Simula pagkabata, si Shanley Cruz ay naging isang mabait na anak sa kanyang magulang. Hindi man niya sinasabi sa mga ito na mahal niya ang kanyang magulang ay ipinararamdam naman niya sa pamamagitan ng palaging pagsunod dito.
Hanggang sa dumating na sa wastong gulang si Shanley upang magkaroon na ng kasintahan. Ipinakilala niya ito sa kanyang pamilya at mga kamag-anak. Naging maayos naman ang pakikitungo ng kanyang pamilya sa kanyang boyfriend na si Logan.
Apat na taon na silang magkasintahan, at dumating ang araw na nabuntis si Shanley ni Logan.
"Anong gagawin natin mahal? Hindi pa ako nagkakaroon feeling ko buntis ako. Kaya bumili ako ng pregnancy test para malaman ko kung totoo ang hinala ko. Pagkatapos nun, na-discover ko na buntis nga ako. Kaya naisip ko mahal nasa birthday ko na lang ipapaalam kina mama yung kalagayan ko," masayang sabi niya kay Logan habang sila ay magkayakap.
"Mahal, magiging tatay na ako. Yes! Sige susuportahan kita tsaka nasa tamang edad na rin naman tayo para maging mag-asawa na," tuwang-tuwa naman na sabi ni Logan kay Shanley dahil sa wakas ay magiging pamilya na rin sila.
Sa mismong araw pa ng kaarawan ni Shanley noong April 4, 2014. Napagpasyahan niyang sabihin sa pamilya niyang buntis siya sa edad na dalawampu't dalawang taong gulang.
Pero noong ipinagtapat niyang buntis siya ay nagalit ang kanyang magulang. Dahil siya lang ang nag-iisang anak ng mga ito, at nalaman rin nilang ang boyfriend nito ay isang janitor at nakapagtapos lang ng highschool.
Dahil doon ay inilayo nila si Shanley kay Logan, pero gumawa pa rin siya ng paraan para magkasama sila. Itinuloy niya pa rin ang balak nilang pagpapakasal. Pero dahil sa sobrang stress ni Shanley sa pag-aasikaso ng kanyang kasal sa huwes ay nakunan ito.
Nanlumo siya sa pangyayaring 'yon pero wala na siyang magagawa kung hindi tanggapin ang nangyaring pagkawala sana ng kanyang magiging unang anak. Hindi na rin natuloy ang pagpapakasal sana nila dahil sa pangyayaring 'yon.
Noong nalaman ito ng kanyang magulang ay nagsisi ang mga ito sa ginawa nilang pagpipilit na paglayuin ang dalawa.
Nang lumaon ay tinanggap na rin ng pamilya ni Shanley si Logan dahil nakita nilang mahal talaga ng mga ito ang isa't isa.
Kaya itinakda na ang simpleng pagpapakasal ng dalawa sa huwes. Dumalo rin ang pamilya ni Logan at naging maayos naman ang pagkikita ng dalawang partido.
"Sa wakas mahal magiging isang ganap na pamilya na tayo. At mabuti na lang ay napatawad na tayo ng magulang ko. Tanggap na rin nila kung anong trabaho ang mayroon ka at kung ano ang totoong ikaw," nakingiting sabi ni Shanley sa kanyang asawang si Logan.
Niyakap siya ni Logan at hinalikan sa labi bago ang magsalita. "Oo naman mahal, ako pa? Matatanggap din naman nila ako dahil nalaman nilang totoong mahal kita."
Nagsimula ang pagsasama nila bilang mag-asawa.
Magkatuwang ang mag-asawa sa paghahanap-buhay. Ang kanyang asawang si Logan ay nagtatrabaho sa kompanya sa SM Megamall bilang janitor, samantalang si Shanley ay nagtatrabaho bilang isang manager sa bangko ng BPI.
Ang kanilang nag-iisang anak naman na si Presea ay malayo sa kanilang mag-asawa, dahil walang magbabantay sa kanilang anak na babae na walong buwan pa lamang noon. Kasalukuyan itong nasa ina ni Shanley dahil gusto niya na nandoon ito dahil mas panatag siya na ang kanyang ina ang nagbabantay rito, kaysa sa ibang taon pa ang mag-aalaga rito.
Dahil sa maraming mgaa napapabalita tungkol sa mga yayang pinagmamalupitan ang mga alaga. Kaya napagpasyahan niyang sa lola na lang nito sa Divisoria mamalagi. Tuwing weekend na lamang silang mag-asawa pupunta doon upang bumisita o kaya ay kunin ito kapag mahaba-haba ang araw ng kanilang pahinga.
Laging pumapasok sa isipan niya ang tungkol sa kalagayan ng kanyang anak.
Bilang isang magulang, kapag malayo sa iyo o hindi mo kasama ang anak mo ay napakahirap talaga dahil hindi mo nasusubaybayan ang kanyang paglaki.
Ngunit sa isang magulang, ang pinakalubos na nahihirapan ay ang ina dahil ito ang kasa-kasama ng anak nang siyam na buwan sa kanyang sinapupunan, siyang nagluwal, nag-alaga, at nagbigay ng oras para lang mapabuti ang kalagayan ng kanyang anak.
Kaya sa dalawa kanilang dalawa ang ina ang mas may pinakamahirap, at pinakamasakit na nararamdaman kung ang kanyang anak ay hindi niya makakasama.
Para kay Shanley ay kailangan niyang magtitiis kahit hindi niya makasama ang kanyang anak. Dahil wala siyang magagawa kung hindi ang magtrabaho rin upang maibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Kung aasa lang kasi sila sa sahod ni Logan ay hindi sasapat para sa pambili ng diaper, gatas, at iba pang pangangailangan ng bata.
Naranasan kasi nila ng mga unang buwan pa lang ng bata ay puro utang sila sa magulang nilang pareho at naisanla ang kanilang atm para lang may maipambili ng mga kailangan nila.
Nasa kusina ngayon si Shanley at naghahanda na upang may pang-baon, at almusal silang mag-asawa sa kanilang trabaho. Biyernes na ngayon kaya ganado silang kumilos mag-asawa dahil bukas ay dadalawin na nila ang kanilang anak. Pagkatapos magluto ni Shanley ng almusal at pang-baon nilang mag-asawa ay agad siyang naglakad upang ayain na ang kanyang asawa na kumain.
"Mahal, tara na kain na tayo. Nagluto ako ng itlog at isinangag ko ang kanin natin kagabi. Bilisan natin baka maipit pa tayo sa trapik may strike pa naman ngayon." Malambing na sabi niya sa asawang nagbibihis na ng damit pamasok.
Humalik muna si Logan kay Shanley bago magsalita. "Oo na mahal, sandali lang matatapos na ako. Pakilabas na muna mahal ng medyas ko para mamaya magsasapatos na ako. Muntik ko ng makalimutan may strike nga pala. Di bale 4:30 pa lang naman ng umaga."
Mabilis naman na hinanap ni Shanley ang medyas ng asawa, habang si Logan ay nagmamadali ng nagbihis, at pagkatapos ay sabay na silang dumiretso sa hapag-kainan upang kumain na. Habang kumakain ay sinariwa ni Shanley ang mga pangyayari sa kanyang buhay na mayroon ng asawa.
Simple lang ang pamumuhay nilang mag-asawa. Noon hindi pa nagtatrabaho si Shanley at wala pa silang anak ay hindi sila hirap dahil wala pa silang binibilhan ng diaper at gatas. Nakikitira pa sila noon sa pamilya ng kanyang asawa na si Logan.
Noong una ay maayos naman ang pakikitungo ng pamilya nito kay Shanley ngunit ng lumaon ay unti-unti na itong nagbago. Pero hindi na lang niya ito pinansin, kahit nagpapakita ang mga ito ng mga hindi magagandang pag-uugali.
Paglipas ng isang taon buhat noong sila ay ikasal ay nalaman nilang mag-asawa na buntis si Shanley kaya tuwang-tuwa sila sa blessing na ibinigay sa kanila. Nagtiis si Shanley ng anim na buwan na hindi niya kasama ang asawa dahil nagta-trabaho pa ito sa Alabang kaya nag-boarding house ito para hindi aksaya sa pamasahe, at umuuwi na lang ito tuwing day-off.
Naranasan niya kung paano ang makisama sa pamilya ng kanyang asawa, at naisip niyang napakahirap pala. Ngunit tiniis niya ito hanggang magpalipat ang kanyang asawa sa pinakamalapit na mall sa Cainta na pagta-trabahuan nito. Mabuti na lang napapayag ang kanyang boss na ilipat siya ng destino.
Simula noon ay palagi na silang magkasama, nagkukuwentuhan at nagbo-bonding. Lahat ng magustuhan niya ay binibili agad ng kanyang asawa. Kahit pagod na ito sa trabaho.
Hanggang sa dumating na ang oras ng panganganak ni Shanley sa kanilang panganay na anak. Naisipan niyang manganak sa hospital malapit sa kanila dahil sa tingin niya ay mas maaasikaso siya ng kanyang pamilya.
Dahil ang kanyang asawa ay nagtatrabaho at naisip niya wala rin siyang mapapala sa pamilya ng kanyang asawa dahil may kani-kanila itong buhay.
Pagkatapos niyang sariwain ang mga pangyayari sa kanyang buhay ay inisip niyang masuwerte pa rin siya sa kanyang asawa kahit ito ay isang janitor lang. Dahil napakasipag, walang bisyo, at ibinibigay ang mga pangangailangan nila.
Iniligpit na niya ang mga kinainan at naghanda na upang pumasok na sa kanilang trabaho. Mamaya na niya kasi liligpitin pag-uwi ang mga ito. Dahil baka ma-trapik pa sila at ma-late.
"Mahal, halika na kailangan na nating umalis para hindi tayo maipit ng matinding traffic," masuyong sabi sa niya kay Logan.
"Nandiyan na mahal, magsasapatos lang ako." pasigaw na sabi niya habang nasa pinto na ito ng kanilang inuupahang bahay na tita ko ang may-ari.
"Kahit kailangan talaga mahal, mabagal kang kumilos," sabi pa ni Logan kay Shanley sabay yakap at halik noong makalapit ito sa kanya.
"What ever mahal, mahal mo pa rin naman ako kahit medyo mabagal akong kumilos," malambing na sabi niya kay Logan.
Umalis na agad sila dahil alas-singko na at malapit na mag-rush hour. Mabuti na lang pagkalabas nila ng bahay ay nakasakay agad ng tricycle ang mag-asawa.
Ilang minuto lang ay pababa na agad sila ng tricycle pagkatapos ay naghiwalay na sila ng sasakyan papunta sa kani-kaniyang trabaho. Bago sila maghiwalay ay hinalikan muna ni Logan sa labi si Shanley para magpaalam.
Tuwing umaga palagi silang magkasabay na mag-asawa sa pagpasok. Depende kung ano ang schedule ni Logan sa trabaho.
Minsan kapag uwian ay lagi rin silang nagsasabay. Kapag may oras kasi ay gumagala o dumadaan muna sila sa bahay ng nanay niya kapag umuuwi.
"Tama nga 'yong sabi nang iba na mahirap ang makisama sa biyenan mo," bulong ni Shanley sa kanyang sarili.
Siyempre hindi ka puwedeng magbuhay prinsesa kasi kailangan makisama ka sa kanila. Pero hindi naman siguro lahat ng biyenan ganoon, kasi may ibang mababait talaga. Iyong totoong mabait, at ituturing kang parang tunay na anak nila.
Pagkatapos ng walong oras niyang pagtatrabaho sa bangko ay napagpasyaha niya ng umuwi.
Kung siya lang ang tatanungin mas gusto niya pang kasama ang anak niya, at gampanan ang pagiging isang mabuting asawa.
Sa mga minuto, oras, araw at panahon na hindi namin siya kasama sa bahay ay hindi niya mapigilang umiyak dahil bilang isang ina, gusto mong ikaw ang nag-aalaga, nagpapaligo, nagpapalit ng diaper at nagpapasaya sa'yo tuwing napapagod ka.
Pero wala siyang magawa kung hindi ang magtrabaho para maibigay ang pangangailangan niya at ng pamilya namin.
Simula noong bumukod sila ng kanyang asawa ng bahay, at lumayo sa pamilya niya ay kinailangan niya ng magtrabaho para tulungan ang asawa niyang si Logan.
Tama nga ang sabi ng iba na kapag nagkaroon ka ng pamilya, at may anak ka na ang iisipin mo na lang ay ang kapakanan nila. Ito na ba ang unconditional loved na sinasabi nila?
Kung saan handa mong ibigay ang lahat para lang sa kanila.
Palagi niyang iniisip na sana kasama niya ang kanyang anak.
Palagi niyang iniisip na kung hindi siguro siya nagtrabaho ay kasama nila ang kanyang anak.
Palagi niyang iniisip na sana lagi siyang maayos, malusog at masaya.
Palagi niyang iniisip na masuwerte siya dahil ang naging asawa niya ay si Logan na kahit isang janitor ay totoong nagpakita ng pagmamahal sa kanya. Hindi katulad ng ibang lalaking edukado pero manloloko.
Palagi niyang iniisip na mabuti na lang naging isang ina siya at nalaman niya kung anong sakripisyo ang ibinibigay ng isang ina sa kanyang mga anak at pamilya.
Hihintayin niya muna si Logan sa waiting shed sa Lifehomes para sabay na silang umuwi.
May oras rin na nag-aaway rin silang mag-asawa dahil may mga bagay silang hindi pinagkakasunduan. Minsan naiisip niya na hiwalayan na ito kasi napakabugnutin nito. Pero naiisip niya na ngayon pa ba siya susuko kung kailan mag-asawa na sila at may anak na?
Kahit pagod na rin silang dalawa mag-asawa sa pagtatrabaho ay ayos lang basta matugunan lang nila ang pangangailangan ng nag-iisa nilang anak.
Tuwing bumibisita sila sa nanay niya sa Divisoria para makita ang anak nilang si Presea ay nakakaramdam palagi sila ng pagkasabik, saya at lungkot.
Pagkasabik dahil ilang araw rin nilang hindi nakita ang anak. Saya dahil makakasama na rin nila siya kahit papaano. At lungkot dahil tuwing uuwi sila sa inuupahan nilang bahay sa Cainta ay hindi nila siya kasama.
Ang Unconditional Love ay kaya nating ibigay kahit kanino. Suklian man nila o hindi ay ayos lang, atleast nagmahal ka. Huwag kang palaging naghihintay nang kapalit. Mahalin mo sila nang buong puso. Makikita, at mararamdaman mo na lang na masaya ka dahil nagmahal ka.
Siya si Shanley C. Miranda at ito ang kanyang kuwento. Naniniwalang ang pagmamahal ng isang ina ang pinakamatamis, at pinakamasarap na maaaring maramdaman ng kanyang anak. Iba sa lahat ng pagmamahal na maaaring ibigay ninuman.
Nangangarap na sana paglaki ng aking anak ay maging isang mabait, magalang, matalino, masipag at may tako sa Diyos ang aking anak.
Nangangarap na sana humaba pa ang aking buhay, para makasama, makapiling, at magampanan ko ang aking tungkulin bilang isang magulang.
Nangangarap na sana sa aking pagtanda ay masuklian, at gawin din niya katulad ng mga ginawa ko sa kanyang anak.
Nakita niya na rin na palapit na sa kanya si Logan. Kaya tumayo na rin siya mula sa pagkakaupo sa waiting shed. Sa wakas makikita na ulit namin ang anak naming si Presea.
At masaya sila na sa ganitong paraan ay maipaparamdam pa rin nilang mahal at nasa tabi lang sila bilang magulang.
Ang pagmamahal ng isang ina ay parang isang rosas na unti-unting namumukadkad habang lumilipas ang oras, araw at panahon ay hinding-hindi kayang palitan ng kahit anumang bagay.
Wakas...