"Salamat po sa lahat ng naitulong niyo sa amin. Pasensya na po talaga kasi wala rin po kaming maitulong sa inyo," malungkot na sabi sa akin ni Gwen na isa sa mga trabahador ko sa Perez Plastic Factory.
"Salamat po talaga sir!" Sabay-sabay ding sabi ng iba pa.
"Salamat din sa inyo! Pasensya na talaga, kung hindi siguro naoperahan ang asawa ko sa puso ay hindi malulubog sa utang ang factory na ito," malungkot na sagot ko sa kanila. "Sana kahit papaano ay makatulong sa inyo ang kaunting halaga na napagbentahan ng factory," dagdag na sabi ko sabay abot ng puting sobre.
"Wala po 'yon sir! Kahit sino naman ay gagawin din 'yan! Salamat po talaga! Sige po Sir Maxwell, kailangan na naming umalis para mag-ayos ng mga gamit bago kami umalis," sabay-sabay nilang paalam pagkatapos ay sinarado na nila ang pinto.
Ano na bang mangyayari sa amin ng pamilya ko? Wala na akong alam na ibang trabaho bukod sa pamamahala ng plastic factory ng mahigit sampung taon. Kailangan pa naming bilhan ng maintenance ang asawa ko para sa mga gamot niya para hindi na ma-trigger ang heart problem niya.
Mayamaya ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone na nasa bulsa ng pantalon ko.
"Hmmnn... sino kaya ang nag-message na 'to?" sabi ko habang kausap ko ang aking sarili. "Siguro ang anak kong si Blesie?" dagdag ko saka ipinilig ang aking ulo.
Pagkabukas ko ng lock screen ng cellphone ay agad kong pinuntahan ang sss account ko. Nang makita ko ang mensahe mula sa hindi pamilyar na account ay napakunot ang noo ko. Nagdalawang-isip ako kung babasahin ko ba o hindi dahil hindi ko naman ugaling magbasa ng mga mensahe mula sa mga hindi ko kilala.
Pero dahil sa kuryosidad na rin na naramdaman ko ay pinili ko itong buksan. Nanlaki at biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng mabasa ko ang mensahe.
From: Information Desk
Subject: EU/ Magallanes Lottery Promotion
Your email address was selected to claim the sum of PH 100,000. Hurry, apply while your offer is available! This offer lasts until December 23, 2018 only.
To claim your prize just message us your account number.
Contact person: Mr. Marshall ** email-marshallgo@g*******m
Phone: 0921845****
Congratulations!
Nag-alangan ako kung maniniwala ba ako o hindi, dahil usong-uso ang mga electronic raffle na scam messages pala ngayon pero wala naman sigurong mawawala sa akin kung susubukan ko di ba? Tinext ko agad ang numero nung Marshall.
From: 0910086****
To: 0921845****
Hello Marshall **! Thanks for the message! Anong mangyayari kapag binigay ko ang acoount number ko sa inyo?
----
From: 0921845****
To: 0910086****
Kailangan po namin ang account number niyo para mai-send namin sa inyo ang pera na ipapamigay ng Magallanes Lottery Promotion. Bank to bank po kasi ang processing natin. Sakto po na kayo lang ang nag-reply sa sampung ini-email namin kaya may iba pa po kayong makukuha bukod sa Ph 100,000.
----
Dahil sa sinagot sa akin ay parang ginanahan ako na ibigay ang account number ko. Hinanap ko agad sa wallet ko ang isang BPI ATM Savings Card ko. Hinawakan ko ulit ang cellphone ko at nag-type ng account number. Ito na ata ang sagot sa problema namin ng pamilya ko.
From: 09100868****
To: 0921845****
Ito po ang BPI ATM Savings Card number ko 1234567812345678. Salamat! I badly need the money as soon as possible. Malaking tulong siya sa pamilya ko kasi kailangan ko ng pera para sa gamot ng asawa ko.
From: 0910086****
To: 0921845****
Salamat po sa pagre-reply at pag-send ng account number niyo. Wait po kayo ng 2-3 days bago ma-received 'yong pera.
Hindi na ako sumagot sa huling text niya. Nagmadali na akong nag-asikaso ng gamit ko para umuwi na ng bahay namin. Iniisip ko na kung anong gagawin ko sa perang matatanggap ko mula sa Home Credit. Balak ko kasi na magtayo ng maliit na grocery store sa harap ng bahay namin para kahit papaano ay may pagkakitaan pa rin kami ng pamilya ko.
---
Paglipas ng tatlong araw ay sinubukan kong i-check ang balance ng atm ko dahil baka naipadala na ang pera para mai-withdraw ko na agad.
"s**t!" gulat na sabi ko.
Noong chineck ko ang balance ay nanlamig ako sa nakita kong halaga ng pera na nasa atm ko. Ang pera ay Ph 0.50 na lang.
Naubos ang naipon kong PH 10,000 pesos' para sana sa dagdag puhunan sa negosyo ko. "Pera na sana naging bato pa! Kung bakit naman kasi nagpada ako sa instant money kuno nila!" Umiiling-iling na sabi ko habang nasa loob ng atm machine.
Mabuti na lang ay wala akong kasunod na ibang tao kaya hindi ko kailangan magmadali. Dinukot ko ulit sa bulsa ko ang wallet ko at ibinalik ang atm na hawak ko.
"Mabuti na lang hindi ko ibinigay ang account number ng BPI Family Card namin kung hindi wala na akong magagawa kung hindi ibenta ang kotse ko," nakangiting sabi ko sa aking sarili pagkatapos ay tiningnan ang laman.
Nanlumo ako ng wala na ring palang laman na pera ang Family Card namin. Nakalimutan kong naubos nga rin pala ito noong na-ospital ang asawa kong si Monica.
Ang pangako kong grocery sa kanila ay naging bato pa. "s**t! An-ong ga-gawin ko? Pa-ano pa mag-aaral ang anak ko? Paano na rin ang ga-mot ng asawa ko?" bulong ko habang naglalakad palabas sa atm machine.
Wala ako sa sarili habang naglalakad sa gitna ng kalsada. Isa lang ang naiisip ko para masagot ang problema namin.
Tuloy-tuloy akong naglakad sa gitna ng highway. Narinig kong bumisina pa nang malakas ang sasakyan pero ngumiti lang ako habang mabagal na naglalakad dahil alam kong may makukuha silang pera mula sa life insurance ko.
"Patawad, Monica! Patawad, anak! Mahal ko kayong dalawa!" huling nasabi ko bago ako pumikit mula sa nakasisilaw na liwanag galing sa sasakyang paparating.
Wakas...