Chapter 3: Mall

997 Words
Nandito na kami ngayon sa mall naninibago ako ang tagal ko nading na hindi nakakapunta sa mga ganitong klaseng lugar. "Nic, saan na tayo ngayon?" Pag tatanong ko ngumiti muna siya sakin, Ang gwapo talaga nito kahit kailan. "Sa arcade lets go!" "Sa madaming games, doon ba?" Tumango lang siya sa akin, bigla akong nakaramdam ng saya. Ngayon nalang ako nakaramdam ng ganito ulit, masaya ako kasi makakapag bonding nanaman kami ng bestfriend ko. "Sure sure gusto ko yun!" Masayang sabi ko dito. "Ang cute mo talaga." pag ka-sabi nya nun kinurot nya yung pisngi ko, napasimangot naman ako sa ginawa niya "Aray a..wo b-ba nil." Aw  -___- "Sorry, ang cute mo kasi!" Pinanggigilan pa ako anak ng kalabaw! "Ewan tara na nga." Hinatak ko na sya papuntang Arcade siya naman nag pahatak lang at tumatawa. @Arcade. Naglalaro kami ngayon ni Nic. Anong nilalaro namin? Well Bassketball po. Kung sino ang matalo siya yung manglilibre ng pagkain mamaya. Ang daya niya nga eh unfair kaya ako eto ginagalingan ko baka mamulubi ako dito kay Nic pag natalo ako. Pursigido akong manalo seryoso lang din siyang nag lalaro sa tabi ko. shoot lang ng shoot napatingin ako sa kanya nako puro shoot. lagot ako neto yari talaga yung bulsa at wallet ko nito. Naramdaman niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya tinitigan niya din ako, nag katitigan kami then nagulat ako ng bigla niya akong kinindatan bigla nalang nag init yung pisngi ko nag iwas ako ng tingin sa kanya at tinuloy ang pag lalaro. After some minutes "Ang daya mo Nic bakit ako natalo?! I hate you." Oo talo nya ko! "Ako pa madaya hahaha! eh sa pambata ka na nga nag laro, talo ka pa din!" Pang aasar niya pa, eh kasalanan ko ba yun? unfair eh. "Wala madaya ka eh! madaya madaya." I stuck-out my tounge at nag make face. natawa lang siya sa ginawa ko. "Alam mo Steff, hindi yun daya ang tawag dun galing." Ang yabang. "Bakit ang hangin dito noh?" "Eh shempre, gwapo kasi ako." Shet talaga walang pinagbago hangin padin. "Ugok! Anong gwapo ka huh, saan?" Nilapit ko pa yung muka ko sa kanya, nakita ko pang namula yung tenga niya, umiwas siya ng tingin "Asus tara na nga." Inakbayan nya ako, at nag lakad na kami nag hahanap ng magandang restaurant! "Steff ang pangit mo na." What? ako pangit? "Hoy hoy, ikaw na ugok ka! Hindi ako panget para sabihin ko sayo." pa irap kong sabi "Panget pang- Arayyy!! Steff naman aw masakit." Piningot ko kasi siya, Haha ang cute namumula oh. "Sige ano, sinong panget ngayon huh?" "W-walaa wala, maganda kana oo na bitawan mo lang ako." Binitawan ko na sya. "Kala mo huh! Isa pang pangit and i will kick-you-to-when-it-hurts-the-most!" Sabay irap ko sa kanya. Maglalakad na sana ako ulit pero pag harap ko may nakabungguan ako dahilan para matumba ako. Aw yung balakang ko ang sakit. "Are you alright babe?" Aw ang sweet naman nung boyfriend ni ate, Sana ganyan din si James sakin. "Yes babe I'm okay no need to worry." "Ano ba naman kasi yan miss! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo nasaktan mo pa tong girlfriend ko." Teka parang pamilyar yung boses nya. Pamilyar na pamilyar. Hindi ko kasi makita yung muka nakayuko  at nagpapag-pag ako "Sorry miss." Sabi ko ng di tumitingin sa kanila tinulungan ako ni Nic tumayo. Nag angat ako ng tingin at halos gumuho yung mundo ko ng makita kung sino yung lalaking sweet sa girlfriend niya. "J-james.." Halos hindi na marinig nung binulong ko yung pangalan niya. Siya. siya yung sweet na boyfriend nung babae. "Babe, kilala mo sya?" Tanong nung hipon niya. "No. siguro isa sa mga stalker ko." Wow. Just wow dati katulong ngayon stalker. Kelan nya ba ako papakilala bilang Asawa nya? dadating pa ba yung panahon na yun na maipagmamalaki niya ako bilang asawa niya. Akala ko ba mamaya pa siya may kikitain? O baka naman hindi na niya natiis kaya inuna yung babae kesa sa trabaho? "Bro, sorry hindi kasi tumitingin yung Girlfriend ko eh." Sabi ni Nic kila james. "Ayos kalang ba Steff? May masakit ba sayo?" Tumango ako oo may masakit sakin alam niyo kung ano yun? Yung puso ko sobrang sakit. Ayan ayan yung gusto kong sabihin pero hindi ko masabi. "Anong masakit?" Nag aalalang tanong nya, tinuro ko yung puso ko! Oo masakit. Kung pwede lang ipakuha ko to nang hindi ko na maramdaman itong nararamdaman ko ngayon. "Sige bro, mukang may masakit sa girlfriend ko. Ayoko pa naman siyang nakikitang nasasaktan. So ingatan mo yung asawa mo. I mean girlfriend mo wag mong sasaktan baka kasi mawala sayo pag hindi mo iningatan." Talagang pinag diinan niya pa yung mga sinasabi niya at ano bang sinasabi ni Nic girlfriend? Hindi lang ako makapag protesta dahil feeling ko kapag nag salita pa ako tutulo na ang luha ko. "Weird." narinig kong bulong nung Babae umalis na kami dun at naglakad palayo habang nag lalakad kami ay nagsalita na ako. "A-ano bang sinasabi mo dun?" Takang tanong ko kay nic "Hanggang kelan ka mag titiis?" Nagulat ako sa sinabi nya nung nilingon ko siya ay sobrang seryoso niya. "Hanggang kelan ka, mag tatangatangahan?!" Napayuko ako. "Hanggat sa mahal ko pa siya." "Pero, kelan matatapos yang pag mamahal mo sa tarantadong yun?! Harap harapan ka ng niloloko! Gising steffie!" Hindi na to matatapos. Hindi na. "Ano ka ba? Masyado kang seryoso Nic. Tara na kumain na tayo, diba sabi mo kanina wag ko siyang isipin kahit ngayon lang! Eh ika-" Pag iiba ko ng usapan na agad niyang pinutol. "Oo na sorry na, tara na nga kain na tayo uubusin ko yang pera mo." Eto yung nagustuhan ko kay Nic siya yung nag papagaan ng loob ko siya lang nakakaintindi sa akin at alam niya kung saan siya titigil sa pag tatanong at alam niya kung hanggang saan lang siya lulugar. Ang swerte ng babaeng mamahalin nya. Natapos kaming kumain ng masaya, namiss ko itong bonding namin. "Gusto mo ihatid kita?" "No, kaya kong umuwi sige na." "Okey, take care see you next time bye." niyakap niya muna ako. "Oo na ikaw din ingat bye!" Niyakap ko din sya pabalik at sumakay nako sa taxi na huminto sa harap ko. Sana maulit itong bonding namin kasi sa ganitong pagkakataon nakakalimutan kong malungkot ako nakalimutan kong hindi ako mahal ng asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD