Chapter 16

1172 Words
Inihatid ako ni Heaven sa apartment after ng dinner. Naging magaan na ang pakiramdam ko. Parang ako nga lang yata ang gumagawa ng sarili kong katatakutan eh. "Salamat uli, Heaven," kahit sinabi kong huwag na siyang bumaba sa sasakyan ay hindi pa rin niya ginawa. Umikot pa siya sa side ko, "Walang anuman. Sana hindi ito ang huli." Nakangiti akong tumango. "Sana din hindi mo na i-ignore ang text at tawag ko." Natawa ako ng mahina. Kanina niya pa rin kasi nasabi iyon habang nasa byahe kami. "Baka lang makalimutan mo," aniya at ngumiti. "Sige na. Pasok ka na." "Mauna ka ng umalis," nahihiyang ani ko. I don't know, pero parang kinikilig na ako sa ganito. "Aalis ako kapag nakapasok ka na." "Eh --" "Leia?" Gulat kaming napalingon at agad kong nakilala kung sino iyong tumawag. Si Bea pala at kasama nito si Em. Saan kaya sila nanggaling? Nakapambahay na damit na sila at ng bumaba ang tingin ko sa dala ni Em nasiguro kong bumili sila ng pagkain. "Ngayon ka lang dumating?" si Bea. Lumapit sila sa amin ni Heaven. Yung mga tingin nila ay nakapako kay Heaven. "Ah," nagpalipat lipat ang tingin ko sa tatlo. "Kadarating ko lang." Napansin ko yung ginawang pagsipat ni Bea kay Heaven ng mabilis. Namula ako. Pilit akong ngumiti, "Syangapala, Bea, Em. Si Heaven. Ka-officemate ko." Pakilala ko kay Heaven sa dalawa. Bumaling ako kay Heaven. "Heaven, sina Bea at Em. Sila yung mga kaibigan ko saka kasama sa apartment." "Hi." Masiglang bati ni Heaven. Naglahad ito ng kamay una kay Bea na hindi naman tumanggi then kay Em. "Heaven Sandoval." "Nice meeting you, Heaven. Ang ganda ng name mo. Mahirap abutin," nakangising ani Bea. Lihim ko itong pinandilatan ng mga mata. Natawa lang ng mahina si Heaven, "Hindi naman." "Bakit pala nandito kayo sa labas? Ayaw niyo sa loob?" tanong ni Bea. Napangiwi ako. Alam ko kasi na ayaw ni Bea ng may hindi kakilala na pinapapasok sa apartment. "Paalis na rin naman ako. Hinatid ko lang si Leia," nakangiting ani Heaven. Tumingin sa akin si Bea at pinagtaasan ako ng isang kilay. Pero saglit lang. Bumaling din siya agad kay Heaven na naka-smile, "Ganun ba?" "Tama," tango ni Heaven saka napabuga ng hangin. "I'll go ahead. Goodnight." Bumalik na siya sa side ng driver seat ng sasakyan at pahuling tumingin sa akin. Tumango't ngumiti siya. "Tara na," wika ni Bea ng makasakay na si Heaven at umugong ang pagbuhay ng makina ng kotse nito. Umatras na rin ako. "Halika na," kumapit sa braso ko si Em at hinila na ako pasunod kay Bea. Siguradong hindi ako hahayaan nina Bea at Em na makatulog nang hindi nagkukwento. ***** Dumating ang araw ng Sabado. Nag-undertime ako ng hanggang tanghali sa araw na iyon para makarating sa exhibit na gaganapin. Madali naman akong nakapag-paalam dahil nakapagsabi na rin naman ako sa boss namin. Marami nang tao ng dumating ako sa venue ng event. Agad kong nahanap si Em at binigyan niya ako ng konting instruction sa mga magaganap. Usherette ako for the night. Okay lang. Ipinagsuot ako ni Em ng tulad ng mga suot nila. Puting collar blouse na pinatungan ng itim na lady americana at itim na pencil cut na skirt. Ibinaon ko ang aking itim na leather heels at itim na stocking. Nakapusod ang buhok kong lampas balikat ng maayos at inipitan iyon ni Em ng puting ribbon na clip. Masyado kaming pormal tignan. "Wala ka ba talagang balak na palitan yang bangs mo?" Nakangiting umiling lang ako. Komportable kasi ako sa bangs ko. "Natatakpan kasi yung maganda mong mga mata. Sayang yung mapilantik mong pilikmata," wika pa ni Em. "Hayaan mo na," inayos ko pa ang bagsak ng bangs ko. Tama si Em. Sayang ang mapipilantik kong pilikmata. Hindi ko na rin kailangang maglagay ng eyeliner kasi sadyang nadedepina na ng pilikmata ko ang aking mga malalaking mata. Sa mother ko yata nakuha ang mata ko kasi hindi naman ganito ang kay Papa. Lumipas pa ang oras. Naglibot ako sa venue at napansin ang isang part na walang nakasabit na painting. Lumapit ako dun at tumingin sa bakanteng dingding na napipinturahan ng mahogany brown na kulay. Ito yung spot sana para sa gawa ni Sky. Yung favorite kong painter. Kaya lang hindi daw siya nagpadala ng gawa ngayon. Marami tuloy ang nadisappoint, kasama na ako. Tsk. Kaya nga ako nandito ay para makita ang gawa ni Sky. Napalingon ako ng maramdamang may tumayo sa tabi ko. Bahadya pa akong nagulat ng makita ang isang matangkad na lalakeng naka-full black suit and tie na kasuotan. Gwapo ito. Maputi, matangos ang ilong, double-eyelid eyes, pinkish na labi, strong jaw line. Bumaba ang tingin ko sa balikat niya hanggang braso. Malapad din ang kaha niya. Hanggang balikat niya lang kasi ako. "Nabili na ba ang gawa dito?" tanong nito sa malalim na baritonong boses. Medyo kinabahan ako, "Ahm. Wala po talagang nakalagay na art sa spot na ito ngayon." Nilingon ako nito atsaka nagtama ang aming mga mata. Kumalabog ang puso ko. Para akong na-freeze sandali sa kinatatayuan. Bakit parang kakaiba ang kanyang mga tingin? "Wala? Bakit wala?" kumunot ang noo nito pero nanatili pa rin ang kagwapuhan. "Pa-para po sana kay Sky ang spot na ito. Pero wala po syang ipinadala na gawa ngayon." "Ahh," tumango tango ito at umiwas ng tingin. "Now that you mentioned it. Kaya pala parang kulang. Wala pala yung gawa ni Sky. Bakit daw wala?" "Wala po akong ideya, Sir." "Baka nawalan na siya ng inspirasyon para magpinta uli," malamig na wika nung guy. Natigilan ako. Si Sky mawawalan inspirasyon? Muli niya akong nilingon at tinanong, "Fan ka ba ni Sky?" Hindi ako nakaimik agad. Natawa ito ng mahina, "Hindi naman ganun ka-espesyal ang mga gawa niya. I wonder bakit popular siya sa marami." "Opo, fan ako ni Sky," napalingon uli sa akin yung lalake. "Magaling kasi siya at nadadama ko talaga ang passion niya sa pagpi-paint." "Talaga?" napangiti ito at humalukipkip sa harap ko. "Nakita mo na ba s'ya ng personal?" "Hindi pa pero alam kung gwapo siya at makisig. Kahit hindi ko pa siya nakikita sa personal pakiramdam ko ay mabait siyang tao." "Gwapo at makisig?" may amusement sa tono nito. Umarko ang mga kilay ko, "Oo. Sabi kasi nila yun eh. May kamukha daw siyang Hollywood star." Natawa lang ito ng mahina, "Hollywood star? Like Brad Pitt ni Angelina o Channing Tatum?" "Bakit natatawa ka?" "Wala. I'm just amused," umiling iling siya pero nanatili ang ngiti sa labi. "So si Sky pala ay isang Fictional character?" Fictional character? Bakit? Naiinis na ako ng taong ito ah! "Tsk." mahina akong napapiksi. Huminga ako ng malalim at ipinakalma ang sistema ko. "Kung naghahanap po kayo ng painting marami pa pong iba na baka magustuhan niyo." Muli siyang umiling, "No. Yung kay Sky lang talaga ang pakay ko." Napatitig na lang ako. "Anyways. Salamat sa pag-entertain. Good job," anito saka tumalikod na at humakbang palayo. Sinundan ko na lamang ito ng tingin tapos ay napakibit balikat. Weirdo. Ayy ewan. Nakakainis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD