STARE DOWN (HORROR)

2196 Words
Maraming mga pumupuntang mga tao sa museo kung nasaan nakalagay ang larawan ng isang babaeng iginuhit ng hindi kilalang pintor. Ano nga ba ang sekreto ng babaeng nasa larawan at dinarayo ito ng mga tao? Ngunit kapag gabi hindi alam ng mga pumunta rito na may misteryong nakakabakit sa larawang ito. --- "Uy Zach Lucas, tumigil ka nga riyan sa kakakatitig sa larawang 'yan! Kahit anong titig mo hindi yan gagalaw saka drawing lang 'yan," natatawang sabi ko sa kanya habang naglalaro ng Mobile Legend sa cellphone ko. Nandito kasi kami ngayon sa isang lumang bAhay sa Makati. Napagkasunduan kasi naming apat na mga kaibigan ko na pumunta rito para tingnan kung talagang napakaganda nga ng babaeng iginuhit ni James Cal. 'yon kasi ang palaging bukambibig ng mga schoolmate naming nagagawi rito. Luma at puno na ng lumot pati agiw ang paligid ng bahay na puno ng mga ipinantang larawan na nakasabit sa dingding. Kahit na maliit ay maraming dumadayong tao rito upang makiusyoso dahil sa mga artworks ng ilang mga sikat at isang hindi kilalang pintor dito sa Pilipinas. Idagdag pa 'yong iginuhit na pintor na isang babae na talagang napakaperpekto. Wala na ang may-ari ng bahay na ito kaya maraming mga matanda at kabataan ang hinahayaan ng nangangalaga na pumasok para lang makita ang nasabing larawan. Tanging ang nangangalaga na lamang sa lumang bahay ang tao rito tuwing umaga at nawawala kapag sumapit na ang gabi. "Ikaw kaya Kenzo Tiu ang tumigil sa kalalaro ng ML sa cellphone mo! Ang mahal ng bayad natin sa entrance tapos maglalaro ka diyan," sabi naman ng magaling na kaibigan ko na si Julien Dangca. "Anong mahal ka riyan? Ikaw mamamahalan? E, kapag mambabae ka nga ikaw ang gumagastos hindi ka nagrereklamo!" sigaw na sabi ko sa kanya na ikinatingin sa'kin ng mga tao na nasa loob rin ng lumang bahay. Para makaiwas sa pagkapahiya ay nagkunyari na lang ako na tumitingin-tingin sa mga artworks na nakasabit. Mukha pa rin naming inaaalagaan ang mga nakapintang larawan lalo na ang larawan ng babae. "P're sa susunod kasi huwag kayong magkalat dito ng katangahan ninyo," mahinang sabi sa'min ni Lyle Maina na isa ring mahangin at may pagkamayabang na tulad ko. "Wala pa ba kayong balak umuwi? Mag-aalas-sais na ng hapon. Naglalabasan na yung ibang mga tao," tanong ko sa kanila habang nakatingin sa mga taong papalabas na ng bahay. "Mamaya na pare! Balak ko sanang kunin 'tong portrait para i-display sa kuwarto ko. Ang sarap kasi titigan ng babaeng iginuhit nung pintor na si James," mahinang bulong sa'min ni Zach. Mukhang na-hypnotized na ata 'tong kaklase ko na 'to. Nakikita kasi naman ang perpektong itsura ng isang babae. May maputi't makinis na kulay ng balat, matangos ang ilong, kulay asul na mga mata, mahabang pilikmata at mapupulang labi. Larawan ng isang babaeng kung titigan mo ay parang inukit ng isang manlililok. Para siyang si Kate Winslet at Jennifer Lawrence sa kanyang ganda. "Pare, artwork lang 'yan. Kaya huwag mo na pagnasaan pa. Tsaka pare pagnanakaw yung gagawin natin gusto niyo bang makulong?" seryosong sabi ko kay Zach pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko na nakalagay sa lapag para maghanda na sa pag-uwi. "Kenzo pare huwag ka naman mang-iwan sa ere! Sige ganito na lang hindi na lang natin kukunin pero hindi muna tayo uuwi," sabi sa'min ni Zach habang nakapalibot kami malapit sa portrait ng babae. "Sige na pareng Kenzo pagbigyan na natin 'tong si Zach," sabay na sabi nina Lyle at Julien sa'kin. "Masama talaga p're ang kutob ko rito sa gagawin natin. Tsaka mamaya magsasara na 'to diba hanggang alas-sais lang gabi bukas 'to e limang minuto na lang natitira. Tapos tayo na lang nandito sa loob ng bahay na 'to," nag-aalalang sabi ko sa kanila. Simula kasi ng pumasok kami rito parang masama na kutob ko. Hanggang makarating kami sa harapan ng portrait ng babaeng kinahuhumalingan ng mga tumitingin rito. Nagtataka talaga ako kung paanong sumikat agad ang isang hindi kilalang pintor ng dahil sa babaeng iginuhit niya. "Mga alas-siyete lalabas na tayo huwag kang mag-alala," sabi naman ni Zach sa'min. Naramdaman kong lumapit sa'kin si Lyle at bumulong. "Pare sige na pumayag ka na sa gusto ni Zach para makatulog na 'yan ng mahimbing mamaya. Umaasa siguro yung kaibigan natin na gagalaw 'yung babae sa larawan katulad ng mga napapanuod niya sa palabas." Napagpasyahan naming magtago sa loob ng banyo ng ilang minuto para magtago sa nagbabantay rito sa lumang bahay. -- Nang masiguro naming na wala nang nagbabantay ay lumabas na kami sa aming pinagtataguan. "Pare kinakabahan talaga ako sa gagawin nating 'to," nangangatog na sabi ni Julien habang nakakapit sa likod ni Lyle at naglalakad. "Ano ba kayong dalawa para kayong mga tanga diyan! Hindi niyo kailangan matakot dahil medyo maliwanag namin dahil sa dim light na nakabukas. Tsaka apat naman tayong nandito kaya huwag kang duwag diyan," sabi naman ni Lyle sa kanya habang tinatanggal ang kamay ni Julien sa likod niya. "Basta mamaya umuwi na rin tayo ha? Talagang kinikilabutan ako rito e! Tsaka ano ba kasing gagawin natin dito? E, mga portraits lang naman ang nandito huwag mo sabihin Zach na hinihintay mong gumalaw 'yang babae sa portrait at lumabas diyan sa..." naputol ang sasabihin ko ng pagkarating naming apat sa tapat ng portrait ng babae ay wala na 'to doon. "Guys, nakikita niyo ba ang nakikita ko?" sabi ko sabay turo sa portrait na wala ng laman. "Za-Zach, ki-kinakabahan na talaga ako. U-umalis na tayo rito sige na!" natatakot na sabi ni Julien habang mahigpit na nakahawak sa backpack niya. Masama na talaga ang kutob ko rito. Sabay-sabay kaming napalingon na apat ng may marinig kaming parang may umiiyak na babae malapit sa likuran namin. "Pa-pare, hu-huwag niyo sabihing yung babae yan sa portrait?" sabi ni Lyle habang magkakahawak kamay kaming apat. "Tang'na pare kung wala lang tayo rito pagtatawan ko na ang astig na katulad mo kasi natatakot ka rin pala," nanginginig na sabi ko habang nakahawak pa rin kami sa isa't isa. "Za-zach dahil ikaw naman ang may gustong manatili tayo rito kaya ikaw ang unang lumingon," sabay-sabay na sabi naming tatlo. "Putik akala ko sa palabas lang nangyayari 'tong ganito,"sabi ni Zach habang matapang na humarap sa babaeng umiiyak. "Ang ganda niya talaga!" narinig naming sabi ni Zach kaya napalingon rin kaming tatlo. Kinilabutan ako sa nakita ko dahil ibang-iba ang itsura niya sa nakikita namin sa larawan. Sina Lyle at Julien din ay parang na-hypnotized sa nakikita nilang kagandahan maliban sa'kin. Hindi ko alam kung paano o bakit pero mabuti na lang hindi niya ako na-hypnotized. Nagkunwari akong nahuhumaling sa kanya habang mahigpit kong hinawakan sa kamay yung tatlo para siguraduhin kong hindi sila lalapit sa babaeng 'yon. Tiningnan ko ang itsura nilang tatlo wala akong makita kundi ang blangkong emosyon mula sa mukha nila. Iba na talaga 'to kinikilabutan man ako pero nilalakasan ko lang loob ko. Ang babaeng kinahumalingan ng lahat sa portrait ay isang babaeng walang mata at punong-puno ng dugo sa kanyang buong katawan. Nakakatakot siyang tingnan dahil sa itsurang nakikita ko sa kanya. "Boys, bakit ayaw niyong lumapit? Huwag na kayong mahiya. Lumapit na kayo sa'kin," nang-aakit na aya niya sa'ming apat. Kung maganda lang talaga siya lalapit ako kaso para siyang si Sadako mas malala nga lang dun dahil para siyang mamatay tao na katulad ng sa Silent Hill na mga nurse. "s**t Kenzo mag-isip ka kung paano tayo makakalabas na apat ng buhay," mahinang bulong ko sa aking sarili. Mabuti na lang hindi pa siya lumalapit sa'min kung hindi maiihi na talaga ako sa sobrang takot. Nag-panic ako ng maramdaman kong unti-unting humahakbang na ang tatlo. Buwisit talaga kapag lumapit kami dun baka ikamatay namin. Nakikita kong ngumisi na wari mong natutuwa na lumapit kami. Napansin kong may kung anong hawak siya sa kanyang kanang kamay na kumikislap dahil natatamaan ng liwanag. s**t, baka hindi talaga kami makauwi ng buhay dahil dito. Nagtataka ako kung bakit hindi siya lumalapit sa'min pero mas maganda na 'yun dahil may pagkakataon kami para makatakas. "Pare gumising na kayo sa kalokohang 'to papatayin tayo niyan," bulong na sabi ko sa kanila pero hindi umepekto. Kaya ginawa ko ay yung talagang makakapagpagising sa kanila mula sa pagkahumaling nila sa impaktang babaeng 'yon. Parang isa siyang babaeng engkanto at sirena na mahuhumaling ka sa taglay niyang ganda. "Aray pare, bakit mo naman kami sinapak?" sabay-sabay na sabi nila pagkatapos nilang makatikim ng suntok sa mukha mula sa'kin. "Huwag na kayong magreklamo dahil sa ginawa kong pagsapak sa inyo. Dahil kailangan na nating umalis dito bago tayo patayin ng babae sa larawan. Basta huwag lang kayo titingin sa mata niya kung hindi mahi-hypnotized niya kayo ulit," malakas na sabi ko sa kanila at napatingin ulit sa lugar kung saan nakatayo ang babae. "Pare siya ba 'yong nasa portrait? Putik namamalikta lang ba ako?" sabay-sabay na sabi nila. "Oo kaya kung puwede lang huwag na kayong tumingin sa kanya sa baba kayo tumingin kaya tara na habang hindi pa siya..." naputol ang sasabihin ko ng makita ko siyang dahan-dahang naglalakad at nakangisi na parang isang psycho killer habang hawak ang kutsilyo papunta sa'ming apat. Mabilis kaming apat na kumilos para tumakbo sa lugar kung saan kami pumasok kanina. "Pa-pare bilisan niyo dahil kapag naabutan tayo niyan patay talaga tayo. Sana may iba pang tao sa labas ng lumang bahay na ito," sabi ni Lyle habang mabilis na tumakbo papuntang pinto. Ilang beses niyang pinihit ang door knob ngunit nakasarado. Lumingon ako sa likod ko para siguruhing hindi pa siya nakakasunod sa'min. Nakita naming ilang hakbang na lang makakalapit na siya sa'min. "Pare gamitin mo na 'yong pagiging genius mo sa pagbubukas ng pinto. Wala tayong labang apat sa impaktang tulad niya!" kinakabahang sabi ko kay Lyle. Nakita kong ginamit niya ang I.D niya para kalikutin ang saraduhan ng pinto. "Boys, malapit na ako! Maghintay lang kayo diyan dahil papaligayahin ko kayo ngayong gabi! Iyan lang naman ang gusto niyo sa'ming mga babae diba? Ang angkinin kami at kapag nakuha niyo na ang lahat sa'min ay papatayin at itatapon niyo na lang kami na parang basura!"nakakakilabot na sigaw niya sa'min. Mabuti na lang hirap siyang maglakad dahil sa binti niyang sugat-sugat. Narinig naming tumunog ang saraduhan ng pinto hudyat na nabuksan ni Lyle ito. "Sorry honey, pero hindi namin kailangan ang impaktang katulad mo," nakangising sabi ko at mabilis pa kami sa alas-kuwatrong lumabas lahat pagkabukas na pagkabukas ni Lyle ng pinto. Tumakbo na kami palayo sa lumang bahay para siguruhing ligtas na talaga kami. Pawis na pawis kaming apat na tumigil sa harap ng tindahan para bumili ng maiinom na tubig. "s**t! Pare, muntik na tayong hindi makauwi ng bangkay sa pamilya natin," natatawang sabi ko sa kanila pagkatapos uminom ng tubig. Pero ang totoo hanggang ngayong kinikilabutan pa rin ako. "Ayaw ko na talaga tumingin sa mga magagandang babae sa portrait. Nakakatakot at nakakakilabot akala ko katapusan na nating apat kanina," nagsisising sabi naman ni Zach sa'min. "Mabuti naman kung ganoon Zach. Hindi ka na talaga namin sasamahan ulit nila Kenzo kapag nagpasama ka ulit sa'min," seryosong sabi naman ni Lyle kay Zach. "Nagtataka nga ako kung bakit hindi niya ako na-hypnotized kanina katulad niyo dahil kung hindi patay talaga tayo," seryosong sabi ko naman sa kanila. "Tingin ko dahil diyan sa suot mong contact lense Kenzo kaya hindi ka niya na-hypnotized. Pero kalimutan na natin 'yon ang mabuti pa umuwi na tayo sa bahay natin at ipaalam sa social media ang kababalaghan sa likod ng portrait na nandito sa lumang bahay ng Pamilya Agustin," seryosong sabi naman ni Zach. Tumayo na kami para pumunta sa LRT station para sumakay pauwi sa Pasig. Mabuti na lang talaga nakaligtas kami dahil sa contact lense ko kung hindi Baka kahit bangkay namin ay hindi na makita ng magulang namin. --- Pagkauwi ko sa bahay ay nagpunta agad ako sa kuwarto para gumamit ng laptop at mag-research. Nag-usap kaming magbabarkada sa pamamagitan ng f*******: messenger para mag-usap tungkol sa nangyari sa'min kanina. Nalaman namin ang impormasyon tungkol sa babae sa portrait sa internet na pinatay ito ng pintor na mismong gumuhit sa kaniya. Ang babae sa portrait ay kinilalang si Kendra Osorio isang babaeng maganda, matalino at kilalang-kilala sa social media dahil sa pagko-cover ng kanta ng ilang sikat na singer. Kinuha itong modelo ng hindi sikat na pintor upang gamiting ang kasikatan ni Kendra. Dahil sa kagustuhan nitong makatulong kay James na bagong sibol pa lang na pintor ay pumayag itong maging isang modelo para iguhit nito. Dahil ayaw daw nitong pumayag na makipagrelasyon sa kaniya kaya gumawa ito ng paraan na angkinin ito sa marahas na paraan at pinatay ito pagkatapos nitong makuha ang gusto sa babae. Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay hindi na nalaman kung ano ang nangyari sa pintor na si James. Nawala na lang ito na parang bula simula ng umugong ang balita tungkol sa pagpatay nito sa babaeng nasa portrait na iginuhit niya. Sa susunod talaga hinding-hindi na talaga ako sasama kay Zach para tumingin sa magagandang babae sa portrait dahil hindi lahat ng magagandang nakikita mo ay totoo. Dahil baka mamaya ito ay bunga lamang ng isang ilusyon. Wakas
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD