bc

The Love Bride Search

book_age18+
706
FOLLOW
2.1K
READ
revenge
possessive
drama
tragedy
twisted
sweet
bxg
lighthearted
serious
first love
like
intro-logo
Blurb

Isang kompetisyon ang gaganapin upang hanapin at piliin ang karapatdapat na dalagang magmamay-ari sa puso ng First Heir Prince ng Escaner Family.

Si Dennis Escaner.

Larawan ng isang modernong prinsipe.

Si Rein.

Saling pusa sa laro.

Siya kasi ang napili para subaybayan ang gaganaping kompetisyon.

Lahat ay trabaho lamang para kay Rein. Lahat ay isa lamang palabas at simple lang ag gusto niya, ang matapos na ito agad. Kaya lang magugulo ang mundo niya dahil sa isang lalaki.

Si Andrew.

Ang bodyguard ng mga Escaner.

Guguluhin nito ang mundo niya. Ang utak niya. Ang bawat paninindigan niya. Hanggang sa pati puso at damdamin niya ay magulo na rin. Paano na?

May happy ever after bang naghihintay kay Rein? O baka happy lang at walang ever after?

chap-preview
Free preview
PANIMULA
PANIMULA       Babala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** Bakit isang sapatos lang ang iniwan ni Cinderella noong tinakasan niya ang Mahal na Prinsepe? Pwede naman dalawa di ba? Sayang naman kung hindi siya nakita nung prinsepe, e di, sayang lang yung sapatos. Wala ng partner. Hindi na magagamit ng iba. Atsaka, sa dinami dami ng tao sa palasyo nila, kahit isa man lang ay walang naging kasukat ng paa ni Cinderella? Seriously? Mga eng-eng ba ang tao doon? Hindi ko na dapat pinatulan yung fairytale na yun e. Ayan tuloy. Si Asa ako. Asa na makakahanap ng Prince Charming. Asa na maging Cinderella ang peg ng buhay ko. Huhu... Dapat ipa-ban na ang mga ganung fairytale. Nakakasama ng loob. Toinks! Pero syempre kaisipan ko lang yun. Sayang naman ang susunod na henerasyon kung hindi nila mababasa ang kalokohan ni Cinderella. Hindi nila malalaman yung katangahan ni Snow White na kumagat sa may apple kahit na hindi naman niya kilala yung nagbigay sa kaniya nun. Hindi kasi naturuan si Snow White ng Nanay niya na "Don't talk to strangers e." Keber. Haha.... Andami dami ko pang sinasabi e lahat naman yun nauto ako. Hihi.... Kaya ito ako ngayon. Nganga. Nganga sa paghihintay sa Prince Charming ko na dumating. Haist! Buhay ko nga naman. Napailing iling ako sa sarili ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako sa buhay ko ngayon. Ang saya saya ko nga e. For twenty five years of existence hindi naman naging boring ang life ko. Maliban na lang sa LOVE. Don't get me wrong. Nagka-crush naman ako noon. Crush ko yung seatmate ko na hindi ako pinapansin pero sobrang talino at gwapo. Kaya lang deadma siya sa akin. Huhu... May nanligaw naman sa akin noon. Mga tatlo siguro. Kaya lang puro mga mukhang kurimaw. Huhu uli... Panget na nga ako hahanap pa ko ng kurimaw. E panu na lang kung magkaanak ang panget at kurimaw, e di halimaw na yun! Peace on earth. Tapos nagka-boyfriend naman ako. Kaya lang sa text-text lang. Saka... isang gabi lang yun tapos wala na! Goodbye na. Nakipagdate na rin ako. Isang beses kaya lang malas talaga ako sa lalake. Unang beses na nga lang, epic fail pa. Gusto lang akong dalhin sa motel at makipag--- WHATEVER!! Kalokong mundo ito! Buti pa sa Fairytale. Hmf! And so... after all thats been said. Eto po ako.... Single forever. Haha... Walang pakialamanan ng trip. (Sabog ng confetti na kulay pink) Ayy... hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako pala si Rein. Pronounce as "rain". Rein. Rein Montesa. At ang gamit ko na pen name ay REIN MONTES. Pen name. Kasi isa po akong writer. Actually, article writer po ako. At yung pinagtatrabahuan ko na kumpanya. Ito ang pinakamagandang kumpanya na pangarap ng marami na mapasukan. Ang ESCANER Group of Companies. Group. Kasi marami sila. Group yung company nang Presidente e. Meron silang mall, meron silang hotel, meron silang TV station, meron silang Radio company at Publication Company. Marami din silang stocks na hawak sa loob at labas ng bansa. Ahhh.... meron din silang sports center at school. Tapos idadagdag pa yung bagong bago nilang Resort somewhere na siguradong pang-mayaman ang peg! Sabi nila... may sarili din daw ang pamilya nila na airplane. At may limang yate. May isang mansyon sa Maynila at dalawa pa sa unknown place. May napakaganda sila na villa at nagmamay-ari ng isang napakagandang Isla. Yung Isla Catalina. Isla nila yun. Doon natatago ang mga prinsepe at prinsesa ng kalupaan. JOKE!! Sabi sabi lang yun ng marami maliban sa Isla nila. Totoong may Isla sila. Private Island. And as i said, article writer po ako. Writer ng ELITE Magazine na hawak nila. Well, katulad ng pangalan ng magazine, pang-elite din ang magazine namin. Nagpi-feature kami ng mga SIKAT, MAYAYAMAN, KILALA at ALTA-SA-SIYUDAD na mga tao. Mga artista, asawa ng artista, pulitiko, ex-pulitiko, business man and womans, basta lahat ng pangmayaman. Masasabi mong para kaming paparazzi ng mga sikat. Well, gusto nila yan. E, di pagbigyan. Pero yung may mga relevant story naman yung kino-cover ko. Yung mahahalaga lang sa society at sa ikakauunlad ng bansa. Ikakauunlad ng bansa o nila lang? Whatever. Work is work. And I am very passionate of what i do now. ****** Pinasadahan ko uli ng basa itong natanggap ko na invitation. Hindi ito invitation dahil totoong invited ako. Trabaho ito. Invitation sa gaganaping grand opening ng Catalina Resort. Ang bagong bagong pinaglagyan ng kayaman ng mga Escaner. Seriously, sobra lang ito sa kaperahan nila. Gaganapin ang opening ng resort pero bago ito, isang exclusive na competition ang gaganapin. Tatagal ito ng ilang buwan. Hwow! Swerte ba akong masasabi? Ako lang naman ang napili na magcover ng natatanging event na ito. May i say, first time yatang may gagawin na ganito kaya excited din ako. Nagpaikot ikot ako habang nakaupo sa aking swivel chair. Iilan lang kaming nasa office ngayon, yung iba ay nasa field at naghahanap ng tsimis sa mayayaman. Haist! Napahinga ako ng malalim. Yah! This is good luck. Makakapag-vacation na ako kahit paano and then ay kikita pa ako. Saya saya di ba. Pero hindi naman mahalaga sa akin kung parang bakasyon na ito sa akin. Mas kelangan ko ang trabaho. Mas kelangan kong galingan sa work ko. Huminto ako sa pag-ikot. Humarap sa screen ng laptop sa mesa ko. Naka-full screen view lang naman ngayon doon ang isang gwapong gwapong binata. Isang bachelor. Si Dennis Escaner. Ang First Heir ng Pamilya Escaner. At sa loob ng isang buwan ay babantayan ko ang kaniyang buhay at ang pagpili niya ng kaniyang magiging kabiyak habambuhay. The First Heir's Bride Search ang gaganapin. Hahanapin ni Dennis sa napiling labinlimang kadalagahan from around the country ang kaniyang mapapangasawa. Pinasadahan ko uli ng basa yung profile ni Dennis Escaner. As it is. He is the most eligible bachelor of all. I wonder kung bakit kailangan pa itong gawin. Wala ba siyang stable girlfriend? Kungsabagay, kung meron man ay bakit kailangan niyang pumayag sa ganitong set up? Napabuga ako ng hangin at napangalumbaba sa harap ng screen. Nakakainlove ang kagwapuhan niya. Totoo kayang ganito ang kagwapuhan niya sa personal? Baka kasi mamaya photoshop lang pala ito. Umikot ako. Isang beses. It settled then! I'm going! Good luck sa new work assignment ko. Ajah! *****   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook