Fictional character
Sa isang Pilipino restaurant kami nagpunta. It was my first time though. Hindi kasi ako mahilig kumain sa labas. Magaling naman magluto si Em kaya okay na ako roon. Tapos nagluluto din naman ako pati si Bea. Si Em nga lang yung may 'K' sa pagluluto.
Agad kaming iginiya ng sumalubong na waiter sa amin sa isang bakanteng mesa. Hinayaan ko na si Heaven na rin ang nag-order para sa amin.
I think his mood was lighten up now. Bakit kaya?
"So?" tumingin sa akin si Heaven habang ipinagsiklop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. "Sinong pinadalhan mo?"
"Ah," hindi ako makatingin ng deretso sa kanya. "Yung kapatid ko na nasa province."
"Saang province?"
"Quezon," luminga ako sa paligid at nakita ang iilang customer. Mayroong malapit sa amin na mesa na pawang mga babae ang nakapwesto. Panay ang tawanan nila ng mahina.
Nako-concious tuloy ako.
"Leiana?"
Napatingin ako kay Heaven at nasalubong ang tingin nito.
"Bakit?"
"Pwede bang sa akin lang ang focus mo kapag magkasama tayo?"
Bahadyang napaawang ang labi ko pero hindi ako nakaimik.
"I want your full attention when we're together," bumuntung hininga siya. "And I want you to look into my eyes when we talk."
Napalunok ako at mahinang tumango. Pero paano ko magagawang tumingin ng deretso sa kanya kung ganitong nagwawala sa sikmura ko ang mga alaga kong kulisap. Tapos yung puso ko.... nakakarinding pakinggan. Kahit ang mga salita ni Heaven hindi ko na masyadong ma-absorb.
"Sorry naging rude ako sa'yo kanina," seryoso niyang wika.
Medyo natigilan ako, "Ke-kelan?"
"Kanina. Habang nag-uusap kayo ni Ysmael," paalala niya. "It's not that i don't want you to come to his party. I mean. Kung pwede kang pumunta sana...."
"Ah," yun pala.
"Hindi ka ba talaga pwedeng pumunta?"
"Hi-hindi talaga. May pupuntahan na kasi ako nun."
"Hindi dahil iniiwasan mo ako?"
Mabilis akong napailing, "Hindi. Bakit naman kita iiwasan?"
Bahadyang nalungkot ang mukha niya, "You ignored my calls and messages. Hindi mo rin ako binabati sa office?"
"Hindi naman kita madalas nasasalubong sa office," ani ko.
"So, kung magkasalubong tayo at batiin kita babati ka din pabalik?" ngumiti siya ng konti.
Tumango ako.
"Then why did you ignore my messages?"
Napangiwi ako ng konti, "Hindi ka na naman nagtext after 'di ba?"
"Cause you didn't answer my call. I thought you dislike talking to me. I texted you to answer right?" matiim niya kong tinitigan.
"You didn't call again," deretsong wika ko.
"Oh?" nagulat pa siya. "Kasi hindi ka nagreply."
"I was --" sabi ko nga talo na ko sa argumentong ito. "I'm sorry."
"Nakukulitan ka siguro sa akin?"
Tumingin ako ng deretso sa mukha niya, siya naman ang nagbaba ng tingin.
"I can't believe you did this to me," pauyam niyang wika.
Napabuntung hininga ako ng malalim.
"It's the first time, though," aniya then nag-angat ng tingin sa akin. "First time na may nagpadama sa akin ng ganito."
Napasinghap ako.
"Yung feeling na rejected. For the first time, a girl ignored me and I felt unwanted. Did you purposely do it?"
"A-ang --?" nagtataka akong napakunot noo.
"Mess up with my head. Thinking about you," mapait siyang ngumiti. "I was determined not to talk to you again dahil ayaw mo naman. I respect your choice. But then... here I am. With you. Ako din yung hindi nakatiis na hindi ka makausap at malapitan."
Kumabog ang puso ko ng malakas at nag-init ang buong mukha. Nagbaba ako ng tingin. Parang kakawala na sa ribs ang puso ko.
"Buti ka pa natiis mo ako pero ako hindi. Tell me how to do it."
Napailing ako ng mahina.
There's no easy way to do it. Sobrang bigat kaya sa loob ko na tikisin siya.
Nag-angat ako ng mukha at umawang ang labi upang magsalita kaya lang hindi ko na naituloy dahil dumating na yung waiter at inihain ang mga pagkaing in-order ni Heaven.
Natigil kami sa pag-uusap at nanatiling tahamik hanggang mai-settle ng waiter sa harap namin iyong mga pagkain. Tatlong putaheng ulam ang nakita ko, kanin at iced tea. Minasdan kong papalayo iyong waiter bago muling tumingin sa nakahain sa harap namin.
"Shall we eat first?" aniya at ngumiti ng tipid.
"Ang dami ng in-order mo," sabi ko. Hindi ko alam kung mauubos ba namin ito. Mahina pa naman akong kumain.
"Okay lang. Ipapatake out na lang natin yung matitira if you want."
Mahina akong napatango.
"Kain na."
Tahimik kaming kumain though, nako-concious pa rin ako. Panaka-naka ang tingin ko sa gawi ni Heaven but he just kept quite.
Na-gets ko na kung bakit iritado siya sa akin. Hindi ko din inasahan na ganun ang magiging dating nang actions ko sa kanya. I hurt his ego for sure. Sabi nga niya. Hindi siya sanay sa rejection o tinatanggihan ng sinuman. Malamang malaking bahagi ng ego niya ang nasaktan ko. Mahalagang bagay pa naman sa mga lalake ang katauhan nilang iyon. I admit, may kasalanan ako.
Bumuntung hininga ako ng malalim at nag-angat ng tingin sa kanya. Ibinaba ko iyong kubyertos ko, uminom sa mataas na basong nasa gilid ko at nagpunas ng labi gamit ang tissue na nakahanda. Ibinigay ko sa kanya ang buo kong atensyon pagkaraan.
"Heaven?"
Tumingin siya sa akin at napahinto sa ginagawang pagkain.
Muli akong huminga ng malalim, "I'm sorry talaga kung in-ignore kita. Ang totoo I felt weird about it. Hindi ko alam kung anong iisipin dahil sanay ako na hindi naman napapansin ng iba maliban sa mga ka-department ko. Hindi ko alam kung bakit bigla mo na lang akong in-approach. Alam ko na nagkataon lang naman na nagkasabay tayo sa taxi nun. You're just being nice to me. Pero hindi ko talaga alam kung anong dapat na ikikilos sa harap mo."
Hindi siya umimik at sandaling natahimik uli ako.
Ibinaba niya ang kanyang kubyertos na hawak then nagpunas ng labi. Napalunok ako.
I hope he'll forgive me.
"You're thinking i would forgive you just like that?"
Natigilan ako.
I know he won't.
Ngumiti siya, "Of course I will. Hindi nga kita natiis na hindi pansinin. Ngayon pa kayang nag-so-sorry ka, hindi ko tatanggapin?"
Napamaang ako sa sagot niya.
"I was just hoping na after nito ay hindi mo na ako i-isnabin sa office? Pwede ba?"
Is this for real?
Sandali akong natahimik bago mahinang tumango.
"I don't trust that. Tell me you will," ipinilig niya ang kanyang mukha.
Hindi ko napigilan ang mag-blush. Gosh! Alam niya kung paano pasirkuhin ng wala sa oras ang puso ko.
Lumunok ako at tumango muli, "Oo. Hindi kita i-isnabin sa office, promise. Gusto ko talagang maging kaibigan ka, Heaven."
Tumaas ang kilay niya, "Kaibigan?"
"Salamat," Ngumiti ako.
"Well," bumuga siya ng hangin. "Friends then. Yes we can start as friends." matipid ang ngiti niya after.