Page 3 - Day 1

2667 Words
PAGE 3       Day 1 Madaling araw akong nagising kinabukasan. Kahit past 2 am na natapos yung event. Maaga pa rin akong nagising kaya eto, masakit ang ulo ko ngayon. Wala pang two and half hour ang tulog ko ha. Tumayo ako mula sa kama at tumungo sa CR para maghilamos. Pagkaraan ay nagsuot ako ng dala kong sweat shirt at jogging pants. Lumabas ako ng cabin ko para maglakad lakad sa paligid. Malinawag na pero hindi pa sumisikat ang araw. Gusto kong magpunta sa tabing dagat para sa pagsikat ng araw. Napadaan ako sa may hotel at namataan ko si Thessa na papalabas ng building. Naglakad akong papunta sa kaniya. "Thessa?" Nilingon niya ako agad. "Rein? Good morning." Huminto ako ng husto na kong makalapit sa kaniya. "Ang aga mong nagising?" "Hindi ako nakatulog." napa-frown siya ng konti. "Hah? Bakit? Hindi ba maganda yung room niyo?" "Maganda nga e. As in super sa ganda. Hindi lang talaga ako nakatulog." Napahilig ako sa kanan ng ulo ko. Nginitian ko siya. "Tara. Lakad tayo papunta sa dagat." Tumango siya at habang naglalakad kami ay nagkwento pa siya. "Ang totoo ay magbaback out na sana ako kagabi kaya lang hindi ko nagawa. Kinausap kasi ako ni Ms. Marielle e. Sabi niya sumali na daw ako. Sayang naman daw ang oppurtunity na ito kung pababayaan ko na lang. Hindi ko lang masabi na wala talaga akong interest sa competition na ito. Atsaka, hindi ko naman kilala si Dennis Escaner di ba? Paano ko naman siya magagawang magustuhan ako?" Napakibit balikat ako. "I don't know Dennis Escaner either. Kahit sikat siyang tao ay very private naman ang buhay nila. Lahat ng Escaner ay ganun." "So yun na nga yung punto ko." Parang ang daming energy nitong si Thessa ngayong umaga. "Hindi ko alam kung ano ba ang mga gusto niya sa babae. Tapos nakita ko pa yung mga kasama sa Selected kagabi. Ang gaganda nilang lahat. As in... ano naman ang laban ko sa kanila di ba?" Hilaw ko siyang nginitian. "Maganda ka naman." "Simpleng empleyado lang ako. Wala akong degree or anuman." napangiwi siya. "Wag mong i-lang ang pagiging empleyado. Kung walang empleyado walang kumpanya." Inungusan niya ako. Natawa tuloy ako. "Haha... ang laki ng problema mo noh?" Tumingin ako ng deretso sa dinadaanan namin. Ang ganda ng lugar na ito. Yung nilalakaran namin na daan ay naliligiran ng matataas na punong kahoy. Para silang nakalinyang naka-arch sa daan. "Ikaw na ang nagsabi. Hindi mo kilala si Dennis Escaner. Hindi ka din niya kilala. Pero bibigyan kayong lahat ng pagkakataon na makilala siya. At makilala din kayo. Malay mo ba kung kapag nakita mo siya ay magustuhan mo siya. O kaya ay magustuhan ka niya." Tinignan ko siya. "Unless, may boyfriend kang naiwan sa Maynila?" "Wala!" mabilis niyang tanggi. "Wala akong boyfriend." "Yun naman pala e. E,di walang problema." Napahinto kami ng marating namin ang dulo ng daan. Natanaw namin yung maganda at payapang dagat. "Subukan mo muna Thessa. Hindi mo naman malalaman kung di susubukan di ba?" Humakbang ako pababa sa may buhanginan. Hinubad ko yung suot ko na sandals at dinama yung buhangin sa paa ko. Ang sarap sa feeling. Ang lamig pa ng buhangin. Mabagal akong lumakad papalapit sa dagat. Huminto ng nasa malapit na ko. Damang dama ko na yung malamig na hangin. Dama ko yung simoy ng nature. "Tama ka. Wala namang mawawala sa akin kung susubukan ko di ba?" Tumango ako pero ang paningin ay nasa malayong tanaw. "Ever since kasi ay hindi ko pa nasubukan yung mag bakasali sa mga bagong bagay." Nilingon ko siya sa sinabi niya. "Palagi lang akong nasa loob ng sarili kong mundo. Itong comfort zone ko. Natatakot na tuloy akong magsubok ng mga bagong bagay." Huminga siya ng malalim. Bahadya akong natigilan at napaisip. Comfort Zone. Sabay kaming napalingon nang makarinig kami ng kahol ng aso. Napaatras ako ng makita ko ang isang malaking aso na papalapit sa pwesto ko. Hindi ako takot sa aso pero takot ako na makagat ng aso. Lalo na at malaking aso pa. Kulay brown na chowchow yung nasa harap ko ngayon. Hindi na siya kumakahol. Naupo itong nakatingin sa akin na para bang kilala niya ako at kilala ko siya. Ang cute niya kasi ang angkapal ng kanyang balahibo. Parang buhay na stuff toy. "Ang cute naman ng aso." react ni Thessa sa tabi ko. Umakma siya na hahawakan yung aso pero agad ko siyang pinigilan. "Wag. Baka makagat ka." ani ko. "Hindi siya mangangagat." anang isang malaking boses mula sa likod namin ni Thessa. Sabay pa kaming napalingon. Tapos nakita namin ang ang isang lalake. Matangkad siya. Nasa 5'9 ang heigth. Pang basketball player sa tangkad. Maputi, matangos ilong, mahaba yung buhok niya na wavy. "Luke. Come here." anang isa pang boses na mula dun sa kasunod nito na lalake. Napatingin naman kami doon ni Thessa at natigilan ako dahil nakilala ko siya agad. Siya yung lalakeng nakausap ko saglit sa may party kagabi. Yung pumulot sa cp ko at nagbalik sa akin. Yung lalaking Abs. Noted: Hindi ko pa siya nakikitang nakahubad pero sa wild ng imagination ko feeling ko may abs talaga siya. Haha... "Mabait yang alaga namin." ngumiti na yung unang lalake na um-approach sa amin. Tinignan ko siya. Pamilyar. Ting! May light bulb sa ulo. "Ikaw si Vincent Escaner right?" ani ko saka napangiti. I know him. Madalas ko siyang makita sa mga commercials. Model kasi siya. Sikat na commercial endorser. At ang pogi niya pala talaga sa personal. Pero iilan lang ang nakakalaam na isa siyang Escaner. Atleast I know. Nakangiting tumango siya. "Yah. How did you know? This is unfair." natawa siya. Kumunot naman ang noo ko. Nakatayo na sila ng kasama niya sa harap namin ni Thessa. Nang lingunin ko si Thessa. Ayun! Tulala sa mga gwapong nilalang sa harapan namin. Binalingan ko na lang uli si Vincent. "Unfair? Ba't unfair?" Napangiti siya ng malapad. Ang ganda ng ngiti niya. Nakakakilig. Lumabas yung pantaypantay niyang sparkling white teeth. Endorser ng toothpaste e. "Unfair dahil kilala ako ng isang napakagandang binibini but yet i have to know her name." "Ahh..." Tatawa sana ako kaya lang nasalubong ko yung tingin nung kasama niya. Ang sama ng tingin sa kin. Natakot tuloy ako. Ngumiti na lang ako. "Haha... salamat kahit di totoo. Sino po bang hindi nakakakilala sa isang Vincent Escaner. Ang dami at malalaki ang billboard mo sa mga kalsada ng Manila. Writer nga pala ako ng Elite Mag. Rein Montes." inilahad ko ang kamay ko sa kanya para makipagshake hands. Naku! di ko naisip na baka madumi ang kamay ko e. Kakahiya. Napangiti siya at tinanggap ang kamay ko. "Vincent Escaner. Nice to meet you Ms. Rein Montes. Masyado mo akong pinasaya sa mga nasabi mo. Salamat." Tapos ay tumingin siya kay Thessa. "And whos this lovely girl with you?" Nagbitiw na ang mga kamay namin. "Hah?" bahadya kong siniko si Thessa. "Thessa pakilala ka." mahinang bulong ko. Biglang natauhan si Thessa at nagblush. Gusto ko siyang batukan e. Natatawa ako kasi para siyang high school student na nakaharap sa crush niya for the first time. "Ahh... Thessa. Teresa Alcoran." sabay lahad ng kamay. Malugod naman iyong tinanggap ni Vincent. "Vincent." then smile uli. Hindi siya madamot sa smile kahit na mukha siyang suplado. Binalingan niya yung kasama niya. Ayun! May kasama nga pala siya. Nagkatinginan na naman kami. Bakit ba? "This is Andrew." nagpause sandali si Vincent tapos napangiti. "My bodyguard." Nagpalitan sila ng tingin sa harap namin. Medyo nagtaka ako. Bodyguard ekk ekk. Kailangan ba yun kung nasa private owned island ka naman ng family mo mismo!? "Hi Andrew." nauna ng bumati si Thessa at nakipagshake hands. Tinanggap naman iyon ni Andrew at ganun na rin ang ginawa ko. Yung aso nila na si Luke ang pangalan. Malaya ng naglalaro sa buhanginan mag-isa. Para siyang may imaginary friend kasi takbo ng takbo na nakikipaghabulan sa wala. Hehe... Naupo kami sa may buhanginan at hinantay yung sunrise. Nasa gilid ako ni Thessa. Katabi ni Thessa si Vincent tapos ay si Andrew. "Kasama ba kayong dalawa sa Selected?" basag ni Vincent sa katahimikan. "Si Thessa lang." ako yung sumagot kasi tulala pa si Thessa. "Nandito ako for Elite. Iko-cover ko yung event." "Ah. I see." nakangiting napatango siya. Tumitig siya kay Thessa. "So how was the feeling?" Gulat na napalingon si Thessa. Nagkatitigan silang dalawa. Napangiti ako at bumaling sa dagat. "Feeling?" Mauutal si Thessa. Ani ko sa isip. "O-Okay lang. Masaya naman." O di ba?! Lihim akong natawa. At nagkwentuhan na silang dalawa. Nakamasid lang ako sa dagat at sa magandang papasikat na araw. Napalingon ako sa tabi ko kasi naupo yung aso na si Luke. Napakunot ako ng noo then napangiti. Ang bait naman ng aso na ito. "Mukhang gusto ka ni Luke hah." wika ni Vincent sa tabi ni Thessa. Napatingin ako sa kaniya. "Hah? Talaga?" Nginitian ako ni Vincent. "Oo. Hindi yan tumatabi sa ibang tao maliban na lang sa amo niyang si Andrew. Sa mga malalapit lang kay Andrew siya mabait." Nawala yung ngiti ko. Hindi ko alam kung may laman ba yung sinabi niya pero hindi ko feel. Napipilitan akong napangiti na lang sabay kibit balikat. After naming makita yung sunrise ay magkakasabay na kaming bumalik ng hotel para mag-breakfast. Nauuna kaming maglakad ni Thessa. Malapit ba kami sa entrance ng hotel. "Ang bait naman ni Vincent noh." mahinang bulong sa akin ni Thessa. Ngiting ngiti siya. "Akala ko kasi mga snob yung mga mayayaman. Lalo na siya kasi sikat siya di ba?" Pinagkibitan ko siya ng balikat. "Mukhang nakakalimutan mo na ang dahilan kung bakit ka nandito ah." Natigilan siya. Huminga ako ng malalim. "Mauna ka na pala sa restaurant. Babalik muna ako sa cabin ko." Huminto kami. "Mauna na ko." Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Tinanguan ko sina Vincent bilang paalam. ***** Napahawak ako sa batok ko ng makita ang schedule ni Dennis Escaner para sa araw na ito. Huminga ako ng malalim. Naka-upo ako sa isang sulok ng dining hall kung saan lahat ng labinlimang kandidata para sa pagpipilian ni Prince Dennis ay nakaupo na. Nakaset up na ang mga kamera sa paligid. Naka-set up na rin ang pagkain at ang mga main karakter na lang ng palabas ang wala. Kahit umaga pa lang ay pusturang pustura na ang lahat ng Selected girls. Nakamake-up at dress. Tinignan ko si Thessa na kampante namang nakaupo sa isang mesa at may kakwentuhang tatlong babae na kabilang din sa Selected. In-scan ko ang paligid. Maliban kay Thessa ay may mga nakilala na ako sa kanila. Na-check ko na rin ang background profile nila e. Nilapitan ako ni Andy. Siya yung assistant ko sa project na ito. "Rein?" naupo siya sa tabi ko. "Mamaya ay may interview tayo kay Mr.Dennis." "Okay." tango ko. "Tapos ay may mock interview din tayo sa mga Selected after nitong breakfast." "Nakaset na ba yung room?" "Oo. Inayos ko na." "Very well then. Maaasahan ka talaga Andy." Tapos ay binigyan ko siya ng thumbs up gesture. Natawa siya. "Haha... simple lang ang ginawa ko. Pero mahirap yung sa yo. Iinterviewhin mo silang lahat. Nakakapagod yun." "Kaya ka nga nandito ay para i-assist ako di ba?" "Hah?!" "Anong hah?! Oo. Kasama kitang mag-iinterview sa kanila. Wag ka ngang panggap dyan." tinawanan ko siya ng mahina. "Hah?! Ga-Ganun ba yun?" Baguhan lang si Andy sa field of work namin. Mas bata siya sa akin. Kakagraduate lang niya at unang job experience niya ito. Nahagip ng mata ko si Renz sa gilid ng dining hall. As usuall, ang tikas niya talaga kahit na simple lang yung ayos niya. Nakasukbit sa kaniya yung paboruto niyang kamera. Lihim akong napahinga ng malalim. Saby kaming napalingon ni Andy sa may pinto ng dining hall ng bumukas iyon at pumasok ang hinihintay namin. Unang pumasok si Ms. Marielle. Na umaga pa lang ay napakaganda na. Kasunod niyang tumuloy ay sina Mr. and Mrs. Luis Escaner. Kasunod ang isang gwapong nilalang na sa picture ko lang unang namasdan. Si Dennis Escaner. At ang masasabi ko lang. Gwapo siya talaga! Lahat ay nakasunod ang tingin sa kaniya. Nakaplaster sa mukha ng mga Selected girls ang paghanga. Kanya kanya sila ng bati. Smile. Pa-cute. Napabuga ako ng hangin. Nagpunta sila sa gitna ng dining hall at pumuwesto sa mahabang mesa na nakaset-up para lamang sa kanila. Matapos bumati ni Ms. Marielle sa mga naroroon ay nagsimula na ang magarbonng breakfast with the royalties. Tahimik kaming nakamasid ni Andy kung hindi lang siya nagsalita. "Grabe! Ang gwapo ni Dennis Escaner. Isang tunay at buhay na prinsipe. Haist!" napabuga siya ng hangin. "Syanga." tumango ako. Hindi naman ako tutol sa sinabi niya. **** Mock Interview Rein: So how was the first day so far? Samantha Mendez: Masaya. I've never been so happy before. Marah Sanchez: Kinikilig ako. Nung pumasok siya sa dining hall. Sobrang kinabahan ako. Grabe talaga. (Blushing) Casey Dionisio: I yet to know him better. Ayokong mag-expect. **** Napahinga ako malalim. "Rein. Kain ka na." inilapag ni Andy sa harap ko yung in-order niya na pagkain para sa akin. "Salamat." ibinaba ko na yung gingawa ko at nagsimula na kaming kumain. Nalipasan na ako ng breakfast. Siguradong hindi na rin ako makakain ng lunch. "Mahirap bang mag-interview ng tao?" "Hindi." Iling ko. "Carry lang." "Hi mga beauties!" masayang bati mula sa likod ko. Hindi na ko nag-abalang lumingon. Kilala ko na siya sa boses pa lang. Saka sa expression ng mukha ni Andy. Alam ko na. Nagblush siya. Kinikilig siya. Drooling siya. Haist! Humugot ng upuan si Allen at naupo sa tabi ko. "Ngayon ka pa lang kumakain?" "Di obvious?" inismiran ko nga saka nagpatuloy sa pagkain. "Kaya ka nangangayayat e. Hindi ka kumakain ng tama sa oras." Umiling iling siya sa kin tapos ay nag-smile kay Andy. Nag-blush ng sobra si Andy. Kinilig na naman ang lola moh! Kainis! "Ano naman sa yo kung ngayon lang ako kumain?" "Dapat magpataba ka. Gusto ko sa girls yung medyo may laman para masarap kayakap." Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. "Talaga? E, ano naman sa akin?!" "Wala lang. Sinasabi ko lang." tapos ay nginisian niya ako. "Kungsabagay, kahit magkalaman ka pa. Hindi din kita magugustuhan. Hindi kita type e." "Hah!!" napapiksi ako. "The feeling is mutual Allen. I don't like you also. Hindi din kita magugustuhan kahit ikaw na lang ang matirang lalake sa mundo." Tinawanan niya ako. "Pero aminin mo, kapag ako na lang ang naiwang lalake sa mundo matetempt ka pa rin na tikman ang yummy-ness ko. Ano?" Kinilabutan ako ng bonggang bongga. "GRABE!! The nerve!!" "Anong pinag-uusapan ninyo?" Parepareho kaming napalingon ng magsalita mula sa likod ko si Renz. S**t !! I know that voice. I know his scent. Nakakainis dahil kahit kilala ko na ang boses at amoy niya, kinikilabutan at kinikilig pa rin ako. Pinigilan ko ang sarili ko na langhapin ang mabangong mabango niyang scent. Nasalubong ko yung nang-iinis na tingin ni Allen. Napangisi na naman siya. Sinimangutan ko siya. Kampon ni Satanas!! "Wala Bro! Sinasabi ko lang parang nangangayayat nga itong si Rein. Sabi mo yun di ba?" Palihim akong kinindatan ni Allen. Pang-inis talaga!!!! "Ahh... Oo nga." naramdaman ko yung kamay niya sa balikat ko. Nagpa-palpitate ako. My God!! "May sakit ka ba Rein?" Pag-angat ko ng tingin sa kaniya ay ayun at nasalubong ko yung concern niyang mukha. Grabe!! Di kaya ng powers ko toh! Mabilis akong nag-iwas ng tingin. "Wa-Wala akong sakit." "Sakit sa puso baka meron?" ani Allen. Napasinghap ako. Nakakabadtrip talaga itong isang ito e. "Bakit? May sakit ka sa puso?" "May sakit ka sa puso?" react din ni Andy. Nagulat siya at nagtaka. Naniwala naman agad. "Hindi." napailing ako. "Wala. Wala akong sakit sa puso." Natawa si Allen. "Ahh.. akala ko totoo na." tinignan ng masama ni Renz si Allen. "Wag kang magbiro ng ganyan Allen." Natawa lang siya. "Sorry. Joke lang yun, syempre." Tinignan ko siya ng masamang masama. Kapag hindi ako nakapagpigil ay sasapakin ko na ang isang ito.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD