Lumunok muna ako at nag-iwas ng tingin bago sumagot, "Hi-hindi. Kelan lang." "Talaga?" may amusement sa tono nito. Parang napakalaking bagay ng narinig niya mula sa akin. "Kelan lang pero in-invite ka na ni Ysmael sa private party nila? Wow!" Lihim akong bumuntung hininga. Bakit ba parang ang sakit sa tenga nung pakinggan? "Nandun din ako sa bar last Saturday pero hindi ako nainvite sa party ni Ysmael. Ang alam ko kasi ay mga close friends niya lang ang na-invite." Natatawang wika ni Cynthia. "Na-invite lang ba talaga?" Nasamid pa ako ng konti pero hindi ako nakareact. "Close ka ba sa kanila?" tanong ni Tina. Napatingin ako dito at nakita na kay Cynthia siya nakatingin. "Hindi," sagot ni Cynthia at bahadyang napasimangot. "Well, wag ka ng magtaka," ani Tina. Hinawakan ko ito sa br

