Page 4 - Interview

2333 Words
PAGE 4       Interview Nasira na ang araw ko. Sinira na talaga ni Allen. Hindi ko talaga maintindihan kung anong problema ng isang iyon sa akin e. Ang malas ko talaga! Bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng makaalam ng lihim ko ay siya pa? Haist!! Napabuga ako ng hangin. Sumakay na ko ng elevator at naramdaman ko na may taong nakasunod sa akin. Pero dedma ako. Bad trip ako ngayon. Pinindot ko yung number nung floor na pupuntahan ko. Pupuntahan ko ngayon si Dennis Escaner para sa interview. Nauna na sa akin si Andy sa suite. Nakababa lang yung tingin ko. Tinitignan ko yung sapatos ko na para bang iyon ang pinakamagandang bagay na meron ngayon. Haist!! Narinig ko yung mahinang pagtikhim nung taong kasabay ko sa elevator. Napakunot noo ako pero hindi pa rin nag-angat ng tingin. Uso ubo ngayon? Nang muli siyang tumikhim ay nag-angat na ko ng tingin. Napalingon ako sa kaniya. Nagulat ako ng mapagsino iyon. Hindi ako nakapagsalita. Natawa siya sa reaction ko. "Para kang nakakita ng multo." Napakurapkurap ako. Tumunog yung elevator na nagsasabing nasa pakay na floor na ako. Unang lumabas siya tapos ay tinignan ako. Tulala ako sa kinatatayuan ko. Biglang tumunog uli yung elevator at gumalaw yung pinto para sumara na uli. Natauhan ako. Bago ko pa naiharang ang sarili kong katawan para madetect nung pinto ay mabilis naman niyang iniharang ang braso niya sa pinto. Hindi nga sumara yung pinto. "Hey! Lets go?" Aniya sabay senyas sa akin. Atubili akong sumunod at lumabas na ng elevator. Bakit ako natulala? Hello? Dennis Escaner lang naman ang nakasabay ko sa elevator. "Akala ko nakalimutan mo nang ako yung i-interviewhin mo ngayon." nakangiting aniya pagkalabas ko ng elevator. Nagtatakang napatingin ako sa mukha niya. "Hah? A-Alam mo na ako--?" "Of course alam ko." ngumiti siya. "Paano?" Napangiti lang siya. "Doon tayo sa suite ko. Tara?" Nagpatiuna siya sa paglalakad. Lalong lumalim ang pagtataka ko. Sumunod na ko sa kaniya. Ang gwapo niya kahit nakatalikod e. Hindi yata ako masasanay sa ganitong sitwasyon. Sandali! Ganito din ba ang feelings kapag nandyan si Renz? Parang iba e. One on one ang interview kaya naabutan ko sa labas ng pinto si Andy. Nagulat nga siya ng makitang magkasabay pa kami na dumating ng iinterviewhin ko. Sinenyasan ko lang siya. Tapos ay deretso na kong pumasok sa suite ni Dennis. Sobrang luwang nung suite. Ang ganda din ng interior design. Magarbong magarbo. "Please sit down." ani Dennis at isinenyas sa akin yung mahabang couch sa tapat ng malaking LCD TV ng suite. First class ang ganda ng suite na ito. Atubili akong sumunod sa sinabi niya. Nang maupo na siya sa pang-isahan na couch malapit sa akin ay inilabas ko na yung notepad ko, ballpen at ipinatong ang dala kong recorder sa may lamesita. "You wouldn't mind if I record?" Sinulyapan ko yung mukha niya. "Your asking me that now?" Tumango siya. "Okay. Do as you please." Namula ako. Hehe.... In-on ko na yung recorder. "Ahem," tumikhim ako para tanggalin yung bumabarang laway sa lalamunan ko. Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? Nagwawala yung sikmura ko sa kaba. Napabuntung hininga ako. Tumingin ako sa kaniya. "Should i introduce myself first? Alam ko po na kilala niyo na ako--" "No need. Ms. Rein. Kilala na kita." he showed his sweetest smile. It melts me away!! MY GAHD!!! Napatikhim uli ako. "Okay." Gather yourself Rein! Focus! Binasa ko itong notepad ko. "So, how do you like your future bride to be?" Ngumiti siya. Lumabas tuloy yung yung maliit na biloy sa bandang ilalim ng kanang bahagi ng kaniyang labi. "I like her to be pretty. Hindi lang sa tuwing may okasyon. I wanted to wake up in the morning and see her beautiful face beside me and greet me." Lihim akong napangiti. Most guys naman. "Yun lang po ba ang criteria niyo sa selection na ito?" Medyo natawa siya. "Lets drop first the honorifics. Nakakaasiwa kasi. Feeling ko sobrang tanda ko naman sa 'yo. Ilan taon ka na ba?" "Twenty five. Going twenty five." "Uhm... pwede na rin." Lihim akong nasamid. "Sige. Lets drop the honorifics. As i was saying, yung maganda lang ba ang pipiliin mo sa selection na ito?" "Of course not. This is a dating game. I'd like to know the person better before deciding. Ganun naman dapat di ba?" Tumango ako. "Okay." Note. Note. Note. "Wala ka bang girlfriend?" mabilis akong nag-angat ng tingin sa mukha niya. "Girlfriend, you mean a girl that is my friend or someone i see romantically?" nagsmile uli siya. "I do have lots of girl friends but romantically dating, none." "Yung humor na deni-date mo ang isang sikat na artista. Hindi yun totoo?" "Ahh..." natawa siya. "Yun ba? Were just friends. Hindi showbiz answer yun. And partly business. Nililigawan ko kasi siya na lumipat sa TV Station namin." Tsk. Showbiz pa rin. Ano pa nga ba. Hawak ni Dennis ang TV Station na pagmamay-ari ng mga Escaner. "I really don't do dating. Ang totoo, all this to me is new." Tinignan ko siya. Yah! Hindi mahirap makahanap ng girl ang isang ito. Malamang sa siya pa ang nililigawan. Tumikhim ako. "Ummm... " tinignan ko siya sa mata. Kahit sobrang hirap. "Bakit ka pumayag sa Event na ito?" Ngumiti siya. "It's for my benefit. My grandfather ask me to do this." Natigilan ako saglit. "Ang gawing kompetisyon ang pagpili sa mapapangasawa mo? How could that benefit you?" "Then i would know whos worthy of my love." I was taken aback. Napakurap ako. "I am, you know, the First Heir Prince of Escaner Legacy. I want the highest type of woman i could find." Napaawang ang mga labi ko. Super confidence? Reality? Napalunok ako. "You like competition? Mahilig ka ba sa sports?" "Slight. Life for me is a series of competition. Sa business. Sa life. Sa love." "Paano naging competition ang love? You said you never do the dating stuff. " nag-isip ako. Ang alam ko kasi sa love is yung something that could conquer all things. "May competition sa love. You compete to win your love. At least, thats what i believe. Love doesn't exists without competition. Kapag may mahal ka, at yung mahal mo ay may mahal na iba. You compete to win your love's affection. Sa isang tabi may isang tao din na nagmamahal sa yo na nakikipaglaban para makuha naman ang pansin mo." "Like, love triangle?" ani ko. Alam ko ba yun? "Its a series of chained love pyramid. Na-imagine mo ba iyon?" nangiti siya. Napaisip ako. "Why would you want to compete for love?" "Coz, it's worthy. To fight and win over love. Its fullfilling. The very reason, boys court girls is because love worth a fair fight." Napahugot ako ng hangin. "So you want them to compete for your love and find whos worthy of you. Bakit hindi ka na lang mamili ng isa sa kanila and date?" "Yun nga ang magaganap." "Meron ka na bang napili sa kanila?" "I'm searching for her." Napakurap ako. Ang gara namang kausap nito. Naguguluhan utak ko. "So your very certain na isa sa mga girls na narito ngayon ang hinahanap mo?" "Very certain." Tumango ako. ***** Lobby floor. Tulala ako papalabas ng elevator. Nagtatakang nakasunod sa akin si Andy. "Anong nangyari Rein?" nagtataka niyang tanong. Huminto ako at bahadya siyang liningon. "Do you compete to win somebodies affection?" Nagsalubong ang mga kilay ni Andy. "Hah? Compete? Hindi ako nanliligaw sa lalake." Napabuga ako ng hangin. Tumingin ng deretso sa daan at naglakad. Lutang ang utak ko e. Competing to win someones love and affection. Should that be enough and worthy. Paano kung naka-tied na siya sa iba? Will you still fight to win kahit na alam mo na dehado ka sa laban? Masyado yata akong nadala sa usapan. Nalilito na ako. Kahit kailan ay hindi ko naisip na competition ang love. Ang alam ko lang kasi ay kusa iyong dumadating sa tamang oras at pagkakataon. At sa tamang tao. Pero, come to think of it. Kung hihintayin mo lang na dumating yung tamang oras, yung tamang pagkakataon, yung tamang tao. Baka maubos naman ang panahon mo sa paghihintay. Dapat ka ring gumawa ng paraan. "Bakit? Ano bang nangyari sa itaas?" nagtataka itong si Andy. Umiling ako. "Nothing." Naglakad na kami papalabas ng hotel. ***** All cameras ready and rolling. Kahit madilim na ay punong puno pa rin ng liwanag yung bahaging iyon ng beach. May malakas na speakers din na nakaset up. Invited ang isang kilalang banda para magperform. Sa di kalayuan ay may malking bonfire din na nakaset. The first party the Selected girls will attend. Iba ito sa naging event nung nagdaang gabi na in-announce ang official nilang pagiging kandidata para sa position ng pagiging asawa ni Dennis Escaner. This party is exclusively para sa mga Selected at kay Dennis. Their chance to make an impression to the Prince. Bakit beach party? Kasi mahilig mag-clubbing itong First Heir Prince. Nakita ko naman yung presence ni Ms. Marielle at Vincent. Nandun din yung gwapong bodyguard nila, si Andrew. Nasa gilid lang ako ng venue. I'm not really into this kind pero isa ito sa mga kailangan kong gawin. Mabuti na lang at nandyan si Andy. I can leave early. I was observing and i am hoping na may something na mangyari. Ang sama ko. Haha.... syempre.... kailangan ko ng something para maisulat. No thrill kung wala man lang mangyayaring anuman. I tried to get pamilyar dun sa mga girls. Maliban kay Thessa na medyo ka-close ko na ay nakikipag-friends na rin ako dun sa iba. Kailangan e. Lumabas ako ng lugar at sumagap ng hangin mula sa labas. Nakaka-suffocate yung init sa loob e. May mga guest din na i believe ay friends nang mga Escaner. Napahinga ako ng malalim. "You okay?" Gulat akong napalingon sa boses na iyon. Medyo hindi ko siya namukhaan agad kasi nanggaling siya dun sa madilim na part ng venue. Nang makalapit siya ay saka ko lang nakita yung mukha niya. Si Andrew. Huminto siya sa tapat ko. Nakapamulsa ang mga kamay. "I'm okay. Medyo nakaka-suffocate lang yung init sa loob." umiwas na ako ng tingin. "You don't like parties?" Nagkibitbalikat ako. "Hindi ako nandito para makiparty. I'm here for work." "Yeah. You always say that." Tinignan ko siya. Kunot noo. "You always say that your here for work. Bakit hindi mo i-try i-enjoy yung pagkakataon?" Umiling ako. "Why?" Napapilig ako ng ulo. "I don't like." tumalikod na ko at humkbang palayo. Hindi naman siya sumunod. Pagsilip ko sa loob nung party, nakita ko si Dennis Escaner na napapalibutan ng mga girls. Nagkibit balikat ako. Lumapit ako dun sa may bonfire at naabutan dun ang isa sa Selected. Si Casey. "Mind if i join you?" agaw pansin ko sa kaniya. Lumingon siya agad at tumango. Naupo ako sa tabi niya. "Here." Inabot niya sa akin ang isang bote ng light na drinks. Napangiti ako. "Nag-sosolo ka dito." "Masyado silang crowded dun e." aniya sabay kibitbalikat. "You don't like that?" "I go clubbing but wala ako sa mood ngayon e." "I see." "Your one of the media right?" "Yes." "Hay! Ang sarap naman ng trabaho na yan. Gusto ko ding maging reporter dati pero ayaw ng Daddy ko kaya nauwi ako sa pagpapatakbo ng business." "Your into business? What kind?" "A clothing line brand." Tumango ako. "I do modelling also." ngumiti siya and its a perfect beautiful smile. She's beautiful. "Halata. Your very pretty." nakangiting ani ko. "Thanks." Tumawa siya. "But i really don't like being too pretty. Nakakasawa na rin." Medyo napaismid ako dun. Yabang lang. "I know its kinda irritating. Nakakainis talaga ako madalas." tinawanan niya ako. "Don't get me wrong." "Okay lang. Sabi ko sanay na ko." uminom siya dun sa drinks niya. "Those girls. They told me earlier that they don't like me and that i'm no good for this competition. Who are they to tell me that. They are just gold diggers pretending to be nice." "Hindi naman siguro lahat." "Siguro." natawa siya. "Pero after meeting Dennis Escaner, you would know that this competition is nothing but a fraud game. Para lang mapag-usapan sila. Para lang sumikat sila." "Its business." "Yeah. All are business." "Why are you here then, Casey?" "Tinatakasan ko ang Daddy ko." Gulat akong napatingin sa mukha niya. "I'm into an arranged marriage with someone i don't know. Tinatakasan ko ang Daddy ko dahil ayaw ko pang magpakasal.When the invitation arrived i grab the chance instantly. Atleast, kung isang Escaner ang makatuluyan ko. Kung sakaling magustuhan niya ako ay hindi ko na kailangan na magpakasal sa isang lalakeng di ko kilala." Natahimik ako. "Dennis is not a bad catch." ngumisi siya. **** Napabuga ako ng hangin habang mabagal na naglalakad pabalik ng cabin ko. Pagod na ko. Pagod na rin ang utak ko.. Madilim ang paligid maliban sa stone path na nilalakaran ko na siyang tanging naliliwanagan ng mga light posts. Malapit na ko sa cabin nang makarinig ako ng mahihinang ungol. Kinilabutan ako. Napahinto. I looked around. "Ano yun?" mahinang bulong ko sa hangin. Paghakbang ko ay lalong lumakas yung ungol. May narinig na kong boses. "Wait lang. Dun tayo sa cabin niyo hah. wait!" Nanlaki ang ulo ko narinig. Pagbaling ng tingin ko sa may cabin ay may nakita na kong silohuette ng dalawang tao. Katabi ng cabin ko. Cabin nina Renz. Napakurap kurap ako at sinanay ang mga mata sa dilim. They were.... pasionately kissing. Infront of the cabin. Napalunok ako at nag-init ang buong pakiramdam. Sh**t!! This was different. Yung lalake yung nakapako sa haligi nung cabin at yung girl yung aggressively kissing. May gumuhit na mapaklang ngiti sa labi ko. I saw him lift his gaze and I'm pretty sure he saw me. Si Allen. Such a woman beast. Umiwas na ako ng tingin at lumakad paderetso sa cabin ko. Walang lingon likod. Nakakatawa. Bakit ba kailangan kong makita yun? Napailing ako sa sarili ko. Love. It was all fictional.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD