Chapter 5: What a nice scene Wife.

1038 Words
"Anong ginagawa mo dito Nic?" Oo si Niccolo yung nandito. "Binibisita ang Girlfriend ko." Ngumisi pa siya. At napairap nalang ako sa sinabi niya. "Girlfriend your face, paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" "Simple lang! Pinasundan ko yung taxi na sinasakyan mo at boom alam ko na." "Iba ka talaga." iiling iling kong sabi. "Can I get inside now?" Binuksan ko na yung gate at pinapasok siya nagulat ako ng niyakap nya ko. "Thank you!" Tuwang tuwa pa siya at payakap yakap pa uh. "Mag te-thank you nalang may yakap pa? Chansing ka ah." i rolled my eyes. Pumasok na kami sa loob binigyan ko sya ng juice syempre nakakahiya naman kung hindi ko aasikasuhin yung bisita ko or should i say bwisita? "What's bring you here?" "I just missed you." Hahaha. Kahit kelan talaga to "Miss your face kakakita lang natin kahapon!" Binatukan ko nga. "Aray ko naman ang sadista mo ah!" ang cute niya mag galit galitan huh! "Sorry naman." Kain lang kami ng kain movie marathon at kwentuhan. "Kamusta nga pala pag uwi mo kagabi?" Biglang tanong nya. "Tinatanong pa ba iyan?" "Eh kung sagutin mo nalang yung tanong ko noh?" "Syempre nasabihan ako ng masasakit na salita." naluluhang sabi ko. Naalala ko nanaman. "Alam mo ang tanga tanga tanga mo, kung ako ikaw? Matagal ko nang iniwan yan!" "Pero hindi ikaw ako kaya hindi ko sya kayang iwan, Mahal ko eh." "Mahal mo siya, ikaw mahal ka ba niya?" Napayuko nalang ako sa sinabi niya. "You know what? Your husband is a jerk!" I know. "Kung ako siya hinding hindi kita paiiyakin hinding hindi kita sasaktan kasi nag iisa ka lang! Ibang iba ka sa ibang mga babae. Ang swerte nya sayo." Natutuwa ako sa sinasabi niya at the same time nalulungkot din kasi alam ko hindi siya yung gusto kong mahalin ako kundi si James. "Tanga niya lang kasi wala syang tiwala sayo, sobrang tanga niya." alam ko "Ang seryoso natin Hahhahaha." Dinaan ko nalang sa tawa, napatingin ako sa lamesa may cake pa nag lagay ako ng icing sa kamay then pinahidan siya sa ilong. "HAHAHAAHAHA." Tawa ako ng tawa yung itsura nya kasi hahha priceless! "Hahahah-" tawa ko ng tawa nang -___- "Hahahaha, ayan ang panget mo lalo Hahaha." Bwisit to! Paano ba naman yung plato na may lamang cake eh sinubsob sa muka ko! Ang lagkit ko tuloy. "Arggggh! you bastard!" Sinugod ko sya at isang pagkakamali yun. dahil, wala siyang control at tawa pa ng tawa na out of balance siya at ang labas ay nakapatong ako sa kanya at nasa ilalim ko siya. Biglang bumukas yung pinto at pumasok si James. Agad akong kinabahan, No. Baka kung anong isipin niya. Agad agad akong tumayo at tiningnan ang asawa ko ngayon na galit na galit sa nasaksihan. s**t! "What a nice Scene wife." Galit siya, nakikita kong galit siya. "N-no james it's not wh-" "I don't need your explanation. Talagang dito pa sa bahay ko huh! Ang landi mo talaga." Nakangising sabi niya. "Bro, babae yan at asawa mo pa wag ka manghusga agad bakit hindi mo siya hayaang mag paliwanag." "Asawa? Para sakin hindi ko siya asawa dahil asawa ko lang siya sa papel wala akong pakielam sa kanya at bakit ko naman gagawin yun? Bakit ko sya pag papaliwanagin, kung kitang kita na ng mga mata ko kung anong nangyayari at baka pag pinagpaliwanag ko pa siya kung ano anong gawa gawang istorya ang i kwento niya." Sa dami dami nang sinabi niyang masakit ay yung salitang hindi niya ko tinuturing asawa ang pinaka nakabasag sa puso ko. "Minsan kasi pakinggan mo muna yung explanation ng asawa mo hindi yung kung anong nakita mo yun na yung paniniwalaan mo." Si Niccolo ba talaga to? Ang seryoso niya at kita ko din na galit siya. "Sige na Steff. Uuwi na ko kita nalang tayo ulit bye." Then he kissed me sa gilid ng lips ko s**t. Napatingin ako kay James. Galit siya, galit na galit. Lumakad si Nic kay James at may binulong nakita kong napatulala si James. Ano kaya iyon? James. Ang kapal ng lalakeng tong halikan itong babaeng na sa harap ko ngayon, Ang kapal. Pag tapos nun ay lumakad papalapit sakin yung lalaking ito. Lumapit siya sa akin at may binulong "Alam mo kung bakit nasisira ngayon yung relasyon niyo ng asawa mo? kasi Hindi ka marunong mag tiwala at alam mo bang pag binabaliwala nawawala? So you better take care of your wife or else! I'm gonna take her away from you Bastard!" Natulala ako sa sinabi niya. Nang dahil pa sakin? Bakit ano bang sinasabi sa kanya ni steffie? Mag sasalita na dapat ako ng bigla nanaman itong nag salita na lalong nag patulala sa akin. "Pahalagahan mo hanggat tanga pa." Pag ka-alis nung lalaking yun ay agad kong hinatak si Steffie paakyat sa kwarto tinulak ko siya kaya napasandal siya sa pader. "Anong ginawa niyo sa bahay ko?" "A-ano ba nasasaktan ako! J-james." lalo kong hinigpitan yung pagkakahawak ko sa braso niya "SAGUTIN MO AKO!" Galit na galit ako ngayon kaya hindi na ako nakapag timpi. "W-wala wala kaming ginagawa d-dito nag uusap lang k-kami AHH! J-james ano ba nasasaktan ako!" Humagulgol siya pero wala akong makapang awa dahil sa nakita ko. f**k. "I don't care at hanggang kailan ka mag sisinungaling? Hanggang kailan?! " Nakatitig lang ako sa kanya. "J-james ano ba hindi ako nagsisinungaling." Nagmamaangmaangan pa! "ALAM MO? ANG LANDI MO! ANG LANDI LANDI MO!" Nakita kong pumatak yung luha niya totoo naman diba? Wag siyang mag panggap na nasasaktan siya. "Ngayon iiyak ka?! Tangina! Dapat talaga tumutol ako dito sa kasal na ito dahil kahit kailan hindi ko pinangarap na makasal sa isang babaeng kagaya mo!" Napahagulgol siya. Nakikita ko sa mga mata nya na nasasaktan siya. No nagpapanggap lang siya hindi totoo iyan. "Ano masakit? Masakit pa dyan ang naramdaman ko dati! Kaya huwag kang umiyak diyan parang ikaw lang ang nasasaktan! Para sabihin ko sayo. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nasa ganito tayong sitwasyon!" Binitawan ko na siya at agad tumalikod dahil kapag hindi pa ako tumalikod Baka pag sisihan ko ang maari kong magawa sa kanya. Pumatak yung luha ko. Naalala ko nanaman yung nakaraan f**k this life! Nag ring yung phone ko tumatawag si Lanny isa sa mga flings ko. 'Bakit?' (Nothing, are you free tonight?) 'Yes why?' (Can you go to my pad?) 'Sure.' Binaba kona yung cellphone at agad agad na lumabas sa bahay na iyon. Iniwan ko siya ayokong makita niyang apektado pa rin ako sa nangyari. Ayokong makita niya akong nasasaktan parin ng dahil sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD