CHAPTER FOUR

2229 Words
“Pwede mo bang ibaba ang pagiging walking red flag mo?” she muttered, too annoyed to filter her words. Ngumiti si Gabriel—this time, may halong challenge sa mata nito.. As if amused ito na hindi tinatantanan si Bea. “Try to keep up, heiress.” At tumalikod na siya, clearly done with the conversation. "Wow. Ang bilis. Ganun lang ‘yun?" Pinanood lang ni Bea ang paglakad nito, tall, poised, at nakakainis na puno ng kumpiyansa—hanggang sa biglang... Nadulas siya sa mamahaling carpet. "Oh, crap—" Masyadong mabilis. Hindi niya alam kung paano nangyari, pero ang alam lang niya, bumagsak ang katawan niya pa-dive... Pero bago siya tuluyang humalik sa sahig, may mainit at matibay na kamay na sumalo sa kanya. Kamay ni Gabriel. Mahigpit pero maingat ang pagkakahawak nito sa kanyang pulsuhan, hinila siya pabalik sa tamang balanse bago pa siya tuluyang sumubsob. Napasinghap si Bea. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Sa isang iglap, parang bumagal ang oras. Ramdam niya ang malakas na kabog ng puso niya habang sinusubukang iproseso ang nangyari. Masyadong malapit si Gabriel, mas malapit kaysa sa sinumang naging malapit sa kanya sa nakakasakal na mansyong iyon. Ang maiitim nitong mga mata, na kanina ay puno ng panghuhusga, ngayon ay parang may ibang sinasabi. Hindi niya mabasa. Parang nag-aalangan, halos... nag-aalala? Napalunok si Bea, sobrang aware sa init ng kamay nito sa balat niya. Dapat ay bumagsak na siya. Pero hindi siya binitawan ni Gabriel. Kahit nang matiyak nitong nakatayo na siya nang maayos, hindi pa rin ito agad bumitiw. Mahigpit pero maingat. Para bang kahit na masungit ito, ayaw nitong masaktan siya. Bumuntong-hininga si Gabriel, halos pabulong ang boses. “Mag-iingat ka.” Napakurap si Bea. Hindi pa siya nakakabawi nang muling nagsalita ito, mahina pero matigas ang tono. “Hindi ka pa bagay dito.” Tumaas ang kilay niya. “Ano raw?” “Pero sigurado akong ayaw mong mapaalis dito dahil lang sa katangahan mo,” dugtong ni Gabriel, diretso pa rin ang tingin sa kanya. At ayun na nga. Dumating na ang panghuhusga. Napaatras si Bea at sa wakas ay binawi ang pulsuhan niya mula sa pagkakahawak nito. Pero kahit wala na ang hawak ni Gabriel, parang may naiwan pa rin sa balat niya isang hindi maipaliwanag na spark na ayaw niyang bigyan ng kahulugan. Itinaas niya ang baba, pilit na nagpapakitang wala siyang pakialam. “Salamat, ha?! Pero sa susunod, pwede bang unahin mo muna ang pagsalo kaysa sa panghuhusga?” Napangisi si Gabriel. “Noted. Sa susunod, iwasan mong madulas.” Napasinghap siya, saka nagtaray, “Sa susunod, iwasan mong maging mayabang.” Napailing si Gabriel, tumatawa nang mahina. “Hindi mangyayari ‘yan.” At bago pa siya makahanap ng witty comeback, lumakad na ito palayo, leaving her half-annoyed, half-flustered, at may kakaibang pakiramdam sa puso niya. Damn it. Hindi niya alam kung paano, pero sa isang iglap lang, ang suplado at mapanghusgang si Gabriel Vargas ay hindi na lang isang problema, kundi isang bagong misteryo na hindi niya maiwasang pag-isipan. Bea exhaled, still feeling the phantom warmth of Gabriel’s grip on her wrist. Kahit na bumalik na siya sa reality, hindi niya pa rin matanggal sa isip ang nangyari. Ano ‘yon? Bakit parang masyadong cinematic ang pagkakasalo niya sa’kin? At bakit parang may aftershock pa hanggang ngayon? Napailing siya. Hindi, hindi pwedeng magtagal ang ganitong epekto sa kanya. As if on cue, narinig niya ang mga tahimik ngunit firm na hakbang sa likod niya. Sinabayan siya ni Gabriel palabas ng library. Bea arched a brow. “Hinatid mo pa talaga ako palabas? Gentleman ka pala?” Gabriel didn’t even glance at her. “Don’t flatter yourself. Sinisigurado ko lang na hindi ka na muling madadapa." “Wow, ang bait mo pala.” “Hindi mo alam?” He smirked, finally glancing at her. She scoffed. “Kung bait baitan lang yan, gusto ko na lang maging kontrabida.” There was something in his smirk, something unreadable. Pero hindi niya alam kung paano, ang simpleng tingin niya ay parang may bigat, may alam na hindi niya alam. Tahimik silang naglakad, pero ramdam ni Bea ang presence nito kahit pa isang hakbang sa unahan ito. "Sa dami ng lugar sa mansion na ‘to, bakit library ang pinili mong pagtaguan?" Gabriel asked casually, as if genuinely curious. Napataas ang kilay ni Bea. "Pagtaguan?" "Kung hindi ka nagtatago, bakit mukhang gusto mong mawala sa mundo kanina?" She sighed, rolling her eyes. "Hindi ako nagtatago. Gusto ko lang ng peace of mind. Masama ba ‘yon?" "Hindi naman," he answered. "Pero kung naghahanap ka ng peace of mind sa pamilyang ‘to… good luck." Bea frowned. "Wow. Such an inspiring message, Mr. Vargas." “Realistic lang.” She clicked her tongue. “Ano bang trip mo? Bakit parang ang saya mong kulitin ako?” Gabriel gave her a long, slow glance before smirking again. “Hindi kita iiwasan.” That made her stop in her tracks. Pinanood niya ang itsura ni Gabriel—relaxed, confident, at parang wala lang nangyayari. “Good,” she finally said, lifting her chin. “Mas interesting kung lalaban ka.” This time, si Gabriel ang huminto. He turned to her fully, ang itsura niya parang sinusuri siya. Napatingin si Bea sa dark brown eyes nito, sharp, intense, at parang may hinahanap. "Alam mo ba kung anong pinapasok mo?" he asked, his voice lower than before. “Ano ‘to, boxing match?” she shot back, crossing her arms. He smirked. “Something like that.” "Nagpaparinig ka ba?" "Nagpaparinig? Hindi." His gaze held hers steadily. "Nagpaparamdam." Bea’s breath hitched for a second. May kung anong kilabot ang dumaan sa spine niya, pero hindi niya hinayaang makita ito ni Gabriel. Before she could come up with a snappy reply, naglakad na ito paalis, leaving her standing there, feeling frustrated, intrigued, and a little bit flustered all at the same time Pinanood niya ang retreating figure nito, broad shoulders, confident stride, at ang nakakainis niyang self-assured aura na parang laging alam niya kung anong ginagawa niya. Seriously, ano bang deal ng lalaking ‘yon? Bea shook her head, as if trying to snap herself out of something. Pero kahit anong pilit niyang ibalik ang focus sa kung bakit siya nandito sa mansion na ‘to in the first place… Hindi niya mapigilan ang isang bagay. Ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Malamig ang hangin nang gabing iyon. Ang langit ay natatabunan ng kumikislap na mga bituin, habang buong Montemayor Mansions ay nababalot ng malamlam na liwanag ng buwan. Mula sa malalaking bintana ng mansyon, maririnig pa ang mahihinang usapan at halakhakan ng mga bisita mula sa formal dinner. Ngunit para kay Bea, sapat na ang ilang oras ng pakikisama. Ngayon, ang kailangan niya ay tahimik na sandali isang lugar kung saan makakahinga siya nang maluwag, malayo sa mga matang mapanuri. At kaya siya nandito, naglalakad nang dahan-dahan sa malawak na hardin ng Montemayor. Napakaganda ng lugar. Ang mga batong daanan ay tinatabunan ng maliliit na puting ilaw, tila mga bituin sa lupa. Ang mga bulaklak, mula sa mapusyaw na rosas hanggang sa matitingkad na pula ay namumukadkad sa ilalim ng lamig ng gabi, humahalimuyak kasabay ng malamig na simoy ng hangin. Dito, kahit saglit lang, hindi ko kailangang magpanggap. Huminga siya nang malalim, pinupuno ang baga ng sariwang hangin. Tahimik. Walang tensyon. O ‘yun ang inakala niya. Dahil bago pa siya makaliko sa isa pang daanan ng hardin, isang malamig na tinig ang bumasag sa katahimikan. "Gusto mo bang maligaw?" Napapitlag siya. Halos tumilapon ang puso niya sa gulat. “Seriously?!” Mabilis siyang napaharap, hawak ang dibdib na parang gusto nang kumawala ang puso niya. “Nakakagulat ka naman! Para kang Isang seriel killer na basta na lang sumusulpot sa kung saan." Mula sa anino ng isang malaking punong kahoy, isang pigura ang lumitaw. Si Gabriel. Nakapamulsa ang mga kamay nito sa pantalon nito, habang ang puting dress shirt na suot nito kanina ay bahagyang hindi na nakabutones sa itaas, Kahit sa ilalim ng malambot na ilaw ng hardin, hindi nawala ang matalim na tingin nito, mga matang tila hindi kailanman pinalalampas ang kahit anong detalye. At sa kasalukuyan, siya ang tinititigan nito. Bakit ito nandito? “Hindi,” sagot nito nang walang gatol, bahagyang ikiniling ang ulo habang nakatingin sa kanya. “Pero kung hindi ka mag-iingat, baka ikaw na ang susunod na biktima sa crime scene." Napangiwi si Bea. “Ano ’yan, banta? May bago bang ‘killer sa mansion’ na hindi ko alam?" Ngumisi si Gabriel, mabagal at tila nang-aasar. “Hindi pa naman. Pero kung magpapatuloy kang gumala nang mag-isa sa ganitong oras, baka may gumawa ng masama na siguradong hindi mo magugustuhan." Napairap siya at tinawid ang mga braso sa dibdib. “Oh, so ngayon concerned ka?” Sa halip na sumagot agad, dahan-dahang lumapit si Gabriel, hindi inaalis ang titig sa kanya. Tila awtomatikong napaatras si Bea, ngunit hindi siya lumayo nang husto. “Teka…” aniya, may halong pang-aasar sa boses. “Sinusundan mo ba ako?” Nagtaas ng kilay si Gabriel. “Bakit?” Tumigil ito sa harapan niya, halos isang dipa lang ang pagitan nila. “Gusto mo?” OH. MY. GOD. Dama ni Bea ang biglang pagbilis ng pintig ng kanyang puso. At alam niyang hindi iyon dahil lang sa gulat. Dali-dali siyang umiwas ng tingin. “NO. Bakit naman kita gugustuhing sumunod sa akin?!” Makahulugang mapangiti si Gabriel. Iyong ung uri ng ngiti na tila may alam siyang hindi niya alam. ’Yung ngiti na nakakainis pero sabay na nakaka-curious. “Dahil ikaw ang bagong Montemayor,” sagot nito, walang pag-aalinlangan. “At bawat kilos mo, may nakamasid.” Napakunot-noo si Bea. “Kasama ka ro’n?” Hindi ito agad sumagot. Sa halip, lumapit pa lalo. Sobrang lapit. Ang dating malamig na hangin ay parang biglang uminit. Napansin ni Bea ang bawat detalye, kung paano nag-relax ang ekspresyon ni Gabriel habang tinitingnan siya, kung paano ang liwanag ng hardin ay tumama sa kanyang mukha, binibigyang-diin ang matangos nitong ilong, ang matalim nitong panga, at ang mga matang tila hindi makapagdesisyon kung natutuwa o naiinis sa kanya. At doon niya rin naamoy ang pabango nito, malalim, mamahalin, at mapanganib katulad ng lalaking kaharap niya. “Ginagawa kong routine na pagmasdan ang mga banta bago pa sila maging delikado.” Napalunok siya, pilit pinapakalma ang kabog ng dibdib. “So banta na ako ngayon?” Sa halip na sumagot, bahagya siyang yumuko si Gabriel, sapat lang para maramdaman niya ang init ng katawan nito. At sa sandaling iyon, isang iglap ng katahimikan ang dumaan. Ang tunog lang ng mga dahon na kumakaluskos sa ihip ng hangin. Ang kabog lang ng puso niyang hindi niya maintindihan. At pagkatapos, nagsalita si Gabriel, mahina, halos pabulong. “Maybe.” Parang tumigil ang mundo ni Bea. At bago pa siya makapag-react—bago pa siya makabawi ng matinong sagot—napaurong na si Gabriel, parang walang nangyari. Bumalik ito sa dating distansya, bumuntong-hininga na parang napagod sa usapan nila. At bago niya maproseso ang lahat, tumalikod na ito at naglakad palayo, na parang walang iniwan sa hangin kundi ang malamig na boses nitong patuloy na bumabalik sa isip niya. Naiwan si Bea, nakatayo pa rin sa gitna ng hardin, hindi makagalaw, hindi makapagsalita. Sinundan niya ng tingin ang papalayong pigura ni Gabriel, at doon lang niya napagtanto ang isang bagay. Hindi siya sigurado kung ano ang intensyon ng lalaking ito sa kanya. Pero sigurado siyang hindi niya basta-basta kayang balewalain ang presensya nito. Pagkapasok ni Bea sa kanyang kwarto, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Sinandal niya ang likod sa pinto, saglit na pumikit, at pinilit pakalmahin ang sariling isip pero hindi niya magawa. Kahit anong pilit niyang itaboy, bumabalik pa rin sa utak niya ang mga nangyari kanina. Ang titig ni Gabriel, matalas, parang may gustong basahin sa kanya. Ang malalim nitong boses, kalma pero may bahid ng panunuya. At higit sa lahat… Dahan-dahan niyang hinawakan ang kanyang pulsuhan. Dama pa rin niya ang init ng kamay ni Gabriel, ang mahigpit ngunit maingat nitong hawak. Para bang kahit gaano ito kasuplado, hindi siya nito hahayaang masaktan. Napakagat siya ng labi at muling napabuntong-hininga. "Ugh. Ano ba ’to?" Napaupo siya sa gilid ng kama at hinilot ang sentido niya. Ano bang meron sa lalaking ‘yon at parang ang dali niyang maapektuhan? Hindi naman siya madaling kiligin, pero iba ang epekto ni Gabriel sa kanya. Mayabang, mapanghusga, at masyadong self-important, pero bakit pakiramdam niya, sa likod ng matatalas nitong salita, may isang bagay na hindi pa niya maintindihan? Tumayo siya at lumapit sa salamin. Tinitigan niya ang sariling repleksyon, ang bahagyang namumulang pisngi niya, ang mga matang nagtataka. Bea, magpakatino ka nga. Pero kahit anong sabihin niya sa sarili, hindi niya maitatanggi ang katotohanang bumabagabag sa kanya? Bakit ako napapangiti? Tulad ng isang lihim na hindi dapat aminin, napailing siya at mabilis na tinalikuran ang salamin. Hinila niya pababa ang comforter at buong bigat na bumagsak sa kama. Out of sight, out of mind. Pero kahit anong gawin niya para tabunan ang iniisip, kahit anong pilit niyang huwag isipin ang malamig ngunit misteryosong si Gabriel Vargas... Hindi niya namalayang… Napangiti siya. At sa gabing iyon, sa gitna ng katahimikan ng kanyang kwarto, isang pangalan ang gumugulo sa isip niya. SI Gabriel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD