Page 2 - High Profile

2247 Words
PAGE 2         High Profile Name: DENNIS ESCANER N.Name: Dennis Birthdate: N/A Height: 175 cm / 5'10 Weight: 59 kg / 129.8 lbs Bloodtype: A Hobbies: Going to clubs, singing, going online, traveling Education: BS in Business Administration Major in Commerce Facts: Favorite color is white Likes girls who are nice, undertanding, pretty, innocent, wise, lively, slender, doesn't smoke and in 168cm. tall He loves rain because he is born on a rainy day First kiss: On a telephone booth A good talker and speaker He shows the most interest with the opposite sex **** "Tss." napabuga ako ng hangin sabay napailing. Isinara ko na itong profile folder ko. Malapit nang mapuno yung event hall ng mga nagdadatingan na bisita. Marami akong na-ispotan na mga sikat na tao. From business tycoons to celebrities. May mga models and politicians. Lahat sila ay in their best party gowns and suits. Sinipat ko yung itsura ko sa harap ng malaking salamin. Nasa ladies room ako. Louse white blouse na may collar then nakatuck-in sa black fitted slacks ko. Dark blue blazer at black na office shoes. Ready. Inilagay ko yung mountain pen ko sa bulsa ng aking blazers at isinuot ang aking media ID then, PRESTO!! Okay na ko. This is going to be a long night. Napailing ako sa sarili ko. Biglang bumukas yung pinto nung isa sa mga cubicle na naroon tapos ay lumapit sa may salamin ang babaeng lumabas mula doon. Tumabi siya sa akin pero hindi nya yata ako nakilala. Nagpakawala siya ng buntung hininga. "You okay?" agaw pansin ko na sa kaniya. Namumutla siya e. Nilingon niya ako at nabigla. "Rein?" Nginitian ko siya. Siya yung girl na nakilala ko on the way sa isla. Si Thessa. "Okay ka lang ba?" tanong ko uli kasi patuloy siya sa pangangatog. "Hindi." umiling siya. "Hindi. Kinakabahan ako. Ang daming tao sa labas. Lahat sila naka-gown." Sinipat ko din siya. Nakablack gown siya na simpleng simple lang ang tabas at design. Simple lang din ang ayos niya. Nakalugay yung mahaba niyang buhok na nilagyan niya ng malalaking curls. Light make-up. "Ipinahiram sa akin ito nung ka-room ko kasi kailangan daw naming umattend ng event na toh. Hindi ko naman alam na may ganito pala. Kasama daw ako sa selected." "Ipinaliwanag na ba sa'yo kung anong mangyayari?" "Medyo." napasinghap siya. "Pero hindi ko talaga maintindihan." Bumukas yung pinto ng ladies room at may pumasok na isa pang girl na nakagown din. "Tara. Sa labas tayo." aya ko sa kaniya at sumunod naman siya. **** Nagpunta kami sa may garden na katabi lang ng event hall. Walang tao dun at maliwanag naman ang paligid. Huminto kami para mag-usap sa isang gazebo na nadedekorasyunan ng mga vines at maliliit na bulaklak. Ang ganda dito. "Ano ba yun?" nakakunot ang noo ni Thessa habang nakatingin sa akin. "Alam mo hindi ako ang dapat magpaliwanang sa yo nito e. Pero bibigyan na kita ng ideya." mataman ko siyang tinignan. "Ngayong gabi, i-aanounce nila kung sinu-sino ang kasama sa Selected na parang maglalaban para makuha ang spot ng pagiging First Heir's Bride." Napangiwi siya. "Selected? First Heir's Bride? Ano yun?" Napabuga ako ng hangin. "Thessa, ang ibig sabihin nito, napili kang kandidata para sa magiging asawa ng First Heir ng pamilya Escaner. You know Dennis Escaner?" "Na-naririnig ko lang ang pangalan niya. Business man siya di ba?" "Oo. Siya yung First Heir na tinutukoy ko, meaning panganay siyang tagapagmana nang Escaner at naghahanap sila ng mapapangasawa niya. Kaya ka nandito. Kasama ka sa pagpipilian. Gets?" Natigilan si Thessa. Nag-isip. Napahalukipkip naman ako. Ang hirap namang ipaliwanag ng kaganapan na ito. Bakit ba kasi kailangan na gawin ito? "Bakit kailangan nilang gawin ito e wala ba siyang girlfriend or something?" Nalaglag ang balikat ko. Napahinga tuloy ako ng malalim. "Sa totoo lang. Hindi pa kita masasagot sa tanong na yan. Ipapaliwanag naman yan in the process." "Pero ayokong makasali sa ganito." Napataas ang kilay ko. "Ayaw ko." napalunok siya. "Pero sabi sa kin ni Nyla kanina na kapag nag-back out ako ngayon, pababalikin na nila ako ng Maynila at pababayaran nila sa akin lahat ng nagastos na nila mula sa ticket hanggang pocket money. E hindi ako prepared. Saka, i've heard mahal daw ang accomodations dito." "Me-medyo lang. Sabi nila yung isang araw na accomodation dito ay mahigit sa 5,000.00." Napa-isip ako. "Ayy... hindi. Ang alam ko ay by membership sila dito e. Para maging member ka kailangan na mayroon kang 100,000.00 na yearly income. May pinirmahan ka ba na papel?" "Papel? As in contract?" "Oo. Meron ba?" "Pa-parang meron. Kanina." namutla siya. "Ah... akala ko yung registration lang yun." "Hindi mo binasa?" "Hindi." napangiwi siya. "My Gosh!! Ano ba tong napasukan ko?" Aligaga siyang nagpaikot ikot sa harap ko. Napailing ako sa kanya. "Tsk. Dapat binasa mo muna. Pwede ka nilang idemanda kapag bigla ka na lang mag back-out ngayon. Kakasuhan ka nila ng breach of contract tapos magbabayad ka pa ng damage fee at penalty." Maluha luha na yung mga mata niya ngayon. Ayyy... nasobrahan yata ako. OA e. Pilit ko siyang nginitian. "Thessa? Thessa?" hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Kalma lang. Nandito ka na di ba? Why not try your luck? Malay mo ba na baka ikaw ang magustuhan ni Dennis. Malay mo ikaw ang piliin niya." Natigilan siya at tumitig sa akin. "Look. Hindi ka naman mapapasama sa Selected kung hindi ka qualified di ba? Saka kapag nanalo ka dito, may cash prize ka din na matatanggap." sabi ko na nakangiti. Pero feeling ko hindi na magandang sabihin yun e. "Pero kung hindi ka naman mapili o matanggal ka sa competition pagtagal. Okay lang. Part naman yun ng conpetition. Wala kang naviolate na contract di ba?" Nalaglag siya sa malalim na pag-iisip. Napabuga ako ng hangin. "Pag-isipan mo. Nasa yo pa rin naman ang decision. Mauna na ko sa yo ha." Iniwan ko na siya doon na nag-iisip pa rin. Kailangan ko ng bumalik ng event hall. On the way ay bahadya akong natigilan nang malapit na ko sa entrance uli ng hall. May nahagip yung mga mata ko sa hindi kalayuan. Medyo narinig ko din na parang nagtatalo silang dalawa. Tinignan ko sila. Isang girl na naka cocktail dress. Maganda yung tindig niya at ayos. Tapos ay may kausap siyang lalake na matangkad. Nakablack americana suit iyon at matikas ang tindig. Mukhang ang gwapo din niya. Parang naulinigan ko na umiiyak yung girl e. Sandali lang naman akong naki-usi. Nagkibit balikat ako at pumasok na sa hall pagkaraan. Whatever. Hindi naman si Dennis Escaner yun e. So its not my business. **** Punong puno ng liwanag yung event hall ngayon. Ang dami din ng tao na nababalutan na kanikanilang best gown at suits. Puro mga sosyal din ang tao. Nasa isang sulok lang ako at nakamasid sa mga nagaganap. Mayamaya ay darating na ang mga main star ng gabi. Napahinga ako ng malalim. Maraming beses ko na namang nameet si Don Marteo Escaner dahil nga siya din naman ang may-hawak sa Elite Magazine di ba. Saka sa karamihan ng sosyalang event na na-attendan ko bilang trabaho ay present naman siya lagi. Si Dennis Escaner ang hindi ko pa nami-meet ng personal. Sa picture ko pa lang siya nakikita. Wala din akong ideya sa itsura ng iba pang member ng Escaner family. Iilan lang pala ang alam ko. Biglang tumunog yung phone ko at kinailangan ko iyong sagutin. Mabilis kong hinahanap yung daan palabas at natagpuan ko naman. Nakarating ako sa may lobby ng hall at doon sinagot yung tawag. "Jona?" bungad ko agad sa phone. "Oi! Buti sumagot ka. Kanina pa ko tumatawag sa yo. Saang lupalulop nang mundo ka ba na naman?" Napangiwi ako. "Nasa trabaho ako. Ano ka ba? Talagang inistorbo mo ko para tanungin ng ganyan?" "Ang totoo..." biglang bumaba yung tono niya. "Nasa presinto ako ngayon e." "WHAT?!!" ang lakas ng boses ko at yung mga nagdadaan ay napatingin sa akin. Napahiya naman ako at gumilid sa may daan. "What Jona? Anong ginawa mo? Bakit?" "Hah? Basta. E, wala ka pala e. Sige sa iba na lang ako tatawag. Sorry." "Jona?" "Sorry. Kita na lang tayo. Magtatagal ka ba dyan?" "Oo. At pagbalik ko magpapaliwanag ka sa akin." "Okay. Bye na." Tapos ay in-end na niya yung tawag. Napapiksi ako sa sarili ko. "Tss. Ano naman kaya ang nangyari?" humakbang na ko habang nakatingin sa phone ko. "Anong problema nun? Tss. Pinag-alala niya lang ako e." Malapit na ko sa may entrance ng may taong bumunggo sa balikat ko. Nabitiwan ko tuloy yung hawak ko na cellphone. Kasabay noon ay walang anu-ano ay napigtas yung panali na ginamit ko sa buhok ko. Napahinto ako. Mabilis na bumagsag sa balikat ko yung lampas balikat ko na buhok. Napapiksi ako. "S**t!" "Sorry Miss." anang boses ng lalake pero hindi ito huminto para tulungan o i-check man lang ako. Deretso sa lang siya sa loob. Yung likod niyang papasok ng event hall na lang ang nakita ko. Hindi ko nakita ang face niya. Kainis! "Sorry? Sorry din hah!" naiinis kong bulong sa sarili. "Tss. Ano ba naman yan?" hinawi ko yung buhok ko na humarang sa mukha ko tapos ay nasalubong ko ng tingin yung isang lalake na nasa malapit sa akin at nakatingin pabalik sa kin. Medyo natigilan ako kasi ang gwapo niya. Hindi lang pala medyo natulala. Natulala talaga ako sa kanya. Matangkad siya na masculine ang katawan. Parang maiimagine ko sa ilalim ng suot niyang americana suit na mayroon siyang abs. Gosh! Maputi siya, makinis ang mukha. Matangos ang ilong at manipis na pink ang labi. Makapal ang kilay niya at malalim ang mga mata kung tumitig. Tulad ngayon. Nakatitig siya sa akin pero di ko maarok kung ano ang iniisip niya. Wala sa loob na nag blush ako. Napaiwas ako ng tingin. "Badtrip." bulong ko sa sarili ko. Medyo tinalikuran ko siya. Inayos ko yung buhok ko. "Bagay sa yong nakalugay." wika nung lalake na ikinapalingon ko. "Here." Inabot niya sa kin yung cellphone ko na nahulog ko kanina lang. Buo pa naman yun. Mabuti na lang at hindi ko tinatanggal yung casing nun na makapal. "Thanks." alanganin kong wika saka inabot iyon. Muling nagtama ang mga mata namin. Hindi ako nagsalita. Nakatitig lang ako sa maganda niyang mga mata. Bumaba ang paningin niya sa suot ko na ID. "Media ka?" Parang natauhan ako sa sinabi niya. "Hah!? Oo." umiwas uli ako ng tingin. Sinuklay ko yung buhok ko at inilagay yun sa isang side. Hindi talaga ako komportable ng ganito. "Si-sige. Salamat." ani ko na hindi tumitingin sa kanya at humakbang na palayo at papasok sa may event hall. Napabuga ako ng hangin at napalunok. Kinabahan ako. Bakit kaya? Hindi ko na siya nilingon kasi napako na yung paningin ko sa may stage kung saan nagsasalita na yung MC. **** "Ladies and Gentlemen may i call on now Ms. Marielle Escaner-Bernales. The First Heir Princess of the M.E. Group of Companies." Malakas na palakpakan ang sumunod. Umikot ikot pa yung spot light sa paligid then nag stop dun sa napakagandang girl na papaakyat na ng stage. Nakasuot siya ng tube light blue chiffon gown na may glittering na touch all-over. Naka-lugay at may malalaking curls sa dulo yung hair niyang nakahawi sa magkabila niyang balikat. Ang ganda ng mukha niya. Mukha siyang barbie doll. Bumagay sa kaniya yung make-up niya. Bumagay sa kanya yung maliit na tiarang nasa ibabaw ng kaniyang buhok. Bumagay sa kaniya yung suot niyang pearl earrings at pearl na necklace. Lahat yun nagsusumigaw na..... "Isa akong Escaner! Panuorin niyo kong magpasabog ng liwanag at kagandahan sa planetang Earth. Hindi mag-eexist ang earth kung wala ang Diyosang katulad ko. Tignan niyo akong lahat." Napahilig ako ng ulo. Sumasakit ang ulo ko. Feeling ko hindi ko matatagalan ang trabahong ito. Napahinga ako ng malalim. "Magandang gabi sa inyong lahat. Una ay nagpapasalamat ako sa lahat ng nakarating ngayong gabi para makibahagi sa natatanging gabi na ito." Nakatitig ako habang hawak ni Ms. Marielle yung microphone at nakangiting nagsasalita sa lahat. Gentle din ang boses niya. Masarap pakinggan. "In behalf of the Escaner family ay wine-welcome ko po kayong lahat." Applause. Applause. "Maraming salamat po." Ngumiti siya. "Ngayong gabi ay pasisimulan natin ang countdown sa pagbubukas ng Isla Catalina Resort. Bilang bahagi nito ay isang competition ang aming gaganapin." Namatay ang ilaw at bumukas ang projector na naka-set-up sa stage. Ilang saglit lang ay may piplay na isang video presentation. May audio din iyon na nagpapaliwanag nang lahat ng magaganap sa competition. Sa loob ng isandaang araw ay gaganapin ang event. Isang dating event. Labin-limang dalaga mula sa iba't ibang sulok ng bansa ang napili at bibigyan ng pagkakataon na maka-date at makilala ang First Heir Prince ng Escaner family na si Dennis Escaner. Katulad ng tipikal na competition. Bawat linggo ay may mananalo sa bawat task na ibibigay at may mae-eliminate din sa mga hindi makakapasa. Pero lahat ay bibigyan ng sapat at pantay pantay na panahon na patunayang karapatdapat silang maging bahagi ng Escaner Family. The introduction goes on and on. Hanggang isa isa nang i-announce ni Ms. Marielle ang mga dalagang kasama sa Selected. Napuno lang ng palakpakan ang hall. At katulad ng nakagawian. Hindi umakyat ng stage si Don Marteo Escaner. Hindi kasi siya nagsasalita sa mga event. Though present siya. Medyo private din kasi siyang tao. Ang alam ko nga ay hindi siya kilala ng mga estudyanteng nag-aaral sa kanilang Akademiya. And the party goes on.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD