bc

My Sassy Heiress

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
fated
friends to lovers
heir/heiress
drama
sweet
gxg
lighthearted
city
like
intro-logo
Blurb

Si Bea Mendoza ay isang simpleng waitress na nagtatrabaho sa isang coffee shop. Akala niya hanggang pangarap lang niya ang magkaroon ng isang pastry shop pero biglang nagkaroon ng twist ang buhay niya.

Natuklasan niya na siya pala ang nawawalang tagapagmana ng Montemayor. Nagbago ang buhay ni Bea nang pumasok siya sa marangyang mundo ng mga Montemayor. Isang pamilya na puno Ng drama, mga sikreto, at pagtataksil.Ngunit hindi ito naging madali para kay Bea—hindi tinanggap ng pamilya Montemayor ang kanyang pagbabalik, at may mga lihim na nagbabalak na sirain ang kanyang buhay.

Sa gitna ng mga intriga at panganib, nakilala ni Bea si Gabriel Vargas, isang misteryosong lalaki na nagtatrabaho para sa pamilya Montemayor. Sa unang tingin, si Gabriel ay may malamig na pakikitungo, puno ng distansya, at hindi nagpapakita ng emosyon.

Ngunit habang tumatagal, unti-unting lumalabas ang kakaibang koneksyon sa pagitan nila.Bakit palaging andiyan si Gabriel para protektahan siya? Bakit sa bawat titig nito, nararamdaman ni Bea ang hindi maipaliwanag na pangamba at pag-aalala? Sa kabila ng lahat ng pagkakaiba nila, nagsimula siyang magtaka kung may mas malalim na dahilan sa mga tingin at alalahanin ni Gabriel. Hanggang sa matuklasan niyang hindi lang siya ang may mga tinatagong lihim—si Gabriel din pala.

Habang lumalalim ang kanilang ugnayan, unti-unti ring lumalabas ang mga sikreto ng kanyang nakaraan. Ang mga dahilan kung bakit siya itinago ng kanyang ina mula sa masalimuot na pamilya ng Montemayor at ang mga dahilan kung bakit si Gabriel, ang lalaking nagtatangkang manatiling malayo, ay tila laging nandiyan upang protektahan siya mula sa mga taong gustong manakit sa kanya

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Sa Café Alegre, isang maliit pero sobrang homey na coffee shop sa Makati, may isang waitress na hindi mo basta-basta makakalimutan. Bakit? Kasi siya yung tipo ng taong puwedeng barista sa umaga, stand-up comedian sa tanghali, at certified sawsawera sa gabi at walang iba kundi si Beatrice "Bea" Mendoza. Dalawampu’t dalawang taong gulang. Maganda, Bakingkinitan. May shoulder-length na dark brown hair na laging nakatali sa isang messy-but-cute bun tuwing busy. Expressive na mata na parang may built-in scanner at isang tingin lang, alam na niya kung stressed, heartbroken, o tagilid sa budget ang customer. At ang morena skin? Perfectly kissed by the sun, pero kung tatanungin siya, mas "sunog sa overtime" ang tawag niya ro’n. Mabilis mag-isip. Mas magaling din mag asar. Kung may contest ng "Pinaka-Witty na Palaban", siya na ang hall of famer. Pero sa kabila ng pagiging Queen of Banters, may isang bagay lang na hindi niya kayang sagutin ang tanong kung paano niya mararating ang pangarap niyang maging pastry chef. Sa ngayon, survival mode muna. Sweldo, tip, at konting diskarte ang labanan. Minsan, ang extra rice lang talaga ang nagiging reward niya sa buong araw na pagod, pila, at mga pabebe na customers. Pero kahit gipit, may motto siyang hindi niya bibitawan: "Kape bago lahat. Walang matinong desisyon ang walang caffeine." At sa dami ng malas, sablay, at sabog na desisyon sa buhay niya, mukhang isang drum ng kape na ang kailangan niya lalo na ngayong may isang lalaking biglang magpapagulo sa mundo niya. Mabilis ang kilos ni Bea habang tumatakbo papasok ng Café Alegre, hawak-hawak ang strap ng bag niya habang nakatingin sa relo 6:59 AM. “Yes! Hindi pa ako late!” Pumiglas ang ngiti niya sa labi, pero hindi pa siya nakakahakbang ng tatlong beses papasok sa café nang biglang… “Bea!” Parang eksena sa horror movie, unti-unti niyang itinaas ang paningin. Sa bungad ng counter, nakatayo si Manager Rudy, nakakunot ang noo at may hawak pang clipboard na parang listahan ng mga mortal niyang kasalanan. “Late ka na naman!” sigaw nito. Napasinghap si Bea at awtomatikong sinilip ang relo. 7:01 AM. Isang minuto lang?! “Pucha naman, isang minuto lang, Sir!” reklamo niya, sabay pigil ng hingal. “Isang malakas na hatching lang ‘yan, di ba pwedeng i-round off sa 7:00?” Pero hindi natinag si Manager Rudy. Inis itong tumingin sa kanya na parang isang ama na naubusan na ng pasensya sa pasaway nitong anak. “Bea, alas-sais y medya ang pasok mo! Anong isang minuto?!” Agad na lumingon-lingon si Bea, kunwari’y hinahanap ang kakampi. “Eh kasi naman, Sir, sino ba naman kasing nag-imbento ng trapik sa umaga? Kung pwede lang sanang mag-teleport—” “Wala akong pakialam kung lumipad ka, sumayaw sa EDSA, o nag-cartwheel papunta rito, basta late ka pa rin.” Napabuntong-hininga si Bea, saka lumapit kay Manager Rudy na parang batang nagpapalusot sa guro. “Sir, baka gutom lang kayo? Baka naman kapag may laman na ‘yang tiyan niyo, bumait-bait din kayo?” sabay pilit na ngiti. Napataas ang kilay ni Manager Rudy. “Ah ganun?” “Promise, Sir, on my honor! Minsan lang ‘to, wag mo na akong sermonan. Daanin na lang natin sa lambing—” “Lambing, Bea? Gusto mo yatang malambing ng termination letter?” Napaatras siya. “Oof. Ang sakit naman, Sir. Parang wala tayong pinagsamahan.” Nagbuntong-hininga si Manager Rudy, halatang pagod na sa walang katapusang palusot ni Bea. “Just get to work, Bea. At ‘wag ka nang daldal nang daldal!” Napahawak sa dibdib si Bea, kunwari’y nasaktan. “Sir naman, paano yan? Paborito kong libangan ‘yon?” Nagtaas ng isang kamay si Manager Rudy, parang magpapako ng sumpa sa ere. “Bea, subukan mo lang dumaldal nang wala sa lugar ngayon at ipapalit kita sa coffee machine.” “Pwede bang sa espresso machine na lang, Sir? At least mainit!” “Bea.” “Shutting up now.” Sabay talikod niya, pero imbes na agad magtrabaho, lumapit muna siya kay Martha, ang matandang barista ng café, at bumulong. “Grabe si Sir, ‘no? Hindi ko gets kung gutom lang o may menopause na.” Napailing si Martha. “Isa ka talagang malas sa buhay.” Pero bago pa siya makasagot, may sumabog na sigawan mula sa pila ng customers. At doon nagsimula ang tunay na sakuna ng umagang ‘to. Puno ang café, at parang isang eksena sa rush hour ng MRT, siksikan, maingay, at parang may hindi maiiwasang gulo na paparating. Pero sa lahat ng customers na dumagsa sa Café Alegre, isang lalaki ang hindi pwedeng hindi mapansin ni Bea. Sa unang tingin pa lang, halata mong hindi ito basta-basta. Mukhang milyonaryo. At hindi lang ‘yung ordinaryong rich kid na naglalamyerda sa coffee shop para magpa-cute—hindi, ibang level ‘to. Suot nito ang isang mamahaling charcoal gray suit na mukhang bagong kuha sa dry cleaning, ang buhok niya ay sleek na sleek na parang isang matinik na kontrabida sa pelikula, at ang pamatay na aura nito? Mukhang isang reklamo lang, may matatanggal na empleyado. At mukhang hindi ito natutuwa sa experience nito ngayong umaga. “Miss, ang bagal ng service niyo. Para akong inabot ng isang dekada sa pila!” reklamo ng lalaki, hindi man lang nag-abala na itago ang inis sa boses. Napalingon dito si Bea, mabilis siyang nag-assess ng sitwasyon. Mukhang mataas ang blood pressure ni Kuya. Kulang lang ‘to sa tulog o kaya sa yakap. Pero syempre, Bea being Bea, hindi niya pinalagpas ang pagkakataon. “Sir, baka ho ‘yung init ng ulo niyo ang nagpapabagal ng oras?" sagot niya, sabay irap na may kasamang matamis na ngiti. Napataas ang kilay ng lalaki. Mukhang hindi sanay na may sumasagot sa kanya ng ganito. Hindi na siya pinansin ni Bea at agad kinuha ang tray ng order nito—isang mainit na Americano. Pero sa pagmamadali niyang makaalis at makaiwas sa nakakapasong tingin ng customer na ito… SPLASH! Diretso ang kape sa mamahaling suit ni Rich Guy. At biglang tumigil ang mundo. Napasinghap ang lahat ng nasa café, parang eksenang nag-freeze sa isang pelikula. Isang matandang babae pa nga sa kabilang mesa ang napahawak sa dibdib, parang siya mismo ang natapunan ng kape. Pero si Bea? Natulala lang, nanlaki ang mga mata, at napalunok nang dahan-dahan. Patay. Kung pwede lang talagang mag-time travel, ngayon na! “WHAT THE—” Nakita ni Bea ang takot sa mata ng mga customer. May bumubulong ng ‘lagot ka’ sa gilid. Tapos… dumilim ang paligid. O baka dumilim lang ang mukha ng lalaki sa harapan niya. Halos lumundag ang kaluluwa ni Bea sa sigaw ng lalaki. Pero sa halip na humingi agad ng tawad, ang naisip niyang instinct? Solusyonan ang problema. Mabilis niyang hinablot ang apron niya at sinubukang punasan ang nabasang suit ni Kuya Milyonaryo. Big mistake. "Ano ba?!” sigaw ng lalaki, lalo lang nagdilim ang mukha nito. Napaatras siya, pero huli na—mas lalo lang niyang pinahid ang kape sa mamahaling tela. Alam niyang mas lalala pa ang sitwasyon kung hindi siya magsasalita kaya naglabas siya ng kanyang best damage control. “Sir, at least ‘di na kayo giniginaw?” Silence. Parang may humigop ng oxygen sa loob ng café. Ang ibang customers ay pigil ang tawa, ang iba ay mukhang nag-aabang ng live drama. Pero ang pinakanakakakilabot sa lahat? Yung titig ng lalaking nasa harapan niya, matulis, matalim, at parang gusto siyang ipadeport sa ibang bansa. Pumikit ng mariin si Bea, pilit inaabsorb ang kapalaran niya ngayong umaga. Diyos ko… hindi pa ako nag-aalmusal, pero pakiramdam ko kakain ako ng sermon. At oo nga, tama siya. “Miss, alam mo bang triple ang presyo ng suit na ‘to sa sahod mo?!” mariing sabi ng lalaki. Nagtaas ng kilay si Bea, trying to act unfazed kahit gusto na niyang tumakbo palabas. “Eh ‘di ikaw na mayaman, sir! Hindi ko naman kasalanang fragile ang kape niyo!” Tumaas pa lalo ang kilay nito, as if hindi makapaniwala na may isang tulad niyang may lakas ng loob na sumagot. Biglang bumaling ang lalaki kay Manager Rudy, na kanina pa mukhang hinihimatay sa gilid. “Rudy!” sigaw ng lalaki, halatang kilala nito ang manager niya. “Tanggalin mo ‘tong empleyado mong walang modo!” Nagkatinginan si Bea at si Rudy. Alam niyang gusto na siyang ibaon ng manager niya sa sahig sa kahihiyan, pero bago pa makapagsalita si Rudy, isang bagong boses ang pumuno sa café. “Wait.” Isang malalim na boses ang pumuno sa café. Hindi sigaw, hindi rin bulong—pero sapat para patahimikin ang lahat. At doon biglang nagkaroon ng plot twist ang umagang ito. Ang Café Alegre, na kanina lang ay puno ng ingay at bulungan, ay biglang natahimik nang pumasok ang isang matandang lalaki. Mukha siyang galing sa isang ibang mundo, isang mundo ng kapangyarihan, kayamanan, at lihim. Suot nito ang isang malinis at mamahaling barong, perpekto ang pagkakaplantsado na parang hindi pa nasasabuyan ng kahit isang patak ng alikabok. Ang kanyang salt-and-pepper hair ay maayos na nakasuklay, at ang tindig niya ay parang isang taong sanay sa respeto ng marami. Ang presensya nito ay hindi lang basta napansin—nararamdaman ito. Lahat ng tao sa café ay napatingin sa matandang lalaki, parang hinigop ng isang hindi maipaliwanag na puwersa. Ang unang tanong sa isip ni Bea? Sino ‘to? Dahil sa lahat ng taong pwedeng pumasok sa Café Alegre ngayong umaga, hindi niya inakala na may isang eleganteng matanda ang lalapit sa kanya, tinitigan siya mula ulo hanggang paa, at magtatanong ng isang bagay na babago sa buhay niya. “Ikaw si Beatrice Mendoza... hindi ba?” Napatigil si Bea. Ba’t niya alam ang pangalan ko? Napakunot-noo siya, biglang naging defensive. Hindi siya sanay na may random na estrangherong nagtatanong tungkol sa kanya. "Uh, yeah. Bakit?" At doon, dahan-dahang inilabas ng matanda ang isang lumang litrato mula sa loob ng kanyang coat. Isang sepia-toned na larawan. Makikita rito ang isang babaeng may hawak na sanggol—isang batang babae na may mapupungay na mata at bilog na pisngi. At parang siya ‘yung baby. Napakurap si Bea, pilit na pinoproseso ang nakikita niya. Parang biglang bumagal ang oras. Habang tinititigan niya ang litrato, unti-unting nagsink-in sa kanya na may isang bagay na hindi tama. O mas tamang sabihin… may isang bagay na hindi niya alam tungkol sa sarili niya. Ang matanda, na parang natagpuan na ang matagal nang hinahanap, ay marahang tumango. “Tama nga ako…” bulong nito. Nag-angat siya ng tingin, at seryosong tinitigan si Bea. “Kilala mo ba ang apelyidong Montemayor?” Natigilan si Bea. Montemayor? Hindi pamilyar sa kanya ang apelyidong ‘yon, pero parang may bigat ito. Napataas siya ng kilay, pilit na tinatago ang pagkagulat. “Uhh… sounds rich? Pero wala akong kinalaman diyan.” Natawa nang mahina ang matanda, pero hindi dahil sa katuwaan, parang may bahid ng lungkot sa titig nito. “Anak ka ni Carmela Mendoza, hindi ba?” At doon siya napanganga. Bakit alam ng matandang ito ang pangalan ng mama niya? Walang kahit sino—ni kapitbahay, ni manong taho, ni manager Rudy—ang nagtatanong sa kanya ng ganyang klaseng impormasyon. Para siyang sinuntok sa sikmura ng isang hindi niya maintindihang kaba. Napaatras siya ng bahagya, nag-aalangan. “Paano niyo alam ‘yun? Stalker po ba kayo?!” Kung hindi lang sobrang seryoso ng sitwasyon, siguro natawa na si Bea sa sarili niyang sinabi. Pero imbes na matawa, mas naging lalong seryoso ang matanda. Nakatitig ito sa kanya ng matagal bago nagsalita. “Hindi, hija, Ako si Don Ernesto Montemayor… at ako ang lolo mo.” May nabasag na baso sa di kalayuan. May mga customer na napanganga, ang iba’y pilit pinipigil ang kanilang reaksyon. Parang nasa isang teleserye lang. Pero si Bea? Parang nanigas siya sa kinatatayuan. Parang nagloko ang pandinig niya. May kung anong tumusok sa loob ng dibdib niya, hindi lang basta gulat, kundi isang halo ng lungkot, inis, at pagtataka.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook