Tumingin ako kay Ysmael, "Sa Saturday na darating?"
"Yup," nakangiting tango ni Ysmael.
Bumuntung hininga ako at bahadyang ngumiwi, "Hindi ako pwede sa Saturday eh. May gagawin na ako."
"Oh?" halata ang disappointment sa tono at mukha ni Ysmael.
Bumukas iyong lift sa lobby floor at naunang lumabas si Heaven.
Sumunod kami ni Ysmael habang patuloy sa pag-uusap.
"Hindi ba pwedeng sa party ko na lang ikaw pumunta? Sige na? Birthday gift mo na sa 'kin."
Nahihiya naman ako sa pakiusap ni Ysmael pero wala akong magagawa. Sa Saturday na kasi yung exhibit sa building nina Em.
"Sa Saturday ba yung saktong araw ng birthday mo?"
"Hindi. Actually, Sunday pa talaga. So parang magiging salubong yung party sa birthday ko," nakangising aniya.
"Ganun ba? Advance happy birthday, ah. Pero hindi talaga ako pwede." Pilit akong ngumiti, "Sorry."
"First time ko lang mag-aya sa 'yo tatanggihan mo pa," nakasimangot na aniya.
Napangiwi ako, "Hindi naman sa ayaw ko pero talagang may nauna na akong commitment sa araw na iyon eh. Mahalaga din kasi."
Lalo siyang napasimangot, "Mas mahalaga ba talaga? Ano ba yung pupuntahan mo?"
"Sa isang exhibit."
"Anong exhibit?"
"Tara na Yael."
Sabay kaming nagulat ni Ysmael ng magsalita sii Heaven. Huminto ito at humarap sa amin. Napahinto din tuloy kami sa paghakbang.
"Wag mo na syang pilitin. Ayaw niya ng pinipilit siya," makahulugang wika ni Heaven.
Bahadyang napaawang ang labi ko sa gulat.
Matiim na tumitig sa kin si Heaven tapos ay umiwas ng tingin.
Napalunok ako.
"Pero --," magpoprotesta sana si Ysmael pero pinigilan na lang ni Heaven.
"Let her be. She doesn't like to come, hayaan mo s'ya."
Nagulat ako sa panlalamig sa kin ni Heaven. Parang galit pa nga ito.
"Tsk," piksi ni Ysmael.
"Sorry," marahan akong tumango bilang paalam. "Sorry talaga."
Naghiwalay kaming tatlo ng landas sa part na iyon. Sa basement parking kasi ang punta nina Heaven samantalang ako ay palabas na ng building.
Deretso lamang ang lakad ko. Nadaan ko iyonh waiting shed pero nilagpasan ko lang. Then naging mabagal na ang hakbang ko habang nakatingin sa kalsadang nilalakaran.
May pupuntahan kasi ako at malapit na lamang ito kaya lalakarin ko na lang.
Naaalala ko yung mukha ni Heaven kanina habang nakatingin sa akin. Galit siya. Pero bakit? Dahil ba hindi ko sinagot ang tawag niya kaya siya galit? Ang babaw.
Huminga ako ng malalim.
Napatalon ako nang biglang may bumusina sa likod ko. Agad akong napahinto sa paglalakad at nakita ang isang malaking itim na kotseng huminto sa gilid ng daan malapit sa akin.
Kilala ko ito. Kay Heaven yata ito.
Nagbaba iyong windshield ng kotse sa side ko then sumilip iyong driver.
"Hop in," aniya pero serious pa rin ang mukha.
Si Heaven nga.
Suminghap ako at napatitig sa kanya.
"Ihahatid na kita Leiana. Tara na?"
Napalunok ako ng isang beses, "May dadaanan pa ako eh. Salamat na lang."
"Ihahatid na kita kung saan ka pupunta."
"Huwag na. Malapit na lang kasi yun --"
"Malapit o malayo. Ihahatid pa rin kita. Halika na," nakita ko iyong ginawang pagtagis ng bagang niya.
Napabuga ako ng hangin, "Galit ka?"
"Magagalit na talaga ako kapag hindi ka pa pumayag," madiin niyang wika.
Sandali akong natigilan sa sinabi niya. Alam ko na ayaw ko rin na magalit sya sa akin.
Sumunod na lamang ako. Marahan akong sumakay sa sasakyan niya at tahimik na naupo ng maayos.
"Seatbelt."
Tumingin ako sa kanya, "Dyan lang ako sa may susunod na kanto."
Mabigat siyang napahinga at umiwas ng tingin.
Napakagat labi na lang ako.
Saglit lang ay ipinahinto ko na rin siya sa tabi ng daan.
"Salamat. Dito lang ako," Binuksan ko iyong pinto at agad umimbis.
Sandali lang din naman ako sa loob ng remittance center napinasukan ko. Tinawagan ko din agad si Lana para makuha nito ang ipinadala ko. Kausap ko ito habang papalabas na ng center at nagulat talaga ako ng makitang nakaabang si Heaven sa labas. Naka-park na siya ng maayos at tahimik na nakasandal sa sasakyan. Agad itong nag-angat ng tingin at tumingin sa akin. Napasinghap ako.
"Sige, ate. Daanan ko na yung padala mo. Pauwi na rin naman ako," Narinig kong sabi ni Lana sa kabilang linya.
Napahinto ako sa paghakbang at napatitig lang kay Heaven.
"Ate? Andyan ka pa ba?"
Bigla akong natauhan sa boses ni Lana. "Ahm, Oo," Humakbang palapit sa akin si Heaven at hindi ko mapigilang hindi mapalunok uli. "Si-sige na Lana. Itext mo ko kapag nakuha mo na yung pera."
"Okay. Bye."
Agad kong in-end yung call at ibinulsa sa bag iyong phone. Saktong nasa harap ko na si Heaven.
"You're done?" Malumanay na ang tono niya at maaliwalas ang mukha.
Nagtaka ako sa sarili lang. Ano naman kaya ang nangyari at nagbago ang mood nito? Saka .... bakit nandito pa siya?
"Leia?" Tinawag niya ako para agawin ang buo kong pansin. Natutulala na naman kasi ako.
"Ba-bakit nandito ka pa?" nag-init ang magkabila kong pisngi sa kaisipang hinintay niya ako.
"Kumain muna tayo ng dinner saka kita ihahatid sa inyo."
"Hah?" Bakit?
Gosh! Napadala ko yung pera ko. Ngayon pa ba siya magpapabayad sa utang?
"Ako na ang mamimili ng place ngayon. Para wala ng annoying na staff," makahulugan niyang wika.
"Kaya lang --" napangiwi ako.
"Please stop turning me down. Masyado ng bumababa ang self esteem ko," pilit siyang natawa kahit hindi naman nakakatawa yun.
Napakurap ako ng mga mata. Now i get him. Kung bakit siya nagagalit at naiinis sa akin. Maybe nasobrahan na ako sa pag-iignore sa kanya.
Tumango ako bilang pagpayag, "Kaya lang wala akong pan-treat sa'yo ngayon."
"No worries. Ako ng bahala sa'yo," ngumiti siya at iminuwestra ang kamay para paunahin ako papalapit sa kotse niya.
Tumango ako at tumalima.
Ito na siguro ang chance ko.
Chance to be friends with Heaven. I won't ask for more than that. Basta maging malapit lang ako sa kanya. Maging kaibigan niya. Sapat na.