HINATA JOKER: MY STORY

1798 Words
"Ano ba Hinata ang pinaggagagawa mo sa sarili mo? Parang hindi na ikaw yung Hinata Joker na kilala ko!" Nakahawak sa sintidong sabi sa babaeng minahal ko pero ngayon parang nag-aalangan na ako kung siya pa ba yung babaeng minahal ko.   "Bakit? May sinabi ba akong pakialaman mo ang mga pinaggagagawa ko? Hindi naman diba? Sino ka ba para pakialaman mo yung ginagawa kong pagganti dun sa mga bully na yun?" Nagdadabog na sabi niya sa akin habang nililigpit niya ang mga gamit sa bag niya.   "Wala, pero kaya kita pinapakailaman dahil..." Paano ko ba sasabihing mahal ko siya? Sa tatlong taon na magkaklase kami sa kolehiyo ay palagi lang ako nandito sa tabi niya.   "Dahil ano? Dahil kaibigan mo ako? Salamat dahil tapat kang kaibigan Naruto Yagami! Pero sawa na kasi akong maging mabait at yung palaging inaapak-apakan yung pagkatao at ng pamilya ko," malungkot na sumalampak si Hinata sa armchair ng kanyang upuan, "Simula kasi noong lumipat dito yang si Inno Shinobi ay palagi na lang  pinagtsitsismisan ng mga kaklase natin ang tungkol sa pamilya ko!" Galit at umiiyak na sabi niya sa akin habang hinahampas ang armchair niya gamit ang kanyang kamay.   Ramdam kong galit na galit na siya at gusto na niyang sumabog. Kung ako man ang nasa sitwasyon niya baka magalit din ako pero hindi tama yung ginagawa niyang pang-ti-trip niya sa mga kaklase namin.   "Naiintindihan kita pero sobra na kasi yung ginagawa mo sa kanila! Alam ko yung kuwento ng pamilya mo dahil palagi mo 'yang kinukuwento sa akin. Kung paano kayong lumipat ng bahay at magbagong buhay simula ng mamatay ang mama mo," nagpapaunawang paliwanag ko kay Hinata.   Hindi ko alam na may tinatagong ugali si Hinata gaya ng kanyang pamilya. Sabagay para saan pa at kabilang siya sa Joker Family? Pero kasi ang inaalala ko ay baka kung saan na humantong ang galit na nararamdaman niya para sa grupo nina Inno.   "Hindi mo rin ako naiitindihan dahil hindi ikaw ang nasa kalagayan ko! Halika na nga at umuwi na tayo! Baka kung saan pa umabot ang usapan natin at tsaka alas tres na rin baka hinahanap na ako sa bahay," kinuha niya na ang gamit niya at naghanda na para umuwi.   Maging ako ay isinukbit na rin ang bag sa aking balikat. Mabuti na lang at mahinahon na siya ngayon. Naglalakad na kami ngayon ni Hinata sa parking lot ng school para kunin yung motor ko. Malapit lang naman ang school na ito mula sa subdivision namin kaya pinayagan ako ng magulang ko na mag-drive ng motor.   Palagi kaming sabay ni Hinata umuwi dahil magkapitbahay lang kami at kilala ko na rin ang papa at kuya niya.   "Salamat Naruto sa pagpapa-angkas sa'kin! Mabuti na lang at palagi kang nandiyan sa akin bestfriend! Sige bye!" Masayang sabi niya sa akin bago tumalikod at naglakad papasok sa gate ng kanilang bahay.   Alam kong sa kalooban niya ay nasasaktan pa rin siya sa mga nangyayari. Si Hinata kasi ay isang babae na masayahin, madaldal, mapagkumbaba at mapagpasensiya kaya nga nakasundo ko siya.   Kaya nga nalaman ko ang kuwento ng pamily niya. Noong una hindi rin ako makapaniwalang malakas mang-prank ang pamilya niya dahil palagi sa akin kinukuwento 'yon ni Hinata.   Pero noong nag-transfer si Inno sa school na pinapasukan namin. Nagkuwento siya na dati niyang kapitbahay sa subdivision nila si Hinata at kinuwento rin ni Inno sa buong klase kung anong pamilya ang mayroon sila.   Yun ang unang beses na nakita ko siyang umiyak at nagalit. Yun din ang unang beses na lumabas ang ugali na hindi ko pa nakikita sa kanya yun ang pagiging 'Prank Queen'.   Naisip ko mahirap pa lang galitin ang mabait na taong gaya ni Hinata. Kaya nga wala akong lakas ng loob sabihin sa kanyang mahal ko na siya e!   Makauwi na nga rin sa bahay baka akala nila naglakwatsa na naman ako. Bumaba na ko ng motor at inabante na ito konti sa tapat ng bahay namin para ipasok sa garahe. NGAYONG araw hindi ko kasabay si Hinata papasok ng school. Sabi ng Kuya Neijie niya maaga raw 'to umalis sa bahay nila dahil may mahalaga raw itong gagawin.   Naglalakad na ako ngayon papuntang klasrum. Pero nakita kong parang may nagkakagulo o may pinagkakaguluhan. Mga estudyante talaga wala pa ring ginawa kung hindi mag-away.   Pero natigil ako sa paglalakad papasok ng klasrum ng marinig ko ang pamilyar na boses niya.   "Ano uulit ka pa bang babae ka sa kakatsismis sa'kin? Ngayon itsismis mo 'to sa kanila kung paano kita pinakain ng masarap na spaghetti na punong-puno ng hot sauce!" Galit na galit na tinig ng nag-iisang babaeng minahal ko rito sa paaralan.   "Patawarin mo na ako Hinata hindi ko na talaga uulitin yung mga ginawa kong paninira sa'yo sa mga kaklase natin," takot na takot na sabi niya habang nakayuko at umiiyak sa sahig. Kitang-kita ko kung paano niya hawakan ang buhok ni Ino ng mahigpit at nakangising sa mga nakapalibot sa kanya.   Hindi ko akalain na si Hinata ay magiging ganito kalupit kapag napuno.   "Sorry? 'yan lang ang sasabihin mo sa akin at sa kanilang lahat pagkatapos mong ipangalandakan sa kanila kung ano ang nakaraan ng pamilya namin! Alam mo bang kinalimutan na namin 'yon simula noong mamatay ang mama ko at lumipat na kami ng tirahan upang magsimula muli! Pero anong ginawa mo? Hindi ako ganito pero pinipilit mo akong maging masama kaya pasensiya ka dahil hindi ko tatanggapin ang sorry na ibinibigay mo sa akin," nakingiting sabi ni Hinata kay Inno.   Nakita kong itinayo niya si Inno at akmang sasampalin niya na ngunit namagitan na ako.   "Tama na 'yan Hinata," seryosong sabi ko sa kanya. "Kayo namang mga nanunuod tapos na ang sine kaya kung puwede lang magsialis na kayo rito kung ayaw niyong madamay sa gulong ito!" Nakita kong unti-unti na sila naglakad palayo at pumunta sa kani-kanilang silid.   Mabuti at maaga pa kaya wala pang masyadong professor at malayo ang opisina nila sa mga classroom namin.   "Inno, puwede bang umalis ka muna rito at ayusin mo ang sarili mo saka na kayo mag-usap ni Hinata kapag malamig na ang sitwasyon," mahinahon kong sabi sa kanya. Mabuti na lang at sumunod ito sa'kin.   "Salamat Naruto," nakangiting sabi niya sa akin habang pinupunasan ang kanyang luha sa mukha. "Hinata patawarin mo sana ako sa ginawa kong pagkukuwento sa pamilya mo," lumakad na siya pagkatapos sabihin 'yon kay Hinata.   Humarap muna ako kay Hinata bago nagsalita. "Hinata halika mag-usap tayo doon sa walang makakitang professor at estudyante. Huwag ka ng magreklamo, sumunod ka na lang kung ayaw mong magkaroon ka ng record sa Prefect of Discipline," seryosong sabi ko sa kanya at naglakad na ako papuntang hardin sa aming paaralan.   Nakita kong sumabay rin siya sa paglalakad ko. Wala kaming imikan habang naglalakad kami papuntang hardin. Ito na rin siguro yung tamang oras para sabihin ko sa kanyang mahal ko siya.   Tumigil na lang kami sa paglalakad ng makarating na kami sa hardin. Nakita ko siyang umupo sa madamong lupa kaya umupo na rin ako malapit sa kanya.   "Bakit ka ba nangialam Naruto? Dapat hinayaan mo na lang ako gawin yun sa kanya!" Inis na sabi pa sa akin ni Hinata habang binubunot ang mga d**o sa inuupuan niya.   "May pakialam ako sa'yo Hinata. Mali kasi yung ginagawa mong pagganti kay Inno sa pamamagitan ng p*******t sa kanya. Mas malala pa yang ginawa mo kaysa sa ginawa niya," sabi ko sa kanya habang nakayuko ako.   Narinig ko siyang humikbi at nag-umpisa ng umiyak bago magsalita. "Bakit ba pinagtatanggol mo siya Naruto? Bakit gusto mo ba si Ino? Kung gusto mo siya bakit ako ang kasama mo hindi siya? Mali na ba ngayon ang lumaban? Ipinaglalaban ko lang naman yung pamilya ko Naruto!"   Habang pinapakinggan ko siya ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.  Ramdam ko kung gaano siya nasaktan noong namatay ang mama niya dahil wala ng naniwala sa pamilya nila.   "Hinata, naiintindihan kita. Alam ko masakit yung nangyaring pagkamatay ng mama mo at yung nangyari sa pamilya niyo! Pero sana Hinata hindi mo na sana pinatulan si Inno sa ginawa niyang pagkukuwento ng nakaraan ng pamilya niyo. Hindi naman masosolusyonan  ng paghihiganti mo ang ginawa niyang kasalanan sa'yo. Naging masaya ka ba sa ginawa mong pagganti sa kanya?" Sabi ko sa kanya at umurong ako palapit sa kanya. Tumingin siya sa'kin at nagtama ang aming mga mata.   "Saka hindi ko gusto si Inno, Hinata. Hindi ko siya gusto dahil sa'yo. Hinata, matagal na akong may nararamdaman sa'yo. Hindi ka kasi mahirap mahalin. Sa tingin mo ba sa tatlong taon na magkasabay at magkasama tayo palagi hindi ako mahuhulog sa'yo? Hinata palagi lang akong nandito sa tabi mo dahil alam kong kailangan mo ng isang tulad ko," hinawakan ko ang kamay niya pagkatapos.   Nakita kong nagulat at namula siya sa pagtatapat ko. "Ayos lang naman na hindi mo sagutin yung pag..." nagulat ako ng ilapit niya ang labi niya sa labi ko.   "Ba-bakit mo ako hinalikan Hinata?" Gulat na tanong ko sa kanya.   "Mahal rin kita Naruto matagal na, hindi ko lang maamin sa'yo dahil nahihiya ako sa'yo! At sana huwag kang ma-turn off dahil sa maling ginawa kay Inno. Pinapangako ko na hihingi ako ng tawad sa mga ginawa kong mali sa kanya," nakangiting sabi niya habang nakatingin sa'kin.   Mukhang siya na ulit ang Hinatang nagustuhan ko noong unang nagkakilala kami. Ang Hinatang masayahin, malambing, mapagpatawad at ipinaglalaban kung ano ang sa tingin niya ay tama.   "Mabuti naman Hinata. Ngayon, ano na bang mayroon tayo? Bestfriend mo pa rin ako o boyfriend mo na?" Nakangiting sabi ko sa kanya.   Hindi siya sumagot pero nakita kong ngumiti siya at bigla ulit akong hinalikan sa pisngi.   "Ano ibig sabihin ng halik na 'yan?" tanong ko sa kanya.   "Naku Naruto hindi mo pa rin alam?" nakatawang sabi niya habang pinupunasan ang luha niya sa kanyang mukha.   "Hindi Hinata, gusto ko marinig sa'yo kung tayo na ba o liligawan pa kita," nakangising sabi ko sa kanya baka lang makalusot.   "Ikaw Naruto ha! Alam ko na 'yang ngisi mo! Oo na tayo na, boyfriend na kita! Masaya ka na ba?"   "Ano nga ulit yun Hinata? Hindi kita..." natigil ang pagsasalita ko dahil nakita kong nanggigigil na siya at nararamdaman kong parang gusto na niya ako paliparin sa outer space.   "May sinasabi ka ba Naruto?" Malambing na tanong niya sa akin habang ang kanang kamay niya ay nakaakbay sa'kin.   "Wala Hinata, sabi ko nga tayo na! Kaya tayo na rin papuntang classroom baka ma-late tayo sa klase natin," inalalayan ko na siyang tumayo at magkahawak kaming naglakad papunta sa aming silid.   "Mahal kita Naruto," malambing na sabi niya sa'kin.   "Mas mahal kita Hinata," sabi ko sa kanya sabay mabilis na humalik ako sa kanyang noo.   Anuman ang nakaraan mayroon ang pamilya ni Hinata ay tatanggapin ko dahil mahal ko siya.   "Loving her unconditionally makes my life happy and alive," mahinang bulong ko sa aking sarili. Kapag nakatapos na kami ng kolehiyo ni Hinata ay yayayain ko na siyang magpakasal.   WAKAS...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD