CHAPTER FIVE

2035 Words
Sa unang pagkakataon mula nang dumating siya sa mansyon, napilitan si Bea na sumabay sa agahan kasama ang buong Montemayor clan. Hindi niya talaga gustong dumalo. Kung may choice lang siya, mas pipiliin niyang kumain nang mag-isa sa kwarto, malayo sa mga mata na tila hindi makapaniwalang kasama na siya sa pamilyang ito. Pero wala siyang magagawa—isang Montemayor na siya ngayon. At sa ganitong pamilya, hindi siya puwedeng umiwas. Pinilit niyang panatilihin ang mahinhing postura habang umupo sa isa sa mga mamahaling upuan, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Lalo na nang mapansin niyang nasa tapat niya ang taong pinaka-ayaw niyang makita sa umagang ito—si Gabriel Vargas. Of all people. Kung pwede lang siyang lumipat ng pwesto nang hindi nagmumukhang obvious, ginawa na niya. Pero naunahan na siya ng tadhana Tahimik ang buong komedor habang ang ilan ay abala sa pagkain. Ang iba naman ay nag-uusap tungkol sa negosyo, pulitika, at kung anu-ano pang bagay na mukhang hindi niya maaambagan. Ang bigat ng atmosphere. Para siyang nasa business meeting at hindi sa agahan. Huminga siya nang malalim, iniwasan ang mga matang nagmamasid sa kanya. Naisip niyang kunin ang isang croissant mula sa tray ng tinapay sa gitna ng lamesa. Simpleng bagay lang naman, ‘di ba? Pero bago pa niya maabot iyon, isang kamay ang naunang dumampot ng huling piraso ng croissant "Wait—what?!" Mabilis niyang tiningala ang may-ari ng kamay. At siyempre, walang iba kundi si Gabriel. Walang kahirap-hirap nitong kinuha ang tinapay at marahang inilapag sa sariling plato, para bang walang nangyari. Napasinghap si Bea nang bahagya. Talaga? Croissant pa talaga ang magiging dahilan ng unang clash nila sa harap ng buong pamilya? Nagtagpo ang mga mata nila. Hindi niya alam kung imahinasyon lang niya, pero tila may konting amusement sa mga mata ni Gabriel. Dahil ba gusto lang siyang asarin nito? Hindi siya papayag. Nagtaas siya ng kilay at ngumiti nang matamis—pero may halong inis. "Wow, mayaman ka na nga, food snatcher ka pa?" Tiningnan lang siya ni Gabriel, walang kahit anong emosyon sa mukha. Para bang hindi niya narinig ang sinabi niya. “Unahan lang ’to, princess.” Princess?! Napairap si Bea at tumagilid ng upo, pilit pinapanatili ang ngiti kahit gusto na niyang sunggaban ang croissant na hawak ng lalaki. "Unahan? Hindi ka ba tinuruan ng ‘ladies first’?" Tumikhim si Gabriel, saka walang kahirap-hirap na pinatong ang croissant sa plato niya. Wala siyang balak ibalik ito. "Ang alam ko lang, survival of the fittest." Nagpanting ang tenga ni Bea. Aba’t— Kung survival of the fittest, edi magpakitang-gilas na rin siya. Sumandal siya sa upuan, saka bumuntong-hininga nang malalim bago nagsalita, gamit ang pinakamagaan niyang tono. Pero sinadya niyang lakasan nang bahagya upang marinig ng lahat. "Survival of the pinaka-pasikat." Biglang natahimik ang paligid. Napatingin ang ilang Montemayor sa kanila. Maging ang matandang patriarch na si Don Ernesto Montemayor ay saglit na iniangat ang tingin mula sa binabasang diyaryo. Napangiti si Gabriel. Isang mabagal, tila natutuwa ngunit may halong hamon na ngiti. Para bang interesado siya sa kung ano pang kayang gawin ni Bea. "Huh. Interesting ka nga." Pero bago pa makasagot si Bea, may isa pang boses ang sumingit. "Mukhang hindi mo matatalo si Bea sa banatan, Gabriel." Isang lalaking may confident na aura ang tumawa at nagkibit-balikat. May hawak itong tasa ng kape at mukhang enjoy na enjoy sa panonood ng verbal sparring nila. Napatingin si Bea. Hindi niya kilala ang lalaki, pero halata sa postura nito na isa rin itong Montemayor. “Gabriel, why are you always antagonizing the poor girl?” singit naman ng isang babaeng mukhang tita figure, nakataas ang kilay. “Give her a break. She’s new here.” Hindi natinag si Gabriel. Hindi rin ito nagmukhang defensive. Sa halip, inilapag nito ang kutsilyo at hinawakan ang tinidor na parang wala lang nangyayari. “Hindi ko naman siya inaaway. Ginagamit ko lang ang natural selection.” Pinilig ni Bea ang ulo, hindi makapaniwala. Talaga 'tong lalaking 'to, parang trip lang akong