CHAPTER SIX

1620 Words
At ang pinakamasaklap? Si Gabriel mismo ang magbabantay kung paano siya babagsak. Napatingin siya kay Don Ernesto, hoping for some sort of support, pero gaya ng inaasahan, neutral lang ang ekspresyon nito. It’s clear—this wasn’t just an invitation. This was a challenge. At ang bawat Montemayor na nasa silid na iyon ay tila nag-aabang kung paano siya magpapasya. Kumuyom ang kamao ni Bea. No way in hell na bibigyan ko siya ng rason para pagtawanan ako. Huminga siya nang malalim bago ngumiti, isang ngiting puno ng kumpiyansa—kahit paano, ‘yun ang gusto niyang ipakita. “Fine,” aniya, hindi iniwasan ang titig ni Gabriel. “Bring it on.” Nakita niyang bahagyang nagningning ang mga mata ni Gabriel, as if he was actually enjoying this. At doon, napagtanto niya ang isang bagay Hindi lang ito tungkol sa pagsubok niya sa sarili niya. Ito rin ay laban sa isang lalaking tila ba gustong patunayan na hindi siya bagay sa mundo nila. At wala siyang balak magpatalo. Hindi akalain ni Bea na ang pagiging isang opisyal na Montemayor ay may kasamang full-blown makeover challenge. At hindi lang basta simpleng pagsusuot ng gown ang kailangan niyang pagdaanan. Kailangan niyang harapin ang pinaka-challenging na stylist sa buong mundo. Si Gabriel Vargas Sa walk-in closet, o mas tamang tawagin na Montemayor fashion museum, nakatayo si Bea sa gitna ng mga designer gowns, high heels, at luxury accessories na mukhang hindi lang para sa isang ordinaryong gala, kundi para sa isang royal coronation. Napalunok siya habang tinitingnan ang napakaraming damit na ipinasuot sa kanya ng kanilang personal stylist. “Anong tingin mo sa’kin? Barbie doll?” sarkastikong tanong niya, habang tinitingnan ang isa pang gown na pilit isinusuot sa kanya. Si Gabriel, sa kabila ng lahat, ay nakasandal sa pader, nakapamulsa, at nakatingin sa kanya na parang wala siyang pag-asang magmukhang presentable. “If only you had half her charm.” Putek. Napatigil si Bea, kumunot ang noo at napairap ng naiinis. “Hala, grabe ka sa’kin! Wala naman akong ginagawang masama, ah?” Hindi man lang natinag si Gabriel. Nang lumapit ito ng isang hakbang, naramdaman ni Bea ang bahagyang tension sa pagitan nila. Mas lumapit pa ito, at sa bawat hakbang niya, parang lumiit ang mundo ni Bea. “That’s the problem.” Nagkatinginan sila at sa isang segundo, parang nawala ang lahat ng tunog sa paligid. “Wala kang ginagawa para patunayan na kaya mong lumaban.” Ang puso niya, na kanina ay normal lang ang t***k, biglang nag-amok. Hindi niya alam kung epekto ba ito ng nakakairitang presensya ni Gabriel, o dahil masyadong malapit ito sa kanya Napalunok si Bea, pakiramdam niyang nanlalamig ang mga kamay niya, ngunit ang mukha niya ay mainit na parang nasusunog. "Ano bang point mo?" pilit niyang pinakalma ang sarili, pero kahit sa boses niya, ramdam ang bahagyang pag-aalangan. Ngumisi si Gabriel, ang klaseng ngisi na parang gustong tumawa si Bea at sabay itapon sa kanya ang sapatos, ngunit sa kabila ng galit, may kilig na hindi niya kayang itago. "Simple lang." Tumikhim ito, saka tinitigan ang gown na hawak niya. "You need to stop acting like a lost stray and start acting like a Montemayor." Napalunok si Bea. Oh. Ganun pala iyon. So ito ang point niya? Hindi lang basta tungkol sa pagsusuot ng magagarang damit, hindi lang tungkol sa kung paano siya titindig sa gala—ito ay tungkol sa kung paano siya magpapakatotoo sa bago niyang mundo. Pero ang mas ikinabigla niya? Bakit parang hindi lang ito simpleng challenge? Bakit parang nagiging mas personal ito sa kanilang dalawa? Sa kauna-unahang pagkakataon, napagtanto niyang mas marami pang nakataya rito kaysa sa isang ordinaryong makeover. Kung may isang bagay na kinatatakutan ni Bea sa paparating na Montemayor charity gala, hindi iyon ang matatalas na tingin ng mga high-society elites o ang posibilidad na mabuko siyang hindi tunay na bahagi ng kanilang mundo. Kundi ang formal dance. At bakit? Dahil hindi siya marunong sumayaw. Wala sa sistema niya ang gracefulness, at wala rin siyang experience sa pagsayaw ng kahit anong klaseng ballroom dance. So, guess who ended up as her partner for the rehearsals? Sino pa ba? Eh di si Gabriel Vargas Of course. Dahil kailan pa ba naging madali ang buhay niya? Dahil sa hindi inaasahang pagsasanay na ito, natagpuan niya ang sarili ngayon sa ballroom ng Montemayor estate, isang engrandeng silid na may makintab na sahig, naglalakihang chandeliers, at mga portrait ng Montemayor ancestors na parang minamasdan siya, naghihintay ng kanyang pagkakamali. Pero wala siyang pakialam sa lahat ng iyon. Dahil ang totoong problema niya ay ang lalaking kaharap niya ngayon. Si Gabriel, nakasuot ng itim na polo shirt na bahagyang nakasando ang manggas, naka-roll up ang sleeves, exposing his forearms na mukhang kaya siyang buhatin gamit lang ang isang kamay. And the worst part? Nakatingin ito sa kanya na para bang alam nitong hindi siya makakatakas. “Uh, sigurado ka bang kailangan natin ‘to?” tanong ni Bea, pilit na nilalaro ang dulo ng kanyang dress para maitago ang kaba. “Pwede namang i-Google ang basic steps.” Hindi man lang kumurap si Gabriel. “Hindi mo matututunan ‘to sa YouTube.” At bago pa siya makapagsalita, hinila siya nito palapit. Masyadong malapit. Para bang wala silang ibang tao sa paligid. Para bang ang pagitan lang nila ay isang maling paghinga. Nagpumiglas si Bea, pero hindi siya binitiwan ni Gabriel. Hindi marahas, pero sapat para ipaalam na siya ang may kontrol sa sitwasyon. “Uhm… okay, sige… pero bakit parang masyado kang malapit?” pilit niyang kinalma ang sarili, kahit pakiramdam niyang parang sasabog ang dibdib niya. Gabriel, still holding her with a firm but controlled grip, tilted his head slightly, his gaze unreadable. "Kasi sayaw ‘to, hindi boxing." Bea blinked. Touché. Pero kahit pa sabihin niyang hindi siya affected, hindi niya maikakaila na parang may kung anong tension sa pagitan nila. Something unfamiliar. Something dangerous. Ramdam niya ang init ng kamay ni Gabriel sa baywang niya. Mainit, matibay, at walang pag-aalinlangan. She could feel the steady rise and fall of his chest, the faint scent of his cologne—fresh, masculine, at may kung anong bahid ng sandalwood. Damn it. Bakit parang biglang naging mahirap huminga? “Baka sinusubukan mo lang akong guluhin, no?” she tried to joke, masking her nervousness. Ngumisi si Gabriel ng bahagya, ang mga labi nito humantong sa pinakamaliit ngunit pinaka nakakainis na ngisi. "Bakit?" tanong niya, boses niyang bumaba—mabagal, may diin, at walang dudang nanunukso. “Natutunaw ka na ba?” Oh. My. God. Parang nag-short circuit ang utak niya. Ramdam niya ang pagbabago sa hangin sa pagitan nila. May kuryente. May tensyon. Sa isang saglit, naisip niyang baka ramdam din iyon ni Gabriel. At pagkatapos—bahagya niyang hinigpitan ang hawak nito. Hindi sapat para masaktan siya. Sapat lang para maramdaman niyang wala na siyang ligtas. Narinig niya ang mahina ngunit malinaw na tik-tak ng lumang grandfather clock sa likuran nila, ang bahagyang pagaspas ng mga kurtina habang pumapasok ang simoy ng gabi sa loob ng bulwagan. Pero sa mga sandaling iyon, tanging ang mabilis na t***k ng puso niya ang naririnig niya. Dapat itinulak na niya ito. Pinandilatan ng mga mata, nagbitaw ng sarkastikong komento, at nagkunwaring hindi siya apektado. Pero ang problema? Ang tanging nagawa niya lang ay ang maramdaman ang bawat segundo ng pagkakalapit nila. At sa isang iglap, napagtanto niya, hindi lang siya natututo ng sayaw. Natututo rin siyang lumaban… laban sa isang bagay na hindi niya inakalang haharapin niya. At yun ay ang hindi niya maipaliwanag na kilig na nararamdaman niya kay Gabriel. Tahimik ang gabi. Tanging tunog ng mga kuliglig at mahihinang yapak sa damuhan ang maririnig. Matapos ang rehearsal, naglakad si Bea sa garden, umaasang makahanap ng sandaling katahimikan. Pero siyempre, masyado siyang umaasa. Dahil ilang hakbang pa lang siya ay naramdaman na niya ang presensyang ayaw niyang maramdaman. Napapikit siya. Not now, please. Pero huli na. "Tumatakas ka?" Boses ni Gabriel. Malamig pero may halong aliw. Napairap si Bea bago siya nagpatuloy sa paglalakad. "Nope. Nagde-detox lang sa presence mo." Narinig niya ang mahina nitong tawa. Ilang segundo lang, at naramdaman na niya ang paglapit nito. "Sigurado ka?" Napahinto siya. Lumingon nang bahagya at inabutan ang titig ni Gabriel, nakaataas ang isang kilay, waring may binabalak. "Ano bang problema mo?" tanong niya, pilit na inilalayo ang atensyon sa kung gaano kalapit ang mukha nito sa kanya. Gabriel, this time, hindi na nakangiti. "Ikaw." Napakurap si Bea. Ano raw? Siya ang problema? Parang gusto niyang matawa pero may kung anong bumara sa lalamunan niya. "Kailangan ba kitang ipa-therapy?" sarkastikong sagot niya. "Kasi, wow, big words, Gabriel." Hindi sumagot ang binata. Sa halip, bumuntong-hininga ito at tinitigan siya nang matagal, parang may hinihintay na reaksyon. "You’re different, Bea. And that’s what makes you dangerous." Hindi niya alam kung insulto ‘yun o kung dapat ba siyang kiligin. Teka. Bakit nga ba may kilig factor? No. Nope. Not happening. Kumunot ang noo niya. "So… gusto mong sabihin na isa akong threat? Anong tingin mo sa akin, war freak?" Sa wakas, napatawa ito nang mahina. "Hindi mo gets." Napamewang siya. "O baka naman ikaw ang hindi marunong magpaliwanag?" Gabriel, ngumiti nang bahagya. "Okay. Fine. Pakinggan mong mabuti, Bea." At bago pa siya makasagot, isang hakbang ang ginawa nito, isang hakbang lang pero sapat para ang distansya nila ay halos mapawi. "Acting like you don’t care won’t work on me." Mahina pero diretso ang tono ni Gabriel. "You can run, you can ignore, pero alam nating dalawa, hindi mo kayang hindi ako maramdaman." Bea, nag-freeze. Kumakabog ang dibdib niya pero ayaw niyang ipahalata. Ang problema, tama si Gabriel. At ‘yun ang mas delikado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD