PAGE 7
I'm so dead
Nagpunta kami ni Renz sa bayan at nag-ikot doon. Pero as expected, hindi na namin nakita yung hinahanap ko. Useless naman talaga ang maghanap sa bayan. Malamang na may nakapulot na nun.
Napahinga ako nang malalim habang naglalakad kami papasok ng hotel.
"Are you sure na sa bayan mo naiwala yun? Baka kasi dito lang din sa resort."
Pilit akong ngumiti kay Renz. "Renz." Huminto kami sa paglalakad. "Salamat. Salamat sa tulong. Pero siguro okay na yun. Hayaan na lang natin."
Mataman niya akong tinitigan. "Panu ka? Okay ka lang ba?"
Tumango ako. "Oo."
Napahinga siya ng malalim.
"Sige na. Babalik na muna ako sa cabin ko." tinalikuran ko na siya at humakbang paalis.
Mabagal ang hakbang ko papunta sa cabin. Nakababa ang tingin.
Ang hirap ng ganito. Sobra.
Naranasan ko na ito nang maraming beses na pero ngayon lang ako naging careless ng ganito. Akala ko kasi maingat na ko. Hindi pa pala.
Napahinto ako sa paghakbang at marahas na napabuga ng hangin. "E, kasi naman tong utak na toh ang hirap gamitin. Tsk!!" Napapadyak ako ng mga paa ko na parang batang namamaktol. Pinapagalitan ko ang sarili ko.
Kung hindi dahil sa aksidenteng iyon malamang walang ganito.
Napapiksi ako. Paulit ulit. Nagpaikot ikot ako sa pwesto ko habang kinukotkot ang dulo ng kuko ko.
Tapos biglang may sumagi sa utak ko na alaala. Napahinto ako.
Gabi. Si Renz.
Napapihit uli ako pabalik sa pinanggalingan ko kanina. Bumalik ako sa may hotel. Nakita ko si Renz sa may restaurant at mabilis ko siyang nilapitan.
"Renz?"
Mabilis siyang napalingon sa akin. "O, Rein?"
May kausap siya na staff din. Nginitian ko lang yun kasi hindi ko kilala. "May itatanong lang ako."
Tumayo siya at inalalayan ako sa isang sulok. "Ano yun? May naalala ka na ba?"
Alanganin akong tumango. "Ka-Kagabi ba ay magkasama tayo?"
Saglit siyang nag-isip habang nakatitig sa akin. "May party kagabi. Pero nauna ka ng umalis nun e. No. Pagkabalik natin galing sa bayan, hindi na tayo nagkausap after nun."
Natigilan ako at nahulog sa malalim na pag-iisip.
"Bakit?"
Umiling ako agad. "Wala. Wala naman. Sige hah. Salamat uli."
Tumalikod na uli ako at mabilis na lumabas ng restaurant.
Huminto ako sa gitna ng lobby ng hotel at bumulong sa sarili. "Bakit ganun? Bakit si Renz pa rin yung naalala kong kasama ko kagabi? O ibang tao ba yun?" napailing ako sa sarili ko. "Imagination ko lang ba yun?"
"Hey!"
Gulat akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.
Nasalubong ko uli yung malalim niyang tingin sa akin.
Para akong nahipnotized ng ilang saglit. Natulos ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa mukha niya.
Katulad nga kanina. Iba talaga ang dating ng aura niya sa akin. Bigla na naman akong kinabahan.
"Hello?" Napakunot siya ng noo.
Natauhan ako. "Hah?! I-ikaw pala."
"May iba pa ba?" sarcastic siyang napangisi. "Unless kung lasing ka na naman at ibang tao uli ang nakikita mo sa akin?"
Napasinghap ako. Medyo malapit ang distansiya namin sa isa't isa kaya nahagip ng pang-amoy ko yung mabango niyang scent.
Pamilyar sa akin yun.
Tumitig lang ako sa mukha niya.
"Huwag mong sabihing nakalimutan mo pati ang pangalan ko? Sobra na yan ha."
Umatras ako. Actually, nire-recall ko yung pangalan niya. "Hi-Hindi. Syempre kilala kita. Ano ka ba naman?" Tinawanan ko siya ng hilaw.
"Really? Alam mo ba ang pangalan ko?" Tinaasan niya ako ng isang kilay.
Napaawang ang labi ko. "Ano? An-- Andrew." Biglang naalala ko yung itinawag sa kaniya ni Renz kanina. Actually, bigla lang sumagibsa utak ko yun at nabanggit ko. "Bakit ba? Nakalimutan ko lang yung nangyari kagabi pero hindi ang buong nakaraan ko noh."
Napahalukipkip siya sa harap ko at mataman akong tinitigan. "Is that so? Well thats good to hear."
"Sige na. Aalis na ko." Tinalikuran ko siya pero mabilis naman niya akong pinigilan sa braso.
Kasabay ng paghawak niya sa akin ay ang biglang pagtulay ng maraming boltahe ng kuryente sa katawan ko. Static? Parang hindi naman. Kinilabutan ako at nag-init ang pisngi ko. Tumingin ako uli sa kaniya.
"Let's talk." seryoso ang mukha niya at hinila ako palabas ng hotel.
Wala naman akong tutol habang hawak niya ako sa wrist at hinihila. Mahahaba ang binti niya kaya kung siya naglalakad, ako naman, half running na, para lang masundan ang pag-abante niya.
May ilang saglit lang ay nasa may bahagi na kami ng resort kung nasaan yung malaking pool. Walang tao dun.
Huminto na siya sa paghakbang kaya napahinto na rin ako. Pero hawak niya pa rin ang wrist ko.
Hiningal ako dun sa malayong lakaran.
Tinignan ko siya. "Bakit ba?"
Napabuga siya ng hangin bago nag-angat ng tingin sa akin. "Talaga bang nakalimutan mo lang ang nangyari kagabi dahil lasing ka? Ganun lang ba yun? Walang ibang dahilan?"
Nagulat ako pero saglit lang. "O-Oo naman. Bakit? Ano ba yung nangyari kagabi?"
"Hindi mo pa rin alam?"
Pinagsalubungan ko siya ng mga kilay. "Magtatanong ba ako kung alam ko?"
Binitiwan na niya ang wrist ko at mataman akong tinitigan. "Gusto mo bang sabihin ko sa yo o ipakita ko na lang?"
Napakunot ako ng noo. "Ipakita? Panu mo ipapakita?"
Ngumisi siya at nakita ko iyon. Biglang salakay ng matinding kaba sa dibdib ko.
S**t!! Ano ba yung ginawa ko kagabi?
"Okay fine." Tinawanan niya ako ng mahina. "Sasabihin ko na lang." Tumikhim muna siya.
Grabe ang daming intermission ekk-ekk. Daig pa teleserye.
"Ano ba kasi yun?"
"You are drunk last night i followed you para masecure na safe kang makakabalik sa cabin mo pero you saw me at napagkamalan mo lang naman ako na ibang tao. You thought i was Renz."
Napanganga ako sa gulat. "Hah?!"
"Yes." Sarcastic siyang ngumiti sa akin.
Napakunot nang sobra yung noo ko. "Ba-bakit naman napagkamalan kita?"
Ang layo kaya ng itsura nipang dalawa. As in, super gwapo nitong nasa harap ko ngayon. Si Renz gwapo din naman at malakas ang appeal. Maliban sa mabait siya. Pero bakit parang kakaiba ang nararamdaman ko sa Andrew na ito? Attracted ba ko sa kaniya?
"Dahil lasing ka. Baka gusto mong itanong kung anong sinabi mo sa akin habang akala mo ay ako si Renz?"
"A-Ano nga ba?" Kinabahan ako.
"Well, you just confessed your unrequitted love to me, i mean, for him."
Nalaglag ang panga ko sa pagkagulat. As in...
TALAGA?!!!! OEMMGEE!!!
Parang gumuho lahat ng magagandang bagay sa mundo ko. Daig pa ang binagsakan ng langit at lupa ang drama.
Ginawa ko yun? NAGAWA KO YUN?
Napahalukipkip siya sa harap ko. "Hindi mo naman kailangan na mag-alala. Hindi na naman unusual sa generation ngayon na unang nagko-confessed ang mga babae. It's kind of aggressive to your part pero, its natural. I get that alot."
Napa-angat-baba yung dibdib ko. Speechless so much.
Napangisi siya. "Pero i'm so curious kung gaano katagal mo na ba siyang gusto? One year? Two? Bakit naman isang date lang ang gusto mo? Pwede mo naman i-ask na hiwalayan niya ang current girlfriend niya di ba?"
Isinara ko yung bibig ko at tinitigan siya. May ilang sandali na natulala lang ako tapos nang magregister sa isip ko yung sinabi niya ay natauhan na ko.
"Hi-Hindi ko naman balak na paghiwalayin sila ng girlfriend niya."
"Bakit nag-confessed ka? Para saan yun? Kung wala talaga sa isip mo na paghiwalayin sila ng current girlfriend niya hindi mo sana binalak na mag-confessed sa kaniya."
Mangha akong napatitig sa mukha niya.
Pailalim niya akong tinitigan. "Last night was a proof that you wanted him for your own. Thats why you confessed."
Nanlaki ang mga mata ko.
Hindi. Hindi ko naman naisip yun ah!!
Nagsisigaw ang subconcious mind ko ng malaking malaking... HINDI!!!
I mean, OO, may point na hinihiling ko na sana ay ako na lang ang nagustuhan ni Renz. Sana ako na lang yung girlfriend niya. I would be the happiest girl in the world kung mamahalin niya rin ako katulad nang nararamdaman ko para sa kaniya. Pero kilala ko si Renz. He is a friend to me. Magkakilala na kami ng ilang taon at nakita ko kung gaano siya ka-inspired at inlove sa girlfriend niya. Sobrang saya niya. Sobrang mahal nila ang isa't isa. Well, i'm not really sure sa part nung girl kung pareho ba sila ni Renz ng intensity ng pagmamahal sa isa't isa. But I know that Renz really love, capslock, LOVE his girlfriend. So? Sino ba naman ako para hadlangan ang kaligayahan niya.
Yes, i do love Renz and i've been to that love for so long. But hindi naman ako ganun ka-desperate to the extend na gagawa ako ng paraan para maagaw siya sa girlfriend niya. Like, may human heart naman ako. Ayokong makasakit ng iba. Masaya naman akong makitang masaya si Renz. Ganun ko siya minamahal.
Napahinga ako ng malalim. Mataman na tinitigan si Andrew.
He was looking at me seriously. Sinalubong ko ang titig niyang iyon at naglaban ng matagal ang mga mata namin.
"No. I didn't intend to have him. I love him. And loving him is not owning him."
Biglang lumambot yung ekpresyon ng mukha ni Andrew. Parang for the first time ay may nasabi ako na tama sa harap niya.
Parang pinipiga ang puso ko. Ito ang tangi at unang pagkakataon na inaamin ko sa ibang tao at sa sarili ko how hopelessly I am inlove with Renz. Ang sakit pala. Ang hirap palang itago yun nang matagal sa puso.
Hindi ko na namalayan na may pumatak ng luha mula sa mga mata ko. Humikbi ako. "Maybe i wanted to know how does it feels to be with him. Kasi alam ko na hindi ko magagawa yun kapag dumating yung pagkakataon na maisipan nila ng girlfriend niya na mag-settle to marriage. It was never easy to ask him for something na ako lang ang magiging masaya. Hindi ko binalak ang lahat." Napalunok ako. "I might sound pathetic to you. But God knows i wasn't planning anything to break anyone elses heart. I'm not that heartless. I'm not that desperate!"
Nagbaba ako ng tingin, humikbi at humugot ng hangin. Pinahid ko ang luha sa pisngi ko gamit ang likod ng palad ko.
Ang bigat bigat ng pakiramdam ko.
He was not speaking for some minutes. Nanatili lang siya sa harap ko, nakatitig sa akin.
"I-I'm sorry kung napag-confessed-an kita ng hindi mo alam. Maybe i was just too drunk. Sana kalimutan mo na lang yun." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
Humugot siya ng maraming hangin. Tinanggal ang mga braso niya mula sa pagkakahalukipkip at muling tumitig sa akin.
"I just wish it was that easy." napa-exhale siya. "Okay fine. I'll keep my mouth shut about what happened last night. Is that enough for you?"
Mahina akong tumango sa kaniya.
"Pero hindi ko magagawang kalimutan iyon. I'm sorry, i can't do that."
Bumagsak ang balikat ko pero tinanguan ko na lamang siya. "Ayokong ma-burden ka nang nangyari."
"Yeah. Your kind of big baggage to me now."
Minasdan ko siya. Hindi ko na-gets yung sinabi niya.
"Renz would be one lucky guy if it happens that you confessed to him last night." May kinuha siya sa bulsa niya at inilahad sa akin. "This is yours. Nalaglag mo nung narealize mong hindi ako si Renz at tinakbuhan mo ko."
Nabigla ako nang makita yung inaabot niya. Mabilis ko yung tinanggap.
Eto yung kanina pa naming hinahanap. Ang pen recorder ko. So all this time ay nasa kaniya pala ito.
Tinignan ko siya. "Nasa sa'yo pala. Ba't hindi mo binalik agad?"
Pinagkibitan niya ako ng balikat. "Hindi ko naisip na mahalaga iyan. Ballpen lang naman yan at wala pang tinta."
"May tinta pa toh." Tinignan ko pa yung pen. Isinulat sa palad ko. "O, see!!" Pinakita ko pa sa kaniya ang ebidensya.
"Tss." Napa-ismid siya.
Pilit akong ngumiti. "Salamat."
"Salamat lang? Hindi pwede yun hah." Humakbang siya palapit sa akin.
Kumabog yung dibdib ko at napalunok ako.
Dapat ay umatras ako pero hindi ko nagawa.
He bend his head and lean closer to me. Nag-konek ang mga mata namin.
Naramdaman ko yung biglang pagwawala ng mga butterfly sa sikmura ko. Nag-init din yung buo kong mukha. Napasinghap ako at naamoy ko na naman yung kabanguhan niya.
Why does it all so familiar?
"You own me this, lady. I'll be collecting the payment some other time. Pero sa ngayon pababayaan na muna kita."
Napapitlag ako nang haplusin niya ng kamay niya ang kanang pisngi ko. Pati ang puso ko ay napatalon sa gulat.
"And I'm sorry I made you cry. Last night and now. I promise I'll make it up to you."
Lumayo na siya sa akin at humakbang paalis. Naiwan naman ako na nakatulala sa kawalan.
My heart was beating fast as usual. My hands were trembling so much.
Pero ang bigat ng loob ko. Parang may bagay pa siyang hindi sinabi sa akin. Am I missing something here?
Mariin kong nakagat ang labi ko. Tinignan ko itong pen recorder ko at naka-off na iyon.
Is it not possible na hindi niya nalaman na pen recorder ito.
Nakakapagtaka naman.
*****
Pagbalik ko sa cabin ay inilipat ko agad yung file ng pen recorder ko sa may laptap ko. Low battery na kasi yung pen. So, in-plug ko yun para ma-charge.
Mula sa laptap ay isinuot ko yung headphones ko at nakinig.
Morning until lunch time ay kasama ko lang Andy. Nag-uusap lang kami nang tungkol sa event. Nabanggit din niya yung tungkol kay Casey na nasa arranged marriage. Pero wala naman yung kaso.
Tapos may mahabang oras na silent moment. Fast forward ang ginawa ko. Then na realize ko na ito yung papunta na ko sa bayan. Naalala ko yung magandang tanawin na nadaanan ko hanggang marating ko yung bayan. Maingay ang background nang sunod sa record kaya alam kong bayan na yun. Mahabahaba pang minuto tapos ay may narinig akong boses.
Napakunot ako ng noo.
Boses ko yun.
May kausap ako.
"Lola, fifty pesos po ang meron ako dito."
HAH!? FIFTY PESOS? Lola?
Nag-isip ako ng malalim. May kausap ako pero bakit boses ko lang yung naririnig ko ngayon.
"Lola, di ba po hindi po hinahanap yun? Kusa po yung dumadating kapag itinakda ng pagkakataon."
Ano yung pinag-uusapan namin?
Isip. Isip. Isip pa ko ng malalim. Ipinikit ko pa ang mga mata ko.
TING!!
Tama, may nakita akong matandang babae na nagbenta sa akin ng sampaguita at tapos ay nabanggit niya ang tungkol sa pag-iisa sa buhay at kung bakit kailangan na gumawa ng paraan para maging masaya.
Well, mukhang dito ko nakuha ang ideya na mag-confessed kay Renz.
Tss.
Tapos hinulaan niya ako na nasa malapit na daw yung taong nakatakda para sa akin. Shocks!!
Pero bakit wala talaga akong naririnig na boses ng matanda?
WEIRD!!!!
Parang ayaw ko nang makinig.
"Tabi! Tabi!!"
Boses ni Renz at ito yung part nagkita kami at nabunggo niya ako. Nagpunta kami sa ospital para magamot. Pagbalik namin sa hotel ay galit si Allen dahil nakalimutan ko na birthday ko pala.
Tsk.Tsk.
May moment pa pala ang kumag na toh kahapon.
Sandali? parang di ko pa sya nakikita buong araw ngayon ah.
Di bale na lang.
Nagpi-play pa yung recorder.
Navisualize ko na yung naganap na inuman pagkaraan. May malakas na tawanan at kwentuhan sa background.
Napatiimbagang ako nung narinig ko yung boses ni Allen at kung paanong muntik na niya akong ibuking sa lahat nang naroon na may crush ako kay Renz.
Halimaw talaga!
Nagfast-forward uli ako.
Tapos katahimikan.
"S**t! Tanga tanga na bobo pa! Haharang harang sa daan. Pampam!!"
HALA!! Sinong kaaway ko?!
"Hus!! Di bale na lang." boses ko.
"Okay ka lang ba?"
Nanlaki ang mga mata ko. Ibang boses iyon. Si Andrew na ba yun?
"Lasing ka ba talaga?"
"Kaya mo pa ba?"
"Kaya pa." Ako yun.
Grabe! ang weird nito. Pinakikinggan ko yung sarili kong boses. Tsk.
"Ihahatid na kita."
"Sandali."
"Rein?"
"Gusto mo ding malaman kung sino yung crush ko di ba? Gusto mo ding malaman kung sino yung gusto ko. Hik! Ikaw yun. Ikaw yung gusto ko."
"Hah?!"
"Sabi ko - I like you! Hindi mo ba naintidihan yung sinabi ko? Kaya kong sabihin sa yo sa tatlong magkakaibang language yun kung di mo naintidihan. Gusto kita. I like you. Joahaeyo."
"Pwede bang i-date mo naman ako kahit isang beses lang hah? Hindi ko hihingin na makipagbreak ka sa girlfriend mo. Makipagdate ka lang sa akin. Isang beses lang."
Napamaang ako sa sarili ko.
OOEMMGEE!!!!
Namula ako ng sobrang sobra sobra.
Waaahhhh!!!! Ano yung sinabi ko?!! Date?!! MY GOD!!! Grabe ba kong lasing? Sobra ba? As in!!!
Napailing ako sa sarili ko at sinabunutan ang sarili ko.
Then lightning struck me!!
Naalala ko yung ginawa ko after!!
GOSH!!! Natuptop ko ang sarili kong labi. Nanginig ako. Nanginig ako sa kahihiyan.
"Renz?"
"Silly girl. I'm not Renz."
Natigilan ako.
Yung mabilis na kabog ng dibdib ko ay lalong lumakas. Dumaloy ang nakakakilabot kuryente sa katawan ko. Napaawang ang mga labi ko.
One.
Two.
Three.
More than three seconds.
I gasp.
"Damn lady! You taste so sweet and i can't get enough of you. But you don't know what you're doin'."
Bigla kong tinanggal yung headphones sa tenga ko at napaatras nang pagkaka-upo.
Para akong nakakita nang multo o worst.
Tulala ako.
Hinihingal ako na parang tumakbo ako nang maraming lapses sa room ko.
WHAT WAS THAT?!!
Tumayo ako. Nagpunta sa may mini fridge. Kumuha ng isang malamig na maiinom. Tinungga iyon. Straight.
Pagtayo ko sa gitna ng room.
"AAAAHHHHHH!!!!"
Nagpapadyak ako sa kinatatayuan ko at ginulo gulo yung magulo ko na nga na buhok!!
"Baliw!! Baliw!! Baliw ka talaga Rein!!! Adik!! Loka-loka!! Baliw baliw!!!"
Gusto kong iuntog yung ulo ko sa pader para makalimot.
My God!! Mainam pa yatang wala akong naaalala e.
Waaahhhhh!!!! Sana hindi ko na lang naalala.
Napaupo ako sa gilid ng kama ko. Nagkutkot ng kuko.
Napa-frown ako sa sarili ko.
"Paano na?!! Paano ko haharapin si Andrew ngayon? Paano ko haharapin si Renz?!!" Napailing uli ako. "Waahh... yung first confession ko epic fail pa! Tapos nakuha niya pa ang first kiss ko!! Waahhh.... Gusto ko ng mamatay." Isinubsob ko yung mukha ko sa unan. Nagkakampay na parang isda ang katawan.
Binalikan ko yung recording pero nag-end na iyon. In-off ni Andrew o namatay dahil sa pagkakahulog mula sa akin?
Nakagat ko ng madiin yung labi ko.
O MY GOD! I'M SO DEAD NA TALAGA!
*****