PAGE 9
Interest
********
Nanlake ang mga mata ko sa revelation ni Mara.
Okay! Fine! OA ako dun.
I just didn't expect it from her.
So may ganito pala sa competition na ito?
Nag-isip ako nang malalim.
"Pero, wag mong sasabihin sa iba hah. Nakakahiya e." Namumula ang buong mukha ani Mara.
My Gosh!! She's so.... so... naive and innocent. Nadaig niya ako dun, gosh!
Napabuga ako nang hangin. "So matagal mo na palang gusto si Dennis? Bakit hindi ka gumawa nang ways noon? Bakit kailangan mo pang sumali sa ganitong walang sense na laro?"
Nagulat siya sa akin. Hindi nakapagsalita agad at tinitigan lang ako ng ilang sandali.
"Look, Mara. I'm not pressuring you with anything. I just thought of that. Sorry."
Ang OA ko talaga paminsan minsan.
Napatango siya. "Yah. I know. But you see kasi-- i'm too shy saka... (pause) saka, he don't know me."
"He don't know you? What?"
"He don't know me. Crush ko siya pero ako lang ang may gusto sa kaniya. Ganun lang." Nagbaba siya nang tingin at pilit itinatago sa akin ang kaniyang mukha. Ramdam ko yung uneasyness niya. Naguilty tuloy ako.
Okay fine! I scared her.
"Mara, sorry." Sabi ko at marahang hinawakan ang kamay niya. "Sorry."
Umiling iling siya habang nakayuko pa rin. "No. Naiintindihan ko naman kung bakit. Alam ko na hindi na ako high school student to act like this. Honestly i don't want to feel like this. I just can't help it."
Napahinga ako nang malalim.
"I like him kaya ako nandito. Gusto ko na mapansin niya rin ako. Kahit konti lang. Alam mo, pinilit ko pa ang mga magulang ko para lang i-recommend nila ako sa mga Escaner." Nag-angat siya nang tingin at nakita ko ang pamumula ng mukha niya pati mga mata. "Iyon lang ang kaya kong gawin para mapalapit kay Dennis. Kaya ngayon, sa tadhana na lang ako umaasa. Sa destiny na baka kami ang para sa isa't isa."
Napamaang ako.
What do i say to her? Ano? Ano?
Pilit akong ngumiti na lang sa kanya.
She likes him and this is kinda bothering di ba? Oo, maganda sa part ni Dennis if he would now na isa sa contestant ang actually inlove sa kanya. But, paano kung hindi mutual ang feelings nila? Paano na? Uuwi lang na bigo si Mara. Uuwi siyang sawi.
Well, hindi naman sa sinasabi ko na walang chance si Mara sa larong ito. Hindi naman siya nalalayo sa league nang mga kasama niya. Anak siya nang mag-asawang businessman. Nag-aral at nagtapos siya sa isang kilala at pretigious na school. Matalino siya. Maganda. All is in her na. Meron lang kulang.
Aggressiveness.
Isa iyon sa labanan sa competition na ito.
Medyo plain at simple kasing mag-isip itong si Mara. Naikulong yata sa loob nang baul sa loob nang hundred years kaya hindi alam na nasa 21st century na siya at ang labanan na sa mundo ay...
Survivor of the fittest.
All is uncertain in this competition. Possible na ngayon ay gusto ka ni Dennis but kinabukasan ay hindi na. Maaaring sweet siya sa yo ngayong araw pero hindi mo maaasahan ang sweetness na iyon kinabukasan. At lahat nang contestant ay gumagawa nang mga drastic ways para makakuha nang atensyon mula kay Dennis.
Like Samantha.
And worst... you will see Dennis flirting with all the other girls at wala kang karapatan na magselos o magalit.
Cursed this competition.
Anong sasabihin ko?
"It's okay, Rein. Nalalaman ko naman kung ano itong napasukan ko e. Naiintindihan ko na game lang lahat ito at pwedeng hindi ako ang piliin ni Dennis. But i'd still try my luck. I'd still give my best to win his heart."
Hindi na talaga ako nakapagsalita.
Ayan! Another alagad nina Cinderella-Snowwhite-Belle at sinu sino pa.
Sabay kaming napalingon nang marinig namin ang commotion nang mga girls. Then nakita namin sina Marielle, Dennis, Vincent at si Andrew na dumating na pala.
Binitiwan ko na ang kamay ni Mara at naupo na ng maayos.
This is uncomfortable now.
After some minutes ay nakisali na sa pagsu-swimming si Dennis. Nakasunod lang ang paningin ko sa kanila. Sina Dennis, Samantha, Rizza at Orpha ay nasa dagat na. Kasama din nila si Vincent.
God?
Nakamasid ako sa kilos nila. At ngayon ay sobrang lapit na nina Dennis at Samantha. Imagine possibilities of what is happening underwater.
Gosh! Ang dumi nang utak ko pero alam ko na hindi lang ako ang nag-iisip nang ganito.
Nakaahon na mula sa dagat sina Mheily at nasa paligid na sila nang bonfire.
Napabuntunghininga ako.
I'm just glad i'm not part of this whole stupid game.
"Ang flirt nila talaga." Bulong ni Mheily habang nasa tabi ko at nakatingin sa gawi nina Dennis.
Hindi ko siya nilingon. I was thinking the same.
"Maa-amazed ako kung pag-angat ni Samantha nang tubig ay buntis na siya."
Gulat akong napatingin kay Mheily at napakurap. Seryoso ang mukha niya at nang tumingin siya sa akin ay sabay kaming pumalahaw nang tawa.
Grabe! Ang sama ng iniisip namin. Pero akalain mo yun... halos same ang tumatakbo sa utak namin.
"Hahaha... honestly, i was thinking the same." Sabi ko.
"Hah! Pervert ka!" Tapos tawa uli.
"Huy! Anong pinagtatawanan niyo dyan? Di niyo i-seshare?" Puna sa amin ni Clouie.
"Wala." Iling ni Mheily pero nakatawa pa rin.
"Ah! Ganun! Ang unfair niyo hah!!" Parang bata na sinimangutan kami ni Clouie. Sa lahat talaga ito yung makulit na nakakatuwa. "Kapag hindi niyo yan si-share magpapakalunod ako." Deklara niya bigla.
"Lunod saan?!" Nakangising wika ni Chary.
"Lunod sa alak para heaven ang feeling."
Natawa kami. Joke lang naman e.
May naramdaman akong kamay na magaan na pumatong sa balikat ko. Agad akong lumingon at nakita si Renz na nakangiting nakatingin sa akin.
"Tabi tayo." Aniya na naka-smile.
Biglang kumabog ang dibdib ko na parang tinatambol. Nag-blush ako. Good thing ay parang hindi napansin ni Renz iyon. Dim kasi yung liwanag mula sa bonfire. Marahan lamang siyang naupo sa tabi ko.
"Hi, Renz, mabuti nakapunta ka. Si Allen?" Masayang bati ni Clouie.
"Nasa resort siya kasi may naiwan pa na ilang equipments doon kaya baka bukas na sila makakapunta dito." Nakangiting tugon ni Renz.
"Ayy!! Sayang ... wala pala si Papa Allen! Tsk!" Nakatawang ani Clouie.
Napangiti lang ako.
"Nanliligaw ba sa yo si Allen, Rein? Kasi ang weird niyong dalawa kapag nagkikita."
Napatingin ako kay Mheily ng sabihin niya yun. "Oi, hindi ah!"
"E di hindi." Ang bilis kausap ni Mheily.
Napailing na lang ako then pagtingin ko sa gawi ni Renz ay naka-smile pa rin siya na nakatingin sa ibang direksyon. Tinitigan ko siya sa mukha tapos bigla siyang tumingin sa akin.
Bigla tuloy akong napapitlag at namumula ang mukhang napaiwas nang tingin.
Gosh! I was staring at him without concious. Kakainis! Nahuli niya pa ako.
Kakahiya.
"You're face is red Rein? Bakit?" Narinig kong sabi niya. "May sakit ka ba?"
Lalo akong nag-blush. Ane beh nemen yen?
"Wala. Wala lang." Iling ko at pilit na umiwas nang tingin sa kaniya.
Kinakabahan ako nang sobra at kinikilig.
Ako yata ang parang high school student dito e. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko kapag nakikita ko si Renz.
Pinanlalamigan na naman ako nang mga kamay.
"Hindi ka magsu-swimming?" Tanong ni Renz.
Nilingon ko siya. "Hah?!"
"Oo nga, hindi ka nag-swimming." Singit ni Mheily sa tabi ko.
Lumingon naman ako kay Mheily at nakita ko ang nakakaloko niyang ngiti. "A-ayoko. Malamig na saka hindi ako marunong lumangoy." Sabi ko.
"Sayang naman." Ani Mheily tapos ay kumindat sa akin.
Napangiwi ako.
Naku! Nahalata niya kaya?
"Baka nga hindi mo kayanin ang lamig." Sabi ni Renz. "Ang nipis pa naman ng balat mo oh."
Napapitlag ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
Kinilabutan ako. Kinilig. Namula. Napatalon sa pwesto ang puso ko. Lahat lahat na!
Napatitig ako sa mukha niya habang siya naman ay nakatingin sa kamay ko.
Emeged!
Natetemp na akong i-lock ang hands ko sa kaniya. Ang sarap siguro nang pakiramdam nun. Napalunok ako nang wala sa oras.
"Ba't ang payat mo? Kumakain ka ba?" Aniyang nakangiti ang labi at nakatingin sa kamay kong hawak niya.
"Renz?" Bulong ko.
Nag-angat siya nang tingin at mabilis na nagsalubong ang mga mata namin.
"Hmm?" Nagtatanong ang mga mata niya.
Para na naman akong nahipnotize sa mga mata niya at hindi ako nakapagsalita.
"Ano yun Rein?"
"Hah?!" Binawi ko ang kamay ko mula sa kaniya at tumingin sa ibang dereksyon. "Syempre kumakain ako. Hindi lang talaga ako tumataba."
"Oh.. okay." Aniya.
"Marunong ka ba?" Biglang wika ni Mheily sa tabi ko.
Sirain ba ang magic moment.
Tinignan ko na naman si Mheily for the nth time. Pero this time ay binigyan ko siya ng disapproval look. Like, minemental telepathy ko sa kaniya na "istorbo ka".
"Anong marunong?"
"Marunong kumanta o kaya ay maggitara. May gitara kaming dala pero hindi marunong sina Chary e." Nakangiting sabi ni Mheily then saka ko lang nakita na may hawak na nga siyang gitara.
Tinitigan ko na lang siya. Saan galing yun?
"Really Mheily?"
"Marunong din ako. Member ako ng band. Pero singer ako e." Aniya at ngumisi.
Napabuga ako nang hangin at kinuha mula sa kanya ang gitara. "Limitado lang ang alam ko."
"Atleast marunong ka."
Tumango ako.
Theres something in her na hindi ko maipaliwanag.
"Bakit parang kilala mo na ako at kilala na kita?" Wala sa loob na naitanong ko sa kaniya.
"Haha... maybe lost sister kita. What do you think?" Tawa niya.
Inismiran ko siya. "Haha... i doubt that."
Lumapit sa amin sina Chary. "Marunong ka pala niyan Rein?"
"Konti lang." Sagot ko.
"I don't know you play that." React naman ni Renz sa tabi ko.
Nilingon ko siya. "It's because you don't take interest on knowing."
Biglang napalis ang ngiti niya at tumitig sa akin.
Nag-blush naman ako at umiwas na ng tingin. I blurted out the wrong words.
Huminga na lang ako ng malalim at binalingan si Mheily.
Binulungan ako ni Mheily.
"Sige alam ko yun." Mahinang tango ko. Pero parang nawala na ako sa mood.
Nasabi ko pa kasi yun.
Then first strum sa gitara.
Mheily: "Sandali na lang."
Sinulyapan ko agad si Mheily.
In all fairness ang ganda nang boses niya. Promise.
Mheily: "Maaari bang pagbigyan? Aalis na nga. Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay? Sana ay maabot ng langit ang iyong mga ngiti."
Biglang...
"Oi, ano ba yan? Wala bang bago bagong kanta?" React bigla ni Clouie.
Napahinto ako at tumingin sa kanila.
Ano toh? Jukebox? Pwedeng request?
Nag-isip siya ng kanta tapos kinalabit ko na siya.
"You know this?" As i strum chords sa gitara. Binanggit ko din sa kaniya yung pamagat nung kanta.
"Yah! Let's do that." Masayang ani Mheily.
[Guitar music play] (Tonight by Jessica Sanchez)
Mheily:
"It seems like everything is something else. Another reason to be stressing. And you just wanna get away. And you just wanna get away."
Napangiti ako.
Nag-eenjoy na kami kasi ang galing ni Mheily.
Nakita yata nina Dennis and the bitchy girls yung ginagawa namin kaya umahon na sila sa tubig at lumapit sa amin.
Mheily: "We ain't even on earth tonight. Where on a planet were the dudes got money and their not afraid to spend it."
Nakisabay na lahat. "Ey-yo-ey-yo"
Si Clouie naman ay tumayo pa at sumayaw sa tabi ng bonfire.
Dancer nga pala si Clouie. Member siya nang isang kilalang dance troupe sa showbiz.
Lumapit siya kay Renz at hinila ito patayo at papunta sa malapit sa bonfire para magsayaw. Sina Dennis, Samantha at mga kaibigan nito ay nagsasayaw na din sa paligid ng bonfire. Sila yata ang mas nag-enjoy sa party samantalang wala naman silang naitulong.
Napailing na lang ako sa sarili ko nang lihim.
Hindi makalapit iyong ibang girls kay Dennis dahil nakabakod na agad si Samantha. Parang pinapakita niya lang sa lahat na... her property na si Dennis which is not. Sa ngayon.
Malay ba namin kung si Samantha nga ang piliin niya at the end of the competition.
Tumingin ako sa gawi ni Mara.
Kita ko yung lungkot sa mukha niya pero wala siyang magawa. Katulad lang din nang nararamdaman ng iba pa sa kasama nilang selected.
In the end. Masaya naman yung inihanda nila na party.
*****
It was an unplanned party but it was so much fun.
Ngayon ko nga lang yata na-enjoy ang stay sa Isla Catalina e. Nakakatuwa talaga.
"Akyat na ko Rein. Goodnight." Paalam sa akin ni Thessa.
Iyong ibang girls ay nagsi-akyatan na rin kanina pa pero hindi ko alam kung may mga naiwan pa ba sa beach. Magkatulong kasi kami ni Thessa na nagligpit nang mga ginamit namin kanina sa party. Tinulungan din kami ni Renz.
"Goodnight Renz." Pahabol pa ni Thessa.
"Goodnight." Ani ko habang sinusundan siya nang tingin papalabas nang kitchen.
Nakangiting tumango lang si Renz.
"Thank you sa tulong." Sabi ko at ngumiti sa kaniya nang nakaalis na si Thessa.
"Walang anuman. Wala naman akong masyadong ginawa kundi ang panuorin kayo habang nagliligpit." Nakangiting aniya.
"Still. Thanks."
"Uhmm..." tumango siya.
Biglang daan nang anghel.
Awkward moment ba?
"Sige na Renz. Balik ka na sa cabin niyo masyado nang gabi at may schedule tayo bukas di ba?" Sabi ko na lang to break the silence.
"Oo nga." Sang-ayon niya.
"Si-sige na." Tapos ay tinitigan ko ang mukha niya.
"Yah!" Kumilos na siya para umalis pero biglang huminto at nilingon muli ako. "You know, you caught me off-guard earlier."
"HAH?"
Marahan siyang humakbang papalapit sa akin at nang ilang metro na ang pagitan namin huminto siya, ipinamulsa ang dalawang kamay at ngumiti.
"Marami pa pala akong hindi nalalaman tungkol sa iyo. You made me realize that when you said i wasn't interested knowing you."
Bahadyang napaawang ang mga labi ko sa gulat.
"Maybe you are right."
Napalunok ako at pilit na ngumiti. "Ano ka ba Renz? Wala naman akong ibang ibig sabihin kanina. Nasabi ko lang yun kasi hindi mo alam na marunong ako na mag-gitara."
Tumango siya nang mabagal. "Tama. Maybe i wasn't paying that much attention kaya hindi ko alam."
"Marami rin naman akong bagay na hindi alam tungkol sa iyo di ba? Quits lang tayo."
"Hindi ko nga naalala ang birthday mo e. Pero ikaw, you never miss the chance to greet me kapag birthday ko na. Parang ang unfair lang para sa yo."
Umiling ako. "Renz?"
"Sorry." Pilit siyang ngumiti sa akin. "Mula ngayon i'll give extra attention sa yo."
"Hindi naman kailangan." Mabilis kong sabi.
TUGSH! [Door slammed open]
Sabay kaming napalingon sa may back door nang kusina nang bigla iyong bumukas nang malakas.
Natigilan kami pareho ni Renz.
"Oops! Did i interrupt something?!" Anang malamig na boses.
Natigalgal ako at tumitig sa mukha nang taong dumating.
Nasalubong ko tuloy yung mapanuri niyang mga tingin.
"Andrew?" Hinarap siya ni Renz nang casual lang. "Wala ka namang na-istorbo. Nag-uusap lang kami tungkol sa schedule bukas." Mabuti na lang at nakaisip siya agad ng mabilis na dahilan.
"Ganun ba?" Nakatingin pa rin sa akin si Andrew. "Magtatagal ka pa ba dito? Alam mo na naman na bawal ang ibang lalake dito sa villa maliban na lang kung may schedule."
Tumango si Renz. "Yeah. I know." Binalingan ako ni Renz. "O, alis na ko Rein. Goodnight."
Alanganin akong ngumiti. "Goodnight."
Tinalikuran na ako ni Renz at humakbang papalabas sa door na pinasukan ni Andrew.
Napalunok ako nang maiwan na lang kami ni Andrew sa loob nang kitchen.
Hindi siya nagsalita nang anuman.
Huminga ako nang malalim at tinanguan na lamang siya bago tumalikod at umalis na rin.
Wala pa rin akong narinig na anumang salita mula sa kaniya kaya i assumed wala na siyang sasabihin.
*****
AFTER series of events at na torn down sa walo ang mga candidates. Natanggal sa last elimination sina Nyla at Clouie.
Nagkaroon ng mga tasks yung mga candidates, like, pumunta sila sa orphanage, magfacilitate ng feeding program na kinagiliwan naman ni Thessa at iba marami pa. Nabigyan din yung walo nang chance of a one-on-one date outside the Island with Dennis. Syempre.
Kaya lang....
Masama ang pakiramdam ko sa araw na ito kaya hindi ako nakasama sa huling date which is date nina Dennis at Mheily.
"Heto oh." Marahang inilapag ni Thessa yung niluto niya na lugaw sa may side table ng kama ko.
"Thank you, Thessa." Mahinang wika ko.
"Ayan kasi! Masyado mong ini-stress ang sarili mo sa pagkilos dito sa Villa." Ngumiti siya.
Para siyang Nanay kung mag-alala at mag-alaga. Nakakatuwa.
"Hindi naman. Ginagawa ko lang ang work ko. Syangapala, nakaalis na ba sila Mheily?"
"Hah? Oo." Tumango siya. "Pero ang weird nga e. Parang ayaw ni Dennis lumabas ng room niya kanina. Pinilit lang siya ni Mheily."
"Hah?!" Nagtaka ako.
"Ang weird nga talaga. Promise."
Sabay kaming napatingin sa may pinto nang may kumatok. Nakita namin si Ms. Marielle.
"Hi? Kamusta?" Nakangiting pumasok siya sa loob ng room.
"Good morning Marielle." Masayang bati ni Thessa.
Close na sila e.
"Good morning." Bati ko.
"Good morning din sa inyo. Kamusta naman ang pasyente natin?"
"Mababa na ang lagnat niya." Si Thessa.
"Okay na ko."
Ngumiti si Marielle saka naupo sa dulo ng kama ko. "Narinig ko kayong nag-uusap e. Narinig ko na sinabi mo Thessa na ang weird ngayon ni Dennis."
"Hah? Ah, napansin ko lang naman kanina yun." Depensa agad ni Thessa.
Natawa ng mahina si Marielle. "Weird siya talaga ngayon kasi may weird na nangyayari sa kaniya."
"Weird na nangyayari?" Naguguluhan kong tanong.
"Oo. Alam niyo kasi, si Dennis, nuknukan ng swerte yan. Ewan ko ba, basta swerte siya sa mga laro, sa maraming bagay. Pero may weird nangyayari sa kaniya kapag dumadating ang 3rd quarter ng taon."
"Ano yun?" Curious na tanong namin ni Thessa.
"Minamalas siya. Isang linggo siyang minamalas. As in, napapahamak siya. Napipilayan o kung ano anong kamalasan ang dumadapo sa kaniya."
Halala!! Saan ka naman nakakita o nakarinig ng ganun. Parang kwentong barbero naman yun.
"Talaga!?" Sabay pa naming react ni Thessa.
"Oo. At ngayon ang ikalawang araw ng kamalasan niya. Kaya ayaw niyang lumabas ng room." Natawa si Marielle. "Don't worry kasi pinasundan ko naman sila sa mga tao ko para masiguradong ligtas sila. Hihi..."
Nagkatinginan kami ni Thessa.
"Ba't parang natutuwa pa kayo?" Nagtataka kong tanong kay Marielle.
"Hah?! Wala naman." Iling niya. "Matagal ko na kasing kasakasama si Dennis. Mas matanda siya sa akin at hinahangaan ko talaga siya sa mga katangian niya. Matalino siya at strong ang personality. Alam ko na medyo may pagka-playful siya pero kapag dumadating ang mga araw na ganito. Makikita mo kung sino siya talaga. Makikita mo kung gaano ka-vulnerable ang isang Dennis Escaner."
Nagpalitan kami ng tingin ni Thessa.
*****