PAGE 5
Birthday
Abala ako sa pagta-type. As in, dedma sa mga nasa loob ng restaurant at narito ako sa paborito kong spot. Nasa malayong mesa sina Thessa, Casey, Nyla at iba pang Selected na ka-close na nila.
Napahinga ako ng malalim.
Nakasuot sa isang tenga ko yung head phones ko. Nakikinig ako ng music.
Nahinto lang ako nung may humila sa upuang nasa tapat ko at naupo doon. Nag-angat ako ng tingin.
"Busy?"
Napaarko ang mga kilay ko.
Hindi ko maiwasang mapatitig sa mga mata niyang malalim kung makatitig. It was deep brown. Ang ganda.
Parang pamilyar sa kin ang mga matang yun.
"Bakit?"
Si Andrew. "Nakaistorbo ba ako?"
"Hindi naman. Bakit ba?"
Ayokong maging masungit. Pero masungit talaga ako. Natural na yata sa akin ito.
"I wanted to see the pictures at footage nung last event."
"Hah?!" nabigla ako. "Bakit?"
"I need to see it. Ichi-check ko lang."
Pinagtaasan ko nga ng mga kilay. "Why? Private documents namin ito. Why would i let you see it?"
"Coz, i'm responsible for the safety of the Escaner heirs. Gusto kong makasigarado na wala kang nakuhang anuman na magagamit against them."
Napabuga ako ng hangin. Tinanggal ko yung ear piece sa tenga ko at napasandal sa inuupuan ko.
"I'm not like that."
"Then let me see it."
"Ayoko, dahil documents namin ito. May autorization ka ba para gawin ito? Kahit sabihin mo na bodyguard ka ng mga Escaner i still have my press freedom here."
Napapiksi siya.
"What? Ipakita mo sa akin ang autorization letter mo o job description mo so i can see." Mataman ko siyang tinitigan.
"We go ask Ma-- Ms. Marielle. Yung coordinator ng event."
"Alright!"
*****
[3rd person's POV]
"Ahhh..." nagbuckle siya sa pagsasalita. Matamang nakatingin sa kaniya si Rein. Naghihintay ng isasagot niya. Nakaupo sina Dennis, Vincent at Andrew sa may couch sa likod lang ni Rein.
And i why do i have to be in this situation hah?! Sa isip isip niya.
"Right. I believe its one of Andrew's job description." pilit siyang ngumiti. "But, okay lang. You can take your time at kahit yung report na lang yung i-present mo sa amin. May tiwala naman ako sa kakayahan mo Rein."
Napatango si Rein.
"Sorry Rein, kung medyo na-pressure ka niya." tinapunan niya ng masamang tingin si Andrew. "I'll talk to him. You can now go back to your work. "
"Okay. Thanks po." Kiming ngumiti si Rein at tumalikod na. Tahimik siyang lumabas ng office.
Mahigpit na hinawakan ni Marielle yung ballpen na nasa kamay niya. Napatayo siya at umakmang babatuhin si Andrew pero naunahan na siya mga pinsan niya.
"WOHOH!!! Adik si Andrew!!!"
Malakas na tawanan ang pumuno sa buong silid.
Sound proof naman ang office na ito kaya very sure sila na hindi na sila maririnig ng sinuman sa labas.
Biglang binato nina Vincent at Dennis ng throwpillow si Andrew. Hindi naman nakaiwas yung huli. Natawa si Marielle at nakisabay sa tawanan nung dalawa.
"S**t!! Tumigil nga kayo!!" sansala ni Andrew sa mga kasama.
Lumapit si Marielle at binigyan ito ng mahinang batok. "Ipapahamak mo pa talaga ako hah! Anong bodyguard ka ng Escaner Heirs?! Kalokohan mo!!" Natatawa siya.
"Hindi ko naman ideya yun. Si Vincent ang nagsabi." protesta ni Andrew.
"At pinanindigan mo naman. Haha..." tumawa ng malakas si Vincent.
Umismid si Andrew. "As if pwede kong ireveal na Escaner ako."
"Paano na lang kung malaman niya ang apelyido mo? Escaner ka." si Marielle. Napahalukipkip ito.
"She wouldn't know unless someone will tell her. Don't pick on me because of this." namula si Andrew.
Natawa lalo sila.
"Guess my little brother is inlove hah." nakangiting react ni Dennis. "Naunahan mo pa ako."
Naupo si Marielle katabi ni Andrew.
She was close to them. Sa lahat naman ng pinsan niya e. Pero first time na nakita niya ang side na ito ni Andrew. Masungit kasi si Andrew. He was the Second Heir Prince and the cold one. Ngayon lang nangyari na may babaeng napagtuunan ito ng pansin at openly.
"Paano yan? Mukhang mahirap ligawan ang isang yun. Medyo bitter sa guys." aniya.
Magreact agad si Dennis. "Who said? I think she's soft inside too. Bakit pala hindi siya kasama sa Selected? I'll date her."
"Shut up!!" nagalit agad si Andrew.
Tawanan uli.
"Oi, possessive na agad. Ligawan mo na agad habang nandito pa tayo sa isla." react ni Vincent. "Bago pa kita maunahan."
"Kayo talaga." si Marielle. "Once in a blue moon lang mainlove si Andrew. Ginaganyan niyo pa. Humanap kayo ng sarili ninyong lovelife. Mga, playboy kasi kayo." tinapik niya sa balikat si Andrew. "Andrew, goodluck!"
Nagkatawanan uli sila.
*****
[Rein's POV]
"Nakarinig ako ng mga usap-usapan."
Napalingon ako kay Andy ng magsalita ito. Nasa may beach kami. Nakatanaw kina Dennis at Casey as they are in their first date dito lang naman sa Isla.
Lahat ng fifteen girls ay bibigyan ng chance to get close to the First Heir Prince sa isang date. Si Casey ang pansampu sa date.
They were walking along the beach side holding hands. Dennis was a gentleman. Pero ganun lang naman ang magaganap. Nakakabored na manuod. Hindi namin naririnig ang pinagkukwentuhan nila.
Back to the conversation.
"Anong narinig mo?"
"That Casey's engaged na."
"Alam ko na yun."
Nabigla si Andy. "Alam mo? Paano?"
"She told me. Kaya daw siya nandito ay para takasan ang Daddy niya at yung arranged marriage."
"Hah? Talaga? Pwede ba yun?"
"Anong pwede ba yun? Hindi pa siya kasal. She's still single."
"Kungsabagay." Nagkibit balikat si Andy.
Napabuga ako ng hangin.
"Andy, mag-iikot lang ako sa isla hah. Nakakabored kasi dito." sabi ko pero tinalikuran ko na siya at lumapit dun sa nirent ko na Japanese bike. Medyo may kalyuan kasi itong beach sa may resort kaya kailangan ng masasakyan. Although kaya din lakarin pero mas mabilis kung magbabike o wheels.
"Babalik ka pa ba dito?"
"No. Kita na lang tayo sa hotel mamaya." Bahadya ko siyang nilingon. "Keep an eye on them."
"Tss. Oo na." tumango siya. "Ingat ka."
"'Kay!" Sumakay na ko sa bike at nag-start na magpadyak paalis.
Hindi naman mabilis ang pagba-bike ko. Nasa gilid ako ng daan at ini-enjoy ang pagkakataon.
Malamig yung hanging dumadampi sa balat ko. Mainit yung sikat ng araw pero dahil sa matataas na punong kahoy sa paligid at malalago nitong mga sanga at dahon, hindi mo na masyadong mararamdaman ang init.
Ang sarap talaga ng simoy ng nature. Ito ang gustong gusto ko sa trabaho ko e. Nakakarating ako sa mga magagandang places.
Deretso lang ako sa pagbabike. Nilagpasan ko lang yung resort. Alam ko na may maliit na bayan dito pero sa ilang linggo na narito ako ay hindi oa ako nakarating doon kasi on-hand ako sa pagbabantay kay Dennis Escaner.
May ilang oras lang at nakalabas na ako ng boundary ng resort. May malaking arch na gate na nasa daan tanda ng pagpasok at paglabas mo sa resort. At dahil nag-eenjoy ako sa nature tripping ko, hindi ko pansin na sobrang layo na nang narating ko. Hanggang marating ko yung bayan.
Saglit akong huminto para tumingin sa paligid.
Marami ang tao.
May pamilihang bayan at plaza.
Umikot ako. Nakakita ako ng mga kainan at maraming tindahan. Tipikal na bayan nga. Nakangiti yung mga tao kapag nakakasalubong ako. Parang kilala nila ako. Yung mga bahay, iba iba ang design. May tipikal na bahay ng Pinoy. Gawa sa kahoy yung iba at gawa sa semento ang ilan. Sa bakuran nila ay may mga nakatanim na mga iba't ibang halaman at bulaklak.
May nakita ako sa malayo na isang malaking simbahan. Nasa tuktok yun ng isang mababang burol.
Huminto ako nung nasa paanan na ako ng burol at pinagmasdan muna yung simbahan. Mabuti na lang at dala ko yung phone ko kaya nag-take din ako ng mga pictures sa lugar. Naka-ilang shot lang ako tapos ay nakita ko nang na-drain yung cellphone power ng cellphone. Automatic yung nag-off.
"Tsk. Nakalimutan kong mag-charge." Bulong ko sa sarili ko saka itinago ang phone. Umakyat na ko papunta dun sa simbahan.
Pre-Spanish yung design nung simbahan. Ang lakas maka-turn back to history ang feeling. Nang pumasok ako sa loob ay mas lalo lang akong nahanga.
Like, paano nila na-reserve ang ganitong klase ng lugar. Sa history channel ko na lang kasi nakikita ang ganitong design. Nakarating na rin naman ako Sto.Domingo Church o sa San Agustin pero mas maganda dito, promise.
Sayang. Low bat na ko. Hindi na ko nakapag-picture.
Sa susunod na lang. Babalik ako dito. Sa isip isip ako.
Nagpalipas ako nang mahabang oras sa loob ng simbahan.
Nang palabas na ako ay may sumalubong sa akin na isang matandang babae.
"Hija, bili ka ng sampaguita." sabi nung matanda. Malinis naman siyang tignan at malakas pa.
"Ah, sige po." Humugot ako ng pera sa maliit na pouch bag ko. "Lola, fifty pesos po ang meron ako dito."
"Aba'y bente na lang ito, hija. Wala na akong panukli."
"Okay lang po." Inabot ko na yung pera sa kaniya at ibinigay niya sa akin yung sampaguita. "Wala ho ba kayong kasama Lola? Dapat ay nagpapahinga na po kayo at di nagtatrabaho."
"Wala kasi akong ibang pamilya hija. Mag-isa lamang ako sa buhay." may bumakas na lungkot sa mga mata niya.
Kimi akong napangiti. Sabi ko nga dapat di na ko nagtanong.
"Malungkot ang mag-isa hija. Kaya ikaw habang maaga pa ay hanapin mo na ang taong nakalaan para sa iyo."
"Lola, di ba po hindi po hinahanap yun? Kusa po yung dumadating kapag itinakda ng pagkakataon."
Para siyang natawa sa akin na walang sound. "Akala ko din ay ganun pero hindi din pala. Sa pag-ibig ay kailangan mo ding mag-laan ng oras at panahon para hanapin ang nakatakda sa iyo. Dahil minsan ay nasa harap mo na lamang siya pero hindi mo pa rin nakikita dahil sa hinihintay mo ang tamang pagkakataon. Akala mo ay darating iyon pero sa paghihintay mo malalaman mo maaari at posibleng nalagpasan mo na siya dahil sa malayo ka nakatingin." Ngumiti siya sa akin. "Akin na ang kamay mo."
"Hah?!" alanganin akong tumalima sa kaniya. Inabot ko yung malaya kong kamay.
Tinignan niya ang palad ko. Matagal. Inaanalisa.
Nag-make face ako.
"Nasa malapit na ang nakatakda para sa 'yo hija. Nakikita ko sa guhit ng palad mo na malapit mo nang makilala ang nakalaan para sa iyo."
"Totoo ho?" wala sa loob na sabi ko.
"Kung bubuksan mo ang puso't isip mo ay makikita mo siya. Huwag mong hintayin na mawala siya sa yo. Wag mo ring hayaang palagpasin ang pagkakataon kapag dumating ito. Hindi mahalaga ang masaktan ka dahil sa pag-ibig, hindi pwedeng hindi ka masaktan. Sa ganun mo malalamang nagmamahal ka na."
Napangiti ako ng pilit.
Hindi ako naniniwala sa hula e. Mas lalong hindi ako naniniwala sa ganun.
Kapag pala nagbayad ka ng sobra sa isang matandang nagtitinda ng sampaguita ay may libre kang fortune telling. Haha....
"Maniwala ka sa akin, hija. Mangyayari ang nasabi ko." binitiwan na niya ang kamay ko ng marahan. "May magandang pamahiin sa lugar na ito, alam mo ba yun?"
Umiling ako. "Hi-Hindi po. Ano po yun?" Tanong pa kasi ako ng tanong.
"Kapag magkasama kayo ng taong nakatakda sa yo sa simbahang ito at umulan habang maaliwalas ang panahon, magsasama kayo ng masaya at habambuhay." Ngumiti siya.
Ngumiti rin ako. "Ah.. sige po. Tatandaan ko po ang mga sinabi ninyo. Salamat po."
"Walang anuman hija. Salamat din sa pagbili ng sampaguita ko. Makakauwi na rin ako."
"Sige po. Ingat po kayo."
"Ingat ka rin."
Lumakad na siya papunta sa simbahan.
Saglit lang at nang lumingon ako.
"Hah?!" Tumingin ako sa paligid. "Nasaan na yun? Ang bilis naman maglakad nun?"
Hindi ko na kasi nakita yung matanda. Wala na rin akong nakitang tao sa paligid. Napakamot tuloy ako sa pisngi ko sa sobrang pagtataka.
"Imagination ko ba yun?" Pero tinignan ko itong sampaguita sa kamay ko.
Kinilabutan ako. "Eehhh.... kakatakot." I shrugged.
Bumalik ako sa may simbahan at iniwan dun sa may altar yung sampaguita. Ayoko yung dalhin pabalik ng resort at baka may "something" yun. Kakatakot.
Pababa na ako ng burol mula sa simbahan. Naglalakad ako at akay-akay yung bike na dala ko. Deretso lang ang tingin ko. Hindi ko napansin ang isang paparating na bisikleta sa may intersection na daan. Hindi ko rin naman talaga agad mapapansin iyon dahil mabilis ang takbo nun deretso sa pwesto ko at walang kontrol.
Narinig ko na lang na may sumisigaw.
"TABI! TABI!!!" anang malakas na boses.
Napalingon na lang ako. Nanlaki ang mga mata.
Sa isang iglap ay nabitiwan ko yung bike ko. Sumemplang siya sa malapit sa akin at ako naman ay pabagsak na napa-upo sa magaspang na daan.
"Aww...." Napangiwi ako bg sobra. Umupo ako tinignan ang kanang siko ko na duguan. Kumirot iyon nang sobra.
Mabilis na nakatayo yung lalakeng nakabangga sa akin. Linapitan niya ako.
"Miss, okay ka lang? Sorry. Sorry." aniya saka ako dinaluhan at hinawakan sa braso.
Napapitlag ako sa gulat. "WAG!!" Sansala ko sa kaniya.
Napaatras ang kamay niya at gulat siyang napatingin sa mukha ko. "Rein?"
Nabigla ako nung nakilala ko siya. "Renz? Anong ginagawa mo dito?!"
"Anong?" Napailing siya. "Halika." Inalalayan niya ako na makatayo. "Nasugatan ka. May nakita ako na malapit na ospital doon. Halika na."
Sa may ospital.
Maingat na ginamot nung nurse yung gasgas ko. Mau natamo din na sugat si Renz pero mabilis din na nagamot iyon.
"Hindi ka ba napilayan?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Sumemplang siya kanina di ba? Masakit iyon. Baka may nakuha siyang injury na hindi niya sinasabi.
"I'm okay. Walang masakit sa akin." aniya at ngumiti. "Ikaw? Yan lang ba ang masakit? Wala nang iba?"
Umiling ako.
Tinignan ko ang mukha niya habang sinisipat naman niya yung nililinis na sugat ko nung nurse.
"Bakit nandito ka sa bayan?"
"Hah?!" nilingon niya ako. "Namasyal lang ako. Tapos kanina, nasira yung preno nung bike ko kaya nangyari yun. Sorry nga pala."
Pilit akong ngumiti. "Nagulat ako sa yo kanina kaya hindi ako nakakilos."
"Sorry." Naupo siya sa tapat ko. Nakabend lang ang mga tuhod. Ginagap niya ang isa kong kamay na nakapatong lang sa lap ko. "Actually, hinahanap kita kanina. Tumawag kasi si Allen na wala ka pa sa resort. Nagpunta ka daw dito."
"Hah? Hinahanap ako ni Allen?" nagtaka naman ako ng husto.
"Sabi daw kasi ni Andy na kanina ka pa wala."
"Anong oras na ba?" Pagtingin ko sa may labas ng bintana ay madilim na.
"Mag-se-seven na."
"Ahh... wala kasi akong orasan. Tapos low bat pa yung phone ko."
Hindi ko na namalayan ang oras. Ilang oras ba akong nagtagal sa simbahan?
Napakunot ako ng noo.
"I'm glad i saw you. Pero nasaktan ka naman dahil sa kapabayaan ko. Sorry."
"Okay lang, Renz. Paulit ulit naman. Unli lang?" tinawanan ko siya at pasimpleng inalis ung kamay ko mula sa pagkaka-gagap niya.
Nang matapos na akong gamutin nung nurse ay magkasabay na kaming bumalik ng resort. Nagtricycle na kami.
****
****
Pagbungad pa lang namin sa lobby ng hotel ay nakasalubong na agad si Andy. Nag-aalala siya.
"Rein? Saan ka nakarating? Nag-alala ako sa yo ah." naluluha pa yung mga mata ni Andy.
Tinawanan ko siya ng walang sound. "OA naman nito. Sa bayan lang ako nagpunta. Hindi naman ako maliligaw ah."
"Kahit na. Hindi kita makontak e."
"Low bat na ko."
Lumapit sa amin si Allen. Seryoso ang mukha.
"Ikaw. Kakausapin kita."
Pinagtaasan ko nga nang kilay. "Bakit?" Tinignan ko silang dalawa. "Anong drama niyong dalawa?"
"Ah... anu kasi--" nahihiyang nagbaba ng tingin si Andy.
"Naghanda sila ng party para sa birthday mo." narinig kong sabi ni Renz na nasa tabi ko.
Napalingon ako sa kaniya. "Hah?! Birthday?!" Nahulog ako sa malalim na pag-iisip.
Anong petsa ba ngayon?
Hanggang sa naalala ko nga.
Shete!! Birthday ko nga ngayon.
"Ah... Oo nga. Birthday ko nga ngayon." wala sa loob na wika ko.
"BIRTHDAY MO KINAKALIMUTAN MO?!!" malakas na bulyaw ni Allen sa akin.
Mangha akong napatingin sa kaniya.
Namumula siya sa galit.
Nakita ko na naglalakad sa lobby sina Ms. Marielle, Dennis, Vincent at Andrew.
Pailalim kong tinitigan si Allen. "Pwede ba? Wag kang gumawa ng eksena dito. Nakalimutan ko lang naman na birthday ko ah. Ano naman sa yo?"
Walang anu-anong hinigit niya ako sa braso.
Nabigla sina Andy at Renz.
"Napaka-insensitive mo rin noh!!" mariin niyang bulyaw. "Wala lang sa 'yo? Concern kaming lahat sa'yo dito. Hindi mo nakikita?"
Napangiwi ako sa sakit.
"Kalma lang Allen. May sugat si Rein sa siko niya." pinigilan ni Renz si Allen at bahadyang itinulak.
Tinignan ni Allen yung siko ko na may bandage. E, hawak niya ako sa brasong iyon.
"ARAY LANG HA!!" marahas kong binawi ang braso ko. "Ang OA mo hah!"
"May problema ba dito?" curious na tanong ni Ms. Marielle nang husto na silang nakalapit sa amin. Tinignan niya ako. "Anong nangyari sa yo Rein?"
Nahihiyang napatingin ako. "Ah... Ano po. Konting aksidente lang po. Wala po ito."
"Kasalanan ko. Nabangga ko kasi siya." si Renz.
Pinigilan ko siya na magsalita pa. "Wala kang kasalanan. Ano ba? okay lang ako." Tumingin ako kina Ms. Marielle. "Okay lang po talaga ako."
"Birthday mo ngayon di ba? Naghanda ang mga kasama mo para magcelebrate." si Dennis iyon. Matamang nakatingin sa akin.
Pilit akong ngumiti. "Oo nga. Birthday ko. Tara. Kain na tayo." Binalingan ko si Andy. "Tara?"
****
Sa may restaurant. Nandoon na yung mga kasamahan ko sa project. Naghanda sila Andy ng mga pagkain para sa pagsalosaluhan namin. Present sina Ms. Marielle at Escaner Heirs.
Naupo ako separate sa kanila at kasama si Andy.
"Hindi mo tinignan ang schedule mo ano? Nakalimutan mo na naman na birthday mo ngayon."
"Oo. Di ko nga nakita yung schedule ko. Sana di mo pinaalala sa kanila." sinimangutan ko siya.
"Hindi naman ako yung nakaalala. Si Allen."
"Si Allen?" Nagtaka ako.
Ang weird naman nun. Hindi naman nakekeelam sa kin yun dati pero ngayon.... ang weird talaga.
Napailing ako.
"Akala ko ba magaling ka na? Bakit nakalimutan mo na naman ang araw ng birthday mo?" nakasimangot na ani Andy.
"Stress ako kaya ganun. Wag mo ng gawing malaking issue ito."
"Ang hirap naman kasi." umingos siya. " Yung recorder mo? Dala mo ba palagi? Baka mamaya nakalimutan mo na rin."
"OA nito talaga! Dala ko. Lagi ko yung dala dala. Okay."
"Hindi ka ba nahihirapan?"
"Bakit?"
Huminga siya ng malalim. "Araw araw paggising mo sa umaga hindi mo naalala ang nangyari sa yo the day before. Di ba parang ang hirap nun."
Tinitigan ko siya.
Kita ko sa face niya ang totoong pag-aalala sa akin. Siya lang naman ang nakakaalam ng sitwasyon ko na ito.
Napabuntung hininga ako ng malalim.
"I'm okay Andy. Wag kang mag-alala. I've been like this for many years. Okay naman ako. Isolated case ito. Saka, hindi ko na naman sini-celebrate ang birthday ko matagal na e." Nginitian ko siya. "Please, wag mo na lang itong ipaalam sa iba hah."
Napa-release siya ng hangin. "Ano pa nga bang magagawa ko?"