PAGE 8
Love-at-first-sight
Pumuwesto ako sa may likuran nang karamihan.
"Camera ready?"
Narinig ko yung malakas na boses ni Allen na nagmamando sa mga staff na nasa paligid.
Napahalukipkip ako.
Ito ang live TV broadcast ng event. Una ay yung party na in-annouce kung sinu sino ang kasali sa Escaner Bride Search. Tapos may every Thursday prime time slot ang event sa TV Station nang mga Escaner. Ipinapakita naman doon ang mga updates at happenings sa loob ng competition at isla. It was all for publicity, i might say. Nilagyan lang ng drama para exciting. Epektib naman dahil mataas ang rating ng show.
Huminga ako ng malalim.
Eto ang unang elimination night. Lima daw ang matatanggal at wala akong ideya kung sinu sino yun. Namonitor ko yung mga pangyayari sa isla pero wala akong ideya sa progress ng pagkakakilala ng mga selected kay Dennis.
Ramdam ko yung matinding tensyon sa mga candidates kanina. Nagkaroon kasi muna ng maikling interview bago mag-start ang elimination program.
Kahit ako ay kinakabahan na. Hindi naman ako kasali sa candidates.
Napailing ako.
Inilibot ko yung paningin ko sa event hall. Nakita ko sina Ms. Marielle at Vincent na parehong seryoso ang itsura. Tapos pagtingin ko sa gawi ni Dennis, blanko lang ang expression niya.
Hanga naman ako at ang galing niyang magtago ng emotions. Kahit na sabihin na its all part of the competition, sigurado ako na mahirap din ito para sa kaniya. Siya ang higit na nakakilala sa mga girls na kasali sa event. Siya ang personal na kumikilala sa kanila.
"Rein?"
Gulat pa akong napalingon ng sumulpot sa tabi ko si Andy.
"O, Andy? Saan ka galing?"
"D'yan lang." ngumiti siya. "Nakaka-kaba di ba?"
Tumango ako ng mahina. "Oo nga."
"Buti na lang at hindi ako nasama sa selected. Hehe... baka first elimination pa lang ay matanggal na ko. Nakakahiya naman."
"Narealize mo yun?"
Bigla niya kong tinignan. "Sobra hah!"
Natawa ako ng mahina. "Joke lang. Puro ka kasi kalokohan."
Umismid siya. "Heh!"
Nginitian ko lang siya. "Lalabas muna ako."
"Bilisan mo lang hah. Baka kung saan ka na naman makarating may mapraning na talaga dito." aniya.
Inismiran ko lang siya tapos ay lumabas na muna ako.
Nagpunta ako dun sa may magandang gazebo. Naupo ako sa gilid at tahimik na tumingin sa langit.
Sa totoo lang. Wala akong interest na manuod ng elimination. Nalulungkot din ako. Syempre naman, nakilala ko din silang labinlimang kandidata. Though, may ilan sa kanila na hindi ko feel ang ugali. Pero sa loob ng lumipas na araw, kahit maikli lang. May naramdaman din naman akong consideration for them.
Napahinga ako ng malalim.
"That was deep."
Bigla akong napalingon sa boses na iyon. Napatayo ako nang makita ko siyang papalapit.
"Sir Dennis?"
Huminto siya ilang hakbang mula sa akin.
Napakunot noo ako. Bakit siya nandito?
"Nakaka-pressure sa loob. Gusto ko sanang makasagap ng sariwang hangin kahit papaano." aniya tapos ay ngumiti sa akin.
Kimi akong ngumiti din sa kaniya. "Ganun ba? Gusto niyo po bang mapag-isa? Sige. Aalis na muna--"
"No!" mabilis niya akong pinigilan sa balak kong pag-alis.
Haist! Sana hinayaan niya na lang akong umalis.
"You can stay here. Okay lang sa akin na nandito ka." Naupo siya. "Com'on. Maupo ka na uli."
Atubili akong sumunod.
Ngeks!! Mas nakaka-kaba pa ito sa loob e.
Ngayon parang alam ko na ang feeling nina Thessa kapag nandyan si Dennis. Nakaka-kaba pala talaga.
Lihim tuloy akong napabuntunghininga.
"I'm getting nervous. I don't know if i'll be doing this right."
Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. "Just focus on what you believe in. I'm sure you'll be choosing the right thing."
Then silence. Medyo saglit na silence lang naman yun. Parang dumaan lang yung librarian. Joke.
Huminga siya nang malalim. "Do you know how does it feel?"
Napatingin ako nung magsalita siya. "Hah?"
Nakangiting tinignan niya ako. "I'm asking you kung alam mo ba ang pakiramdam?"
"Na-nang ano?" kumunot ang noo ko.
"Nang inlove? Hindi ko pa kasi alam."
Natigilan ako sa sinabi niya.
"I bet you do. Nagka-boyfriend ka na kasi siguradong mahal mo siya."
Nasamid ako sa sinabi niya. Napatingin tuloy siya sa mukha ko. "Sorry. Nagulat lang ako." Pilit akong ngumiti sa kaniya. "Actually, hindi pa ko nagka-boyfriend. But yes, i do know how does it feels to be in love. Ibang form nga lang."
"Ibang form? Anong form? May klase ba yung love?" Nagtatakang tinitigan niya ako.
Na-concious naman ako much.
"O-Oo naman." Hilaw akong ngumiti. "Like, Love sa family mo. Love sa friends mo. Love sa neighbor mo."
"You love your neigbhor hah?" natawa siya.
"Oo naman. Mababait kaya sila."
"Okay. Okay. Ano pa?"
"Love sa kaaway mo."
"Paano mo love ang kaaway mo? Di ba nga kaaway mo yun?" ngiting ngiti naman siya sa akin.
"Ang sabi ni Lord Jesus, love your enemy. So love din yun. Eto masyado! Kaya nga nauso yung "The more you hate, the more you love"! di ba?" nangiti ako.
Tumango tango siya. "Okay fine."
"Love sa kapatid mo."
"Nasabi mo na yun. Sa family."
"E di pinsan na lang. Para iba."
Natawa siya.
Nangiti ako kasi ang sarap pakinggan ng tawa niya. Parang inihehele ka sa langit.
"O, ilan na yun?" sabi ko na tumingin sa langit. "Syempre love sa boyfriend o girlfriend. At yung pinaka-common."
Tinignan niya ako.
"Yung unrequitted love." ngumiti ako sa sarili ko. Bigla ko siyang nilingon. "See? Maraming form ang love."
"Yung form ng love mo ay yung last. Right? Unrequitted love." Hindi niya inaalis ang tingin sa akin.
Mahinang tumango ako. "Tama."
"Tsk. Who ever he is, he don't know what his missing." Umiiling na aniya.
Nagsalubong ang kilay ko. "Hah? Bakit?"
"Kasi, you're a funny girl. Hindi niya malalaman kung gaano kasayang kausap ang isang tulad mo."
Hilaw akong natawa. "Joke ba yun? Hindi naman ako nagpapatawa di ba? Paano ako naging funny?"
Natawa na naman siya.
Hala! Adik na toh! Nailing ako.
"Basta. I found you funny." tumingin siya sa malayo at tumango tango. "Now i know why he's like that."
"Sino naman yun?" Napakunot ako ng noo.
"Nothing." umiling siya sabay tingin uli sa akin. "Thanks. Pinagaan mo ang loob ko."
"Wala naman akong ginawa."
"Wala nga. But still, thanks." Tumayo na siya. "Kailangan ko nang bumalik sa loob. See yah."
Tinalikuran na niya ako at nakapamulsa ang mga kamay na lumakad palayo.
Sinundan ko na lang siya ng tingin.
"Talaga? Ako? Funny? Seryoso kaya ako." Napa-frown ako sa sarili ko. "Nakaka-kaba talaga siguro yung sitwasyon niya." Nailing na lang ako.
Hindi ko madalas makausap si Dennis pero, okay naman pala siya kapag wala yung mga camera. Akala ko kasi nagpi-pretend lang siya all the time. Siguro nga, sa harap ng mga camera he pretend to be someone else pero nalaman ko ngayon, kinakabahan din pala siya. Uncertain din pala siya.
Bumulong ako, "He's charming."
"Kausap mo ang sarili mo?"
Hindi ko namalayan na may ibang tao na naman na dumating. Napapitlag ako sa kinauupuan ko.
Shocks!! Ang laki laki ng resort na ito. Bakit kung nasaan ako ay bigla na lang may sumusulpot na hindi ko nalalaman.
Gulat pa akong napalingon sa kaniya.
Biglang kabog na naman ng dibdib ko.
Dugdugdug!!
Ang lakas lakas ng kabog.
Nakapamulsa ang mga kamay niya sa bulsa ng pants na suot niya. Naka-tuck in yung light blue na long sleeve polo shirt niya na nakafold ang sleeve hanggang sa siko lang.
Si Andrew. Bodyguard ba talaga siya? Bakit ang hot---
Ang hot ng temperature dito?
Seryoso at malalim ang mga matang nakatingin siya sa akin. Para bang may ginawa na naman akong masama sa paningin niya.
Napalunok ako.
"Ba-bakit nandito ka naman?"
"Bakit nandito ka? Mag-uumpisa na yung program sa loob." Huminto siya sa tapat ko.
"Ah... Ganun ba." tumayo na ako. "Babalik na ko dun. Sige. Bye."
Umakma akong iiwan na siya pero mabilis niya akong pinigilan sa braso.
Uh-uhh. Lagot na ko.
Mula kasi nung araw na huling nagkausap kami iniiwasan ko siya.
Iwas as in, kapag nasa isang place kami ay hindi ko talaga siya tinitignan. Lagi akong nakadikit kay Andy para wala syang chance na makalapit sa kin ng sarilinan.
Hello? Panu ko naman kasi siya haharapin ng maayos kung laging sumasagi sa utak ko yung ginawa ko nung birthday ko?
Napabuga ako ng hangin at tumingin sa kamay niyang pumipigil sa akin.
"Bitiwan mo ko."
"Bakit magkasama kayo ni Sir Dennis? Anong pinag-usapan niyo?"
Tinignan ko siya. "Bakit? Wala naman."
Nilingon niya ako tinitigan ng matiim. "Nakakatawa ba yung pinag-uusapan niyo?"
Medyo natigilan ako.
"Masaya ka bang kausap siya?"
"Pakeelam mo ba? Kanina ka pa ba nakabantay?" Pilit kong hinila yung kamay ko mula sa kaniya pero hindi niya iyon binitiwan. "Bitiwan mo na nga ako Andrew!"
"Buti hindi mo na nakalimutan ang pangalan ko."
"Wag ka ngang magpatawa."
Napatiimbagang siya. "Alam mo nahihirapan akong intindihin ang sinabi mo nun e."
Naguguluhan ko siyang tinitigan.
"Sabi mo, "loving is not owning". Pero bakit hindi ko yata magawa yung sinabi mo?"
Napakunot noo ako.
"I want to own you. Pero hindi ka naman bagay para angkinin ko. But why do i feel like i want to have you badly?!"
Napaawang ang mga labi ko sa kabiglaan.
O my God!
Is this? Is he---?!!
Lalong bumilis yung pintig ng puso ko. Hinalukay sa kaba ang sikmura ko.
Humarap siya sa akin. "Kasalanan mo kasi."
Napantig ang tenga ko sa sinabi niya. "Kasalanan ko? Ano bang ginawa ko?"
"Kung hindi mo--" napapiksi siya. "S**t that false confession. Hindi sana ganito."
Pinagtaasan ko siya ng kilay. Huminga ng malalim. "Dahil ba dun? Sinabi ko na sa yong kalimutan mo na lang di ba?"
"Panu ko kakalimutan yun? You-- You kissed me!"
Natigalgal ako. Mabilis na nag-init ang mukha ko sa sinabi niya.
"Hindi mo dapat kasi ginawa yun!" sigaw niya.
"Lasing ako nun. Sorry kung napagkamalan kita. Pero hindi ko naman sinadya yun." nanginig ako.
"Yun na nga. Hindi mo sinadya. Pero hindi ko makalimutan." marahas niyang binitiwan ang braso ko. Tumalikod sa akin at mahinang napamura.
Nakagat ko ang labi ko.
What is this situation? Do i have to explain to him everything?
Humarap siya uli sa akin. "Do you like him so much? Iniisip mo ba na sana sinundan ka niya nang gabi na yun?"
"Ang kulit mo naman. Lasing nga kasi ako kaya napagkamalan kita." Marahas akong napabuga ng hangin. "If its about the kiss, sorry na nga e. Bakit ba big deal sa yo yun? Saka," i pause for a second."Hinalikan mo rin ako di ba?!"
"And you kissed me back!" sigaw niya.
Napaatras ako. "Da-dahil akala ko ikaw siya. Ano ba?!"
"Yun yung big deal sa akin. I kissed you dahil gusto ko pero ikaw hinalikan mo ko dahil akala mo ako siya! Damn it!! You don't know how bothering that is?!"
Laglag panga ko.
Is this what his feeling? Indirect lang lahat pero its like telling me that he... likes me.
Napasapo ako sa noo ko. Pinagpapawisan ako kahit na malamig naman ang gabi. Malamig din yung hangin. Nangangatog ako sa buong katawan. Napahinga ako.
I can't breathe.
Tinignan ko siya.
"Rein?"
Umiling ako. "I'm sorry."
Humakbang na ko paiwas sa kaniya. Nilagpasan ko siya at hindi siya sumunod sa akin. At least thats what i thought.
This is getting stressfull. I don't like it.
*****
The very next morning.
From fifteen contestant ay sampu na lang ang natira.
Observing them i can say na pwede ko silang hatiin sa tatlong faction.
Una.
The Bitchy girls.
This composed of Samantha, Orpha and Rizza. They are the happy-go-lucky girls. Pareparehong nagmula sa mga kilalang pamilya. Well you may say na magkakalevel sila ng pinanggalingan kaya pati siguro level ng ugali ay same na sila.
Pangalawa.
The Silent Girls.
Bakit silent? Because they to tend to observe and after na sila kumililos. Sila ba yung hinihintay muna ang outcome nang mga mangyayari bago gumawa ng sariling paraan. Si Mheily, Chary at Clouie iyon. Kasama ko din pala sa list si Casey dahil silent siya.
Pangatlo.
The Hopeless Romantic.
Dito kasama si Thessa, Leilyn at Mara. Sila kasi yung naniniwala at umaasa sa mga fairytales. As in sa once upon a time at happy ever after. And they came here for the expectation na maaari nilang mahanap ang True Love sa first heir prince.
Well being the observer here gusto ko talaga ang trabahong ito. Nakikita ko ang bawat galaw nang mga contestant as well as Dennis Escaner's.
Setting aside my personal issues. Gusto ko nang mag-focus sa contest na ito. Wala nang iba.
*****
In-announce ni Ms. Marielle ang isang pagbabago sa competition. Lahat kami ay sinabihan na mag-impake ng mga gamit. As in lahat. Walang ititira? Uwian na kaya?
No.
Actually hindi naman. Nasabihan na kami ni Renz ahead of time. Kaming dalawa ni Andy. Lilipat lang kami nang venue ng event.
Sapat na siguro yung mga nakuha nilang footage sa resort. Echoss!
Seriously.
Eto na nga kami. Sa bagong environment. Sa Villa Catalina. Isa itong malaking villa sa North side nang Isla.
Note: May dalawang main Villa na makikita sa Isla Catalina. Eto nga yung isa, itong Villa Catalina where usually nag-i-stay ang buong family members nang Escaner. The other Villa ay sa East side. Ang pangalan ay Villa Rosana. Pero prohibited ang lugar. As in, restricted area at bawal puntahan. Bakit? May multo daw kasi.
Haha....
Really. Matagal na raw na abandonado ang Villa Rosana. At wala nang nagtangkang magtanong kung bakit. Maliban sa akin.
Malamang curious ako e.
"Hindi ko din sure ang dahilan e." Yun lang ang sagot ni Renz sa akin nang tanungin ko siya.
Either, alam niya at ayaw niya lang sabihin o hindi niya talaga alam.
So, nabitin ang tanong kung bakit restricted ang area nang Villa Rosana.
*****
"Are you sure you don't mind?" Matiim akong tinignan ni Ms. Marielle.
Tumango ako at pilit ngumiti. "Okay lang. Walang problema."
But there is.
Meron kasing tatlong available cabin sa paligid ng Villa Catalina. Pero lahat iyon ay taken na nang mga staffs nang show so wala nang naiwan para sa amin ni Andy. Kaya ang nangyari, sa Villa kami mag-istay. Kasama ang sampung contestant at si Dennis Escaner.
Shocks!
Hindi ako sanay sa bahay na crowded nang mga tao. Gusto ko na yatang umatras.
Pero dahil mag-si-share naman kami ni Andy nang room ay um-OO na lang ako. As if naman pwede akong magreklamo dahil guest lang naman ako dito. Hindi nga ako kasali sa competition.
Medyo pabor din sa amin ni Andy ang sitwasyon. Dahil mas mapapalapit kami sa mga contestant and well, mas makikilala pa namin sila nang husto. Afterall, we are tasked to gather information of how the competition progress.
*****
Typing.
I was in the middle of my conversation sa head ko nang marinig ko yung mahinang katok sa may pinto nang room na binigay sa amin. Bahadyang naka-open yun kaya nakita ko agad kung sino yung tao.
"Hi. Pa-istorbo?" Nakangiting bati niya.
Ngumiti ako pabalik. "Hi Mheily? Pasok ka." Sinenyasan ko siya na tumuloy at tumalima naman siya agad.
"May ginagawa ka ba?" Naupo siya sa gilid nang kamang kinalalagyan ko.
"Meron pero okay lang. May problema ba?" Tinitigan ko ang mukha niya.
Wala si Ms. Marielle at medyo nasabihan niya ako na bantayan ang mga ito. Ewan ko ba kung bakit.
Minasdan ko itong si Mheily. She is one of the Silent Girls. Friend sila ni Chary. Ahh... magka-workmate sila actually. She was plain simple parang si Thessa lang. Yung feature niya ay may pagka-boyish. I mean, may pagka-boyish nga siya kung kumilos.
Twenty-four. A CPA. She is tall, slim and beautiful.
"Nagto-tour lang ako dito sa villa." Binalik niya sa current conversation yung utak ko.
Tumango ako ng mahina. "Hmm... so may natuklasan ka ba?"
"Yah. Like, may nakakabit na CCTV sa lahat nang rooms like that." Sabay turo sa isang sulok nang room.
Bigla akong nag-angat nang tingin.
Shocks! Di ko alam yun! Bakit pati room namin ay meron nun?
Nagulat talaga ako.
"Gumagana ba yan?" Wala sa loob kong tanong.
"Probably." Napangiti siya. "May safe place pa naman kasi yung mga CR wala namang camera."
"Iti-check ko mamaya." Sabi ko. May kanyakanya kasing CR ang bawat room doon e.
Natawa siya nang mahina. "Don't worry. Kami lang naman na mga Selected ang intended na bantayan nang mga camera na iyan."
Nagkibit balikat ako.
"Dito ka lang ba magdamag? Kaharap yang computer mo?"
"Hindi naman. Wala naman kasing naka-schedule na gagawin ngayon kaya nandito lang ako. Bakit?"
Ngumiti siya. "Balak kasi namin na mag-bonfire mamayang gabi sa may tabing dagat. Sama ka sa amin."
"Lahat ba kayo?"
Umiling siya. "Sinabihan namin sina Samantha pero ayaw nila. Malamig daw." She pout. "If i know. Ayaw lang talaga nila na makisama sa amin."
"Thats Samantha for you."
"Ayokong mag-judge ng iba pero makikita mo naman sa kilos nila kung gusto ka nila o ayaw."
Tumango ako.
"O, anu? Mamaya hah? Sama mo si Andy."
"Wala si Andy. Nasa resort siya at bukas pa ang punta dito. May ginagawa lang siya dun."
"Ayy... sayang naman. Kung ganun ay kailangan mo talagang sumama sa amin dahil mabo-bored ka lang kung nandito ka."
Tumango ako bilang pangsang-ayon. "Okay. I'm in."
"Great." She clasp her hand.
Natuwa naman ako. First time kong nakausap nang ganito si Mheily and i found her nice. Magaan ang loob ko sa kaniya.
"You have internet connection?" Biglang pag-iiba niya nang topic.
"Hah? Wala. Nagta-type lang ako." Nginisian ko siya. "Namimiss mo na ba ang outside world?"
"Haist! Sinabi mo pa!" Aniya. "Nabobored na ako dito, alam mo ba yun? Walang internet connection at bawal ang cellphone. Buti nga nakaka-survive ang mga tao sa lugar na ito."
Natawa ako.
"You know, i'm a gamer. As in, i play online games. Mga MMORPG. Favorite ko nga ung LOL."
"Ano yun, LOL? Laugh out loud?"
Natawa siya. "Hindi. League of Legends yun."
"Ahhh... pesensye nemen. Wala akong alam sa mga ganyang bagay."
"Hahhaha... halata nga e." Tumayo na siya. "Anyways, see you mamaya. Wag kang mawawala hah."
Tumango ako at ngumiti. "Yes. Thanks for inviting by the way."
"No prob."
Nakangiti ako habang sinusundan siya ng tingin papalabas ng room ko.
No objection. She's okay.
Nagkibit balikat ako.
*****
After some hours ay nakatulog ako kaya nang magising ako ay madilim na labas. Ang totoo, makakasurvive ako sa kwarto kahit mag-isa lang.
Nakaramdam ako nang gutom pero pumunta muna ako sa CR para maligo at mag-ayos nang sarili. Paghawak ko sa may knob nang pinto ng CR ay natigilan pa ako.
"Ooppss! Remind me always na may CCTV camera sa room. Baka makalimutan ko at ma-iskandalo pa ako nang wala sa oras." Tapos deretso sa banyo.
Makalipas pa ang ilang minuto ay lumabas na ako ng silid at nagpunta sa may kitchen. Ilang hakbang langbiyon mula sa room namin dahil na-assign ang room namin sa may first floor.
Pagbungad ko pa lang sa may kusina ay may naamoy na akong masarap. Nakita ko agad si Thessa sa may harap nang cooking table.
"Ang bango. Mukhang masarap yang niluluto mo." Nakangiting lumapit ako.
"Oi, gising ka na pala." Napangiti siya. "Sinilip kita sa room mo kanina para ayain dito e. Pero tulog ka. Sama ka sa labas di ba?"
Tumango ako. "Yah. Sinabihan ako ni Mheily kanina. Nandun na ba sila?"
"Kanina pa. Nag-swimming sila e."
"Hindi ka nag-swinmming?"
"Nandun ako kanina pero bumalik ako dito agad para ihanda na nga itong pagkain."
"Hindi ka man lang nila tinulungan?" Napa-arko ang kilay ko.
"They did. Tinulungan ako nina Mheily pero pinabalik ko na sila kanikanina lang sa dagat. Tapos na rin naman e."
Tumango ako. "Hindi ko alam na magaling kang magluto."
"Hindi ako magaling. Marunong lang. Tinuturuan ako sa bahay e."
Tinulungan ko na siya na magdala nung ilang gamit at yung naiwan na foods papunta sa may tabing dagat. Nandun na nga lahat at sa pagtataka ko ay naroon din sina Samantha.
"Akala ko ba ayaw nina Samantha na sumali dito?" Bulong ko kay Thessa.
"Oo. Ayaw nga nila pero nalaman nila na pupunta sina Ms. Marielle at Dennis. Nagbago tuloy ang isip, alam mo na."
"Nandyan sina Dennis?"
"Darating daw sila. Sabi." Nagkibit balikat si Thessa.
"Hindi ka excited?" Weird nito.
"Excited. Pero minsan ayaw ko na nakikita si Dennis. Kinakabahan kasi ako. Alam mo yun? Yung puso ko ayaw huminto sa pagkabog." Tapos ay natawa siya.
Napangiti ako. "Ibig bang sabihin niyan ay like mo na rin si Dennis?"
"Wala namang dapat ika-ayaw sa kaniya. He's almost perfect nga e. Nakita ko yun nung one-on-one date namin last week. He's charming and gentleman."
"Talaga?!" Amused ako sa biglang pagbabago ng tingin ni Thessa kay Dennis. May ginawa siguro si Dennis na nagpabago ng isip niya.
"Kung makakasama mo siya ng personal, Rein. I'm sure a-aggree ka na sa lahat ng sinabi ko."
Hindi na ako umimik. Actually, saglit ko pa lang siyang nakausap ay nalaman ko na yun.
Sinalubong na kami nina Mheily at tinulungan sa kung anuman ang dala namin. Wala akong balak na mag-swimming kaya kumain na lang ako. Gutom na rin ako e.
Nasa harap ako ng bonfire at nakatingin sa dagat. Nakikita ko sina Leilyn, Mheily, Casey at Chary na nag-eenjoy sa tubig.
Buti nakakayanan nila yun. Ang lamig kaya. Mabuti dinala ko ang jacket ko. Hindi ko pala kakayanin ang lamig.
Nakita ko na nasa isang tabi sina Samantha, Orpha at Rizza. Kung lalake ako, malamang sa lapitan ko na ang mga ito at ayaing mag-swimming and go all-the-way. Wohoh! Pervert mode. Mabuti madilim na pero hindi ko maitangging ang gaganda nila. At super sexy pa as in SUPER! Mabuti babae ako at straight. Hups!
They are in their best daring bikinis. Grabe lang. Ewan ko lang hindi pa sila pansinin ni Dennis nito.
Nawala ang atensyon ko kina Samantha nang may naupo sa tabi ko. Nalingunan ko si Mara.
Alam ko na naka-swimsuit din siya under sa suot niyang sundress.
"Hi Mara. Enjoying?" Bati ko sa kaniya.
Mahinang tumango siya. "Oo. Pero first time kong nakasama sa ganitong night swimming e. Hindi ko pala kaya ang lamig." Nahihiyang ngumiti siya sa akin.
Nginitian ko lang siya.
Sobrang mahiyain pala nitong si Mara. Nakakabingi ang katahimikan niya.
"Why? Taga-rito ka di ba? Hindi ka ba sumasama sa mga friends mo?"
Note: Resident ng Isla Catalina ang family ni Mara. Mas matagal nga lang siyang nag-stay sa Maynila dahil doon siya nag-aaral.
"Wala akong friends dito e. Nasa Manila sila. Kaya kapag nandito ako noon sa may bahay lang ako madalas."
Halata nga. Bulong ko sa sarili. "Ang boring naman nun."
"Boring nga." Ngumiti siya pero hindi sa akin. Nakatingin siya sa kawalan. (Yeng?) I mean wala siyang partikular na tinitignan at nginingitian. Parang ewan lang. "Pero nagiging makulay ang bakasyon ko noon kapag dumadating na sila."
"Sila? Sino sila?"
"Sina Ms. Marielle." Nakangiting tinigna nya ko uli. "Madalas kasi sila noon dito kapag bakasyon."
"So matagal mo ng kilala ang mga Escaner?"
"Kilala ko sila dahil sa kanila ang isla na ito. Pero may isang beses pa lang na nakita ko sila na dumating dito sa isla. Alam ko lang na nandito sila every summer pero hindi ko sila nakikita."
Napakurap kurap ako nang mga mata.
"Don't tell me, na-love-at-first-sight ka kay Dennis noong bata ka pa lang?"
Biglang namula nang sobra ang mukha ni Mara at hindi nakaimik.
Pero kitang kita ko ang pag-flicker nang mga mata niya.
OEEMGEE! Is this true?
*****