Maaga akong gumising araw araw naman eh, Syempre ipagluluto ko pa ang asawa ko at ipaghahanda ko pa may pasok kasi siya ngayon sa Opisina.
Tumayo na ako at nag hilamos pag ka-tapos pumunta ng kusina para mag luto, Kailangan masarap itong luto ko para magustuhan niya
Pero sana dito siya kumain kasama ko at hindi kasama ang kung sino sino lang na Babae.
Natapos ako sa niluluto ko Sinigang na baboy lang favorite namin to dati nung mahal pa namin ang isa't isa tama na nga ang drama!
Nag hain na ako sa dining table ng mga pagkain, Tatawagin ko na sana siya sa taas para kumain pero nakita kong bumababa na siya sa hagdan.
"Yes babe sure, kita tayo, saan ba? sure after ng work ko, Okay bye love you too, see you later."
May kikitain nanaman siya? Bigla akong nawalan ng gana.
"James, kain ka na muna nag luto ako ng favorite nating kainin dati oh! Sinigang na baboy." malambing kong sabi at pilit na pinapasaya ang boses.
"I don't care." He don't care, palagi nalang siyang walang pakialam sakin, Sa mga efforts ko wala laging wala simula ng mangyari yun.
"E-eh James ano niluto ko yan para sayo eh kaya kumain kana." pilit ko sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin
"Sinabi ko bang mag Luto ka?! tsaka bakit ko naman kakainin yan, baka madumi din yan kagaya mo." Ang sakit niya mag salita, Nangingilid yung mga luha ko tumalikod nalang ako sa kanya.
"A-ah sige, Ingat ka sa pag da-drive, i love you." pag kasabi ko nun, nag lakad na ako papuntang Dining hindi ko na sya hinintay makasagot baka masaktan lang ako.
Nakatitig lang ako sa hinanda kong pagkain wala hindi nya nanaman kinain kailan nga ba siya kumain ng niluto ko? Siguro dati pero ngayon? Never.
Wala kong nagawa kundi kainin itong niluto ko pag tapos nun hinugasan ko na yung pinagkainan ko.
Ang boring sobrang boring, lalabas nalang muna ako, kinuha ko yung cellphone ko sa sala then Dinial ko na yung number ng bestfriend ko! namimiss ko na siya.
Simula nung naggalit sakin si James, siya na yung nandiyan para sakin hindi niya ako iniwan at pinaniniwalaan nya ako namimiss ko na siya, matagal tagal din kaming hindi nag kikita.
*Ring Ring..*
'Hello Niccolo?'
(Steffie is that you?)
'Yes, Can we meet?'
(Sure text mo nalng sakin kung saan okay?)
'Sge, I miss you Niccolo.'
(I miss you too sige na see you later huh?)
'Yes bye best.'
Pagkababa ko ng cellphone ko ay biglang may nagsalita sa likod ko dahilan para kabahan ako.
"Wow ang sweet ah sino nanaman yang bagong lalake mo?" nagulat ako pagkalingon ko si James nandito sya at inakala niyang may lalake ako?
"J-james." Kinakabahan ako dahil galit nanaman siya.
"So, sino nanaman yang bagong nilalandi mo?" Ayan nanaman siya paniniwalaan nya nanaman yung mga narinig nya.
"N-no james nagkakamali ka!" kinakabahang tanggi ko.
"Psh, itatanggi pa eh rinig na rinig ko na, Alam mo malandi ka parin pala hanggang ngayon. Tama ba ako?"
Ang sakit niyang mag salita sobra siya, pero kahit na ganito siya hindi ko parin siya magawang sampalin hindi ko siya magawang iwan kasi hindi ko kaya. Mahal ko siya mahal na mahal!
"N-no James si Niccolo lang yun please maniwala ka."
"Talaga si Niccolo lang? yung isa sa mga lalake mo tama?" No!
"Hindi james bakit ba ayaw mong maniwala sakin?" mahinang sabi ko sa kanya.
"Hindi naman kase katiwa tiwala." pagkasabi niya nun ay may kinuha siya sa sofa yung bag nya pala naiwan niya.
"James.." Hinawakan ko sya sa braso niya.
"Ano ba! Wag na wag mo nga akong hahawakan bitch." Tumulo nanaman yung luha ko walang araw na hindi ako umiiyak ang sakit niyang mag salita hindi ko akalain na magiging ganito siya.
Hindi siya ganito dati. Hindi.
Tuluyan na siyang lumabas ng bahay hindi ko na siya napigilan kung pipigilan ko naman siya hindi naman siya papapigil.
Magpahawak nga sakin ayaw niya. Nang didiri siya sakin kasi ang akala niya madumi akong babae!
Masakit. Masakit na walang tiwala sayo yung asawa mo yung taong mahal mo. sobrang sakit kasi ang tingin nya sayo isang babaeng bayaran!
Dinial ko ulit yung number ni niccolo. mabilis lang naman nya itong nasagot
"C-can we meet now Niccolo?"
(Why may nangyari ba?)
"Y-yes, p..please Niccolo kailangan ko ng kaibigan n..ngayon."
(Sure, see you.)
Pagkababa niya nun ay agad ko siyang tinext kung saan kami magkikita.
Nag bihis na ako nag ayos at nag commute papunta sa lugar kung nasaan ang isa pang taong mahalaga sa buhay ko.
Pagkapasok ko sa restaurant agad kong inikot ang mata ko at nakita ko si Niccolo nag iisa sya habang umiinom ng ice tea. Napatingin sya sakin at kumaway.
Kumaway din ako at ngumiti siya god! Bakit ang gwapo ng nilalang na ito? pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya agad ko siyang niyakap.
Alam kong nagulat sya sa pag yakap ko pero mabilis din syang nakabawi at yumakap din siya pabalik sakin! Namiss ko siya sobra.
"Oh? ano nanamang problema mo?"
"Asawa ko."
"Yang asawa mo nanaman ano nanaman ginawa?" Seryoso niyang tanong.
"Sinabihan niya akong maruming babae and more." Tumulo na yung luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Masakit kasi siya yung nagsabi nun sakin, ayos lang sana kung sa ibang tao pa nang galing yung pang-huhusga na iyon pero sa kanya pa! Sa mahal ko pang asawa! Nic ang sakit. Araw araw akong umiiyak ng dahil sa kanya. Umiiyak kong sabi na para akong isang batang nag susumbong sa tatay nya.
"Alam mo tanga ka kasi. Okay lang naman mag mahal eh pero wag lang dumating sa point na ikaw nalang yung nag mamahal hindi mag wowork yung relationship niyo kung ikaw lang ang nagpapahalaga Steffie naman matauhan ka nga!" Seryoso niyang sabi at niyakap ako ng mahigpit.
Niyakap ko din siya salamat at nandito siya.
He kissed my forehead how I wish na sana si James ang gumawa non sakin pero hindi.
"Alam mo wag mo muna siyang isipin, kahit ngayong araw lang."
"Huh? What do you mean?"
"Lets go on a date." What?!
"I mean friendly date. Matagal din tayong hindi nag kikita diba? So pambawi sa araw na hindi tayo nag kikita." Ngumiti naman ako dito at masayang tumango.
"Sige, kahit ngayon lang Hindi ko muna sya iisipin."
"Good, nag papakasaya siya ngayon? So mag pakasaya ka din ngayon. Hindi yung iiyak ka lang ng iiyak jan alright?" Tama siya!
"Sure tara sa mall. Bestboyfriend." Pagkasabi ko nun ay kumapit agad ako sa braso niya at nag lakad na kami palayo.