Steffie.
Pag kapasok ko palang ng pinto si James agad ang bumugad sakin
Himala ang aga niya ata ngayon wala ba silang ginawang kababalaghan ng babae nya? Babatiin ko na sana siya pero agad niya na akong hinatak sa braso
"Ano masarap ba siya?! Magaling ba siya sa kama ha?!" Galit nanaman siya? ano nanaman bang ginawa ko? wala naman diba.
"A-ano bang sinasabi mo." Mahina at pabulong kong sagot sa kanya, mas lalo pang humugpit yung pag hawak niya sa braso ko. masakit nasasaktan ako pero ayos lang.
"Nag ma-maangmaangan ka pa! Wala ka paring pinag bago malandi ka parin!" Naiiyak ako ayan nanaman siya.
"W-wala kaming ginawang masama.." Halos hindi ko na masabi yung mga gusto kong sabihin dahil nag babadya nanaman tumulo yung luha ko.
"Sinungaling! pero kung makalingkis ka sa kanya eh ganun ganun, What a slut ka babaeng tao eh, sa public place pa nakikipagharutan at Boyfriend huh? Buti pumatol si Niccolo sayo hindi niya ba alam na maduming babae ka? sa bagay malandi ka naman kaya expert kana sa pagpikot ng mga lalaki!" Napapikit nalang ako ng mariin sa sinabi niya or should I say sa panglalait niya.
Mas malala yung mga sinabi niya ngayon, Bakit ba hindi siya mag tiwala saakin wala naman akong ginagawa mas pinaniniwalaan nya pa yung iba kesa sa akin.
"K-kelan ka ba maniniwala sakin James?"
"Hinding hindi mangyayari yun, Hinding hindi." Mariin niyang sabi at umakyat.
Ako eto umiiyak nanaman for God sake! kailan ba ako magiging masaya kasama siya? kelan ba kami mag kakaayos.
Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na babalik yung dating James. Yung James na minahal ko at mahal ako pero kelan? Hanggang kelan ako aasa.
Tulo lang ng tulo yung mga luha ko eto naman yung buhay ko dito eh iyak dito iyak doon. Hindi na ako mag tataka kung dadating yung araw na wala na akong mailuluha.
Inayos ko na yung sarili ko pinunasan ko na yung mga luha ko baka sabihin nanaman ni James nag da-drama nanaman ako pag-tapos non ay umakyat na ako sa taas, Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng kwarto ng marinig kong may kausap si James, dinikit ko yung tenga ko sa pinto.
'Babe, sorry na! Babawi ako bukas! Yes aagahan ko, oo na kahit magdamag pa, oo sorry kanina, sge Love you too! Goodnight.'
Napaupo ako dito tumulo nanaman yung luha ko, A lyokong isipin kung anong gagawin nila bukas ayoko.
Naawa na ako sa sarili ko pero mas maaawa ako sa sarili ko kung mag hihiwalay kami sobrang mahal ko siya. Sobra sobra
Tawagin nyo na akong tanga, sorry pero nag mahal lang ako. pinunasan ko na yung luha ko at pumasok sa kwarto.
Nakita ko si James na hawak yung cellphone nya at nakangiti, katext nya siguro yung babae nya bakit pag sa iba masaya siya pero pag sakin sobrang cold nya.
Wala ba talaga akong halaga sa kanya?
Hindi man lang siya nag abala na lingunin ako busy siya sa babae niya
Pumunta nalang akong c.r at naligo pagtapos nun humiga na ako sa kama.
Tulog na si james nakatalikod siya sakin.
Hinarap ko siya sakin at pinagmasdan ko siyang matulog. Ang amo ng muka niya.
Ang gwapo pa, ang swerte ko dahil ako yung pinakasalan niya.
"Hubby ko, bakit ang gwapo mo? Ang swerte swerte ko kasi ako yung pinakasalan mo alam mo bang miss na miss ko nang tawagin mo akong Wifey at sabihan ng i love you, namimis ko na yung dating tayo y-yung sweet at mahal na mahal pa natin yung isat isa."
"Ngayon ba, mahal mo pa ako? Ako kasi sobrang mahal na mahal parin kita." pag kasabi ko nun ay hinalikan ko siya sa labi. Matagal ko din nilapat yung mga labi namin nag mulat ako ng mata nang makita kong gising siya.
Tinulak nya ko dahilan para mapalayo ako sa kanya.
"ANO BA STEFIE?! HINDI MO BA NAKIKITA NA NATUTULOG AKO?! MAAGA PA AKONG AALIS BUKAS PARA MAG TRABAHO ISTORBO BWISIT!" Nangingilid yung luha ko dahil sa ginawa at sinabi niya kaya hindi ko na naiwasang hindi mag tanong.
"T-trabaho o b-babae mo?" Mahinang sabi ko.
"Sa babae ko kaya please tantanan mo ako!" Humiga na siya patalikod sakin.
Hindi nya ba itatanggi? Ngumiti nalang ako ng mapait kasabay ng pekeng ngiti na yun tumulo nanaman yung luha ko.
Nagtakip ako ng unan sa muka at humagulgol lagi nalang, minuminuto araw araw, iyak ako ng iyak.
Hinintay ko syang makatulog bago ko siya yakapin, kelan nya kaya ako yayakapin pabalik?
"I love you.." Pagkatapos kong sabihin iyon ay natulog na ako.
Kinaumagahan.
Wala na sa tabi ko si James ayoko ng isipin kung saan siya pupunta. Naghilamos at toothbrush na muna ako, pagtapos nun nag luto na ako ng pagkain ko naghugas at nanuod ng Tv. Ang boring.
Mahigit 3 hours din ako nanuod ng tv pag tapos nun Naligo na ako.
*Ding dong*
Sino naman pupunta dito?
Alas tres palang ng hapon ah bumaba na ako at nilabas kung sino yung nag do-dorbel.
Oh my god.