CHAPTER THREE

2009 Words
Lahat ay tumigil. Nakatingin na ngayon ang buong pamilya sa matanda. “Itong babaeng katabi ko—si Beatrice Mendoza—ay hindi lang basta bisita. Siya ay aking apo, anak ni Carmela. At siya ang tunay na tagapagmana ng Montemayor estate. " Parang may sumabog na bomba sa loob ng dining hall. Napanganga si Bea. Hoy, hoy, wait lang! Ang bilis naman ng promo?! Pero bago pa siya makapag-react, isang malakas na pagtawa ang umalingawngaw. Isang babae, eleganteng-elegante sa emerald green dress, ang biglang tumayo. Siya ang mukhang queen bee ng lugar at halatang may sayad sa pagiging sosyal. Si Tita Miranda. “Ano raw?” Halos lumaki ang butas ng ilong ni Miranda sa inis. “Anong pinagsasabi mong siya ang tagapagmana, Papa? Isang waitress?! She doesn’t belong here!" Nagkatinginan ang ibang Montemayor sa mesa, ang iba ay nagbubulungan, ang iba ay halatang natutuwa sa kaguluhan. Pero si Bea? Hindi na napigilang mag-comment. “Waitress nga po ako, pero hindi naman po ako bingi. Naririnig ko kayong lahat.” Biglang natahimik ang lahat. Napanganga si Tita Miranda. “Excuse me?!” “Excused ka na po,” sagot ni Bea habang maingat na hiniwa ang steak niya. “Pero grabe naman kayo, parang gusto niyo akong ipadeport palabas ng bahay.” May ilang hindi napigilang mapangiti, pero ang iba? Mukhang nagalit lalo. Huminga nang malalim si Don Ernesto. “Miranda, tigilan mo ‘yan.” Pero hindi pa rin tumigil ang tiyahin. “Papa, seryoso ka ba? A total stranger? She didn’t grow up as a Montemayor! She has no class, no breeding, and no place in this family!” Napapikit si Bea saglit. Ang haba naman ng sinabi mo, ‘teh. Pwede namang sa isang salita mo lang ako laitin. Pero dahil ayaw niyang magpatalo, ngumiti siya nang matamis at tumingin kay Miranda. “Class and breeding, ha?” aniya, sabay patong ng siko sa mesa. “So, ibig sabihin, ‘pag hindi ako marunong kumain nang gamit ‘tong napakaraming kutsara’t tinidor, hindi ako Montemayor?” “You’re proving my point,” malamig na sabi ni Miranda. Pero ngumiti lang si Bea. “Okay, sige. Eh paano kung sabihin kong hindi lang naman pagiging mayaman ang sukatan ng pagiging Montemayor? Paano kung sabihin kong ako ‘yung nawawalang piraso ng puzzle na matagal nang hinahanap ni Lolo?” Nagtaas ng kilay si Miranda. “That’s nonsense.” Tumawa si Bea. “No, that’s destiny, Tita.” Nagkatinginan ang lahat. Magsisimula na ang laban. Bea stared at the table in front of her. Ilang kutsara at tinidor ‘to?! Isang dosenang silverware ang nakalinya sa magkabilang gilid ng plato niya at parang may sariling identity bawat isa. May maliit, may mahaba, may malapad, may mukhang sandok. Pigil na pigil siyang hindi gamitin ang mismong kamay niya para tanungin ang kutsara kung ano bang purpose nila sa buhay. Pero dahil hindi siya pwedeng magmukhang clueless, nagkunwari siyang alam niya ang ginagawa niya. Sinimulan niyang kunin ang pinakamaliit na tinidor. Mali ba ‘to? Napansin niyang nakatingin sa kanya si Don Ernesto. Mali nga ata. Bago pa niya ipasok sa bibig ang isang kagat ng gourmet appetizer isang bagay na parang artistic na pagkaing hindi niya alam kung desert o ulam biglang tumikhim ang isang lalaki mula sa kabilang dulo ng mesa. Si Sebastian Montemayor. Matangkad, mukhang may pagka-playboy, at parang laging fresh sa expensive perfume. Pinsan pala niya ‘to. “Kung ikaw talaga ang rightful heir,” anito, may nakakalokong ngiti, “sabihin mo nga, anong vintage ng wine na iniinom natin?” Mukhang pop quiz pala ‘to. Nagkatinginan ang iba pang nasa hapag. May naghihintay ng sagot, may halatang natutuwa sa kahihiyang mangyayari, at may halatang gusto siyang ibagsak. Si Tita Miranda? Mukhang may party sa utak nito habang hinihintay siyang mapahiya. Pero si Bea? Kalma lang. Nag-smirk siya at pinaiikot ang wine glass sa kamay niya. Kunwari alam niya ang ginagawa niya. “Vintage?” aniya, kunwaring ini-examine ang kulay ng alak. “Pasensya na, hindi ako expert sa wine.” Ngumisi si Sebastian, handa nang insultuhin siya. Pero bago pa ito makapagsalita, dinugtungan ni Bea ang sagot niya. “Pero kung gusto mo, kaya kong gumawa ng best 3-in-1 coffee sa buong café namin.” Tahimik. May ilang natawa. Si Don Ernesto? Napangiti. Pero si Sebastian at Tita Miranda? Mukhang nabilaukan sa hangin. “Oh? Bakit ganyan ang itsura niyo?” patuloy ni Bea, kunwaring inosente. “Akala niyo siguro magpapa-intimidate ako? Alam niyo guys, may mas mahahalagang bagay sa buhay kaysa sa kung anong vintage ng wine.” Bumaling siya kay Sebastian, nakangiti. “Like, halimbawa, paano hindi magmukhang spoiled rich kid na walang ibang ginawa kundi manghamon ng mga clueless na tao sa dinner?” May sumabog na tawa mula sa dulo ng mesa. Si Don Ernesto. At sa unang pagkakataon, si Bea ang nakakuha ng unang puntos. Pero mukhang mas marami pang gustong patunayan ang pamilya niya. Habang si Bea ay nag-a-adjust sa bagong mundo niya mula sa hindi makatarungang dami ng tinidor sa hapag-kainan hanggang sa napakalaking chandelier na mukhang pang-wrestling arena hindi niya namamalayan na may isang taong palihim na nagmamasid sa kanya. Sa madilim na bahagi ng Montemayor Mansion, isang anino ang halos hindi makita sa kislap ng mga mamahaling ilaw. Tahimik, ngunit matalim ang tingin. Sa isang silid na malayo sa kasiyahan, may nagaganap na pabulong na usapan. "She doesn’t deserve to be here." "She’s a threat to everything we’ve built." "Hindi natin siya hahayaang kunin ang lahat ng pinaghirapan natin." Ang tinig ay malamig, puno ng hinanakit. Sa ilalim ng malambot na liwanag ng isang antique lamp, tatlong tao ang nagtitipon. Si Tita Miranda, na may mahigpit na hawak sa kanyang kristal na baso, ang halatang pinuno ng usapan. “Kung hahayaan natin siyang manatili, papalitan niya tayo.” Bawat salita niya ay punung-puno ng poot. Ang isa pang boses ay nagsalita isang lalaking may mahinahong tono pero halatang puno ng inggit. “Alam nating matagal nang may plano si Papa para sa kumpanya. Pero kung siya ang magiging tagapagmana, paano na tayo?” “Hindi natin siya hahayaang manalo,” malamig na sagot ni Miranda. “Kung kailangang mawala siya, gagawin natin ang kinakailangan.” Isang mahinang tawa ang pumuno sa silid. Sa labas, walang kamalay-malay si Bea na siya ngayon ang bida sa isang teleseryeng hindi niya pinili. At ang unang kabanata ng labanang hindi niya inaasahan—nagsisimula na. Pakiramdam ni Bea, para siyang nasa pelikula. Yung tipong bida na biglang natuklasan na siya pala ang nawawalang anak ng mayaman, pero may mga kontrabidang gustong tanggalin siya sa eksena. Habang papalabas siya ng mansion, hindi niya mapigilang lumingon sa engrandeng bahay. Ilang oras pa lang siyang nandito, pero parang ang dami nang nangyari. Napailing siya. Ano ba ‘to? Parang pinasok ko ang mundo ng teleserye na wala akong audition. Bago pa niya maituloy ang pag-iisip, isang biglaang tunog ng paparating na motor ang umalingawngaw. VROOOOM! Mabilis na dumaan ang itim na motorsiklo, parang may hinahabol—o tinatakasan. Napakurap si Bea. Sa isang iglap, isang sobre ang bumagsak sa mismong paanan niya. Napaatras siya. "Ano ‘to?" Lumingon siya sa paligid, pero walang ibang nag-react. Tulad ng eksena sa isang mafia film, parang normal lang ito sa mundo ng mga Montemayor. Dahan-dahan niyang dinampot ang sobre. May kung anong kaba ang gumapang sa likod niya habang binubuksan ito. Isang sulat. Isang babala. “Umalis ka habang kaya mo pa. Baka hindi mo kayanin ang sunod na mangyayari.” Biglang napalunok si Bea. "Okay, this is getting serious." Tumingin siya sa paligid. Sino ang nagpadala nito? Sino ang gustong paalisin siya? May dumaan na matandang hardinero at napatingin sa kanya saglit. Isang babaeng kasambahay ang nagmamadaling lumabas ng gate na tila umiiwas ng tingin. At sa bintana ng ikalawang palapag ng mansion, may isang siluetang nakamasid. Bea’s heart pounded. Tahimik. Masyadong tahimik. Matapos ang nakakastress na formal dinner, nagdesisyon si Bea na umiwas muna sa intriga at hanapin ang pinakamalapit na safe space at sa lahat ng lugar sa napakalaking Montemayor Mansion, sa isang lumang library siya napadpad. Amoy mamahaling kahoy at luma ngunit mahal na papel. Tahimik. Walang pakialam ang mga libro kung sino siya o kung anong gulo ang hatid ng kanyang bagong apelyido. Napabuntong-hininga siya, saka napasandal sa pintuan. Breathe, Bea. Isa kang Montemayor ngayon. Kunwari sanay ka sa ganitong buhay.. Pero bago pa niya ma-compose ang sarili, biglang may bumangga sa kanya mula sa loob ng library. "Whoa!" Natumba siya, pero bago pa siya tuluyang humalik sa sahig, napakapit siya sa unang bagay na nahawakan niya. Matigas. Mainit. Hindi pader. Kundi Dibdib. Dibdib ng isang lalaking naka-white dress shirt, na may rolled-up sleeves at amoy mamahaling pabango. Sa gulat, napaangat siya ng tingin at tumama ang paningin niya sa isang pares ng matatalas na dark brown eyes. At hindi lang basta tingin. Judging. Critical. Na parang ini-scan siya mula ulo hanggang paa, as if deciding kung ipapa-expel siya sa eksklusibong mundo ng mayayaman. “Kung may balak kang magpa-faint sa harap ko, ‘wag dito,” malamig na sabi ng lalaki, walang ka-emotion-emotion. Napakurap si Bea. "Wait, what?" "Excuse me?" Napabuntong-hininga ang lalaki at walang pakialam na inayos ang sleeves ng shirt nito, parang sobrang laking abala ng pagbangga niya dito. "Tinatakasan mo ba ang responsibilidad mo bilang bagong Montemayor?" Napakunot ang noo ni Bea. Sino ‘tong lalaking ‘to, at bakit parang ang lakas makapanghusga?! Ano ‘to, interrogation? Sino ba ‘tong lalaking ‘to at bakit parang galit na agad ito sa akin? Bea crossed her arms, forcing herself to look unfazed. “Wow, ang bilis mong humusga ah. Hindi pa kita kilala, parang galit ka na agad?” Nagtaas ng kilay ang lalaki, as if genuinely surprised sa sinabi niya. “Hindi mo ako kilala?” “Huling beses kong nag-check, hindi ako psychic.” May bahagyang smirk na lumitaw sa labi ng lalaki. Hindi ito ngiti ng isang taong amused, mas parang ngiti ng isang taong na-challenge. "I’m Gabriel Vargas," he said smoothly. "And I’m the one who makes sure that clueless heiresses like you don’t ruin what the Montemayors built.” Napanganga si Bea. Anong klaseng introduction ‘yun? Akala mo naman kung sinong CEO ng pamilya namin! “So ‘yun pala trabaho mo?” she shot back. “Manghusga ng bagong salta sa pamilya nyo?" Gabriel leaned in slightly, eyes gleaming with something unreadable. Ang boses nito ay mababa at may halong amusement, pero may sharp edge sa ilalim nito. “Correction—hindi kita pamilya.” Oof. Burn. Pero hindi siya magpapatalo. She stepped closer, chin up, arms crossed in defiance. “Great! Kasi kung pamilya kita, napakasuplado naman ng genes natin.” Ngumiti si Gabriel, hindi sweet, pero ‘yung tipong dangerously confident smile. “Good. At least ngayon malinaw na sayo kung anong koneksyon natin sa isa't isa." Bea stared at him, trying to figure out kung anong klaseng problema ang hinaharap niya ngayon. Hindi niya alam kung anong mas nakakainis ang pagiging rude nito, o ang fact na kahit nakakainis ito, hindi niya maitanggi na may something sa presence ng lalaki. Parang walking warning sign si Gabriel Vargas. As if telling her, Stay away if you know what’s good for you. Pero problema niya? Hindi siya mahilig makinig sa warning signs. Bea clenched her fists. Kung may award lang ang pagiging pinaka-unwelcome na bagong Montemayor, sigurado siya ang top contender. Gabriel Vargas—na obviously self-appointed gatekeeper ng pamilya—ay may judging gaze, sarcastic mouth, at zero charm points. Napairap siya. Seriously? Eto ‘yung unang major encounter ko as Montemayor? Wala bang mas friendly version nito? “Ikaw lang ba ang nagtatrabaho dito o may iba pang mas approachable?” she asked, crossing her arms. Gabriel turned back to her with a blank stare. “I don’t waste my time on people who don’t take this seriously.” Napahinga nang malalim si Bea. Lord, tulungan mo akong habaan pae ang pasensiya ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD