I like you Nanlalata na ako ng bumalik sa department namin. As usual. Walang pumansin sa akin maliban kay Tina. Pero hindi ko rin siya nakausap ng matagal at maayos. Isang tanong, isang sagot lang ako. Hindi katulad ng nakasanayan ko noon. Hindi na ako nag-paiwan o nagpahuli sa pag-uwi. Sinabayan ko si Tina palabas at okay lang naman sa kanya. "Uuwi ka na ba?" Tanong ni Tina habang nasa waiting shed kami at naghihintay ng masasakyan. Tumango ako ng mahina. Unang nagpaalam si Tina dahil magkaiba pa rin naman kami ng dyip na sasakyan. Hanggang mamalayan ko na nag-iisa na lang ako sa waiting shed. Hindi ko agad napansin dahil lutang ang utak ko. Ayaw ko pa rin sanang umuwi. Kapag ganitong mabigat ang loob ko, kailangan ko munang makapagmuni muni sa mga nangyari ngayon. Nagsalubong ang

