Secret
Busy ako sa pag-usher sa ilang dumating pa na bisita. I think my talent ako sa gawaing ito. Baka kung mawala ako sa Naval dito na lang ako mag-apply kay Em.
Napangiti ako.
"Still busy, lady?"
Napapitlag ako sa pagkakatayo ng may bumulong sa tapat ng tenga ko. Dama ko ang mainit na hiningang tumama sa leeg ko at nakapagpakilabot ito sa akin. Napaatras ako sa gulat at nabangga sa kanyang nasa likod kaya na-out of balance ako. Mabuti na lang at mabilis niya akong sinalo ng isang braso.
Nanlake ang mga mata ko sa nakita. Nagtama ang mga mata namin at automatic na pinamulahan ako ng mukha.
"Heaven?" hindi makapaniwalang bulalas ko. Muntik ko pang maisigaw kundi ko lang napigilan ang boses ko. Bawal pa naman ang maingay dito.
"Gotcha!" nakangising aniya. Inilalayan niya ako na makatayo ng maayos pero nanatili ang palad sa gilid ng aking baywang.
Gumagapang ang kuryente at init sa katawan ko. Lumunok ako at huminga ang malalim.
Parang kinakapos ako ng hangin.
"Hindi ka pa ba tapos?" mahinang aniya. Hindi niya inaalis ang tingin sa mga mata ko.
"Ah--Ano--?" umatras ako para makalayo ng konti sa kanya. Bumaba ang kamay niya sa gilid niya at doon napirmi, "Hi-hindi pa."
He pout his lips, "Ganun?"
Kinagat ko ang aking labi para pigilin ang nadadama kong kilig.
"I thought you'd be done by this hour. Matagal pa ba?"
Kumunot noo ako, "Ewan. Ba-bakit nandito ka?"
Natawa siya ng walang sound then tumingin sa painting na nasa harap namin. "I'm here to see the exhibit. Saka baka may mabili din akong painting."
"Oh?"
Mabilis ko siyang pinasadahan ng tingin. He was wearing a black coat at puting t-shirt na pan-ilalim. Black jeans na nakafold sa dulo then black leather shoes.
Hindi ko mapigilan ang paghanga sa kanya.
Bigla niya akong nilingon dahilan para mamula ako ng sobra. Naabutan niya akong nakatingin sa kanya eh.
Ngumiti siya at tumitig sa mukha ko, "Hindi ba ako mukhang nagpupunta sa gantong event?"
"Hah?" saglit yata akong natulala. "Hindi naman. Nabigla lang ako." Tumingin ako sa paligid namin, "Mag-isa ka lang?"
"I'm with Lawrence. Nasa somewhere lang yun."
"Di ba dapat nasa birthday kayo ni Ysmael?" nagtataka ko siyang tinignan.
"Mamaya tayo pupunta," nakangiting aniya.
"Tayo?"
"Tayo. We're here to pick you up."
Natigilan ako saglit, "Bakit?"
"Cause you are invited. Sinisiguro lang namin na makakarating ka."
Suminghap ako at napapilig ng ulo. Akala ko sinabi kong hindi ako pwede.
"Hanggang midnight naman iyong party. Hindi naman aabot ng ganung oras ang exhibit. You can bring your friend if you like." Mataman akong tinitigan ni Heaven.
"Hah? Pa-parang 'di naman tama yun."
"Okay lang. Akong bahala sa inyo," ngumiti siya.
Mabagal kaming naglakad papunta sa susunod na nakahilerang painting. Pero nag-uusap na lamang kami ng mahina.
"Pa-panu mo nalaman na nandito ako?" mahinang tanong ko. I can't help wonder how. Wala naman akong nabanggit eh.
"Sabi mo may exhibit kang pupuntahan. Updated din naman kami sa mga gan'tong event kaya alam ko na narito ka."
"Madalas ka sa ganito?"
"Medyo. Pero si Lawrence iyong madalas sa gan'tong event. Nagsasali din siya ng painting niya."
Nabigla ako, "Nagpi-paint si Lawrence?"
"Oo. Magaling siya," tango ni Heaven habang huminto kami sa paghakbang.
"Ikaw din ba?"
"Hindi. Si Lawrence lang sa aming tatlo. Pero hindi ko alam kung anong pangalan ang ginagamit niya as alyas sa mga obra niya. Malihim kasi yun," sinipat niya ako ng tingin. "Why?"
"Hah?" natulala ako.
Bakit biglang naisip ko si Sky?
"A-anong usual painting niya?" curious akong malaman.
"Sabi niya more on places o sceneries," bahadya siyang napasimangot. "Bakit?"
Mabilis akong umiling, "Wa-wala."
"Mahilig ka ba sa painting? I can paint too."
"Ah," pilit akong ngumiti. "Wala akong masyadong background sa painting. Kung ano yung maganda at kakaiba ang dating sa akin yun ang mga nagugustuhan ko."
"Buti hindi mo nakita ang gawa ni Lawrence. Ang alam ko wala siyang isinali ngayon," kibit balikat ni Heaven.
Napalunok ako.
Muli niya akong tinignan sa mukha tapos ay ngumiti, "You look so pretty with your hair bun like that."
Tumalon ang puso ko sa pwesto nito at agad akong nagblush.
Hindi ko tuloy alam kung saan ako babaling ng tingin, "Thanks."
Halos gusto ko ng hilahin ang oras para makaalis na kami ni Em sa event. Nagsabi kasi si Heaven na maghihintay na lamang sila ni Lawrence. Hindi ko alam kung serious ba siya but nang lumabas na kami ng building at nakita sina Heaven at Lawrence na nasa labas. Alam kong tinototoo nito ang sinabi.
Simpleng bumati sa akin si Lawrence. Ipinakilala ko rin ito kay Em.
"So, sa bar na tayo deretso," wika ni Lawrence na siyang nasa harap ng manibela.
Nagpalitan kami ng tingin ni Em. Sinabihan ko na ito pero parang ayaw niya. Hindi nga lang siya nagsasabi pero alam ko sa loob loob niya na ayaw niya talaga.
"Em?" mahinang bulong ko.
"Sige na," mahinang napabuga siya ng hangin. "Pagagalitan naman ako ni Bea kung sakaling umuwi ako ng hindi ka kasama."
Nilingon kami ni Heaven na nakaupo sa may tabi ng driver seat, "Pwede n'yong papuntahin ang kaibigan niyo. We wouldn't mind."
"Birthday mo Heaven?" sarcastic na wika ni Lawrence.
Ngumuso lang si Heaven, "Just to make sure na magiging komportable sila sa party. Okay lang yun."
Napailing ako, "Huwag na. Nakakahiya naman kay Ysmael."
"Wait. I'll call him, okay," biglang wika ni Heaven.
Agad niyang kinuha ang sariling phone at kinontak na nga si Ysmael. Gusto ko sana siyang pigilan pero hindi ako makapagsalita.
Ano ba naman yan?