Page 6 - Nakalimot

4166 Words
PAGE 6       Nakalimot Tinawag kami ni Ms. Marielle at pinalipat sa isang mahabang mesa na sinet-up nila. Nakapaikot ang lahat ng staff na kasama namin sa event na ito at nag-uumapaw ang pagkain at inumin sa mesa namin. Fiesta talaga. Napalunok ako. Hindi naman siguro ito nakahanda para lang sa akin. Nakakahiya naman. "Ms. Marielle." tawag pansin ko nang maupo ako sa tabi ni Ms. Marielle. Nakangiting tumingin siya sa akin. "O, Rein? Enjoy ka ba hah?" "Thank you po. Hindi naman kailangan mag-abala ng ganito. Nakakahiya po sa inyo." Tinawanan niya ako. "Okay lang Rein. I was really planning of something like this. Sa atin lang. Pasasalamat ko na rin sa inyong mga nagko-cover ng event na ito. Alam ko naman na hindi ito madali di ba?" Pilit akong ngumiti pabalik. Actually, hiyang hiya pa rin ako. Bakit naman kasi kailangan na isabay sa birthday ko. Nakakahiya talaga. Sana hindi na lang nila nalaman ang birthday ko. "Mabuti nga at birthday mo pala. Happy birthday hah. Saka na yung gift ko." Umiling ako. "Naku, wag na po kayong mag-abala sa gift. Eto lang po, okay na sa akin. Thanks po talaga." "Eto naman. Hindi naman nalalayo ang edad natin sa isa't isa di ba. Ilan taon ka na ba ngayon?" "Twenty five po Ma'm." "O, see. Magkasing-edad lang tayo. So stop the formality. Pwede tayong friends dito." Ngiting ngiti siya sa akin. I'm not sure kung serious ba siya o lasing na. Umiling ako ng mahina. "Boss ko po kayo dito e." "O, e anu naman? Hindi ba tayo pwedeng maging friends kahit boss mo ko?" "Hindi po sa ganun." "Ganun naman pala e." inakbayan niya ako bigla. "H'wag mo na akong i-po starting tonight at magkaibigan na tayo. Okay." Lihim akong napahinga ng hangin at tahimik na tumango na lang. Boss ko pa rin siya e. Pero dahil sabi niya, okay, fine. Pero ngayong gabi lang. Panay ang kwentuhan ng mga staffs na kasama namin. Magkakakilala na naman kaming naroon e kasi nagkasama sama na kami sa mga ibang project. Though may mga bagong mukha sa akin pero ilan lang. Si Andy ang panakanakang kumakausap sa akin. Pati si Marielle pero limitado lang ang mga isinasagot ko. Tahimik lang ngayon sina Renz at Allen. Which is unusual dun sa huli. May katabi siya na girl na halatang nagpi-flirt sa kaniya pero parang lutang ang utak niya somewhere. Uminom lang ako ng pakonti konti dahil ayaw kong malasing. Pero dahil mahina ang tolerance ko sa alcohol nalasing pa rin ako. Ramdam ko yung pag-iinit ng mukha at katawan ko. "May boyfriend ka ba Rein?" tanong ni Dennis na ikinapalingon ko. Nasa pagitan lang namin si Marielle. "Oo nga. Meron ba?" sawsaw ni Marielle sa usapan. Parang matagal na kaming magkakabarkada na nagkukwentuhan ngayon. "Hah? Wala." umiling ako. "Bakit? Ang ganda mo ta's wala kang boyfriend?" si Marielle. "Okay nga yun." react ni Vincent. Napakunot noo ako pero hindi nag-react. "Pero may nanliligaw sa yo dito? Ngayon?" si Marielle uli. May ngiti sa labi niya na hindi ko ma-decipher kung para saan. Bakit nga ba ang daldal ni Marielle? Lasing na yata talaga ito e. Umiling uli ako. "May crush ka?" mataman akong tinitigan ni Marielle. "Hindi na ko maniniwala kapag sasabihin mong wala. Sa dami ng mga gwapo dito imposibleng wala." Lihim akong napangiwi. GOSH!! Bakit ba ako ang pinagti-tripan ng mga ito? Ako lang ba ang single dito? Di nga? "Meron syempre." mabilis at malakas na sagot ni Allen. Gulat akong napalingin sa kaniya at mabilis na nag-konek ang mga mata namin. Ngumisi siya. "Kilala ko kung sino." "Sino?" curious na tanong ni Andy. "Sino nga ba?" lalo akong inasar sa ngiti ni Allen. Napapiksi ako. "Tss." inirapan ko siya. Nanggigigil ako sa galit. Gusto kong dukutin ang mga mata niya ngayon at isawsaw sa suka. Pipirapirasuhin ko ang mga buto buto niya at pakukuluan para gawing bulalalo. YUCKS!! "Nandito lang din. Hindi nalalayo." sabi ni Allen. Pinamulahan ako ng mukha. I mean, namumula na yung mukha ko sa kalasingan pero mas lalo pa akong pinamulahan ngayon. S**t!!! Baka nahalata nila. Napasulyap ako kay Renz. Tahimik siyang nakikinig sa usapan. Sabi ko nga wala siyang interest sa akin e. Sumimangot ako at napahinga nang malalim. Naalala ko ang sinabi ni Dennis. "Love is a competition." Napasinghap ako. Dapat bang ipaglaban ang love kung taken na naman ito? I mean, sa simula pa lang ng laban ay dehado ka na, di ba? Lagi lagi na lang iyan ang tanong ko sa sarili ko ngayon e. Hindi ako mapalagay. "Sa pag-ibig ay kailangan mo ding mag-laan ng oras at panahon para hanapin ang nakatakda sa iyo." Naaalala ko naman yung sinabi nung weird na matanda kanina. Dapat nga ba? Dapat ba na gumawa na ako ng paraan? Sa panahon ngayon ay hindi na rin ganun ka-conservative ang mga tao. Marami naman akong kilala na kaibigang babae na aminadong once na unang nagtapat ng love sa lalakeng nagugustuhan nila. Ewan!! Na-program lang siguro talaga ang utak ko nuong panahon ng mga Hapon. Masyadong manang. Masyadong Maria Clara, ewan, ek-ek. Nagbaba ako ng tingin at uminom na lang. "Gusto ko ding malaman kung sino ang crush ni Rein?" narinig kong wika ni Andy. "Masyado kasi siyang masungit. Ibig sabihin hindi ka naman pala haters ng mga boys dahil mayroon kang crush." Nakatawang tinignan ako ni Andy. Umiling ako. "Ayokong pag-usapan yan." "Eiihhh.... Meron nga. Sino? Sino ba?" Parang batang kinulit kulit niya ko. "Tumahimik ka na lang." sansala ko sa kaniya at tinignan pa siya ng masama. "O, siya. Huwag nating pilitin si Rein. Malay natin balang araw ay magkalakas din siya ng loob na magtapat sa lalakeng yun di ba?!" malakas na wika ni Allen. Tinignan ko siya ng masamang masama. Nilagok ko yung natitirang alak sa baso ko. At nahilo lang ako. Huminga ako ng malalim. Ilang sandali pa ay nagpaalam na ako kay Marielle at Andy. Hindi ko na kaya ang hilo ko e. "Ihahatid kita?" offer pa ni Andy pero tinanggihan ko lang. Panay ang hinga ko ng hangin habang naglalakad pabalik ng cabin ko. Masakit na ang ulo ko pero okay naman dahil nakakalakad pa ko ng deretso. Minsan lang ako maglasing ng ganito. Nakakamiss pala. Alam mo yung mga pagkakataong ganito, masarap talagang magpakalunod sa alak minsan para makalimot. Natawa ako sa isip. Para makalimot?! Hello?! Baka makalimot din naman ako pagkatapos kong matulog. Sakit ko kaya yun. Ang makalimot. Bigla akong natapilok sa isang nakausling bato sa daan. Mabuti na lang at hindi ako bumagsak. "S**t! Tanga tanga na bobo pa!" bulong ko sa sarili ko. Sinipa ko patalsik yung bato. "Haharang harang sa daan. Pampam!!" Talaga!!? Pinag-bubuntunan ko ng inis ang bato. Nasisiraan na yata ako ng utak e. Kailan nga ba ako magkakalakas ng loob na magtapat sa kaniya? Kapag ikakasal na sila ng Model girlfriend niya? Kapag puti na ang uwak at dalawa na ang buwan. "Hus!!" Napailing ako. "Di bale na lang." Napagewang ako paghakbang. Naramdaman kong may umalalay sa braso ko para hindi ako ma-out of balance. Paglingon ko. Nakita ko si... Renz. Si Renz?! May question mark dahil hindi ako sure. Bakit naman ako susundan ni Renz? Saka nanlalabo na ang paningin ko sa kalasingan. Blurred na lahat ng nakikita ko. Nanlalabo na ang mga mata ko. Naninigkit sa kalasingan. Bakit nakikita ko si Renz? "Okay ka lang ba?" Iba yung timbre ng boses pero si Renz yung nakikita ko. Napasinghap ako. Naamoy ko yung mabango niyang scent. Lalaking lalaki ang amoy. Kakaiba nga lang dahil parang hindi naman ganito ang amoy ni Renz e. Parang hinalukay ang sikmura ko sa kakaiban pakiramdam. I mean, mabango si Renz pero iba ang amoy nang Renz na ito sa harap ko. Napalunok ako. Tinitigan siya. Kelan pa siya nagbago ng perfume? Si Renz pa rin ang nakikita ko. "Lasing ka ba talaga?" Napabuga ako ng hangin. Umiling. Kumakabog ang dibdib ko bumibigat ang aking paghinga. Nanghihina na rin ang mga tuhod ko dahil sa pagkahilo. Kumapit ako sa magkabila niyang braso upang kumuha ng lakas para manatiling nakatayo. "Kaya mo pa ba?" Lumunok ako. "Kaya pa." "Ihahatid na kita." "Sandali." namamanhid at nanginginig ang buo kong katawan. Pinigil ko siya. Ramdam ko yung malalim niyang pagtitig sa akin. It's now or never. Kung tatanggihan niya ako ngayon. Okay lang. Okay lang ba talaga? May ilang minuto pang nagtalo ang isipan ko. Kaya ko na nga bang i-risk ang lahat ng mga pinagsamahan namin? Kaya ko na nga bang i-risk ang friendship namin? Hinawakan ko siya ng mahigpit sa mga braso niya. "Rein?" Huminga ako ng malalim. "Gusto mo ding malaman kung sino yung crush ko di ba? Gusto mo ding malaman kung sino yung gusto ko." Napasinok pa ko. "Hik! Ikaw yun. Ikaw yung gusto ko." "Hah?!" Gulat na gulat ang reaction niya. "Sabi ko - I like you!" Sinok ko. "Hindi mo ba naintidihan yung sinabi ko? Kaya kong sabihin sa yo sa tatlong magkakaibang language yun kung di mo naintidihan." Nag-gesture pa ko sa kamay ko na parang nagbibilang. One finger: "Gusto kita." Two fingers: "I like you." Three fingers: "Joahaeyo." Tapos ngumiti ako sa sarili ko. Nag-angat ako ng tingin at tinitigan ang mga mata niya. Namumula na ang mga mata ko. Actually, naiiyak na ako kaya sobrang blurred lang ang nakikita ko. "Pwede bang i-date mo naman ako kahit isang beses lang hah? Hindi ko hihingin na makipagbreak ka sa girlfriend mo. Makipagdate ka lang sa akin. Isang beses lang." Napaawang ang mga labi niya sa pagkabigla. Ako naman, naghuhurumentado ang dibdib sa kaba. Gosh! Ako pa ba ito? Talaga? Sino ba ko? Sabi ko na nga. Masama akong nalalasing e. Nawawala ako sa katinuan. Nagiging ibang nilalang ako. Hindi naman bilog ang buwan pero daig ko pa ang nagtransform na ewan. Nahulog ang paningin ko sa may mapupula niyang labi. Nakakaakit iyon. Lumunok ako at nag-inhale ng hangin. Walang babalang tinawid ko yung namamagitan sa amin na space. Tumingkayad ako para maabot ang labi niya. Hindi ako marunong humalik. Nakikita ko lang ito sa mga pelikula at TV dramas na napapanuod ko. Inilapat ko ng matagal ang labi ko sa kaniya at ramdam na ramdam ko ang bilyong bilyong boltahe ng kuryenteng tumulay sa sa buo kong katawan. Mula ulo hanggang talampakan. Kiniliti ako ng kakaibang sensasyong hindi ko maipaliwanag. Saglit lang iyon at halos dampi lang ay nang iatras ko ang mukha ko ay nakita ko na tulala pa rin siyang nakatingin sa akin. "Renz?" mahinang mahinang anas ko. Kumurap ako. Napabuga siya ng hangin. "Silly girl. I'm not Renz." Anas niya at biglang sinakop nang mariin ang labi ko. Napasinghap ako. Nanlaki ang mga mata. Hinapit niya ang katawan ko palapit sa kaniya at inilagay ang isang kamay sa batok ko. He moves his lips gently but aggressively. Napapikit ako. Nakakunot ang noo. Halos umangat yung mga paa ko sa lupa as he pressed me hard to his broad body. He was releasing an unexpected heat. Napakapit ako sa mga balikat niya dahil feeling ko ay mahuhulog na ko. I might say he's a good kisser. Dahil hindi ko na namalayan kung paano at kelan ko nagawang tugunin ang intense ng kiss niya. Napa-ungol siya between kissess nang maramdaman ang mabagal kong pagtugon like he was enjoying it much. S**t!! I was enjoying it much. Ang sarap niyang humalik. Nakaka-addict. This was the first ever. Nang ilayo niya ang labi niya sa akin para makahugot kami pareho ng hangin, i felt longing to kiss him again. Nangulila agad ako. Though naghahabol din ako ng paghinga dahil sa haba ng halikan namin. I want to taste him again. "Damn lady! You taste so sweet and i can't get enough of you. But you don't know what you're doin'." Napamulat ako ng mga mata sa mga sinabi niya. Then all blurry pictures faded. Pati yung face ni Renz ay nag fade sa harap ko at ibang mukha ang nakita ko. "O.MY.GOD!" mahinang bulalas ko ng makilala ko ang mukha niya. Kung sino ang kahalikan ko. S**t!!! SI ANDREW?!!! Nanlaki ang mga mata ko. Malakas ko siyang itinulak palayo pero pag-atras ko ay nawalan naman ako ng lakas at balance. Like my knees turned into jelly. Napaupo ako sa may stone path. "ARAY!!" malakas kong tili. "S**T!!" mura niya at mabilis akong dinaluhan. "Are you okay? Are you hurt?!" nag-aalala niyang wika. Napailing ako nang sunod sunod at pinalis ang mga kamay niyang umaalalay sa akin. "DON'T TOUCH ME!!" Marahan akong tumayo at hinarap siya. Nagtataka siyang napatitig sa akin. "I'm sorry. I didn't---." Umiling ako at tinalikuran siya. Patakbo akong lumayo. Nagising ang diwa ko at nawala lahat ng kalasingan ko. Nang marating ko ang cabin ko ay malakas kong ibinalibag ang pinto pasara. Pagkalock ko ng pinto ay bumuhos lahat ng luha ko. Sunod sunod akong napahikbi ng malakas. S**t!! I'm so ruined!!! I'm so messed up BIG TIME!!! Marahan akong naupo sa may gilid ng higaan ko at doon umiyak. **** Late na sa 6am akong nagising kinabukasan. Masakit ang buo kong katawan at medyo masakit ang ulo. Iniligid ko ang paningin ko sa buong silid. Like it was my first time. Napahinga ako ng malalim at iniligid ang paningin. Tumayo na ako at tumungo sa isa sa dalawang pinto na naroon. Nalaman ko CR pala yun kaya naghanda na ko para maligo. Natigilan ako nang pagharap ko sa may salamin ay nakita ko yung repleksyon ko. "What the hell happened to me?" bulalas ko habang nakatingin sa salamin. Malalaki ang eyebags ko. As in, parang magdamag yata akong umiyak. Napaisip ako. Umiyak ako? Bakit?!! Naghilamos na ako at nag-ayos ng sarili. Then kinalkal ko yung laman ng mga bulsa ng suot kong pants kahapon. Pero wala dun yung hinahanap ko. Tsi-nek ko uli yung maliit kong sling pouch bag na lagi lagi kong dala. Pero wala pa din. Kinabahan na ako. Napasapo ako sa noo ko at napapiksi sa sarili. Naiwala ko ba yun? *kumakatok sa pinto* May kumatok sa may pinto. Tumayo ako at pinagbuksan kung sino man iyon. Sinalubong ako ng magandang ngiti ni Andy. "Good morning." Bati niya. "Andy?" Nakamata ako sa kaniya. Napakunot noo siya. "Bakit ganyan ang itsura mo? Umiyak ka ba?" Napapilig ako ng ulo. "E-ewan ko." Pinapasok ko siya ng silid ko at binanggit kung ano ang kinakabahala ko. "Sure ka bang tsinek mo na yung gamit mo? Dala mo ba talaga yun kahapon?" "Pwede ko bang kalimutan na dalhin yun?" Napahalukipkip siya sa harap ko. "Panu yan? Hindi tayo magkasama ng whole day kahapon e. Nagpunta ka sa bayan. Baka dun mo naiwala." "Kelangan ko yun Andy." Napa-release ako ng hangin. Kinagat ko yung dulo ng kuko ko sa frustration na nararamdaman ko. "I know. Don't panic, okay." Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat. "Sana makuha pa natin yun." Tinitigan ko si Andy and i was trembling. "Okay. Okay. Just stay calm and relax your self. Maaalala mo din kung saan mo posibleng naiwan yun." Pina-pat niya ako ng mahina. "Pero kailangan na nating magpunta sa may hotel dahil naghihintay na sila doon." Nagsalubong ang mga kilay ko. "Sila? Sino sila? Si--?" "Ipapaliwanag ko sa yo papunta dun. Tara na hah." Hinila na niya ako palabas ng cabin. Papunta sa resort ay mga binanggit siyang bagay pero hindi ko rin naman maintindihan. Tumayo kami sa may bungad ng pinto ng restaurant. Nakita ko yung mga girls sa paligid na nakangiting nagkukwentuhan. Grupo grupo sila. May tig-dalawa at meron din tatluhang grupo. Lahat sila ay magaganda. May nakita akong dalawang tao na abalang bumabati at kumakausap dun sa mga girls. Iniisa isa nila bawat girls sa bawat mesa. Isang babae at isang lalake. Sinusundan din sila ng isang camera man na nakilala kong si Renz. "Nakikilala mo sina Ma'm Marielle at Dennis Escaner?" pabulong na wika sa akin ni Andy. Hindi ako umimik at tinitigan ko lang sila nang matagal. Pamilyar sila pero hindi ko makilala sa pangalan. Napa-frown ako sa sarili ko. Haist! Ayaw ko talaga ng ganito! Inilibot ko pa ang paningin ko. Tapos may nakita akong dalawang lalake na nakapwesto sa malayong sulok ng restaurant. Nasalubong ko yung tingin nung isa sa kanila. Iyong lalakeng higit na nakakaangat sa paningin ng lahat. Pareho silang gwapo pero ewan ko ba kung bakit naaakit ako sa mukha niya. Kakaiba din yung titig niya sa akin. Kumabog ang dibdib ko na parang may naghahabulang daga sa loob niyon. Kinilabutan ako at kinabahan ng husto kaya umiwas ako ng tingin. Mataman siyang nakatingin sa akin at hindi ko alam kung bakit. "Andy, may ginawa o nangyari ba kahapon?" mahinang sabi ko kay Andy. Tinignan niya ako. Nag-isip pa siya. "Una. Nasa beach tayo para makita yung date ni Dennis at Casey tapos nagpunta ka ng bayan. Pagbalik mo ay nag-party tayo kasi birthday mo saka treat na rin ni Ms.Marielle sa mga staff ng event." "Mag-isa lang ba akong nagpunta sa may bayan?" "Oo. Yun ang alam ko. Kaya nga hindi ko alam kung anong mga nangyari sa yo kahapon e." Sumimangot siya tapos ay biglang may naalala. "Oo nga pala. Naaksidente ka sa bayan kahapon dahil kay Renz. Tapos sabay na kayong bumalik dito sa hotel." Nabigla ako. "Aksidente?" Napatingin ako sa braso kong may bandage. "Eto?" Tumango siya. "Oo." Anong nangyari sa kin kahapon? Napakunot ako ng noo. Saan daw uli ako nagpunta? Nagulat na lang ako ng mamalayan kong nasa harap na pala namin yung binabanggit na mga pangalan ni Andy kanina. Ano nga uli yun? "Good morning. Maaga pa rin kayo kahit late na tayong nakapagpahinga kagabi." Ngumiti siya sa amin. Atubili akong napangiti din sa kaniya. Kahit hindi ko pa naalala yung pangalan niya. Feeling ko naman ay mabuti siyang tao at kasundo ko siya. "Good morning po." Tinawanan niya ako. "O, ayan ka na naman sa pag-po sa akin. Friends na tayo di ba?" Bahadyang napaawang ang labi ko sa gulat. Sinulyapan ko si Andy at sumenyas siya sa sumang-ayon na lang. "So-sorry." Napangiti siya sa akin. "Bakit namamaga ang mga mata mo? Umiyak ka ba buong gabi?" Tanong nung gwapong lalakeng kasama niya at walang babalang hinawakan ako sa pisngi. Awtomatic akong napaiwas. Para akong napaso sa mainit na takure. Kinilabutan ako at hindi ko alam kung bakit. FC? Pero dahil sa ginawa ko ay nabangga ko yung isang babae na papasok ng restaurant. "Hey!" Mabilis na wika nung babae sa akin. Nilingon ko ito agad. "Sorry. Sorry." Ngumiti siya. "Okay lang." Kumunot ang noo ko. Plastic. Sino toh? "Samantha, good morning." bati nung gwapong lalake sa kaniya. Biglang sumulyap uli siya sa akin. Abot tenga na ngumiti sa lalake yung babaeng nabunggo ko at lumapit. "Good morning. I'm so sorry nalate ako ng punta dito. Nag-jogging kasi ako but then masyado akong nag-enjoy sa ganda ng island. I lost track of time." Tinitigan ko lang kung paano siyang mag-pacute sa harap nung lalake. Para saan yun? Nagtataka naman ako dahil hindi bagay sa mataray niyang aura yung ginagawa niya. Although maganda siya at sexy. Napalingon ako ng maramdaman ko ng may tumayo sa tabi ko. "Are you okay, Rein?" mahina pero sapat lang na boses na wika ni Renz sa akin. Mahina akong tumango. "Ma-may itatanong pala ako sa'yo. Pwede ba?" Napakunot siya ng noo. "Can't you ask it now?" Umiling ako. "Okay. Mayamaya sabay tayong mag-breakfast. Tapusin ko lang ito. Okay?" Tumango ako at kiming ngumiti. Sinundan ko pa sila ng tingin ng papalayo na sila. Napabuntunghininga ako. After hours. Naupo na ako sa isang mesa. Kumukuha pa ng makakain si Andy samantalang ako, meron na. Orange juice, oat meal at isang slice ng tinapay. Tinitigan ko pa ng ilang saglit ang pagkain sa mesa ko. Hihintayin ko na makabalik si Andy para may kasabay akong kumain. Napa-angat ako ng tingin ng may naupo sa upuan sa tapat ko. Mabilis na nag-connect ang mga mata namin kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. Bahadyang napaawang ang mga labi ko dahil sa pagkamangha. Bakit ako namamangha sa kaniya? Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Sino nga uli siya? Malalim na tinitigan ako ng brown niyang mga mata. "Mukhang hindi ka rin nakatulog ng maayos." Kumurap ako. Bahadya siyang ngumiti. "Hindi rin ako nakatulog sa kakaisip sa yo." Biglang nagwala yung mga paru paro sa sikmura ko. "Ba-bakit?" Clueless ako. As in wala talaga akong naaalala. Siya ba ang dahilan kaya namamaga ang mga mata ko ngayon? Siya ba ang dahilan kaya hindi ako mapalagay. Ano bang ginawa ko para isipin niya rin ako ng buong magdamag? Bumibigat ng husto yung dibdib ko. Habang tumatakbo ang oras ay lalong nadadagdagan ang mga tanong sa utak ko. Na-f-frustrate ako at ayaw na ayaw ko ang feelings na ito. Nawala yung ngiti niya at tinitigan ako. "Bakit? Huwag mong sabihing nakalimutan mo kung anong ginawa mo kagabi?" Pinamulahan ako ng mukha. Napasinghap at nag-isip ng malalim. May ginawa ako kagabi? May ginawa ba akong hindi maganda? Ano yun? "Ganyan ka ba talaga kapag nalalasing? Nakakalimot?" Sinalubong ko yung mga titig niya. Pero sobrang lalim ng pagkakatitig niya sa akin, para akong natutunaw. Napaawang ang labi ko para magsalita pero hindi ko mahanap yung mga salita na dapat sasabihin ko. "Rein?" Gulat akong nag-angat ng tingin tapos nakita ko na nasa tabi ko na si Renz. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng makita ko siya. "Madalas talaga siyang makalimot kapag nalalasing." nakangiting sabi ni Renz dun sa lalakeng kausap ko. "Kaya nga hindi siya mahilig sa mga parties." Nakita ko na nagsusukatan sila ng titig. Kahit na may ngiti si Renz sa kaniyang mukha ay halata ko naman pilit lang yun. Sumandal yung lalake sa may inuupuan niya at napahalukipkip. Tumitig uli siya sa akin at nasalubong ko ang tingin niya. "So, hindi mo talaga naaalala yung nangyari? How sad naman kung ganun. Hindi mo ba tatanungin sa akin kung ano ang nangyari kagabi? Pwede kong ipaalala sa yo." Napa-arko ang kilay ko habang nakatitig sa kaniya. Was it something bad? Ano ba yun? "Maaalala din yun ni Rein, Andrew. Kung anu man yun. Don't rush her." Napatingin ako kay Renz. Sinalubong niya ang tingin ko. "May itatanong ka sa akin di ba?" Mabilis akong tumango at tumayo. "Excuse me." Sabi ko dun sa lalake. Kumapit ako sa braso ni Renz at hinila siya palayo. Hindi naman kami pinigilan nung lalake. Hindi na nga siya nagsalita. Lumabas kami ng restaurant at naghanap ng lugar na medyo tago. Napabuga muna ako ng hangin pagkahinto namin. "Wala kang naaalala?" bungad agad ni Renz. Napatingin ako sa mukha niya. Kitang kita ko yung pag-aalala niya na may halong amusement at pagtataka. Tinitigan niya ako. "I-iyong lalake kanina? Sino uli yun?" "Si Andrew. Hindi mo naaalala?" Inulit niya pa yung tanong niya. Napressure tuloy ako. Umiling ako. "Kaya nga itatanong ko sana sa yo kung saan ba tayo nagkita kahapon? Baka kasi may nakita kang bagay na sa akin. Iyong pen recorder ko? Naiwala ko kasi. Sabi ni Andy magkasama daw tayo kahapon sa bayan." "Hindi ko nakita yun." huminga siya ng malalim. "Inatake ka na naman ng sakit mo? Akala ko ba magaling ka na?" I was shock. Nakakahiya man pero kailangan kong aminin ang totoo. No! I can't!! Napakamot ako ng pisngi ko. "Ngayon lang uli. Pero babalik din naman ang alaala ko mayamaya. Kailangan ko lang makita yung recorder para maalala ko na yung mga nangyari kahapon." "Ngayon lang uli? Pero araw araw mo pa ring nirerecord ang mga ginagawa mo. Para ano? Para maalala mo ang mga nangyari? You wouldn't need that if youre fully recovered." Medyo tumaas ang tono niya. Para siyang nanenermon sa akin. Napasinghap ako. Nagbaba ng tingin. Hindi ko na siya kayang titigan. Guilty ako e. Shocks! Eto ang ayaw na ayaw ko na mangyari. Eto ang kinatatakutan ko sa lahat. Bakit naman kasi ngayon pa? Namumuo ang mga luha sa sulok ng mga mata ko. Kinagat ko ng mariin yung labi ko para pigilan ang umaalon kong damdamin. Sina Andy at Renz ang nakakaalam ng sakit ko. Si Andy, sinabi ko talaga sa kaniya kasi tiwala ako at kailangan niyang malaman iyon para makapag-trabaho kami ng maayos. Pero si Renz, nabuking niya lang ako one time. Last year iyon, nagising ako na walang naaalala habang nasa field kami at nakalimutan ko yung recorder ko. Pero sinabi ko na minsan lang yun mangyari. Naniwala naman siya kasi ilang oras lang naman at nare-regain ko na rin yung memory ko and all is normal na uli. Napahikbi ako. I'm still so afraid of this. Nakaka-frustrate ang feeling na wala kang naaalala. Narinig ko yung pagtikhim ni Renz sa harap ko. Naramdaman ko na lang pagkaraan na niyakap niya ako. Inihilig ko ang ulo ko sa chest niya. "I'm sorry. Nag-panic lang ako." Napahinga siya ng malalim. "Sige. Sasamahan kita sa bayan ngayon. Hahanapin natin yung nawala mo okay. Wag ka ng matakot." Sunod sunod akong humikbi. Hindi ko napigilan ang pag-iyak ko. *****   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD