kabilang dulo ng mesa. "Leon, hindi kita pinagbabawalan ngayon, pero sana alamin mo ang limitasyon mo. Sulitin mo iyan dahil hindi na kita papayagan pa na mag-gagaganyan kung tumuntong ka na sa kolehiyo," sabi ni Mama. "Po? Hindi  ko po maunawaan," sabi ko. "Sulitin mo na ang pakikisama mo kay Brea, hindi na ako papayag na maging ganyan ka kung kolehiyo ka na dahil panganay ka at kailangan mo magfocus sa pag-aaral upang hindi masayang ang pagpapaaaral sa iyo na'ng iyong ama atsaka, ayokong mapahiya ang ating angkan. Ngayon, huling mga buwan mo na makakasama siya dahil kapag natapos na ang school year at bakasyon dapat layuan mo na siya," sabi ni Mama. "Paano po kung hindi ko kaya?" pagtatanong ko. Nagsisimula pa lang kami, masayang-masaya ako sa kaniya. "Kayanin mo tsaka kung kayo talaga kahit anong paglalayo, sa dulo magkakatagpo kayo. Maniwala at sumunod ka sa akin Leon," sabi ni Mama. "Opo," sabi ko sabay akyat na sa aking kwarto. Hindi ko alam kung ano munang dadamdamin ko  as of the moment. Masakit at ayokong mawala siya. Pipilitin ko naman ibalance ang pag-aaral ko e. Kaso hindi ko pwedeng suwayin si Mama dahil nakasalalay din sa kaniya ang pagpayag niya para magsundalo ako. Oo, magsusundalo ako. Nalulungkot ako kasi ayaw ng mama ko pero si papa suportado naman. Paano kaya si Brea, paano kung kami ang tunay na magkatuluyan sa dulo, hindi ko nais na malayo sa kaniya. Ackkk. Bakit ko ba kasi iniisip ito eh wala pa naman. Enjoyin ko muna. Tama, enjoyin ko muna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD