PAGE 1
Isla Catalina
Tumayo ako sa may gilid ng pier. Nasagap ko yung hangin ng paligid.
Naghahalong alat at lansa.
Tsk.
Malamang dagat ito Rein. What do you expect?
Napabuga ako ng hangin at napatingin doon sa malapit na bangka. Isa isang sumasakay ang mga tao. Sumisigaw pa yung bangkero.
Napakunot noo ako.
Maayos naman sa paningin ko yung bangka. Sabi nung bangkero ay kaya nung maglulan ng 20 persons. Hindi ko nga lang sure kung kasama ba sa twenty yung dalawang bangkero. Tss.
Inaasahan ko man lang na may magandang magandang cruise ship na susundo sa amin at dadalhin kami sa may Isla Catalina. Pero gumuho lang ang imagination ko dahil wala palang ganun.
Main transportation ng mga taga-rito yung mahabang bangka na nagtatawid ng mga tao mula sa main land nang Sto.Cristo papuntang Isla Catalina. May mga katabi pang isla ang Catalina.
Malay niyo. Pag-aari rin pala yun ng mga Escaner. O, e di inyo na Pilipinas!!!
Nagpapalatak pa ko dito sa sarili ko ng may umagaw ng pansin ko.
Naramdaman kong may taong huminto sa tabi ko kaya nilingon ko.
Nalingunan ko ang isang babae.
Siguro ka-age bracket ko siya. Naka-louse white blouse siya, dark blue jeans at doll shoes. Naka-pony tail nang mataas yung buhok niyang mahaba at makapal at walang ka-make-up-make up sa mukha. Siguro, meron, light na lipstick lang. Mapupula kasi ang labi niya. Kasing tangkad ko lang din siya, height ko?
Oo na, maliit lang ako compare sa mga kaibigan kong papunta nang six footers ang mga height.
Tinitigan ko pa siya ng ilang saglit.
Ano kaya? Baka residence siya ng Isla Catalina. Napaka-plain at simple lang kasi ng ayos niya.
Biglang sumigaw uli yung bangkero. Sabay kaming lumingon. Malapit na kasing mapuno yung bangka kaya bumaba na ako para sumakay. Ganun din ang ginawa nung babae. Nakasunod siya sa akin at naupo katabi ko.
Friendly naman ako. Friendly sa mga mukhang friendly din ang aura. Most of the times kasi ay hinahayaan ko lang na ako ang unang i-approach kesa ako yung unang um-approach. Maliban kung may relevant sa work.
Oi! Work ito.
Nagsimula ng umusad iyong bangka. Maingay yung makina nung umpisa pero pagtagal ay humina na rin.
"Isla Catalina?"
Napatingin sa akin yung babae. Bahadya siyang ngumiti. "Doon ang punta ko. Ikaw din ba?"
Tumango ako at ngumiti. "Oo. Resident ka ba dun?"
"Ayy... hindi." mabilis siyang umiling. "May natanggap kasi ako na invitation para sa pagbubukas nung Catalina Resort. Pupunta ako kasi gusto kong magbakasyon. All-expense free kasi. Sayang naman." nahihiyang napakamot siya ng pisngi niya. Medyo nag blush pa nga siya sa akin.
Ang ganda niyang tignan. Napaka-inosente ng mukha. Mukhang makakasundo ko siya.
Ngumiti ako. "Ahhh.... invited ka pala." tumango ako. "Yung karamihan sa mga kasakay natin dito ay invited din. Pero may ilan din na naroroon na kahapon pa."
"Talaga?!" nagulat siya at natawa ng walang sound. "Wow! Siguro malaking resort iyon noh! Saka, mayaman na mayaman ang may-ari. Kasi madami pala siyang in-invite na expense free sa resort nila."
Medyo natawa ako dun ah. Na-amazed din ako. Para kasing wala siyang kamalay malay sa mangyayari.
"Seriously, hindi mo ba alam kung bakit ka na-invite?"
Umiling siya. "Hindi e. Bigla na lang dumating sa office itong invitation kasama ng ticket. Galing pa kasi ako ng Manila. My pocket money pa. Wala naman akong sinalihan na anumang promo pero malinaw na naka-address sa akin e."
Ang weird.
Itinago ko yung pagtataka ko. "Ganun? Ang swerte mo naman."
"Ikaw din ba ganun?"
Umiling ako. "Hindi. May trabaho ako. Article writer ako at i-ko-cover ko lang yung gaganaping opening nung resort."
"Talaga!?" natawa siya. "Ang galing naman nun!"
"Tama ka." ngumiti ako.
"Syangapala." ngumiti siya ng malapad. "Ako si Thessa. Teresa Alcoran." inilahad niya ang kamay niya para makipag-shake hands.
Malugod ko naman iyong tinanggap.
"Rein Montes. Nice to meet you, Thessa."
"Sana kahit busy ka sa work ay magka-bonding tayo sa isla. Ikaw pa lang ang kilala ko e."
Tumango ako. "Don't worry. Marami ka pang makikilala sa resort. Enjoy ka lang."
Natawa siya at napatango. "Kinakabahan ako pero di ko alam kung bakit. Hehe..."
****
Isang mahabang 30 minutes boat ride lang naman iyon. Feeling ko ay napagod ako ng walang dahilan.
Maganda naman ang view sa dagat. Puro blue. Plain blue na dagat. Tss.
Pero nung dumaong na yung bangka sa may pier ng Isla. Nag-fade lahat ng pagod ko.
Sobrang ganda nung lugar. White na may halong black and pink yung buhangin. Kumikinang kapag tinatamaan ng sikat ng araw. Breathtaking yung scenery. Ang lakas maka-fairytale ambience. Sana nga may prince charming na dumating at nakasakay sa white horse.
Hul! Daydreaming na naman ako.
Well, pagkadaong namin ay may naghihintay ng sasakyan sa amin. Isang multicab na white na may malaking nakasulat na Catalina.
Ni-research ko kung bakit Catalina ang pangalan ng Isla at nung resort. It seems like, ipinangalan ito sa namayapang (sumalangit nawa) Ina ni Don Marteo Alonzo Ecaner.
Obviously, it is named for her remembrance. Ang swerte niya. Pero swerte pa nga bang masasabi iyon kung wala ka na rin naman sa earth para makita ang Islang sadyang ipinangalan sa yo.
Napailing na lang ako sa sarili ko sa kaisipang iyon.
Masyado yatang maligalig ang isip ko at hindi mapalagay.
May ilang minuto pa kaming naglakbay sakay nung multicab.
Nagsisisi ako at hindi pa ako sumabay sa mga ka-team ko kahapon. Nabibigatan na kasi ako sa dala kong camera. Tss.
Paghinto namin ay nasa tapat na kami nang napakalaking entrance lobby ng resort.
Napamangha ako ng bonggang bongga. Maging iyong mga kasabay ko at si Thessa ay amazed na amazed sa ganda nung place.
Dark brown na marble tiles ang sahig at naglalakihan at nagtataasan ang mga archs sa bawat side ng lobby. Open ang place pero malamig ang loob pagpasok mo dahil sa napapaligiran naman ng matataas na puno ang paligid. Sadyang malamig ang hangin kahit walang aircon. All nature.
May sumalubong sa amin na resort staff at in-assist kami. Pero dahil hindi naman ako kasama sa mga in-invite para sa event ay lumapit muna ako sa may receptionist nila.
Maganda yung lugar. Maganda din yung receptionist.
Well, lahat naman ng staff na nakita ko ay well-organized at well-groomed. Required yata sa mga staff dito na kailangan ay maganda o gwapo ka.
Enough muna sa mind confrontation. Binalingan ko yung receptionist.
"Excuse me."
Agad naman siyang nag-angat ng tingin at ngumiti sa akin. Maganda talaga siya. Morena, bilog ang mukha, magandang mga mata. At maganda din ang ngiti.
"Yes Ma'm. What can i do for you?"
"I have a reservation here."
"Ano pong name nila?"
"Rein Montes."
"For a second Ma'm." mabilis niyang in-scan yung nasa mesa niya na computer tapos ay tumingin uli sa akin. "Meron nga po Ma'm. Tatawag po ako ng staff para i-assist po kayo sa reserve room niyo."
Ngumiti ako. "Salamat.--"
"No need!"
Nagulat ako nung may biglang magsalita sa likod ko sabay patong ng braso sa balikat ko. Muntik pa akong ma-out of balance kasi ang bigat nung braso niya.
Nalingunan ko si Allen.
"Allen?!"
"Miss, ako ng mag-aassist sa kanya sa room niya." nakangiting wika ni Allen dun sa receptionist.
Kinuha na niya yung keys ko dun sa maganadang girl at nagpasalamat. Yung pasalamat niya ay pahabol pa ng kindat. Nakita ko na nagblush yung girl. Kinilig.
Tsk! Sakit sa bangs! Lihim akong napaismid.
Nagpasalamat din ako dun sa girl bago ako iginiya ni Allen papunta sa left wing nung lobby.
Tinanggal ko yung braso niyang naka-akbay pa sa akin.
"Ang bigat mo." ani ko saka siya sinimangutan.
Si Allen Marquez ang aming official cameraman. Photographer din siya. Masyado siyang talented. Hindi siya direct hire sa Elite kasi sa may TV Station siya. Naka-contract lang siya sa amin. And i've been working with him for almost, two years.
Malaki siyang tao. Matangkad at well-build ang katawan. Alagang gym. Pero hindi ko siya gusto dahil napaka..... yabang niya. Promise.
I rolled my eyes secretly.
Sana hindi na lang siya yung kasama ko ngayon.
Napahinga ako ng malalim.
"Yung cabin mo ay katabi lang ng cabin namin kaya kung nalulungkot ka sa place mo, feel free to knock at my door." ngumisi siya sa akin.
Napapiksi ako. The nerve.
May mahabang stone aile kami na nilakaran. Nadaanan namin yung malaking event hall ng resort at may malaking swimming pool din akong natanaw. Sa kabilang side ay nakita ko naman yung malaking hotel.
Maganda. As in very relaxing yung lugar. Alam ko na pinag-gugulan ito ng malaking halaga ni Don Marteo. For sure.
"Akala ko mabobored ako dito. Pero andaming dumadating na magagandang babae. Mukhang mag-eenjoy talaga ako dito." Patuloy sa pagsasalita itong si Allen pero hindi ko pinapansin.
Hindi ko siya tinignan. Baka mainis niya lang ako.
"Sasamahan kita na mamasyal sa island, Rein. Tapos---"
"Trabaho ang ipinunta ko dito Allen. Please lang. Kung may balak kang gumawa ng kalokohan, wag mo akong idamay." i tried to make it sound cold. Kailangan kasi mataas ang confidence sa sarili nitong isang ito e.
Huminto kami sa isang cabin na narealize kong cabin ko kasi yun yung number na naka-encrypt sa may susing hawak ko. Lumapit na ko sa pinto pero nakasunod pa rin si Allen.
"Com'on Rein. You should atleast enjoy this. Hindi naman lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makapagwork ng ganito. Nasa maganda kang place kaya dapat i-enjoy mo din."
"Whatever Allen. Just go. I'm okay now. Salamat sa paghatid." tinulak ko pabukas yung pinto.
"May bars and resto sa right area ng Isla. Gusto mo bang---"
Hindi ko na siya pinatapos. "I can manage."
Pinagsaraduhan ko na siya ng pinto.
Its kinda rude, I know. Pero naiirita kasi ako sa kaniya. Mayabang siya at feeling niya ay lahat ng girls ay madali niyang makukuha. Hindi naman ako tanga para hindi malamang marami na siyang nalokong babae sa office nila e. Atsaka, I'm no writer kung hindi ko man lang mapapansin na wala siyang magandang ugali. Tss.
Napabuga ako ng hangin.
Number One Rule.
NEVER. NEVER. Mix pleasure and feelings sa work.
Isa lang yan sa golden rule ng buhay ko.
Nilibot ko yung mata ko sa cabin. Very cozy at relaxing yung ambience. Ang bango din. Makapal na kahoy ang haligi nito, tiles ang sahig. Maliit lang yung space sapat lang sa pandalawahang tao. Siguro may variety of room cabin din sila dito.
Sinilip ko yung bathroom.
Napangiti ako. Malinis at maluwang yung bathroom. Kumpleto sa gamit. May shower din.
Ahhh.... my safe refuge.
Eto ang paborito kong spot ng bahay. Kundi kwarto ay bathroom.
Bumalik na ko sa may kama. Inilapag ko dun yung mga bitbit kong gamit. Mula sa malaki kong back pack ay nilabas ko yung laptop ko at ilang gadgets pati na rin yung aking polaroid camera na kelan ko lang nabili.
Aist! Sobrang ingat ko sa mga gamit.
In-open ko yung laptop at hinayaan muna yun. Binalingan ko yung malaki kong baggage. Isinalasan ang mga dala kong damit sa may kulay white na aparador na nakainstalled sa gilid malapit sa kama.
Natigilan pa ako halfway sa pag-sasalansan ko ng gamit. Napatitig ako dito sa hawak ko na white dress.
"Aisht! Si Jona talaga!!? Nilagay niya pa talaga toh? Sinabi ko ng hindi bakasyon ang gagawin ko dito." Ini-hang ko sa sulok yung dress.
Napailing na lang ako.
Si Jona yung ka-roommate ko sa boarding house na tinutuluyan ko sa siyudad. Almost five years na rin akong naka-boarding house at two years ko na siyang kasama. Call center agent siya na mahilig gumala at magliwaliw sa buhay.
Ulila na ko sa mga magulang. Ang alam ko lang ay namatay ang Mama ko sa ospital. Samantala, hindi ko na maalala ang dahilan kung bakit ulila ako sa ama. Namatay ang Mama ko nang masangkot kami sa isang aksidente tapos... yun na yun. Lumaki ako sa mga madre at nang makapagtapos ng high school ay nag-aral ako ng college sa sariling sikap. And the rest is history.
Hindi ko na rin mababalikan ang lahat ng alaala. Enough na yun.
Mag-past eleven na ng umaga. Mainit na malamang sa labas. I decided to sleep. Mamayang gabi naman yung first event. Magpapahinga muna ako ng utak at nang maging ready ako para mamaya.
*****
Past five pm. Medyo maliwanag pa.
Nandito ako sa magandang restaurant ng Catalina Hotel. Nasa gilid ako ng place at katabi ko ang dagat.
No. I mean. Over viewing yung dagat dito sa napili kong spot na upuan. Nasa second floor ng hotel ang restaurant. May mga bakanteng upuan naman sa loob pero pinili ko na sa may veranda puwesto kasi nga ang ganda ng view.
Na-tetempt tuloy ako na magpunta sa dagat.
Bukas na lang siguro.
Binalingan ko ng pansin itong pagkain na nasa harap ko. Heavy dish. Paano, lunch, merienda at hapunan ko na ito. Seven pm ang start ng event sa convention hall ng resort. Sasamantalahin ko na itong pagkakataon para kumain ng marami.
"Rein?"
Napahinto ako sa pagsubo at nag-angat ng tingin. Nanglahati pa lang ako sa kinakain ko ah!
Nasalubong ko yung maganda niyang ngiti, ayun!
"Ugh!"
Nasamid ako. Napa-ubo. Yung totoong ubo.
"Are you okay?" mabilis na lumapit siya sa tabi ko.
Ako naman ay inabot ko yung baso ng tubig at mabilis na uminom.
Natawa siya ng mahina. "Hinay hinay lang kasi sa kain. Ang lakas mo palang kumain." Humila siya ng upuan at naupo sa tabi ko. "Okay ka na?"
Umakma siyang hahagurin ako sa likod pero agad ko siyang pinigilan. Simpleng gesture lang. "Okay na ko. Okay na."
"Sure?" may concern akong nabasa sa mukha niya.
"Yah." pilit ko siyang nginitian. "Renz, ba't nandito ka rin?"
Photographer din si Renz. Isang sikat na professional photographer na madalas kasakasama ni Allen. Buddy sila pero hindi ko ma-gets kung paano nangyari yun.
Sobrang layo kasi ng ugali nila sa isa't isa.
Si Allen, napaka-playboy samantalang itong si Renz.... very humble. Siguro, mas gwapo nga lang si Allen. Kasi maputi siya at malaki ang katawan. Pero si Renz. Masculine din siya, moreno at may napakagandang mga mata.
Lagi nga niya kong nahihipnotized e.
Sumimangot ako nung marealize ko yung sinabi niya.
"Oi, dahan dahan lang akong kumain. Nagulat lang talaga ako na nandito ka pala." Umiwas ako ng tingin. Baka makita niyang nagba-blush ako.
"Ahh... kasama ako ni Allen. Siya kasi ang bahala sa videos at ako naman sa photographs. And i guess ikaw ang bahalang mag-cover sa mga stories." Ngumiti siya, lumabas tuloy yung pantaypantay at mapuputi niyang ngipin.
Nahihiyang napatango ako. "Yah. Tama ka."
Wag kang ngumiti please.... nalalaglag ang puso ko.
"As i expected. Ikaw talaga ang the best para sa event na ito. I'm glad na ikaw ang pinadala ni Tito Mike."
Ngumiti ako.
Close sila ni Sir Mike, yung aking editor in chief. Tito niya kasi yun.
"Oo nga. Natutuwa akong nandito ka rin. Atleast hindi ako mauubusan ng dugo sa highblood sa kasama mo." Sarcastic akong tumawa ng mahina.
Akala ko kasi si Allen lang ang makakasama ko sa buong project na toh. Natuwa naman ako na makita si Renz. Hindi lang natuwa. Naexcite pa.
"You really don't like Allen hah?" Bigla siyang nagsalita sa tabi ko. Tinitigan niya ako.
Kinilabutan ako bigla.
"Hah?" Napasinghap ako. "Mayabang kasi siya. Nakakainis. Pero wala naman akong problema sa work niya kasi magaling naman siya. Hindi nga lang kasing galing mo di ba?" nginitian ko siya ng pilit. My God! My heart is pounding so fast. "Pro-professional ka e."
Natawa na naman siya ng mahina. "Thanks."
Lihim akong napahinga ng malalim.
"Okay. I should be going now. Gusto ko sanang makipagkwentuhan pa sa yo ng matagal e. Kaya lang, next time na lang." Tumayo na siya. "Pupunta na ko sa event hall dahil nagpi-prepare na sila. See you there later?" Ngumiti na naman siya.
"Okay." mahinang tumango ako.
Tapos ay humakbang na siya paalis. Sinundan ko pa siya ng tingin.
Nang wala na sya ay saka ako nagbuga ng maraming hangin.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Akala ko kakapusin ako ng hininga kanina. Ang lakas talaga ng epekto sa akin ni Renz e. Siya talaga ang ultimate crush ko. May tatlong taon ko na rin yata siyang crush. Simula noong nameet ko siya sa birthday party ni Sir Mike. Naging apple of the eye ko na siya.
Kaya lang wala ako sa radar niya.
Meron na kasi siyang girlfriend na super model at ang alam ko ay hanggang ngayon ay sila pa rin.
Aisht! My Unrequitted love.
Napailing ako sa sarili ko.
Hingang malalim uli.
Alalahanin mo ang Number One Golden Rule.
Behave Rein.
*****
Busing-busy ang lahat sa pagpiprepare sa gaganaping party ngayong gabi. Ipapakilala sa media ang labin limang girls na kasali sa pagpipilian ng First Heir's Bride.
Nasa may lobby pa ako ng event hall. Nakaupo sa isang tabi. Marami na akong nakita na dumating na media officer. Pero kami lang ang nag-iisang official na mag-lalabas ng mga update sa mga magiging kaganapan sa buong process ng selection.
Isa-isa kong in-scan itong information list ko ng mga kasama sa Selected. Kanina ko lang ito nakuha mula sa isang staff ng resort. Kaya ngayon ko lang din nalaman kung sino sino ba sila.
"Oi, busy?"
Gulat akong napa-angat ng tingin at as usuall. Automatic na namang nasa defense mode ang utak ko.
"Allen?"
Nagsmile siya sa akin. "Kumain ka na?"
Naka-suot siya ng plain white shirt na pinatungan ng maong na jacket. Fitted mens jeans na sobrang hapit sa kanya. Malakas ang dating niya. As in, parang model ng jeans.
S**t !!!!! Naiinis ako sa kanya. He's so close to perfection kung hindi nga lang sobrang arrogant niya at conceited. At player pa siya. God!
"Kanina pa Allen. Saka busy ako." tumingin uli ako sa ginagawa ko kanina.
"Ganun? Nagkita na kayo ni Renz?"
Napalunok ako ng lihim. "Oo."
"So?"
Nag-angat ako ng tingin. "So?"
Naupo siya sa tabi ko. Dumekwtro ng upo at bahadya pa akong siniko sa tagiliran.
"Magkaroom kami. Gusto mo ng spare keys?"
"Tss!" napapiksi ako. Sabay pinamulahan ng mukha.
Ano bang akala niya sa akin? Easy girl?! Kainis!
Natawa siya ng pang-inis. "Bakit? Your still going with that unrequitted love of yours? Modern times na ngayon. Hindi na big deal kung maunang lumapit ang babae sa lalake."
Tinitigan ko ng siya ng masama. "Shut up Allen! Hindi nakakatuwa."
Pero tumawa na naman siya. "Tutulungan kita."
"I don't need it. Thank you." inirapan ko siya. Nakakainis dahil sa dinami dami ng tao bakit kailangan na siya pa ang makaalam na may secret crush ako kay Renz. Ayan. Hindi na niya ako tinitigilan ng pang-iinis at pang-aasar.
"Com'on. Alam mo naman na hindi ka naman niya papansinin kung hindi ka gagawa ng paraan. Kung iku-compare ka sa model niyang girlfriend, walang wala ka dun."
Napatiim bagang ako sa inis. "Really Allen? Ang kapal mo naman para ipamukha sa kin yan. E anu naman sa kin kung super model ang girlfriend niya. Hindi ako desperate. Hindi ako naghahabol sa kanya."
Tinignan niya ako pero hindi pa rin inaalis ang evil niyang ngiti.
Sa totoo lang. Ano bang issue niya sa akin?
"Wala ka ngang pakeelam dun. Kasi kahit alam mong may girlfriend na siya nagpapatuloy ka pa rin sa unrequitted love mo na yan di ba?" tumayo siya. "Sige."
Pagkasabi nun ay iniwan na niya ako.
Napapiksi uli ako. Marahas na napabuga ng hangin.
Really? Whats with him? Nakakairita. Grabe!!!
Sinundan ko siya ng tingin papalayo.