asarin! Muli siyang tumingin kay Gabriel, ang dila niya ay tila may sariling utak nang bumwelta. "Well, sorry to disappoint, but I don't plan on being eliminated anytime soon.” Hindi pa rin nawala ang misteryosong ngiti sa labi ni Gabriel habang tinutuhog ang croissant gamit ang tinidor. Para bang lalo pa siyang naaliw sa sagot ni Bea. "Good." At sa unang pagkakataon, hindi alam ni Bea kung asar ba ang nararamdaman niya—o may ibang bagay na bumubulong sa kanya na delikado ang bangayan nilang ito. Dahil para sa unang laban nila ni Gabriel Vargas, parang hindi lang simpleng argumento ang nangyayari, parang isang laro. Isang laro kung saan hindi niya alam kung sino ang unang bibigay. Pagkatapos ng tensyonadong almusal kasama ang Montemayor clan—at ang pasaringan nila ni Gabriel—nagdesisyon si Bea na tumakas. Hindi niya kinaya ang bigat ng atmosphere sa loob ng mansyon. Para siyang nasa loob ng isang pamilyang puro negosyante at pulitiko, kung saan bawat galaw ay may kahulugan, bawat tingin ay may opinyon, at bawat salita ay may subtext. Nakakapagod. Kaya naman, ang unang pagkakataon na makalabas siya sa malaking gate ng estate ay sinamantala niya. Huminga siya nang malalim, tinatamasa ang sariwang hangin at ang panandaliang pakiramdam ng freedom. Yes. Finally. Makakatakas na rin ako sa toxic vibes. Hindi pa siya nakakalayo nang mapansin niyang walang masyadong tao sa paligid. Tahimik ang driveway. Malawak ang open space sa harap ng estate, at tanging ilang mamahaling sasakyan lang ang nakaparada sa gilid. Napangiti siya nang bahagya. Pwede akong maglakad-lakad nang hindi binabantayan. Dahil sa hindi niya alam, may isang pares ng mata ang hindi nakamasid sa bawat kilos niya. At iyon ay walang iba kundi si Gabriel Vargas. Nagsimula siyang maglakad sa gilid ng driveway, nag-iisip kung saan siya pwedeng magpunta nang hindi agad natutunton ng mga tauhan ng Montemayor. Bago pa mangyari ang anumang hindi inaasahang pangyayari, narinig ni Bea ang malakas na busina ng paparating na sasakyan. Mabilis ang takbo, at mula sa anggulo ng kanyang paningin, mukhang hindi siya napansin! Parang natigil ang oras. Napako siya sa kinatatayuan niya, hindi makagalaw. Masyadong mabilis! Pakiramdam niya ay isang iglap na lang at mababangga siya, ngunit sa gitna ng lahat ng ito, isang matibay na kamay ang mabilis na humila sa kanya pabalik! "Oh my—!" Napakapit siya sa braso ng isang matigas na katawan, at ang puso niya ay mabilis na tumibok, nanginginig sa biglang takot. "Gabriel." Ang braso ni Gabriel ay mahigpit na nakapulupot sa kanya, sinisiguradong hindi siya mababangga. Ang kanyang mukha ay sobrang lapit sa dibdib nito. Amoy na amoy pa ni Bea ang pabango nitong may halong sandalwood at mint, at tila ang bawat t***k ng puso ni Gabriel ay sumasabay sa t***k ng kanyang sariling puso, bumabagtak sa gulat at init. Nagtaas siya ng tingin at tumama ang mata niya sa malamig na titig ni Gabriel, puno ng inis. “Kung plano mong mamatay nang maaga, sabihin mo agad,” sabi nito nang malamig, ngunit may halong irita. “Para hindi ko sayangin ang oras ko kakabantay sa’yo.” Nanlaki ang mga mata ni Bea, habang hinihingal pa rin mula sa pagkabigla “Hindi ko kasalanan ‘yon! Hindi ko naman nakita ‘yung kotse!” depensa niya, sinubukang bumawi ng kaunti sa composure. Ngunit imbis na palayain siya, mas lalo pang hinigpitan ni Gabriel ang hawak sa kanya, parang sinisiguradong hindi siya bigla na lang mawawala. “Exactly,” sagot nito ng matigas. “Kasi ang iniisip mo, paano ka makakatakas.” Natigilan si Bea. Naisip na lang niya, Hala, nagiging psychic na rin siya? Ngunit ang mas kinabahan siya ay ang higpit ng pagkakahawak nito sa kanya, at ang matinding presensya na tila nagpaparamdam na may malaking bagay na nakataya. Ramdam na ramdam niya ang init ng kamay ni Gabriel sa braso niya, at sa bawat paghawak nito, dumadaloy ang isang kakaibang tensyon sa kanilang pagitan. Para silang nakatayo sa gitna ng isang tahimik na labanan, ngunit hindi niya alam kung siya ba ang nananalo o natatalo. At hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon. Kaya naman siya na mismo ang unang bumitaw, at mabilis niyang iniiwas ang tingin, sabay buntong-hininga, sinusubukang kalmahin ang naguguluhang puso. Ano bang nangyayari sa akin?! Okay, thanks," aniya, pilit inaayos ang tono ng boses na tila walang nangyari. "Pwede nang pakawalan ang braso ko. Hindi ‘yan Montemayor property." Pero sa halip na bitawan siya agad, mas lalo pang lumalim ang ngiti ni Gabriel, at sa mata ni Bea, may pahiwatig na parang nabighani ito sa paglaban niya. “Sure ka?” tanong nito, itinaas ang isang kilay. Napasinghap si Bea. Ano raw?! "Gabriel, please lang, magpakatino ka naman kahit isang minuto!" Naisip ni Bea, hindi na niya kayang tiisin ang pabirong tingin nito Napapikit siya ng mariin at muling humarap sa lalaki. "Gabriel, seriously—" Sa wakas, binitawan siya nito, ngunit hindi bago ipinakita ang isang tingin na para bang sinasabi, "Alam kong mas gusto mo pang hindi ako bumitiw," at doon siya pinaka-nainis. Mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo, pilit na hindi ipinapakita ang init na nararamdaman sa kanyang mga pisngi. Sa likod niya, bahagyang natawa si Gabriel, isang tahimik na tawa na tila ba nag-eenjoy siya sa pagka-asar kay Bea. At kahit anong pilit niyang iwasan, hindi niya kayang ipagkaila na mula sa simpleng pagkatalo sa Montemayor mansion, ngayon ay parang siya ay napasok sa isang laro na hindi niya alam kung paano tatapusin—lalo na kung ang kalaban ay si Gabriel Vargas Pagkarating ni Bea sa Montemayor mansion, sinalubong agad siya ng malamig na boses ni Don Ernesto Montemayor mula sa grand hall. Ang tinig nito ay may matinding autoridad, parang may gustong iparating sa kanya. “May darating tayong charity gala.” Napahinto si Bea sa harap ng malaking salamin sa hall. "Gala?" tanong niya, medyo naiinis sa pag-iisip ng hindi inaasahang paglabas sa social scene. “Gusto kong makita kung paano ka haharap sa social scene.” Juice ko, Lord! Ano na naman bang parusa ito?! Ang utak ni Bea ay parang nag-alarmang alarm. Isang formal na event, surrounded by elite people, cameras, at mga socialites na laging naghahanap ng kahinaan ng iba. Anong naiisip ni Don Ernesto? Hindi siya sanay sa ganitong klaseng eksena! Habang siya ay nag-iisip ng mga palusot at plano para makatawid sa event na iyon, isang boses ang sumingit, at ang puso ni Bea ay agad na tumigil nang marinig ang boses na hindi niya gustong marinig. “Magandang idea ‘yan,” si Gabriel. At habang nararamdaman niyang unti-unting tumitindi ang kaba sa kanyang dibdib, alam niyang hindi madali ang magiging misyon niya sa gala na iyon—lalo na kung kasalo niya ang isang tulad ni Gabriel Vargas. Napatingin siya kay Gabriel, at hindi niya nagustuhan ang nakitang pamilyar na smirk sa labi nito. Parang may masama na naman itong binabalak. "Pero paano kung gawing test ang pagdalo niya?" Nagkaroon ng biglaang katahimikan sa paligid. Ang lahat ay napatingin kay Gabriel, tila hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Maging si Don Ernesto ay nagtaas ng kilay, halatang interesado sSamantalang si Bea? Ano na naman bang kalokohan ‘to? Napangiwi siya at napailing, bago nagsalita. “Test? Anong klaseng test? May exam? Multiple choice?” May ilang tao sa paligid na bumungisngis, pero si Gabriel ay nanatiling seryoso. Ang mga mata nito ay nakatutok lang sa kanya, parang hinuhusgahan siya nang harapan. At doon na siya tuluyang kinabahan. "Let’s see if you can survive one night with the Montemayors," anitong dahan-dahang lumapit sa kanya, "...nang hindi sumasablaya mungkahi ng binata. Parang biglang lumamig ang hangin sa paligid. Napalunok si Bea. Hindi niya alam kung ano ang mas nakakainis—ang tonong parang tiyak na tiyak na babagsak siya o ang confidence ng lalaking ‘to na parang walang kahit sinong makakatalo sa kanya. Napakagat siya sa labi, trying her best to hide her nervousness. Gala night. Isang mundo na hindi niya ginusto pero kailangan niyang pasukin. Isang eksenang punong-puno ng high society people, mayayaman, makapangyarihan, at mahilig manukat ng ibang tao. Isang lugar kung saan ang bawat kilos mo ay may katumbas na hatol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD